Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 23

JOSHANE'S POV

Back to school nanaman and as usual back to my condo narin.. Every friday nanaman ang uwi ko sa mansyon. My sariling kotse narin ako dahil natuto na akong mag drive. Thank goodness sa patience ng teacher ko..

First day ngayon at usapan namin ni Elisa na sa school na magkikita.. Yup, sa Branston narin pumapasok si Elisa at graduating student din like me.

Pumasok na ako ng school since first day ngayon ayokong ma late baka maging habit eh.. By the way, nag palit narin ako ng family name from Legaspi to Alvarez!

Nandito na ako sa school at nagpapark na ako ng kotse ko. Pag baba ko ng kotse all eyes on me.. Ha? Anung meron? Parang gulat ang expression ng mga estudyante sa akin.. Nagandahan lang siguro sa akin.. Joke! Naglalakad na ako papuntang bulletin board para icheck ang schedule ko. Nakita ko si Elisa na tumitingin din sa bulletin..

" Hey Elisa, aga natin ah? How are you? " - nag beso beso kaming dalawa..

" Hi Joshane, heto maganda parin! " - sabay flip ng hair niya..

" Classmate tayo? Yay! " natuwa lang ako kasi at least my ka close na ako agad..

" Syempre maganda tayo kaya ganun! " - Elisa

" Anung kunek nun sa pagiging classmates natin? Hahaha.. " natawa ako kasi my pagka kalog din si Elisa. Pero kung titingnan mo siya mukha siyang mataray lalo na kung di mo siya kilala.. Nung una nga natatarayan ako sa mukha niya pero hindi naman pala sa ugali. Siguro mataray lang siya kung mataray din ang kaharap niya..

" Birds with the same feather flock together.. Meaning ang mga magaganda ay nagiging mag classmates.. " - Elisa

" Oo na lang! Haha.. "

" Pupunta ba muna tayo sa GB? (Gforce Building) My oras pa naman tayo eh.. " - Elisa

" Whooahh.. How did you know about GB? " - Ako

" Hello? Cousin ko si Harley at nakukwento niya sa akin ang mga whereabouts nila pati na mga kalokohan nila.. We're close remember?! " - Elisa

Oo nga pala, i almost forgot na super close pala silang dalawa. Pumunta na kami sa GB while on our way nakasalubong namin ang grupo ni Lovelee.. Oh great! Give me a break!!

" So? Akala ko hindi na kita makikita this school year?! Ang kapal din talaga ng mukha mong ipagsiksikan ang sarili mo dito sa Branston.. Gosh! " - Lovelee

" Hey watch out lady! Who do you think you are? Masyadong matabil ang tabas ng dila mo! Kung yan ang definition mo ng makapal ang mukha, so anung tawag mo sa mukha mo? Semento?! Makapal na nga matigas pa!! " - Elisa

" At sino ka naman? Wag kang epal okay?! I bet isa ka sa mga scholar na kalahi ng Joshane na yan.. Hampas lupa!! " - Lovelee

" Wow ha?! Hampas lupa pala tawag mo sa akin!! Kung patalsikin kaya kita dito sa Branston my magagawa ka kaya? By the way, Elisa Branston is my name! So back off slut! " - Elisa

Biglang natigilan si Lovelee, yung mga kasama naman niya ayun biglang napaatras.. Ugh! Coward!!

" You cant do that!! You're just threatening me! Well guess what? I'm not scared! " ngumisi lang si Lovelee.. Tinaasan lang siya ng kilay ni Elisa..

" You think so?! Not scared daw?! Okay so much for these nonsense arguements! I can't believe i wasted my time to a nonsense person.. Lets go Joshane! " - ELISA

Naiwan naming inis na inis si Lovelee.. Tawa naman ng tawa si Elisa sa nangyari.. Di na ako nagtataka kung once in a while lumalabas ang pagiging bitch ni Elisa. I told you bitch sya pag bitch ang kaharap niya..

Gforce building! Pagkapasok namin sa loob aba ang ingay na ng lima.. Same routine parin, si Peter at Harley nag bibilliard. Si Tristan naman naglalaro ng xbox kasama si JL at si Kelvin? Ayun my kausap sa phone.. My bago pa ba sakanya?!

" Hello boys! Pwedeng sumali? " - Elisa

Kinakausap niya sila Harley at Peter. Bigla namang napatingin si Tristan sa amin na halos lumuwa ang mga mata niya pagkakita ky Elisa.. Alam mo na magkaaway ang dalawa..

" What is she doing here? " - Tristan

Di ko alam kung kanino niya yun tinatanong.. Basta nakatingin lang siya ky Elisa na parang gusto niyang patayin sa tingin.. Sama!

" Bakit mo tinatanong? Interesado ka lang sa akin eh! Hmp!! " - Elisa

Oh oh.. Gyera nanaman ito! Bakit kasi galit sila sa isa't isa? Sabi ni Harley it all started with a slap! Sinampal daw kasi ni Elisa si Tristan dati kaya ayun simula nun inis na si Tristan sakanya.. Tingin niyo ba magkakagusto sila sa isa' isa? Parang aso't pusa kasi sila na laging nag babangayan..

" Kapal mo ha?! Di ka nga attractive eh.. Di ka rin maganda so don't assume na interesado ako sayo! Dream on! " - Tristan

" Hoy akala mo ang gwapo mo? Kahit ikaw na lang ang nag iisang lalake sa mundo i will never ever like you dork!! " - Elisa

" At kahit ikaw na lang ang babae sa mundo mas gugustuhin ko pang tumanda mag isa kesa makasama ang katulad mo na ubod ng sungit at pangit pa! No wonder wala kang boyfriend dahil walang nagkakagusto sayo dahil masama ang ugali mo?! " - Tristan

Kaming lima nakatingin lang sakanilang dalawa. Walang my balak na awatin sila sakanilang sagutan.. First day na first day pero marami ang hyper!

" Go to hell jerk!! " - Elisa

" Are you inviting me to your place? Sorry i'm not interested!! " - Tristan

Tinalikuran na niya si Elisa.. Yun na yata ang end ng bangayan nila....... For today! Pero grabe din pala si Tristan ha?! Ito yung other side niya. Nakakairita pero ang cool lang niya makipag sagutan ky Elisa.. Hmmm.. Tingin ko my future ang dalawang ito.. Future na maging sila.. Hehe

" I hate you Tristan!! " - Elisa

" Don't worry, the feeling is mutual! " Then he smirk! Kala ko tapos na pero my continuation pa yata?!

" Insan, pumunta ba kayo ni Joshane dito para mag sabog ng init ng ulo? Hahaha.. " - Harley

Oh no! Wrong move babe! Sinamaan lang siya ng tingin ni Elisa.. Samantalang ang ibang boys halatang pinipigilan ang tumawa..

" Elisa, pasok na tayo sa first subject natin! Baka masira pa ang beauty mo kapag di kapa tumigil sa pakikipag sagutan ky Tristan.. " - Ako

" Wala naman yang ikinaganda!! " - Tristan

" Shut up Tristan!! Baka sa sobrang away niyo ni Elisa baka madevelop ka sakanya... " - Kinindatan ko siya!

Nakita naman ni Harley ang pag kindat ko kaya nainis naman siya sa akin..

" Babe, wag ka ngang kumindat sa mokong na Tristan na yan!! Bangasan ko mukha niyan eh! " - Harley

Eh? Napakaseloso talaga ng mokong nato.. Pantanggal awkward lang naman ang pagkindat ko.. Wala namang meaning yun eh..

" Ewan ko sayo babe! Aalis na kami baka dumanak pa ang dugo dito pag nagtagal pa kami! " - Sabay hila ko ky Elisa palabas ng GB..

Pumasok na kami sa room namin and to my surprise classmate ko pa si Tricia and well si Lovelee.. Lahat nakatingin sa amin lalo na si Lovelee na nakataas pa talaga ang kilay niya?! Sarap ipashave ng kilay niya promise!

Dumiretso kami ni Elisa sa likod sa mismong tabi ni Tricia.. Dun na lang kasi ang bakante na upuan kaya wala akong choice kundi doon umupo. Yung seating arrangement namin ay ganito Elisa-Ako-Tricia.. Pag kaupo ko sa upuan ko tiningnan lang ako ni Tricia pero hindi siya ngumingiti sa akin.. Ayos lang naman sa akin na hindi niya ako kausapin basta ba hindi niya ako tatarayan..

Since first day ngayon hindi muna mag lelecture ang prof namin. Nasa getting to know stage lang kami.. Marami din kasing new faces at transferees kaya kelangan namin magpakilala sa isa't isa.. Next na magpapakilala si Elisa. Tumayo na siya at pumunta sa unahan namin..

" Hello everyone! I'm Elisa Branston a transferee student from other school.. " - Ngumiti siya sa lahat at ng madako ang tingin niya ky Lovelee tinaasan lang niya ito ng kanyang kilay! Lumakad na siya pabalik sa kanyang upuan..

Now its my turn! Ngayon ko na gagamitin ang tunay kong apelyido at aaminin ko na medyo kinakabahan ako.. Tumayo na ako at pumunta sa gitna pero bago pa ako makarating sa gitna pinatid ako ni Lovelee at muntik na akong madapa! Buti nalang napahawak ako sa upuan ng classmate ko.. Walangya talaga ang impaktang Lovelee na to..

Nakita naman ni Elisa ang ginawang pag patid ni Lovelee sa akin at lalapitan na niya sana ako pero pinigilan siya ni Tricia.. Dumiretso naman ako ng tayo at pumunta na sa gitna..

" What a scene! Hello everyone?! I'm Joshane Querah Alvarez, old student and a previous scholar of this school! " - Ngumiti ako sa lahat at kita sa mukha nila ang pagtataka na iba na ang apelyido ko. Nang madako ang tingin ko ky Lovelee tinaasan niya ako ng kilay pero tumingin lang ako sakanya at nag smirk! Bumalik na ako sa upuan ko at tumayo naman si Tricia..

" Tricia Javier here.. I'm not here for friendship so don't try to make friends with me coz i'm not interested.. I'm here to study so please bitches get lost!! " Pagkatapos niyang magpakilala bumalik na siya sa upuan niya.. Tiningnan ko siya pero inirapan lang niya ako.. Tss.. But why do i have this feeling na kahit mataray siya at binully niya ako noon unti unting gumagaan ang loob ko sakanya?! That's weird!

After ng pagpapakilala namin sa isa't isa lumabas na ang prof namin.. Naiwan kami sa room kahit di pa tapos ang klase namin. Sabi kasi ng prof namin na hintayin nalang namin ang bell bago lumabas..

Nilapitan ni Elisa si Tricia at kinausap ito.. Syempre hindi siya pinansin ni Tricia kasi nga diba ayaw niya makipag kaibigan..

" Hi, i'm Elisa i know ayaw mong makipag friends sa iba pero i like your attitude.. Kung sakaling mag bago ang isip mo we're just here.. Okay?! " - Elisa

" Whatever! " - Tricia

Ngumiti lang si Elisa sakanya at bumalik na sa upuan niya! Maya maya lang nag bell na para sa breaktime! Lumabas na ang lahat at kaming tatlo ang nahuling lumabas ng room..

" Elisa right? Thanks sa pag approach sa akin despite what i've said earlier.. And Joshane, alam ko na binully kita before but i have my reasons kung bakit ganito ako sa lahat.. Pero trust me, i don't hate you! Pero ito lang ang masasabi ko sayo, buksan mo ang mga mata mo wag kang padadala sa mga taong ngumingiti sayo kasi hindi lahat ng ngumingiti sayo ay matatawag mong tunay na kaibigan.. " - Tricia

Umalis na si Tricia pero napaisip ako sa sinabi niya. Anung ibig niyang sabihin? My alam ba siya na hindi ko alam? Bakit niya na sabi na hindi lahat ng taong ngumingiti sa akin ay matatawag ko na tunay na kaibigan? Hay! Ewan!

" Anung ibig sabihin ni Tricia? And wait, did she bully you? " - Elisa

" Di ko alam kung anung ibig niyang sabihin.. And yes, she used to bully me! Pero tinigilan na niya ako.. Nagulat nga ako na kinausap niya tayo kanina.. " - Papunta na kami ngayon ng canteen at nakasalubong namin sila Celine, Lia at Cherry. Nginitian ako ni Celine pero inirapan lang ako ng dalawang impakta.. Pakialam ko naman sakanila?!

" Hi bez, pupunta kayo ng canteen? At sino naman ang kasama mo? " - Celine

" Yup! Oh, this is Elisa.. Elisa meet my friend Celine and those are Cherry and Lia, Celine's friends.. "

" Hi there, nice to meet you! " - Elisa

Nakipag handshake siya ky Celine at tinaasan lang niya ng kilay ang dalawang impakta.. Impakta tawag ko sa mga taong masama ang ugali..

" Wanna join us? Sa canteen din kasi kami pupunta diba girls?! " - Celine

" Celine, wag na nating isama yang dalawang yan.. Dapat nga hindi ka nakikipag kaibigan sa mga scholar dahil di mo sila ka level.. Ewww.. " - Lia

Nagpanting naman ang tenga ni Elisa sa sinabi ng impaktang si Lia..

" Sa unang tingin ko palang sayo alam ko ng maitim ang budhi mo at hindi nga ako nagkamali.. What's wrong of being a scholar? Buti nga ang scholar my brain.. Ikaw naman bird brain!! Wag kang magtaray dahil ang pagtataray para lang sa mga magaganda at hindi ka kasama dun!! " - Elisa

" How dare you?! Scholar ka lang dito kaya wag kang ilusyunada! "'- Lia

" Who told you that?! Sorry to disappoint you but i'm not a scholar and i wish i am.. Buti pa nga ang scholar my utak pa na pwedeng ipag mayabang samantalang ikaw wala ka na ngang utak wala ka pang ikinaganda?! " - Elisa

Namumula sa galit si Lia dahil sa mga sinabi ni Elisa.. Hinila ko na papuntang canteen si Elisa at halos lahat ng tao sa amin na nakatingin.. Sumisigaw ba naman kasi si Lia bagay na hindi ginagawa ni Elisa..

Lalampasan na sana ni Elisa si Lia pero hinablot ni Lia ang braso ni Elisa at sabay sampal sa mukha ni Lia pero bago pa lumapat ang palad ni Lia sa mukha ni Elisa napigilan ko na ito..

" Sumusobra kana Lia! Inaano kaba namin para manggalaiti ka sa amin? Subukan mo lang na sampalin isa sa amin at ipapakita ko sayo kung paano magalit ang isang scholar na kagaya ko!! " - Umalis na kami at iniwan namin si Lia na nagpupuyos sa galit.. Wala namang ginawa si Celine sa nangyari nakatayo lang siya dun na parang walang pakialam..

Pumunta kami sa canteen at bumili na ng food namin.. Wala pa ang Gforce kaya kami lang ni Elisa ang nasa isang table na malaki..

" Thanks nga pala kanina sa pagpigil sa pananampal ni Lia.. Hindi ko alam kung bakit marami kang haters samantalang kung kilalanin ka talaga nila sobrang bait mo.. " - Elisa

Tama naman si Elisa marami talaga akong haters dito sa Branston.. Isang dahilan na dun si Harley.. Marami kasing nagkakagusto ky Harley pero ni isa sakanila hindi pinansin ni Harley na kung tutuusin di hamak na bagay sila sakanya kesa sa akin..

" Sinabi mo pa! Siguro dahil nagkagusto si Harley sa akin. Alam mo namang maraming nagkakagusto sa pinsan mo.. "

" Malamang isa yun sa dahilan kasi alam nila na scholar ka at ang baba ng tingin nila sa mga scholar.. Di pa ba nila alam na anak ka ng may ari ng Alqueraz mall? " - Elisa

" Nope! At wala akong balak na ipaalam sakanila.. What for? Hindi naman basehan ang antas ng pamumuhay sa pakikipag kaibigan diba?! Kung ayaw nila sa akin dahil nakilala nila ako na mahirap wala na akong magagawa dun! " - Kinain ko na ang lasagna ko.. Habang kumakain kami my isang babae na lumapit sa table namin..

" Excuse me, pwede ba akong makishare sa table niyo? " - Girl

" Sure! Di naman namin pag aari ang table na to.. " - Elisa

" Thanks! Ako nga pala si Paige Allison Ferrer.. My friends call me Paige.. " - Paige

" I'm Elisa Branston and this is Joshane Querah Alvarez " - Elisa

Nakipag handshake siya sa amin.. Kain kami ng kain ng lumapit sila Tricia at ang grupo niya sa amin..

" Pwede din ba kami makishare sa table niyo? " - Tricia

Nagulat sina Ruby at Crystal sa ginawa ni Tricia.. Sino ba naman ang hindi? Queen Bee kasi si Tricia at inaaway niya ako dati kaya magtataka talaga sila kung bakit dito pa pinili ni Tricia na umupo sa table namin..

" Sure upo kayo! " - Elisa

" Tricia, are you sure gusto mong umupo dito? Remember, si Joshane kasama natin dito sa table.. " Crystal

" Shut up Crystal! Kelan pa kita binigyan ng permiso na pangunahan ang desisyon ko? I said we will sit here and that's final! Kung ayaw mong umupo dito feel free to leave! " - Tricia

" Sorry Trish! Sabi ko nga dito tayo uupo eh.. " - Crystal

" Sino naman siya? Bagong recruit niyo? " -Tanong ni Tricia habang nakaturo ky Paige..

" Oh, Tricia siya si Paige Allison Ferrer.. Paige, sila naman si Tricia, Crystal and Ruby.. - Pagpapakilala ko sakanila.. Nagsitanguan lang silang apat..

" Well, well, well.. Look whose here?! A group of Losers!! Hahaha.. Tricia, kelan kapa nakikipag salamuha sa mga Losers? Don' t tell me part ka narin ng grupo nila?! " - Elle

" Are you refering to yourself Elle?! Di na ako nagtataka kasi una palang loser kana at kahit kelan di mo ako matatalo!! " - Tricia

" Sorry ka nalang Tricia pero mas lamang ako sayo! At mas lalo pa akong lamang dahil wala akong mga kaibigan na kagaya ng mga kaibigan mo!! " - Elle

" Bitch please!! Are you done with your speech? We're eating here and we're not interested sa mga pinaglalaban mo! Get lost! " - Tricia

" Bitch- " - Elle

" Yes i'm a BITCH, beautiful individual that create haters.. Done? " - Tricia

" Arrgghhhh... I hate you! " - Elle

" Likewise! "- Tricia

At nag walk out na ang grupo ni Elle.. Kami naman natahimik sa sagutan ng dalawa at kumakain lang.. Grabe, first day of school marami na agad ang mga pasabog!

Dumating din sa wakas ang Gforce! Nagulat sila dahil kasama namin sa table ang grupo ni Tricia.. Bigla namang ngumiti ng pagkalapad si JL.. Baliw lang ang peg?!

" Hi Tricia, bakit ang ganda mo? " - JL

Hmmm.. My gusto ba si JL ky Tricia? Obvious naman eh kaya lang inirapan lang siya ni Tricia..

" Di ko alam at tigilan mo ako damuho ka! " - Tricia

" Ang taray talaga ng mahal ko! " - JL

At nag pout pa talaga siya ha?! OMG! New loveteam kaya? LouCia? Not bad!! Hehe.. My isa pa palang loveteam ang TriLisa.. Wahahaha.. Si Kelvin parang marami namang babae yan eh. Si Peter nalang ang kulang.. Sana makahanap din siya ng magiging girlfriend niya! Crush ko siya pero mahal ko kasi si Harley at alam ko na my nakalaan talaga para ky Peter at ipagdadasal ko yan ky Lord..

" Mahal mo your face! Makaalis na nga dito.. Nasusuffocate ako dahil sayo JL.. " - Tricia

" Mouth to mouth kita para magkaroon ka ng hangin? " - JL

At kininditan niya si Tricia.. Kaya sa inis ni Tricia ayun nag walk out na..

" JL, ang babae nililigawan yan at hindi mo makukuha sila sa paganyan ganyan lang.. Mas lalo lang maiirita sayo si Tricia kung ganyan ang way ng pag approach mo sakanya.. Trust me! " - Ako

Feel ko kasing mag bigay ng advice eh. Totoo naman eh, di madadala kaming mga babae sa mga pahangin lang bagkus mas lalo lang kaming maiinis sa kayabangan ng isang tao..

" Wow! Expert ha?! " - Tristan

" Tumahimik ka nga Tristan! Anu ba alam mo sa aming mga babae? Ang alam mo lang naman puro laro sa gameboy mo eh!! " - Elisa

" Epal ka talaga Elisa! Wag kang mag alala kung magkakagusto man ako sa babae sisiguraduhin kong hindi sayo.. At para sa kaalaman mo marami akong alam sa mga babae!! " - Tristan

At yun na po ang simula ng bangayan nila.. KALOKA ang araw na to promise!!

" Guys, bago kayo mag patayan diyan my kasama tayong bago.. Meet Paige Allison Ferrer.. Sila naman ang Gforce.. Si Harley, Tristan, JL, Kelvin at Peter.." -Ako

Ngumiti siya sa lima at nakipag kamay naman silang lima ky Paige.. Halos di naman maalis ang tingin ni Peter ky Paige.. Malakas ba ako sayo Lord? Kasi kanina ko lang sinabi na ipagdadasal ko na makahanap si Peter ng para sakanya at ngayon nga ang tindi ng tingin ni Peter ky Paige.. Sign na ba ito?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.