TRICIA'S POV
School.. Ito yung place na kinaiinisan ko at the same time nag bibigay ng excitement sa buhay ko. Bakit? Itanong mo ky google or ky simisimi. Joke! Nandito kasi sa school ang mga taong masarap ibully.
Okay na sana ang araw ko dahil nasupalpal ko nanaman si Elle. Na bwiset lang ako nung dumating ang Gforce at makita ko ang pangit na mukha ni JL. Mukha pa lang niya ang nakita ko sira na agad ang araw ko! Ganun katindi ang impact ng kapangitan niya. Ewan ko nga kung bakit maraming malalanding babae ang nahuhumaling diyan samantalang di naman siya gwapo sa paningin ko?!
Pero alam niyo ba kung bakit galit ako sa mga lalake? Maliban dun ky Harley syempre. Dati kasi di naman talaga ako manhater. Naalala niyo pa ba yung lalakeng gusto ko way back in highschool? Yung nagustuhan din ng ex bestfriend ko? Pinahiya ako dun ng ex bestfriend ko sa guy na yun at ang nangyari mas kinampihan ng tukmol na yun ang impakta kong ex bestfriend kaya mas lalo akong nagalit. At heto pa, ang akala ko kasi dati na siya na ang Mr. Right ko pero nung sinabi niya sa akin na kaya niya lang ako niligawan ay dahil sa pustahan bigla talaga akong nag transform sa pagiging evil. Akala ko ideal boyfriend siya yun pala certified playboy ang loko.. Buti pa nga si JL certified playboy pero handang magpaka ideal boyfriend para sa akin. Wait, did i really said that?! Bakit ba bigla ko siyang naisip? Hay ewan!
Alam niyo rin ba na ginawa ko narin ang maghabol noon? Kahit maganda ako which is obvious naman ay nagawa ko narin mag habol sa isang lalake. Pero maganda lang ang my karapatang mag habol kaya kung pangit ka tigilan mo na kasi wala kang pag asa!
Ang tunay na maganda kasi hindi takot mag habol sa taong mahal nila. But know your limits, hindi porket pinahintulutan na mag habol ka ay maghahabol ka nalang kahit na alam mong nag mumukha ka ng tanga. Dapat alam mo kung kelan ka titigil sa paghabol. Kasi ang mga magaganda like me mag eeffort yan pero pag alam nilang di naman deserving yung taong yun saka sila titigil. Sayang naman ang ganda mo kung mapupunta ka lang sa walang kwentang tao. At WAG na WAG mong gagawing habit ang pag hahabol. Mag habol ka ng isang beses enough na yun kasi kung pangalawang beses na ay te kadesperadahan na yun na patungo sa kapangitan kagaya mo! *smirk*
Simple tips yan na pwedeng iapply mo at kung ayaw mo paki ko?!
Sa school ulit.. Papasok palang ang kotse ko sa gate marami ng mga estudyante na nagkukumpulan sa gate. Alam ko na maganda ako at mukhang artista pero di naman kelangan na mag kumpulan sila sa gate. Nakakasagabal sila sa dadaanan ko, kung sagasaan ko kaya sila? Ay wag na lang pala baka madumihan pa ang mamahalin kong kotse.
Pag baba ko ng kotse my biglang lumapit sa akin na estudyante at binigyan ako ng isang stem ng.. Rose? Seriously? Tatarayan ko na sana ang babaeng nagbigay nun sa akin ng my nagbigay ulit at nagsipag sunuran na ang ibang estudyante sa pag bigay ng red roses sa akin. Wala naman akong ginawa kundi tanggapin lahat ng yun. So ang hawak kong roses ay labing isa, diba dapat one dozen yun? Bakit kulang? Tss.. At biglang lumabas si JL sa nagkukumpulang mga estudyante. My hawak siyang isang stem ng rose at sa kabilang kamay ay teddy bear at balloons..
Di ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko. Pero aaminin ko kinilig ako sa ginawa niyang ito. Di ko na nga halos matandaan kung kelan ako last na kinilig dahil sa lalake. Tanging pag ihi na lang kasi ang naging dahilan ng pagkakilig ko.
" This is for you! Hope you like it. " -JL
Dahil mataray ako at ayokong bigyan siya ng dahilan na maisahan ako tinarayan ko siya..
" Anung akala mo sa akin bubuyog na kelangan ng bulaklak? At hindi ako bata para bigyan mo ng teddy bear at balloons! Kung yan lang din naman afford kong bumili niyan!! "- Bigla naman nag iba ang expression ng mukha niya. Nawala yung ngiti niya at bigla siyang nalungkot. Pero agad din siyang ngumiti sa akin.
" Ganyan ka ba talaga sa mga manliligaw mo? Okay lang naman sa akin at least alam ko na hindi mo sila binibigyan ng special treatment. Pero it doesn't mean na mapapasuko mo na ako sa panliligaw ko. Simula pa lang ito ng panliligaw ko sayo Trish. " - JL
" Anu ba ang hindi mo maintindihan sa word na AYAW? Bakit di nalang ang mga babaeng nahuhumaling sayo ang ligawan mo? Tiyak matutuwa pa sila pag ginawa mo yun sakanila.. " - Humakbang na ako para umalis. Nakailang hakbang palang ako ng mag salita siya ulit.
" Alam mo ba kung bakit ikaw ang nagustuhan ko kahit sobrang taray mo?"- JL
" HINDI AKO INTERESADO! "- Ako
" Sasabihin ko parin sayo. Kasi ikaw lang ang nag iisang babae na hindi natatalaban ng charm ko. Na isa din sa mga qualifications ko sa isang babae. Gusto ko kasi na mahalin ako ng isang babae hindi lang sa pang labas na anyo ko. Alam ko gwapo ako pero gusto ko din madiskubre niya na hindi lang kagwapohan ang meron ako kundi marami pa. " - JL
Sa narinig ko para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang ugali ni JL parang katulad din ng ugali ko ang kaibahan lang ay mataray ako at siya sobrang friendly sa mga babae. Pero tama ba ang narinig ko? Ayaw niya na magustuhan siya ng babae dahil lang sa gwapo siya kundi dahil sa ibang mga katangian niya..
" Alam ko naging mayabang ang dating ko sayo at alam ko na playboy ang tingin mo sa akin. Di ko yun itatanggi pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon na mapatunayan sayo na kahit ang isang playboy na kagaya ko handang magbago para sa babaeng mahal niya. Whether you like it or not liligawan kita hanggang sa tanggapin mo ang pag ibig ko sayo! " - JL
Naglakad na ako, wala naman pala akong choice kasi liligawan at liligawan niya parin ako kahit di ko siya payagan.
" Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? " - JL
Aba, at my pahabol pa talaga?!Huminga ako mg malalim at humarap sakanya. Kinalma ko ang sarili ko para di ako magtaray.
" Anu pa ba ang dapat kong sabihin? Nag speech kana at hindi mo naman ako binigyan ng chance na makasagot. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil wala akong pakialam. " At tuluyan na akong umalis doon. Kahit napapasmile na ako sa effort niya di ko parin yun pinakita sakanya. Pahihirapan ko muna siya.
Pagdating ko sa room ang iingay ng mga classmates ko. Daig pa nila ang mga tindera sa palengke sa sobrang ingay nila. Alam niyo kung anung ginagawa nila? Ayun nagchichismisan, my nagpapapansin at kung anu anu pang kahampas lupang gawain ang mga pinanggagawa nila. Umupo na ako sa upuan ko alangan sa lamesa diba? Tiningnan ako ni Joshane at syempre di kami close kaya inirapan ko siya.
" Ehem! " - Joshane
" My nakabara ba sa lalamunan mo? Kung maka 'ehem' ka daig mo pa ang minamalat! " Sarcastic kong sabi sakanya..
" K-kasi tatanung ko lang sayo kung gusto mong sumabay sa amin mamayang break time?! " - Joshane
Bobo ba ito o tanga? Pareho na nga lang. Ewan ko ba kung paanu siya naging scholar? Kasi minsan parang di ginagamit ang utak!
" Sabay sabay naman ang break time nating lahat diba?! Bakit mo pa ako tinatanong? Unless kung ngayon kana mag brebreak time malamang di tayo sabay nun. Stupid! " - Di ko nanaman napigilan ang pagtataray ko. Magtatanong lang din naman yung nonsense pa. Uso gumamit ng common sense no?!
" Wag namang ganyan Tricia, gusto ka lang naman maging close namin kaya ka tinatanong ni Joshane! " - Elisa
Sawsaw talaga ang babaeng to, pasalamat sila at magaan ang loob ko sakanila. Di ko na kasi matanggal sa sistema ko ang pagtataray. Kaya deal with it!
" Fine! Pasensya na sa pagtataray ko pero dapat matuto karin magtaray once in a while para di ka binubully. " - Sabi ko yun ky Joshane. Sawang sawa na kasi ako na lagi ko nalang siyang nakikitang mahina.
Dumating na ang prof namin at nag umpisa ng mag lecture. BORING! Yan ang topic niya i mean lahat ng lectures niya! Gusto ko ng matapos ang klase niya pero wala akong magagawa kundi maghintay ng bell. Ayoko namang idrop ang klase niya baka mawalan ako ng mana kapag hindi ako makapag graduate this year. Binalaan na kasi ako ng parents ko na kapag bumagsak ako at hindi maka graduate this year tatanggalan nila ako ng mana. Ganun ka strict ang parents ko kaya nga tiklop ako sakanila.
Break time.. Paborito ng lahat na stupidyante! Sila lang yun hindi ako kasama sa pagiging stupid nila. Nasa isang table kami kasama sila Crystal, Ruby, Elisa, Joshane at yung bagong recruit nilang si Paige ba yun?! Ah basta yun na yun..
Dumaan sa table namin ang grupo ni plastic a.k.a Celine. Pinansin naman siya ni Joshane at ngumiti naman ang bruha sakanya. Bulag ba talaga itong si Joshane? Di ba niya nahahalata na pinaplastic lang siya nitong Celine na to?!
" Hi Bez, lagi mo nalang silang kasama. Kelan kaya tayo magkakaroon ng time na magkasama? " - Celine
" Why don't you join us?! Mas marami mas masaya.. " - Joshane
Anu? Pauupuin niya pa dito ang grupo ng mga plastic dito? Di yata pwede yan.
" Okay lang ba sakanila bez? "-sabay turo sa amin ni Celine.
" Celine, ayoko nga silang makasama. Mamaya niyan mahawa pa kami sa pagiging loser nila. Marami pa namang available na table eh.. "sabay irap ni Cherry.
Tiningnan ng masama ni Celine si Cherry. Natahimik naman si Cherry sa ginawa ni Celine.
" Ang mga Losers kayo yun. At please lang ha? Lumayo layo kayo sa amin baka mahawa pa kami sa inyo. And one more thing, Celine ang plastic nilalagyan yan hindi inuugali. " Tinaasan ko sila ng kilay ko. Nasa hate list ko narin pala ang mga plastic kung dati tanga at bobo lang ngayon kasama na pati plastic.
" Shut up Tricia! Baka ikaw ang plastic dito. Remember, inaaway mo si Joshane dati at ako ang nagtatanggol sakanya sayo. Now, tell me kung sino sa atin ang plastic? " - Celine
" Ikaw! Kasi kung tunay kang kaibigan hindi mo dapat hinahayaan na pag salitaan ng masama si Joshane ng mga impakta mong kasama!! " - Ngumiti ako sakanya ng pagkalapad ngiting tagumpay.Akala niya masasapawan niya ang katarayan ko?! Ako lang ang pwedeng maging maldita at hindi siya.
Nag walk out ang grupo ng mga plastic. Si Joshane naman nakatungo lang siguro naisip niya rin yung mga sinabi ko. Bago pa dumating ang Gforce umalis na ako sa cafeteria.
Papunta ako ng locker ko kasi iniwan ko dun ang hand sanitizer ko. Pag bukas ko ng locker tumambad ang mga bulaklak na binigay ni JL sa akin pati na yung teddy bear. Yung mga balloons naman binigay ko ky Crystal nainggit kasi ang bruha.
Pag makita ko na seryoso talaga si JL baka iconsider ko siya. Well, di naman siya pangit talaga sinasabi ko lang yun pag naiinis ako sakanya. Ayaw ko lang din sabihin sakanya na gwapo siya kasi for sure lalaki ang ulo nun..
Kinuha ko na ang hand sanitizer ko at ibang mga gamit ko dahil ibang subject nanaman mamaya. Pag lingon ko muntik ko ng mabangga si JL panu ba naman sobrang lapit niya sa akin?! Wait, kanina pa ba siya nakasunod sa akin?
" Kelan pa kita naging stalker? " Pagtataray ko sakanya. Nakakainis kasi sa lahat ng ayaw ko yung my bumubuntot sa akin na lalake. Anu siya aso?!
" Sa gwapo kong to stalker lang? Admirer mo ko at hindi stalker. Para lang sa pangit ang stalker okay?! " -JL
Lumabas nanaman ang pagka hambog ng isang to. Dahil ayaw kong maisahan ng kumag na to syempre taray mode on nanaman..
" Kaya nga stalker tawag ko sayo kasi PANGIT KA. Ang lakas ng hangin mo para magyabang daig mo pa ang bagyong Yolanda sa sobrang lakas ng hangin mo. Lemme guess, signal number 5 ka siguro?! " - Bigla nalang nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sakanya.
" Grabe ka naman! Nakakasakit kana ng damdamin alam mo ba yun? Mali ba na minahal kita? Masama ba na mag bago ang isang playboy para sa taong mahal niya? Pero kung ayaw mo talaga sa akin wala akong magagawa. Pero hayaan mo lang na mahalin kita at gawin yung magpapasaya sayo kahit pa alam ko na hindi ka natutuwa sa mga efforts ko. Hayaan mo lang ako na iparamdam sayo na kahit ganyan ka mahal kita at hindi yun magbabago kahit saktan mo lang ako. Choice ko naman ito at alam ko na ito lang makapag pasaya sa akin kahit alam kong malabo na magustuhan mo ako. " Pagkatapos niyang sabihin yun tumalikod na siya at umalis.
Nahabag naman ako sa sinabi niya sa akin. Alam ko wala pa akong gusto sakanya pero hindi naman malabong mangyari na mahulog ako sakanya. Tao lang din naman ako at aaminin ko na siya lang ang lalakeng nag effort ng ganito sa akin. Ni hindi man lang siya natinag or na discourage sa pagiging mataray ko. Pero ayaw ko lang ipakita sakanya ang kahinaan ko. At ayoko ng bumalik sa pagiging mahina dahil hindi naging maganda ang resulta nito sa akin. Naappreciate ko naman lahat ng efforts niya yun nga lang di lang halata. Darating din kami sa part na masusuklian ko ang feelings niya kung hindi siya susuko..
JUSTINE LOUISE POV
Pagkatapos ng tagpo namin ni Tricia sa locker umalis na ako ng school. Papunta ako ngayon sa bar ni Peter natawagan ko narin siya na pupunta ako dun. Pag ganito na depressed ako gusto kong uminom, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak.
Pagkarating ko sa bar dumiretso na ako sa counter at umorder na ng drinks sa bar tender. Di ako malakas uminom at di ako masyadong umiinom ng hard drinks. Pero sa oras na to yun lang yata ang gusto kong gawin ang uminom ng hard drinks. Tinungga ko na ang alak na binigay ng bartender sa akin. Naka ilang shots narin ako ng maramdaman ko ang pag upo ng lalake sa tabi ko.
Di ako tumitingin sa mga katabi ko at patuloy lang ako sa pag inom. Dahil sa depression ko matagal tumama ang alak sa akin.
" Hey, dahan dahan lang dude. Parang wala ng bukas kung uminom ka ah? Tell me, anung problema mo? " - Peter
Lumingon ako sa nagsasalita, kala ko kung sinong epal at susuntukin ko na sana siya pero nakita ko si Peter kaya nakalma ko ang sarili ko..
" Bakit ganun dude? Kung kelan handa na akong mag seryoso sa babae saka naman ako binabalewala. Nirereject ako ni Tricia. Lagi niya na lang akong pinagsasalitaan ng masama. Ganito pala ang pakiramdam ng nareject? Di ako sanay sa ganito, dati ako ang binibigyan ng atensyon pero ngayon ako ang nag bibigay ng atensyon sa taong hindi interesado sa atensyon ko. Fvck! Karma ko na yata ito sa lahat ng mga kalokohan ko sa mga babae. " Nasasaktan lang kasi ako sa mga nangyayari. Buti nga nandito si Peter para makinig sa mga sentimyento ko.
" Alam mo dude unang una, hindi sulosyon ang alak sa problema mo. Kahit lunurin mo pa sarili mo sa alak wala parin itong naitulong sayo kundi dagdag lang sa sakit ng ulo mo. Makakalimot ka nga sandali pero pag nahimasmasan ka nanaman babalik parin ang problema na pilit mong nilulunod sa alak. Pangalawa, kung mahal mo talaga si Tricia gawin mo ang lahat ng magagawa mo at ibigay mo ang best mo dito. Ipakita mo sakanya na deserving kang mahalin sa pamamagitan ng pag babago mo for the better. Kung hindi parin niya yun makita at maappreciate dun ka mag decide kung kelangan mo pa bang magpatuloy sa panliligaw mo o sapat na yun para isuko na siya. Tandaan mo na lahat ng babae hindi madadala sa santong paspasan. Kelangan mo lang ng mahabang patience kasi once na makita niya na deserving kang mahalin, mamahalin karin niya ng higit pa sa inaasahan mo. Darating din ang panahon na masusuklian din niya ang lahat ng efforts at pagmamahal mo sakanya. Just wait and be patience! " - Peter
Pinakinggan ko lahat ng sinabi ni Peter sa akin at sa totoo lang nagulat ako na my ganung words of wisdom si Peter. Wala naman kasi akong naalalang nagka girlfriend siya at napagdaanan ang lahat ng pinagdaanan ko.
" Alam mo dude, kung mag salita ka parang nangyari na sayo lahat ng ito. Sabihin mo nga sa akin, nainlove kana ba dati? " -Curious lang ako eh. Childhood friends kami at matagal narin kaming magkakasama pero wala akong natatandaang nainlove na siya dati.
" Alam mo JL, hindi lahat ng bagay kelangan mong mapagdaanan para lang makapag bigay ng payo. Minsan kasi kelangan mo rin maging open sa lahat ng bagay. Hindi naman kasi lahat ng oras ay magiging okay lang ang lahat. Sabihin na lang natin na masyado lang akong advance kung mag isip. Gusto ko lang din kasi na maging aware sa lahat ng bagay. " - Nginitian lang ako ni Peter pagkatapos. Sa aming lima si Peter ang pinaka tahimik sa lahat. Bihira lang siyang mag salita pero laging my sense ang mga sinasabi. Yung tipong matutumpok niya ang gusto mong iparating sakanya na hindi mo pa nasabi ang lahat. Ang weird din niya eh, my lahing manghuhula yata ang isang to.
" Papa Jack ikaw ba yan? Tss.. Pero seryoso na, salamat sa payo nakatulong ka talaga sa akin. Tama ka naman na hindi sulosyon ang pag inom sa problema. Kaya pwede mo ng ipasarado itong bar mo. Wala naman itong magandang maitutulong sa mga tao. " - Hinampas lang niya ako sa braso. " Di man nakatulong ang alak sa problema ko malaki naman ang nagawa ng payo mo sa akin. Nabawasan kahit papanu ang bigat ng nararamdaman ko. Kaibigan talaga kitang tunay! " - At itinaas ko ang baso ko na my lamang alak at nag cheers sakanya.
" Gago! Kung ipasara ko ang bar ko wala na tayong matatambayan at sayang dina ng kita dito. Anyways, Wala yun! What are friends are for? Tara na uwi na tayo baka mamaya magkalat kapa dito sa bar ko nakakahiya. " - Peter
" Sige asarin mo pa ako. Pag katapos mo akong payohan aasarin mo lang pala ako?! " Kunwari nalungkot ako pero pagka maya maya ngumiti din ako sakanya. Umuwi na kami at dumiretso na kami sa mga bahay namin.
Sa school.. Nandito ako ngayon sa classroom nila Tricia. Sobrang aga kong nagising para sa gagawin kong panliligaw ky Tricia. Nagkataon naman na maagang dumating si Joshane kaya nagpatulong ako sakanya sa pag prepare ng mga flowers at balloons sa classroom nila. Sangkatutak na balloons ang pinalipad namin sa room na nakabangga na sa ceiling. Alam niyo ba yun? Basta yun na yun ang hirap mag explaine eh. Naglagay din ako ng isang bouquet ng red roses sa ibabaw ng table niya.
" Alam mo JL, hindi ko sukat akalain na super sweet mo pala pag nanliligaw ka. Para kasing si Tom and Jerry kayong dalawa ni Tricia. At sino ba mag aakala na ang isang play boy na kagaya mo ay ganito ka pursigido na manligaw sa isang babae?! Ang swerte ni Tricia sayo kung sakali na sagutin ka niya. Kinikilig ako sa inyo! " - Joshane
" Sweet din naman sayo si Harley ah?! Saka kaming mga Gforce nature na namin ang pagiging sweet sa mga mahal namin. " at kinindatan ko siya. Tumawa naman siya sa ginawa ko. Maswerte din naman si Harley kay Joshane. Mabuti nga at pareho nilang mahal ang isa't isa. Samantalang kami ni Tricia kelangan ko pa siyang suyuin ng todo todo.
" Oo na kayo na ang sweet. Di kaya kayo langgamin sa sobrang sweet niyo?! Anyways, wag kang mawalan ng pag asa ky Tricia. Gawin mo lang ang best mo para mapansin ka din niya. Kapag sinabi na niyang walang chance na maging kayo at itigil mo na ang ginagawa mo saka mo itigil ang panliligaw mo. Malay mo sa pagtigil mo sa mga ginagawa mo para sakanya marealize niya na importante kana rin sakanya at hahanap hanapin niya ang presence mo?! My tamang panahon para sa lahat ng bagay tandaan mo yan. " - Joshane
Tama si Joshane at Peter kelangan ko lang ng patience at gawin ko lang ang best ko kung gusto kong masuklian din ni Tricia ang pagmamahal ko sakanya.
Natapos ko na ang lahat ng preparation ko para sa araw na ito na panliligaw. Sana magustuhan niya ang ginawa ko.
Pumasok na ako sa klase ko at nag lecture na ang prof namin. Pero wala sakanya ang atensyon ko. Parang lumulutang sa hangin ang isip ko, kinakabahan ako na baka di niya magustuhan yung ginawa ko para sakanya. Pero kahit di niya magustuhan at least nag effort ako at nag try. Nasa kanya na yun kung maappreciate niya yun o hindi basta ako ginagawa ko ang best ko para mapansin lang niya ako at para mapatunayan ko sakanya na seryoso ako sa panliligaw ko sakanya.
Break time na at nandito na kami sa cafeteria. Wala ang grupo ni Tricia pero nandito naman sila Joshane, Elisa at si Paige.
" Nagustuhan ba ni Tricia ang mga prinepare ko sakanya kanina? " - Tanong ko ky Joshane.. Tumawa naman si Elisa sa akin.
" Well, wala naman siyang sinabi na hindi niya nagustuhan pero wala din siyang sinabi na nagustuhan niya ito. Basta kinuha niya lang yun at di ko naman nakitang itinapon niya yun sa basurahan. " - Joshane
" Talaga? Ayos na yun at least di niya tinapon. " - Masaya na ako sa narinig ko ky Joshane. Malay mo my chance na maging kami?
" Yuck Ang baduy mo JL, kelan kapa natuto ng mga ganyang ka-cornihan at kabaduyan? " - Kelvin
" Mula nung mainlove ako ky Tricia at pwede ba dude hindi kabaduyan yun. Palibhasa di kapa nainlove kaya di mo maintindihan. Tsk! " - Hay naku, pag si Kelvin ang sumali sa usapan tungkol sa love feeling bitter eh.
" Naku Kelvin, balang araw maiinlove karin sa babae at kakainin mo lahat ng sinabi mo. You'll see! " - Elisa
Tinawanan lang ni Kelvin ang sinabi ni Elisa. Agree naman ako ky Elisa na balang araw makakahanap din ng katapat si Kelvin.
" Tss. Sumabat nanaman ang maraming alam sa pag ibig. Kala mo naman my boyfriend kung makapagsalita. " - Tristan
" PAKIALAM MO BA? IKAW BA KINAKAUSAP KO? SHUT UP, PWEDE BA?! " - Elisa
" EH BAKIT KA SUMISIGAW? NAKALUNOK KA BA NG MEGAPHONE? TOTOO NAMAN ANG SINABI KO NA WALA KA NAMANG BOYFRIEND EH. BAKIT MERON BA? " - Tristan
Basag na ang eardrums namin sa sigawan ng dalawang isip bata dito. Di na ako magtataka kung balang araw magkadevelopan ang dalawang aso't pusa na to. Tsk. Tsk. Tsk..
" EH ANU NAMAN SAYO KUNG WALA AKONG BOYFRIEND? BAKIT AAPPLY KA BA NA MAGING BOYFRIEND KO? ASA KA PA NA TATANGGAPIN KITA NA MAGING BOYFRIEND KO.. "- Elisa
"KAPAL MO!! ASA KA NAMAN NA LILIGAWAN KITA. MAS NANAISIN KO PANG MAGING SINGLE KESA MAGING GIRLFRIEND ANG KAGAYA MONG ISKANDALOSA NA NGA FREAK PA!! " - Tristan
" ABA'T--- " - Elisa
" Hep! Tama na yan! Anu ba naman kayo? Magsisigawan na nga lang kayo sa harap pa ng maraming tao at sa mga tenga pa namin. Maawa naman kayo sa mga eardrums namin. Ayoko pang magkaroon ng hearing aid dahil nabingi kami sa sigawan niyong dalawa! " - Joshane
" Siya kasi eh. " Sabay na sabi nilang dalawa at sabay pa silang nakaturo sa isa't isa..
Tsk! Meant to be talaga! Kelangan lang nila tanggapin ang isa't isa para walang away diba?! Agree ba kayo mga readers?
" Tama na nga yan. Punta na lang tayo sa GB ( Gforce building) Babe, sama ba kayo? " - Harley
" Hindi na baka magpatayan pa ang dalawa pag sumama pa kami dun. Sige punta nalang muna kami ng garden. " - Joshane
Umalis na sila ni Elisa. Hay salamat naman at natahimik din. Di ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit si Tristan ky Elisa at ganun din si Elisa ky Tristan. Nag simula lang naman ang lahat sa pananampal ni Elisa ky Tristan at simula nun di na sila magkasundo. Posible kaya sakanila yung qoute na " The more you hate, the more you love! " ?