THIRD PERSON'S POV
Marami ang nagbago sa buhay ni Joshane mga pangyayaring kelan man di pumasok sa isip niya na posibleng mangyari. Marami ding pagbabago sa mga taong nakapaligid sakanya. Ang dating nambubully sakanya ngayon ay unti unti na niyang nagiging kaibigan.
Wala naman kasing permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Lahat magbabago at kasama na sila sa mga pagbabagong yun. Masasabing masaya ang dalaga sa mga nangyayari sakanya ngayon ngunit di parin niya maiwasang di malungkot sa unti unting pagbabago ng pakitungo ni Celine sakanya.
May time kasi na okay sila ni Celine pero may time na ang cold ng pakitungo ni Celine kay Joshane. At yun ang hindi maintindihan ni Joshane kasi wala naman siyang naaalalang nagawang mali sa kaibigan para pakitunguhan siya ng malamig. Minsan nga iniiwasan siya ni Celine at pagtinitigan niya sa mata si Celine nakikita niya ang matinding poot doon. Bakit kaya?
" Penny for your thought? " -Harley
Di napansin ni Joshane na katabi na niya si Harley at parang di pa niya narinig ang sinabi ni Harley. Bigla na lang kinalabit ni Harley si Joshane dahilan para magulat ang dalaga.
" Ay kabayo! " - Joshane
" Grabe babe, mukha na ba akong kabayo sa paningin mo? Nakaka hurt ka naman.. " Pinalungkot niya ang mukha niya at kunwari na parang nasasaktan si Harley sa sinabi ni Joshane..
" Walanghiya ka! Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo. Gusto mo ba akong mamatay ng maaga? At pwede ba tigilan mo ang pagdadrama di bagay sayo! " - Joshane
" Kanina pa kaya ako dito. Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya di mo ako napansin. Sa sobrang lalim nga hindi ko na mahukay eh. " -Harley
Hinampas naman ng dalaga si Harley dahil sa inis niya dito. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa sobrang gulat niya sa ginawa ni Harley. Kung may sakit lang siya sa puso malamang inatake na siya.
" My iniisip lang kasi ako kaya di kita napansin. Pero wag mo na ulit gagawin ang panggugulat ha? Pasalamat ka wala akong hawak na matigas na bagay kung nagkataon nahampas ko sayo yun ng wala sa oras. " - Joshane
" Opo! At kung may problema ka share it with me. Anung klaseng boyfriend ako kung di kita matulungan sa problema mo diba?! " - At niyakap niya si Joshane at hinalikan sa forehead.
" Okay! Don't worry, wala naman akong problema maliban na lang sa ganda problems ko..Hahaha " - Joshane
PETER'S POV
Unang tingin ko palang sakanya nakuha na niya agad ang atensyon ko. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nung magtama ang aming mga mata alam ko na may something sakanya na nagustuhan ko.
Ang kanyang mga matang punong puno ng emosyon. Na kapag tinitigan mo para kang minamagnet ng kanyang mga tingin. Aww.. Ang corny ko na tuloy, di naman ako ganito nung nagkagusto ako ky Joshane ah?! Basta ang alam ko na special siya unang tingin ko palang sakanya.
" Dude, lalim ng iniisip natin ah? My problema ba? " - Tristan
" Posible kaya ang love at first sight? " - Tanong ko ky Tristan..
Napatingin naman si Tristan sa akin na parang nagtataka. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka sa out of nowhere ko na tanong? Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mga mata ko na parang nagtatanong. Ibinaling niya ang tingin niya sa malayo..
" Lahat naman posible pag dating sa pag ibig kahit pa nga imposible nagiging posible yun sa taong umiibig. May mga bagay kasi sa mundo na mahirap iisplika at mahirap sagutin ng salita lang. May mga katanungan kasi na tanging sa galaw lang ng tao ang kasagutan. " - Tristan
Napaisip ako sa mga sinabi ni Tristan minsan kasi aakalain mo na parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Kaya nakakamangha kapag siya na ang nag sasalita. Parang ako din siya yung kaibahan lang namin is yung pagiging childish niya na lagi naming nakikita sakanya.
" Ang deep ng sinabi mo Tris ah?! Tell me, my pinag dadaanan ka rin ba? "
Ngumiti lang si Tristan pero halatang peke lang ang ngiti niya. Kung ganun my pinagdadaanan nga siya kasi di naman siya yung tipong ngingiti na hindi umaabot sa mata niya. I mean si Tristan kasi yung tipo na kapag ngumiti makikita mo sa mga mata niya ang sincerity ng ngiti niya. Peke lang ang ngiti niya kapag my problema siya at kadalasan di siya nag oopen up tungkol dito. Ayaw niya kasing iisipin namin na mahina siya. Yan ang totoong Tristan may pagka misteryoso ang pagkatao.
" I think i'm inlove with her! " - Mahinang sabi ni Tristan pero sapat na para marinig ko yun.
" With whom? Wait.. You mean with Elisa? " Kahit alam ko na pero parang gusto ko lang na mismo sakanya mang galing ang confirmation. At tumango lang siya bilang pag tugon sa tanong ko.
" How? I thouht you hate each other?! " Naguguluhan ako sa mga rebelasyon ni Tristan. Sino ba mag aakala na maiinlove si Tristan ky Elisa? Parang aso't pusa sila kung mag away na dalawa. Tuwing magkikita sila hindi matatapos ang pagkikita nila na walang bangayan na magaganap.
" I hate her at the same time i love her. Kahit ako naguguluhan sa sarili ko. I hate her for being such an annoying person. Pero gusto ko siya dahil sa mga katangian na meron siya. Yung pagiging fierce niya. Parang wala siyang kinakatakutan na parang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Kahit pinapakitaan niya ako ng masama niyang ugali nakikita ko parin yung magandang ugali niya. Very intimidating ang personality niya. Natatakot lang ako na kapag nalaman niya baka gawin niya itong pang black mail sa akin. Yung bangayan namin yun lang ang way ko ng pakikipag usap sakanya. Yun yung way ko para mapansin niya ako. " - Tristan
Makikita mo sa mukha niya na sobrang nahihirapan siya sa sitwasyon niya. Akala ko ako lang ang may iniisip yun pala si Tristan din at matindi pa yung sakanya. Anu ba ang pwede kong sabihin para mabawasan ang bigat ng loob niya?! Huminga ako ng malalim na para bang kumukuha ako ng lakas mula doon.
" Mahirap nga ang pinag dadaanan mo dude. Alam mo ba na kaduwagan ang pinapakita mo sa amin lalo na kay Elisa? Paano magbabago ang pakitungo sayo ni Elisa kung lagi mo siyang inaaway? Kung talagang mahal mo siya ipakita mo at iparamdam mo sakanya. Ang mga babae mataray lang yan kasi defense mechanism nila yun. Subukan mong iapproach si Elisa in a nice way at baka dun palang magbago na ang tingin niya sayo. Di mo malalaman ang sagot sa mga katanungan mo kung hindi mo aalamin. Tandaan mo, lahat ng mga babae ay pusong mamon. Ipakita mo sakanya ang tunay na ikaw ang Tristan na may kahinaan at marunong din mag mahal. Gawin mo na ang dapat mong gawin bago pa mahuli ang lahat." Ako kaya magagawa ko rin kaya ang mga sinabi ko kay Tristan? Madali kasing mag bigay ng payo sa iba pero pag sa sarili ko na ang hirap palang gawin.
" Who's the lucky girl? " - This time nakangiti na si Tristan yung sincere na ngiti.
" Si Paige.. " Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa reaksyon ni Tristan. Nakataas ang kilay niya na parang bakla.
" Yung new found friend nila Elisa at Joshane? " - Tristan
Tumango ako sakanya para sumang ayon sa tanong niya na parang sagot narin..
" Kausapin mo siya at makipag lapit ka sakanya. Kuhanin mo ang loob niya at sa tingin ko naman mabait siya at madaling makuha ang loob. Buti nga sayo wala kang bad impression ky Paige samantalang ako my bad record na ky Elisa. Haaay.. " - Tristan
" Kaya mo yan dude! Ikaw pa? Gamitin mo yung mga strategy mo sa games ky Elisa. Hahaha " Biglang napangiwi si Tristan sa sinabi ko.
" Di naman laro si Elisa eh. Kung laro lang sana siya sa gameboy baka manalo pa ako. So paano uuwi na ako baka malasing pa ako may pasok pa naman tayo bukas. " - Tristan
Tumango lang ako at lumabas na kami ng club republiq yung bar ko. Medyo nahihilo narin ako pero kaya ko pa naman mag drive pauwi.
Kinabukasan sa school cafeteria nandoon na silang apat kasama ang apat na Gforce. Ako lang ang nahuli kasi dumaan pa ako ng music room para mag piano. Stress reliever ko kasi ang pag piano. Nakita ko si Paige na nakatingin sa akin at nagtama ang tingin naming dalawa. Nauna din siyang bumawi ng tingin at nadako ang tingin ko ky Tristan na nakangiti sa akin at tiningnan din niya si Paige. Himala na hindi naglalaro ng gameboy si Tristan. Ngayon na ba niya sisimulan ang lahat?
" Tagal mo dude, nakipag date kapa ba sa piano? " - Pang aasar ni Kelvin sa akin. Hinagis ko sakanya ang notebook na hawak ko at nakailag naman siya.
" What was that for? "- Kelvin
Parang di maipinta ang kanyang mukha habang pinapagpagan ang damit niya. Akala mo naman may dumi ang damit niya. Tss.
" Trip ko lang na batuhin ka bakit ba?! " - Nasulyapan ko si Paige na panay lang ang subo niya ng kinakain niyang lasagna. Wala pa naman siyang inumin baka mamaya mabulunan siya.
Bumili ako ng pagkain ko at kumuha ako ng dalawang pineapple juice in can. Pag dating ko sa table namin binaba ko ang pagkain ko at binigay ang isang juice kay Paige. Napataas naman ang ulo niya nung makita niya ang juice sa harapan niya.
" Is this for me? " - Paige
Tumango lang ako bilang tugon sakanya. Geez! Nasaan na ang dila ko? Bakit di ako makapag salita ngayon? Alam ko na tahimik akong tao pero di ako pipi.
" Thanks Peter! " - Paige
Ngumiti siya sa akin at napatanga ako sa ngiti niya. Di ko inexpect na ngingitian niya ako. Ang ganda talaga niya ngiti palang nakaka speechless na! Naghihintay siya sa sagot ko pero na blangko ang isip ko bigla.
" Ehem, dude thank you daw sabi ni Paige! Natulala ka diyan? " - Tristan
" A-ah y-your welcome! " God! Bakit ako nauutal? Nakakahiya! Buti nalang di nila napansin yun at kumain na ulit si Paige. Ganito ba talaga ang impact ni Paige sa akin? Ngayon lang to nangyari sa akin at sakanya lang.
" Elisa, pwede ba kitang makausap? " - Tristan
Napatingin ang lahat kay Tristan at halata sa mga mata nila ang gulat. Di na ako nagulat kasi alam ko na ang tungkol dito.
" Bakit naman kita kakausapin? Di tayo friends kaya wag mo akong kausapin.. " pagtataray ni Elisa. Napakuyom naman ng palad si Tristan pero binaba din niya ito. Alam ko naiinis siya pero kelangan niyang labanan ang inis niya. Kelangan niyang ipakita kay Elisa na nagbabago na siya.
" Please Elisa, gusto lang kita makausap. Para maayos kung anu mang gulo na meron sa atin. " - Tristan
" Tama si Tristan Elisa, kelangan niyo mag usap na dalawa para maayos ang gulo na meron kayo. Very unhealthy kapag lagi kayong nag aaway. " - Joshane
Kahit ayaw pa ni Elisa pero pumayag naman siya sa suhestiyon ni Joshane. Sana ito na ang simula ng magandang samahan nilang dalawa.
PAIGE'S POV
Ang sarap pala ng feeling na may mga taong concern sayo kahit di mo sila totally kilala. Isa akong nobody sa Branston pero nung makilala ko sila Elisa, Joshane, Tricia at ang Gforce para na akong instant sikat sa school. Kasama mo ba naman ang mga sikat di ka kaya sisikat din?!
Pero hindi ko trip ang sumikat or maging famous sa school. Sapat na sa akin ang magkaroon ng maraming kaibigan sa school. Ngayon ko lang kasi naranasan na magkaroon ng group of friends sa school ko. Sakitin kasi ako mula pa nung bata ako at kahit ngayong malaki na ako nadala ko parin ito. Kaya wala akong kaibigan kasi home schooled ako dati. Nung nag college na lang ako na napapayag ko ang parents ko na pumasok sa isang university dahil gusto ko rin ma experience ang normal na estudyante. Hindi ako abnormal ha? What i mean is gusto ko kasi na maranasan ang maging isang average student. Yung tipong walang mga yaya na nagbabantay sa akin. Gusto ko yung freedom ko outside our house. Yung walang magpapaalala sa akin na may sakit ako.
Yes! I'm sick and i'm dying.. Himala na lang ang tanging makapag pagaling sa sakit ko. Kung meron man noon sana nangyari na sa akin. Tanggap ko narin naman na any moment mawawala na ako. Matagal din bago ko matanggap ang lahat.
Tama na nga itong topic tungkol sa sakit ko. Gusto kong ienjoy ang mga huling araw ko sa mundo. Kanina pala habang kumakain ako sa cafeteria kasama ko ang mga group of friends ko huling dumating si Peter. Siya ang nag bigay ng juice ko kanina at nagulat ako sa ginawa niyang yun. For me pogi points yun. Mabait siya kahit di ko pa siya totally kilala. Para kasing pag tinitigan ko siya sa mga mata niya parang inaassure niya ako. Kulang na lang nga na sasabihin niya na 'everything will be fine '.. Kaya mas lalo akong inspired na pumasok araw araw. Hindi ako malandi ha? Never ko pa yun ginawa sa buong buhay ko. Sadya lang talaga ang pagiging honest ko.
Papunta ako ngayon sa library my kelangan kasi akong book dun na gagamitin ko sa research ko. Bago ako makarating ng library nadaanan ko ang music room na bukas at my tumutogtog ng piano doon. Sumilip ako at nakita ko si Peter na tumutugtog ng piano. Di niya ako napansin kasi naka focus siya sa pag tugtog. Magaling siyang mag piano na kabaliktaran naman sa akin. Kahit anung pilit kong mag aral mag piano di talaga ako natututo.. Another pogi points for him.
Natapos narin siyang magpiano at napa palakpak ako pag tigil niya ng tugtog. Napalingon naman siya sa akin at nagulat siya nung makita niya ako na nakatayo lang doon..
" Kanina kapa ba diyan? " - Peter
" Medyo lang, magaling ka pala mag piano? Sige mauna na ako baka nakakaistorbo na ako sayo. " Tumalikod na ako para umalis pero pinigilan niya ako.
" Saan ka pupunta? Samahan na kita kung okay lang sayo. " - Peter
Wala namang kaso sa akin eh. Gusto ko naman talaga siyang makilala pa lalo. Pero hanggang dun lang yun at hindi pwedeng lumagpas dun.
" Sigurado ka gusto mo akong samahan? Papunta akong library ngayon baka ma bored ka lang dun. "
" Anu ka ba? Pumapasok din ako ng library no?! Halika kana baka mag sara na ang library malapit ng mag 5pm eh. " - Peter
Naglalakad kami ng muntik na akong madapa. Buti nalang maagap akong nasalo ni Peter. Medyo awkward ang posisyon namin kasi parang nagsasayaw kamu na bigla niya lang akong inihiga ng bahagya. Ganun ang posisyon namin at super lapit mg mukha niya sa mukha ko. Nakarinig kami ng tikhim kaya natauhan kami bigla.
" Ehem! No PDA please! " -Teacher
Para naman akong namumulang kamatis sa sobrang hiya ko. Kahit anung pilit kong pang kumbinse sa sarili ko na aksidente lang yun di ko parin maiwasan na hindi mag blush. Sino ba naman ang hindi magbablush na halos amoy na amoy ko na ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya?!
" A-ah Paige, okay ka lang ba? Natulala kana kasi. " - Peter
Play cool Paige. Kaya mo yan, kunwari walang nangyari. Tama yan kumbinsihin mo ang sarili mo na parang baliw.
" Yeah, okay lang ako. Thanks sa pag salo sa akin kanina. "Napakamot ako sa ulo ko dahil sa nahihiya parin ako sa nangyari. Ewan ko ba para naman akong kinikilig na ewan. Aaarrrghhhh..
" Halika kana sa loob para makuha mo na ang libro na hihiramin mo. " - Peter
Pumasok na kami at dumiretso na ako sa isang shelf kung saan nakalagay ang libro na kelangan ko. Pagkatapos namin sa library pumunta na kami ng parking lot.
" Sige Peter, dito na lang ako maghihintay ng sundo ko. Thanks kanina. " Pero imbes na sumakay siya ng kotse sinarado niya ulit ang kotse niya.
" Hatid na kita sa inyo. Wag ka nalang magpasundo sa driver niyo. " - Peter
Wow! Gentleman, another points! Hehehe.. Ayokong tumanggi kasi once in a while ka lang magkakaroon ng offer na ganito.
" Okay lang ba sayo? Baka kasi out of the way ang bahay namin sa bahay niyo. "
" Okay lang kahit malayo pa ang bahay niyo. Mas okay nga iyon para makilala pa kita lalo. " - Then he plastered a smile. Ang gwapo niya talaga pag naka smile. OMG! Killer smile, another points.
" Okay! Sabi mo eh.. " - At pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. Waaah.. Ako na ang kinikilig!
" Gutom kana ba? Baka gusto mong mag snacks muna tayo before kita ihatid sa bahay niyo. " - Peter
Bakit ganyan ka Peter? Sobrang bait mo at pag di mo tinigil yan baka mahulog ako sayo.. Grrr..
" Okay lang sa akin. Basta libre mo eh. " - Natawa naman siya sa sinabi ko. Eh? Wala naman nakakatawa ah. Baliw na ba sya? Bigla naman siyang tumigil sa pag tawa.
" Hindi ako baliw ha? Natutuwa lang kasi ako sayo. Masyado kang honest. " - Peter
Mind reader din pala siya? Mantakin mong nabasa niya ang isip ko? Pero i like him, his too good to be true. Pinarada niya ang kotse niya sa gilid ng aristocrat cuisine. Akala ko ba snacks lang bakit kami nandito? Di ako ignorante nagtataka lang ako kasi nga fancy restaurant kaya itong pinuntahan namin samantalang sabi niya snacks lang kami.
" Akala ko ba snacks lang tayo? Bakit tayo nandito? " Ngumiti lang siya sa akin. At inakay niya ako paloob. Halos lahat naman ng tao sa amin nakatingin. Naka uniform pa kasi kami at ang alam ko my dress code sa reataurant na to. Pang mayaman kasi ang restaurant na ito kaya maraming kaartehan..
" Good afternoon sir Peter and maam Paige! This way po. " - Waiter
Hala, kilala kami ng waiter? Napatingin ako ky Peter na napapangiti dahil sa reaksyon ko.
" Peter, bakit kilala tayo ng waiter? At bakit di tayo sinita sa suot natin? " - Kinuha ko ang menu book at itinakip ko yun sa mukha ko.
" Tanggalin mo nga yang menu book sa harapan mo. Kilala ako ng waiter kasi i own this place. Yan din ang reason kung bakit di tayo sinita. Tinawagan ko narin kasi ang manager na kakain tayo dito and i mentioned your name to her. Okay na ba? " - Peter
" Okay na!" - Ngumiti ako sa kanya at unti unting nawala ang hiya ko. Sila pala ang may ari ng aristocrat cuisine? Sikat itong restaurant nila not only here in the Philippines but also around Asia.
Dumating na ang food namin at imbes na snacks lang naging early dinner na ito namin.. First date namin to be exact! Chos! Friendly date pala.
Niyaya ko ng umuwi si Peter dahil medyo gumagabi na at baka mag freak out na ang parents ko dahil hanggang ngayon wala pa ako sa bahay. Lowbat pa naman ang cellphone ko kaya di nila ako makontak. Habang nasa biyahe kami di ko maiwasan na hindi mapasulyap sakanya Ang tangos ng ilong niya, manipis ang labi niya na sarap halikan-- what? I mean magandang tingnan sakanya kasi bagay sa ilong niya ang manipis niyang labi. Yun ang ibig kong sabihin.
" Gusto mo bang mabangga tayo? " - Peter
" Ha? "
" Wag mo kasi akong tinititigan nakaka distract eh. Baka di ako makapag concentrate at mabangga tayo. " Sinabi niya yun habang nakatingin sa unahan.
" Sorry! Ang gwapo mo kasi-- " Napatakip ako ng bunganga nung marealized ko kung anu ang sinabi ko. Napalingon naman siya sakin at nag smile na parang wala ng bukas. Kung pwede na lang sana mag laho ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan. Nakakainis talaga ang isip ko lagi ko nalang na vovoice out ang laman ng isip ko. Kainis!!
" Alam ko ng gwapo ako pero iba pala ang feeling kung sayo manggaling ang compliment na yun. Anyway, turn left or turn right? " - Peter
" Ha? Anung turn left or turn right? " Inulit ko lang yung tanong niya eh..
" Hahaha.. You're funny Paige! I like you! Erhm.. Yung intersection, turn left or turn right? " Nag blushed si Peter. But wait, did he said that he likes me? Kinikilig ako grabe!
" Turn left at unang bahay sa right side yun na ang bahay namin. " At binagtas na niya ang daan. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin at nasa labas ng bahay sila mommy at daddy. Patay! Halatang worried na worried na sila.
Pinag bukas ako ng pinto ni Peter at dali dali akong bumaba. Nakita ko ang tingin ni mommy na parang nagtatanong.
" Good evening mom and dad. Sorry i'm late! Nag dinner pa kasi kami ni Peter sa labas. " Nakatungo lang ako at ayaw kong tingnan ang mga magulang ko.
" Good evening maam and sir. Ako nga pala si Peter Hurley. Pasensiya po kung late ko na naihatid ang anak niyo. Wag po sana kayong magagalit. " - Peter
" Salamat sa pag hatid sa anak namin pero sa susubod kelangan muna siyang magpaalam bago gumawa ng mga hakbang. Ayaw lang namin siyang mapahamak. Paige, let's go inside. Marami kang ipapaliwanag sa amin. " - Daddy
" Sige uuwi na ako Paige, salamat ulit. " - Peter
" Ingat ka sa pag uwi. " Sumakay na siya sa kotse at umalis na. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nakaupo na sa couch sila mommy at daddy.
" Paige, nakalimutan mo na ba na may sakit ka? Panu kung inatake ka ng sakit mo sa labas ng bahay? " - Mommy
" My, alam niyong ayaw ko na maalala na may sakit ako diba? Kaya nga ako pumasok sa Branston para makapamuhay ako na parang normal na tao na walang iniindang sakit. Wala naman nangyaring masama sa akin so please stop worrying. Goodnight mom, good night dad. Aakyat na ako sa kwarto ko. " Humalik ako sa pisngi ng parents ko at umakyat na ako.
" That Peter, i think his a nice guy.. " Tumango lang ako at pumasok na sa room ko.
Ito yung unang araw na naramdaman ko na masaya ako sa piling ng ibang tao. Alam ko na panandalian lang ang saya na to pero gusto ko parin namnamin ang ganitong feeling. Feeling ko wala akong sakit kanina na parang ibang tao ako. Sayang lang at maiksi lang ang buhay na meron ako..