Nathalia's Pov:
Nagising ako ng 8 a.m at tinignan ko ang phone ko nagulat nalang ako na nasa news ang pangalan ko and they introduced me as the new face of Bloom's Magazine.. Pagbukas ko ng FB Account ko ay nakita ko rin ang mga pictures ko sa photoshoots kahapon na umabot ng napakaraming likes at comments.. Grabe, ilang minuto rin akong tulala at hindi makapaniwala sa mga news at pati narin sa FB Account ko.. Ang bilis.. Na ipublish kaagad sa mga magazines yun??.. Ito na ba ang ibig sabihin ng kasikatan?..
*boy i need you here with me~ i cant go on this way~ im falling hard for you, all i can sa--*
Nag ring ang cellphone ko at agad agad ko namang sinagot ang tawag na galing sa manager kong silahis -_-
*hello?*
*Nathalia, goodmorning! Guess what!! Pinag usapan kaagad ng mga press ang photoshoot mo kahapon! at gustong gusto ka nilang makilala!*
*talaga ho?..*
*Oh, eh bat parang hindi ka yata masaya?*
*ah eh masaya ho ako thats a great news!*
*better be ready , pumunta ka na agad dito sa agency dahil mag po photoshoot tayo ulit pero kaylangan natin ng mas magandang venue dahil summer naman ang theme ng magazine naten ngayon!*
*sige po sir , magbibihis lang po ako at mag re ready*
*okay, we will be waiting!*
-Call Ended
Hay. Sumasakit ang ulo ko dyan sa photoshoot na yan >.<
---------------------------
Nang makapunta ako sa Agency ay nandun sila lahat at napakaraming press people na ang sumalubong saken habang palabas ako ng kotse ko, pinipicturan nila kong pilit pero tinatakpan ko lang ang mukha ko ng kamay ko hanggang sa may dalawang bodyguard na sumundo saken at inalalayan ako papunta sa loob para hindi na ko guluhin ng mga paparazzi , hay ano ba yan ang hirap palang maging sikat , ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Nathaniel >.<
"Ano na? Haha pinagkaguluhan ka na agad dun sa labas ah , natatanaw ko kayo"
"Oo nga po sir eh , grabe ang bilis talaga ng media"
"Oo , alam mo bang ngayong umaga lang namin inilabas ang mga magazines naten? Pero kumalat na kagad ito, its a success! At lahat ng yun ay dahil sayo! Nathalia ! Hulog ka talaga ng langit samen!"
Ngumiti nalang ako sa kanya tss pakeelam ko naman dyan sa magazine nyo? Ang kinaiinis ko lang ay hindi na stable ang buhay ko ngayon , dahil kahit saan ako magpunta , siguradong pagkakaguluhan na ko ng mga paparazzi, buti nalang at magaling ako mag disguisse -_- hay nakakainis talaga >.<
Sa isang Beach sa Zambales ang Venue ng photoshoot, bigla ko tuloy naalala ang magandang beach ng Island of Prisoners , white sand din kasi sa beach na yun.. Napakaganda ng dagat ..
"Ahm.. Mam Nathalia, aayusan na ho namin kayo"
Sabi ng staff saken kaya pumunta na kami sa tent na inayos nila para maging dressing room
Pagkatapos nila kong make-upan ay pinasuot nila saken ang isang kulay red na chub, damit ba to? Kita cleavage ko dito >.< Parang bra or two piece lang yata ang ipapasuot nila saken ngayon ah tsk tsk >.< pero buti nalang ay pinagsuot parin nila ko ng fitted pants, kaya okay na rin to kesa naman naka two piece lang ako, pinagsuot din nila ko ng white gold necklace at bracelet at inayos ang kulot kong buhok .
Pagkatapos ay pumunta na ko sa manager ko at photographer
"Oh eto Nathalia ah, you will gonna lay down here in the sand and try to strike a sexy pose, dont worry hindi naman masyadong mainit dahil maaga pa naman kaya hindi mai irritate ang skin mo, sige na"
Sinunod ko ang sinabi ng manager ko at humiga sa buhanginan, panong pose ba ang gagawin ko? Hays >.< hindi naman ako magaling dito eh >.< dahil nasisinagan ako ng araw at masakit sa mata ang mga buhangin na tumatama sa mukha ko dala ng hangin ay pumikit nalang ako at hinawakan ang buhok ko at binend ko naman ang mga legs ko , katulad ng pose dun sa picture ko sa right side ---->
"Nice. Nice. Good shot."
Agad agad din naman akong tumayo dahil nakaka puwing ang buhangin na tumatama sa mukha ko
Pinag-try pa nila ko ng ibang damit at nagphotoshoot pa kami sa ibat ibang parte ng beach .
Nathaniel's Pov:
"Oh ganito Nathaniel ah.. Papasok ka dito sa hotel , gusto ko yung cool na cool ang pagpasok mo para naman mas maging maganda ang dating ng commercial naten"
Sabi ni Direk, sariling perfume ko kase ang ineendorse ko kaya kaylangan kong seryosohin ang trabaho
"Sige po "
Ilang minuto pa at nagsimula na ang shooting ng bago kong commercial
-----------------------------------
"And.... Cut ! Good take!"
Nang matapos ang shooting ng commercial ay nagpahinga muna ko saglit sa dressing room para i check ang cellphone ko ,pero wala namang new message or kahit missed call man lang.. Asan kaya si Nathalia ngayon?.. Baka may photoshoot nanaman sila..
"Nathan? Ano ? Dederecho na ba tayo sa Bench ? May photoshoot ka pa para sa Summer Issue ng magazine nila!!"
"Opo! Magbibihis lang po ako!"
Hay kahit kelan talaga tong si Mrs. Lauchengco oh >.<
Nang magpunta kami sa Bench ay nagsisimula nang mag photoshoot ang iba kong co-models , understood naman na late ako dahil alam naman nilang may shooting ako ng commercial eh, sinalubong ako ng manager ko at sinabing magbihis na daw ako para sa photoshoot..
-----------------------------------
Nathalia's Pov:
Habang nagpo photoshoot kame ay biglang dumating yung leading lady ni Nathaniel, Alexandria yata pangalan nun eh.. tumabi sya saken pero binangga nya kong nang hindi nahahalata ng iba
"Ay! Sorry ha.. Bagong model ka?"
"Ah O-oo eh.."
"Ah ako kasi matagal na ko sa showbusiness kaya mahirap talaga maging sikat lalo na sa katulad mong baguhan ,oh well see you around.."
Grabe ang sama naman ng ugali nun >.< eh kung lunurin ko kaya tong babaeng to dun sa dagat hanggang sa lumutang yung bangkay nya, Wala kong pakeelam sa kasikatan nya noh! tss ! Napaka arte! -_-
Tinignan ko sya mag photoshoot , grabe kung makapag model sya ng two piece, walang kahiya hiya akala nya naman napaka ganda nya maputi lang naman tss -_- kung makapag pose pa parang sosyal na ewan >.< napapakunot nalang ako ng noo sa tuwing tinatarayan nya ko sa set
Now Playing: Diva
By: Solenn Heussaff ft. Ron Henley
~Ano ba yong kinagagalit ? Bakit puro ka lang pasakit , oh Diva... Para kang diva~
~maya't maya kang nagsusungit, nawawalan ka na ng bait oh diva... Para kang diva~
~Ohhhhhhhh, kasalanan mo oh, kung bakit ganito ohh, ang nangyari sayo ohh, na, para kang diva, feeling na reyna pero di ka bida, mukhang kontrabida, para kang Diva , na nakakaloka bakit di makita ikaw ay maldita~ Para kang Diva ... Para kang Diva... Para kang Diva..~
Anong problema neto?! Papatulan ko na tong babaeng to! Naiinis na ko >.< kung makatingin kala mo may ginawa akong masama sa kanya tss -_-
~Pag umasta lagi kang galit mga mata mong naniningkit Oh Diva , para kang Diva, Walang paki ka kung manamit, sosyal na skirt na punit punit Oh Diva, para kang Diva~
~Ohhhhhhhh, kasalanan mo oh, kung bakit ganito ohh, ang nangyari sayo ohh, na, para kang diva, feeling na reyna pero di ka bida, mukhang kontrabida, para kang Diva , na nakakaloka bakit di makita ikaw ay maldita~ Para kang Diva ... Para kang Diva... Para kang Diva..~
Nang matapos ang photoshoot ay papunta na sana ko sa dressing room para magbihis pero ayan nanaman yung epal na babae na yun , binangga nya nanaman ako
"Ay naku, sorry ulit ha , mag bibihis ka? Pwedeng ako muna ang mauna?.."
"Si-sige.. Una ka na"
Naba badtrip na talaga ko >.< kaya kinuha ko yung maliit na bubble gum ko at idinikit sa tent ng dressing room actually hindi lang naman yun isang simpleng bubble gum, sumasabog yun pero hindi naman gaano at mahina lang naman kaya medyo lumayo layo ako ng konti
1...
2...
3...
"Aaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!"
Hahahaha! That's what im talking about! Haha :D hay... Yan ang napapala ng mga matataray! Buti nga! Bleeh! :P
-------------------------
9:00 pm na ng maka uwi ako, papasok na sana ko sa bahay nang may biglang humigit sa braso ko, pagtingin ko ay si Nathaniel pala yun, mukha syang galit at mukhang naka inom pa yata >.< ano nanamang gusto neto? Lasing nanaman >.< bigla nya kong hinila papasok sa bahay nya , anong problema neto?! >.<
Pina upo nya ko sa may sala at galit na galit nyang ibinagsak sa center table yung Bloom Magazine , bagong issue nanaman?? Hindi ko pa nakikita yun yung isa palang yung nakita ko, eto yata yung mga pictures sa photoshoot namen kanina, sh*t lagot na.. Medyo nude pa naman yung mga photos ko dun dahil kaylangan i post sa Men's Magazine
"Anong ibig sabihin nito?!"
Pinilosopo ko lang sya
"That's my pictures from Summer's Issue of Bloom Magazine, im the cover girl it was taken today , hindi ko alam na ganun ka-"
"Wag mo nga kong pinipilosopo! Alam ko yun! talaga bang ginagawa mong bastusin yung sarili mo?! Ha?!"
Sinisigawan nya na ko
"Nathaniel hindi mo naiintindihan!"
"Simula ngayon! Hindi ka na mag po photoshoot para dito naiintindihan mo?!"
"Nathaniel hindi pwede! Ano bang hindi mo maintindihan sa trabaho?! Im just trying to be proffessional! trabaho lang yan!"
"Kaya nga eh! Trabaho lang yan eh! Marami namang trabaho dyan yung marangal hindi katulad ng ganito!"
"So anong pinapalabas mo?! na bastusin yung mga pictures ko dito?! Yun rin ba ang tingin mo kay Alexandria ha? Bastusin?! Eh kasama ko nga sya maghapon dun sa Photoshoot eh kulang na nga lang patayin ako sa tingin!"
"Ah basta! Hindi ka na mag po photoshoot para dito! Kakausapin ko yung manager mo!"
"Nathaniel ano ba?! Hindi nga kasi pwede!!"
tsk.. Masisira yung mission ko dito kay Nathaniel eh, dapat pala tinuluyan ko na to dati pa eh p*t*ng ina naman! >.<
"Asan yung telephone number ng manager mo?! Amin na!"
"Hindi! Ayoko!"
"Fine! Hindi ka makaka alis dito sa bahay ko! Bahala ka dyan!"
Ni-lock nya yung pinto at itinapon yung susi sa labas ng bahay nya
"Nathaniel naman eh!"
"Ayaw mong ibigay diba ?! edi wag!"
"ano ba kasing kinagagalit mo?!"
"Tignan mo nga yung sarili mo dyan?! Nakakahiya ka! tignan mo oh! Nag po pose ka ng ganyan para sa Men's Magazine?! gusto mo talaga pinagpe pyestahan ng mga lalake yung mga pictures mo dyan eh! T*ng ina! Nakakainis na!"
Sa inis nya ay sinipa nya yung center table at nabasag ito dahil yari lang ito sa salamin
Padabog syang pumunta sa kwarto nya , ayoko syang sundan pero ewan ko ba kung bakit nagkukusa ang mga paa kong sundan sya
"Ano ba kasing pakeelam mo kung mag pose ako ng ganon?! Ex lang naman kita ah?! Wala ka dapat pakeelam saken!"
"Ayoko lang na nakikita kang ganon!"
"fine! damn it! bukas na bukas din sige! tawagan mo yung manager ko!"
naiinis na ko kaya pinagbigyan ko na sya dahil gusto ko na ring makauwi , may gagawin pako! >.<
"ngayon pwede mo na ba kong palabasin para maka uwi na ko sa bahay ko?.. please?.."
hindi nya ko pinapansin at nagtuloy tuloy lang sya sa kusina kaya sinundan ko sya , aba't bukas naman pala yung backdoor dito sa kusina kaya naman pala ang lakas ng loob na maglock ng frontdoor! tss >.< binuksan nya yun para makalabas ako, tinignan ko sya saglit , galit parin sya kaya umalis na ko , pagpasok ko sa bahay ko ay nag shower muna ko at saka kinuha ang mga maliliit na CCTV Cams sa drawer ko, sa tingin nyo bakit ? at anong gagawin ko sa mga to? simple lang lalagyan ko ng CCTV Cams yung bahay ni Nathaniel, He's still my target , remember?.. im just doing my job... at dahil inis na inis ako sa kanya ngayon , itutuloy ko na ang mission ko .
muli akong pumunta sa bahay ni Nathaniel at hinanap ko sa may frontdoor yung susi, nakita ko yun sa may damuhan , dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob , tinignan ko muna sya sa kwarto nya, tulog na sya , tamang tama.. sinimulan ko nang maglagay ng CCTV Cams, sa kwarto nya,sa sala , sa dining room, sa kitchen, sa bathroom, maging sa chandellier ay naglagay ako , nang matapos ako ay biglang naalimpungatan si Nathaniel at nagulat nalang ako dahil bigla nyang binuksan yung ilaw sa sala
"Oh?.. akala ko ba bumalik ka na dun sa bahay mo?"
"ah O-oo kaya lang.. yung bag ko kase nakalimutan ko dito eh, si-sige aalis na ko, nga pala! eto yung susi mo oh!"
hinagis ko sa kanya at nasalo nya naman .
"ahm sandali, Nathalia.."
"bakit?.."
lumapit sya saken at bigla nya kong niyakap
"sorry kanina ha... hindi ko sinasadya.. sorry na... ha?.."
hindi ako kumikibo kaya hinalikan nya ko sa noo
"goodnight"
"goodnight.."
yun nalang ang nasabi ko at umalis na ko
Nathaniel's Pov:
Pumunta agad ako sa bahay ni Nathalia at nadatnan ko syang nag a ayos , tinatakpan nyang pilit ng kung anu anong kolorete ang mata nya para hindi mapansing namumugto ito. umiyak nanaman ba sya kagabe?..
"Tama na yan, maganda ka naman kahit walang ganyan eh"
Hindi nya ko pinapansin
"Sa kotse ko tayo sasakay.."
Wala parin syang response pero sinunod nya naman ang sinabi ko at sumakay naman sya sa kotse ko
Tahimik lang sya habang nasa byahe, alam kong galit sya pero tama ba naman to? Hindi nya man lang ako pinapansin?..
Nang makarating kami sa Bloom Magazine ay napakaraming press people na agad ang naka abang at lahat sila ay nagulat dahil magkasama kami
"Teka si Nathaniel Perez yun diba? Yung sikat na superstar?"
"Anong ginagawa nya dito at bakit magkasama sila ni Nathalia Gomez?"
"Naku, malaking scoop ito, kuhanan na natin ng pictures!"
Nang makarating kami sa lobby ay agad agad kaming umakyat ng 2nd floor, dahil nandun daw ang office ng manager nya , hawak hawak ko ang kamay nya at dere derecho kaming pumasok sa loob ng office
"Mr. Nathaniel Perez?! What a surprise! What brings you here? What can i do for y--"
"Ikaw ba ang manager ni Nathalia?"
"Yes , ako nga im Mr. Lorenz Javier"
"Okay,"
Hinubad ko muna ang shades ko bago ko nagsalita
"Simula ngayon ayokong magpo photoshoot kayo nang ganito lang ang suot ng girlfriend ko maliwanag?!"
Itinuro ko ang picture ni Nathalia sa Cover ng Magazine na kulang nalang ay paghubarin na nila si Nathalia
"Girlfriend ? Sir?!"
"Kung gusto mo pa syang manatili dito sa Modelling Agency mo bilang Top Model, wag mo syang pagsusuotin ng mga malalaswang damit, naiintindihan mo?!"
"Ah O-opo sir.. Sorry po hindi naman kasi namin alam na girlfrie--"
Bumaling ang tingin ko kay Alexandria na gulat na gulat parin sa nangyayare
"Alexandria, ayoko nang mababalitaan ulit na pinag iinitan mo si Nathalia dito ah!"
"So, the rumors are true? na yang babaeng yan at yung napagkamalang fan girl mo noon sa gathering at yung babaeng kasama mo sa kotse mo noon ay iisa at ngayon kinokonfirm mong girlfriend mo sya?"
"Oo bakit? Anong problema don?"
Inakbayan ko si Nathalia
"tss.."
Napa- iling si Alexandria at nag walk out
"Babe, lets go"
Lumabas na kami ng Bloom Magazine at pinagkaguluhan nanaman kami ng mga paparazzi
"Nathaniel, anong ginagawa mo dito at bakit magkasama kayo ng model na si Nathalia?"
"Nathalia? Totoo bang magboyfriend na kayo ni Nathaniel?"
Napakaraming tanong ng mga press people pero nananatiling tikom lang ang bibig ni Nathalia , at sinuot ang shades nya
Ayaw tumigil ng mga press kaya sinagot ko na ang mga tanong nila
"Isa lang ang malinaw dito, girlfriend ko si Nathalia Gomez , tapos"
Sumakay agad kami ng kotse at nagmaneho na para maka alis na sa mga press people .
"bakit mo sinabi yun?.."
"wala lang"
"ibang klase ka talaga"
"nga pala, may gagawin ka ba ngayon?... mag date naman tayo"
"ayoko makipag date sayo"
*krrrrriiiinnnggg*
nagulat ako nang biglang nag ring yung cellphone ko
*oh Hello? mrs. Lauchengco bakit po?*
*asan ka? kaylangan ka namin dito sa photoshoot ng Bench*
*oh bakit? wala naman akong appointment ngayon ah?*
*basta! kaylangan ka nga dito kaya pumunta ka na! dalian mo! importante to!*
-Call ended
nainis na ko kaya pinatayan ko na ng cellphone si Mrs. Lauchengco at nagtext nalang ako sa kanya
/ill be there in a minute/
-message sent.
"Nathaniel! mababangga tayo!"
pinreno ko bigla ang kotse ko at saka nagmaniobra para makadaan yung isang kotse sa gilid namen
"kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay ah!"
sabi saken ni Nathalia, sabay irap
"sorry di ko sinasadya okay?.."
"ibaba mo nalang ako sa Mall kung may pupuntahan ka.. magta taxi nalang ako pa uwi"
"bakit anong gagawin mo sa Mall?.."
"mag go grocery.."
"okay.."
binaba ko sya sa Mall, at nagpunta na ko sa photoshoot ng Bench.