Lacey POV
Sa wakas natapos na din ang Christmas at New Year Vacation. Excited na akong pumasok sa school at makikita ko na din ang Baby ko este ang Andrew ko. Nabasa ko sa Facebook account niya na umuwi na siya sa pilipinas kahapon. Dala ko ang regalo sa kanya isang multi functional swiss knife.
Papasok na ako sa gate ng school. May humarang ng dalawang babaeng pang gulo sa buhay ko si Kira at Misha.
"Hoy babae teka lang, Ikaw ha malaki ang kasalanan mo sa amin!" Nakataas pa ang kilay ng loka loka kong kaibigan.
"Mamaya n'yo na ako guluhin ma le late na tayo" Palusot ko sa dalawang kaibigan.
"May thirty minutes pa bago mag simula ang klase" Basta na lang nila ako hinila at huminto kami sa tinatambayan ng mga estudyante sa ilalim ng puno ng mangga.
"Ano ba kase yun?" Naiirita kong tanong.
"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag namin ng Christmas Party?" Akusa ni Misha.
"Eh - Kase busy ako umuwi si Daddy" Paliwanag ko sa kanila. Totoo naman umuwi talaga si Daddy.
"Kahit man lang text wala kang pasabi" Pag tatampo nila. Na guilty tuloy ako. Busy kase utak ko kay Andrew.
"Huwag na kayong magalit may regalo naman ako sa inyo" Pag aalo ko sa kanila para makabawi man lang. Nagkataon kase nag bakasyon kami sa Laguna. Isa sa bahay bakasyunan ni Daddy.
"Dapat lang lagot ka sa amin mamaya. Anong balita sa inyo ni FAFA Andrew?" Namula ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari sa Condotel niya.
"Ganon pa rin walang progress" Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko na s'ya mine message para batiin kaso seen lang napapala ko.
"Bakit kase hindi na lang si Aaron ang patulan mo? At least alam mong gusto ka ng tao" Misha said to me. Naisip ko na din yan kaso wala eh tumibok ang puso ko kay Andrew.
"Hay naku. Payuhan ka namin hindi ka naman makikinig. Tara na nga!" Sabay sabay na kaming pumasok sa Classroom.
Pagkatapos ng klase namin wala naman kaming halos na i Lecture puro assignment lang binigay sa amin ng mga teachers. Dahil likas na ang pagiging makulit ko sinundan ko na naman ulit si Andrew para ibigay ang regalo ko sa kanya.
Hindi ko napansin ang batong nakaharang sa kalsada.
"Andrew. Wait! Ouch! - " Kaya napatid tuloy ako. Akala ko iiwan na naman niya ako.
Napaangat ang ulo ko sinalubong ang matiim niyang tingin.
"Tsk! Why are you so clumsy? " Kinuha niya ang paa ko at Chi neck. Nag simulang mamaga ang sakong ko sa paa.
Nabigla ako ng bigla akong binuhat ni Andrew pa bridal style kaya napakapit ako sa batok niya. Natatakot akong mahulog kaya nakakapit ako ng todo sa leeg. Pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan.
"Teka saan mo ako dadalhin? Itatanan mo na ba ako?" Tanong ko. Tumingin ako sa paligid wala gaanong tao habang ang iba naman sumusulyap sa amin.
Grabe ang babata pa. Nag lalandian na! Bulong ng isang chismosa. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng isang matandang babae.
"Asa ka naman itatanan kita. Doon muna tayo sa Condotel. Gamutin muna natin yan paa mo" Napatingin ako sa mukha niya direcho ang tingin nito sa daanan.
"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Naiilang ako lalo na may pagka chubby ang katawan ko. Hindi ako sinagot ni Andrew.
Pagkarating namin sa Condotel. binaba niya ako sa sofa. Hinubad niya ang sapatos ko subalit pinigilan ko siya.
"Teka ako na!" Nahihiya kong sinabi. Pinigilan ko ang kamay niya
"Let me do this" Awat niya sa kamay ko.
Napailing siya nang makita ang namamaga kong paa.
"Close your eyes" Nagtataka ako pero sinunod ko pa rin ang utos niya.
Naramdaman ko ang pag hagod ng kamay niya habang minamasahe ang paa ko.
"Just relax Lacey, Masakit ito pero kailangan mong tiisin" Assurance niya sa akin.
"Teka anong gagawin mo?" Kinabahan ako bigla.
"Bite this!" Nilagay niya ang panyo sa bibig ko.
Mukhang alam ko na ito! Halos pag pawisan ako sa biglang pag tunog ng paa ko.
Ouch ang sakit! Taena!
Napaluha ang mata ko. Hinintay ko muna mawala ang nararamdaman kong sakit sa sakong. Patuloy pa rin niyang minamasahe
"There" Napadilat ang mata ko. Bigla nakaramdam ako ng ginhawa sa paa.
Paano siya natuto mag hilot ng paa?
"Saan mo natutunan iyon?" Namangha ako sa galing niya mag hilot.
"From my filipina maid! Siya ang nagturo sa akin magsalita ng tagalog " Ah kaya pala siya marunong mag tagalog!
Tumayo siya at kumuha ng yelo sa Ref binalot niya ng towel at nilapatan ang paa ko. Ilang minuto siyang naka upo sa sahig habang ang paa ko nasa binti niya. Tumingin ako sa mata niya halos hindi ako makahinga sa lakas ng pintig ng puso ko. Biglang may kantang pumasok sa isip ko.
I like your eyes you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby be prepared
Para akong natutunaw sa titig niya sa akin. Dahan dahan niyang binaba ang paa ko. Nakaluhod siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko habang unting unti niyang nilapit ang mukha sa akin papunta sa labi ko.
I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell. To be favorite jacket, just so I could always be near i loved you for so long, sometimes it's hard to bear. But after all this time, I hope you wait and see
Ipinikit ko ang aking mata. Habang ninanamnam ang pag lalim ng halik ni Andrew sa akin.
Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you.
'Cause baby you're the one, I don't know how. Love you 'til the last of snow disappears
Love you 'til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go, i'm in love with you, and…now you know...
Ang sarap niyang humalik. Unting unti kong dinilat ang mata.
Nang marinig ko ang pag tikhim niya.
"Ehem! Did I disturb your day dreaming?" Nakatingin ako sa kanya habang nakaawang ang labi ko.
Akala ko totoo na! Nanunukso ang tingin niya sa akin. Namumula ako sa pagkapahiya.
Shit! Panaginip lang pala.
Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko.