Lacey POV
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.
Lintek ka talaga Andrew!!! Hindi mo na naman ako pinatulog.
Paikot ikot ako sa higaan. Nasa isip ko pa rin ang nangyari kaninang tanghali. Ayoko pa siyang iwanan pero tumawag na si Mommy nakarating na sila sa bahay kasama si Daddy.
ANDREW! ANDREW! Sigaw ng malandi kong isip.
Ano kaya ginagawa niya ngayon? Gising pa kaya siya?
Flashback
Naramdaman ko ang hangin nanggaling sa kanyang hininga inimulat ko ang mata pagkatapos niya akong halikan sa aking labi. Malamlam ang mata niyang nakatitig sa akin.
"You are very beautiful, Love" Pumikit ulit siya bago bumaba ang labi niya sa akin. Hinalikan na naman niya ako ulit. Nakaramdam na ako ng pag iinit sa katawan. Napansin kong hindi na siya tumutugon sa pag halik sa akin. Sumubsob ang mukha niya sa leeg ko mukhang nakatulog na siya.
Inayos ko ang pag kakahiga niya sa kama. Hinaplos ko ang buhok niya.
Ang ganda ng ilong at ang pula ng labi niya. Gusto kong pag laruan ang pilik mata. Ang mahahaba nakakainggit naman. Mas mahaba pa ang pilik mata niya kesa sa akin.
Pwede bang akin ka na lang?
Pagkatapos kong ayusin sa pagkakahiga niya sa kama
Naisipan kong ipag luto siya ng dinner ngayon gabi at breakfast niya para bukas. Inilagay ko sa plastic container ang rice at ulam. Ipinasok ko sa refrigerator para hindi mapanis agad. Initin na lang niya sa microwave oven. Nilinis ko na din ang mga kalat sa kitchen. Nag iwan ako ng sticky notes sa noo niya para madali niyang mabasa. Naglagay ako ng pitsel at water glass sa gilid ng kama niya kasama ng gamot bago nag set ng alarm para makainom siya sa tamang oras. Nag iwan din ako ng damit sa kama baka mabasa siya ng pawis. Feeling ko isa akong ulirang asawa. Ganito pala ang feeling kapag inaalagaan ang asawa. Charot!
Kung kami kaya magkatuluyan ilan kaya magiging anak namin? Gosh! Ang bata ko pa.
Kaka sixteen years old ko pa lang while Andrew is seventeen years old. Matanda siya sa akin ng isang taon.
Syempre bago muna ako umalis. Nag nakaw muna ako ng halik. Baka bukas mag bago ang ihip ng hangin at hindi na naman ako pansinin nito.
***
Tumawag si Mommy nasa bahay na sila ni Daddy. Alas sais na ng gabi ako nakauwi sinabi kong nag ikot ako sa Mall. Kinantyawan pa ako ni Mommy tungkol kay Andrew. Eto naman si Daddy isa din ito nahawaan na ng pagkabaliw kay Mommy. Bagay nga silang dalawa. Inaasar din ako akala niya pusong lalake ako buti na lang daw may dumating na Andrew sa buhay ko. Pangarap niyang magka apo sa akin. Hindi umuwi si Kuya Luis dahil busy sa pag aaral lalo na nag Master's Degree na ito sa Harvard University. Naintindihan ko naman siya.
Pagka Graduate niya ng senior high school sa US na siya nag college after ng party ng mga kaklase nito. Balang araw siya kase ang hahawak sa company ni Daddy at Mommy kailangan niyang mag aral ng mabuti.
***
Kumatok ako sa pinto ni Andrew. Nag aalala ako sa kanya subalit isang matandang babae na mukhang Housekeeping ng Condotel ang nabungaran ko.
"Magandang hapon po. Gusto ko lang malaman kung kumusta na po si Andrew? kahapon po kase nilalagnat po siya" Paliwanag ko.
"Ay pasensya na po Ma'am. Mukhang magaling na po si Sir. Kakaalis lang po nila sinundo po siya ng ama niya papuntang Massachusetts doon po siya mag papasko" Nang hina ako sa sinabi ni Ate Lucy ang pangalan.
Umalis pala siya. Ilang linggo ko pala siya hindi makikita. Bumalik ako sa bahay para mag Facebook.
Search ko ang kanyang pangalan sa Facebook.
Andrew Winterson travelling to Massachusetts.
Totoo nga umalis siya papuntang Massachusetts. Nakadama ako ng lungkot hindi ko man lang siya nakita bago umalis.
***
Christmas Day
"Anak, gumising ka muna. May tao sa labas hinahanap ka" Napabangon ako bigla. Tinignan ko ang orasan alas nuwebe na pala.
"Sino daw Mommy?" Inaantok kong tanong ko.
"Padala daw galing ibang bansa kailangan ng I.D at pirma mo" Sumunod ako kay Mommy sa labas. Nakita kong may tao naka abang sa gate
"Kayo po ba si Ms. Lacey Anne Braun - Madrid?"
"Opo Kuya" Nag tataka man pero sinagot ko siya.
"Patingin lang po ng ID" Pinakita ko ang ID at may pina pirma sa akin. Inabot niya ang maliit na box. EMS package kasama ng Red Roses with Teddy Bear. Tinignan ko ang address walang nakalagay kundi Massachusetts.
Iisang tao lang ang kilala kong nasa Massachusetts?
Dali dali kong binuksan ang package. Nanlaki ang mata ko dahil isang Musical Box.
Binuksan ko ang loob. May letter nakalagay sa loob.
Merry Christmas and Advance Happy New Year.
Take care and thank you for taking care of me.
Love,
A.W
Gusto kong himatayin sa kilig. Hindi niya ako nakalimutan. Akala ko malungkot na ang pasko ko.
"MOMMY!!!" Napasigaw ako sa tuwa.
***
Binuksan ko ang facebook para i message si Andrew. Sana mag reply siya sa akin.
Thank you sa christmas gift. I miss you.
And Merry Christmas and Advanced Happy New Year.
Hinintay ko ang reply niya subalit seen na naman ulit. Nakakainis ang tamad talaga niya mag type.
Niyakap ko na lang ang Teddy Bear na binigay niya.
My best Christmas Ever.
***
Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Napahinto ako sa pag baba ng hagdan dahil nakita ko si Mommy at Daddy may pinag uusapan at mukhang problemado
"Dad, kumusta na si Luis?" Garalgal ang boses ng kanyang ina.
"Ligtas na si Luis. Huwag ka na mag alala sa anak natin" Niyakap ni Daddy si Mommy.
Anong nangyari kay Kuya? Kaya pala hindi siya nakauwi ngayon Christmas.
May inililihim ba sina Mommy at Daddy?
"Nag aalala ako sa mga anak natin. Bakit ba ayaw niya tayong tigilan?" My Mom said nanginginig ang katawan nito.
"Ako na bahala sa lahat. Kahit anong mangyari hindi ko kayo pababayaan. Pangako yan!" Nakita kong niyakap ng mahigpit ni Daddy si Mommy habang umiiyak ito.
"Nandyan si Roldan para bantayan niya kayo lalo na si Lacey"
Sino ba ang pinag uusapan nina Mommy at Daddy?