My Beautiful Assassin Chapter 18

Lacey POV

Graduation na namin. Halos isang buwan na kaming hindi nag uusap ni Andrew. Hanggang suplyap at tinginan na lang kami. Inisip ko na mag focus muna sa pag aaral. Nakinig ako sa advice ni Daddy kahit nasasaktan ako.

Masaya ako dahil ina announced ng principal na ako ang valedictorian ng San Agustin University katulad ni Kuya Luis.

Na mi miss ko si Kuya Luis sana nandito siya. Para masabi ko sa kanya ang problema ko sa pag ibig. Na i kwento niya sa kin ang babaeng naka one night stand niya sa Okada Hotel.

Umiyak siya sa phone dahil sinabi niyang ikinasal na ang babaeng pinangarap niyang maging asawa. Awang awa ako sa kapatid ko. Akalain mo yun pareho kaming broken hearted.

Malungkot akong nakatingin sa harap ng salamin habang inaayusan ng make up artist.

"Ang ganda ganda talaga ninyo. Ma'am" Napipilitan akong ngumiti sa baklang nag aayos sa akin.

"Marami sigurong manliligaw sa inyo?" Umiling ako sa kanya. Nagulat ito sa pag iling ko.

"Imposibleng walang manliligaw sa inyo sa ganda ninyo yan!" Patili niyang sinabi. Natawa ako sa kanya kahit papaano napapangiti niya ako.

Kung alam mo lang. Sa lahat ng ga graduate ako lang ata ang malungkot.

Imagine isa ako sa Valedictorian instead na masaya ako. Nagdurugo ang puso ko.

Si Andrew ang Salutatorian dahil 2nd semester na siya pumasok ng Senior Highschool. Matataas ang marka niya kung sabay kami ni Andrew pumasok baka pareho kami mag lalaban sa academics.

"Tapos na Ma'am!" napangiti ako dahil ang laki ng pinag bago ng mukha ko.

Kung susuriin mabuti medyo nag matured din ako

Tumingin ako sa pinto nang makita kong pumasok si Mommy at Daddy.

"Ang ganda naman ng Baby Girl namin! Kamukhang kamukha ko!" Masayang sinabi ni Mommy.

"Sa wakas ga-graduate na din! Parang kailan lang baby pa kayo ni Matthew Luis" Napakamot na lang ako sa noo.

Ganito si Mommy kapag naalala noon bata pa kami. Minsan maiiyak pa yan kapag hindi kami nag lalambing.

"Tara na anak baka mahuli ka pa sa graduation rites mo!" Kinuha ko ang pouch bago sumunod sa kanila.

***

Pagkatapos ibigay sa amin ang Award at Diploma sa stage. Masaya kaming nag picture taking ng Family ko. Sayang wala si Kuya Luis lalo na siya na ang humahawak ng Business namin sa Amerika. Pinangako ni Kuya Luis. Three to four months mag babakasyon siya sa pilipinas.

Panaka naka akong sumusulyap kay Andrew.

"Congratulations Andrew!" Nakita ko lumapit si Misha at niyakap niya si Andrew.

Para akong sinuntok sa dibdib sa sobrang sakit.

Napansin kong nakatayo sa likod ni Tita Erlinda ni Misha na tahimik lang nakatingin. Habang si Andrew nakatitig at hindi kumikibo. Ni hindi man lang nag sasalita at kahit ngumiti. Gustuhin ko man lapitan si Andrew para batiin pero pinipigilan ko ang sarili. Lalo na wala naman akong karapatan na magalit. Wala na kami ni Andrew

Sino ba ako sa kanya? He's just taking advantage of me.

***

Naisipan kong dalawin si Misha sa bahay nila tutal bored ako ngayon. Sinabi ni Tita Erlinda nasa kwarto si Misha kasama si Kira. Dahan dahan akong umakyat plano ko kaseng sopresahin sila. Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang boses ni Kira lalo na pinag ke kwentuhan nila ang pangalan ni Andrew.

"Nag usap na kayo ni Andrew? Kailan daw siya aalis?" Malungkot na tumango si Misha.

"Next week ang alis niya doon na siya mag aaral at mag papa -" Nanlaki ang mata ni Kira nakita niya akong nakatayo sa pinto.

"Lacey" Mahinang usal nito. Halata ang takot sa mukha niya. Napalingon bigla si Misha.

"L - Lacey, ka - kanina ka pa ba dyan? " She's stuttering.

" Yeah! I heard everything loud and clear" Madiin kong sinabi.

"Misha, anong ibig mong sabihin tungkol kay Andrew?" Nagkatinginan si Kira at Misha. Biglang namutla ang kanilang mukha.

"Aalis si Andrew di ba? You mean babalik na siya sa US para doon na mag aral? Ganoon ba iyon? Kaya niya ako iniiwasan?" Parang akong tanga natatawa. Lumapit sila sa akin.

"Lacey please! Tigilan mo na... Ang... Si Andrew! Hindi siya nababagay sa iyo" Misha said to me. Galit akong bumaling ng tingin sa kanya. Hinawakan nito ang braso ko.

"Sino bang nababagay kay Andrew? Ikaw?! Sabihin mo sa kin ang totoo may relasyon ba kayo ni Andrew?" Mariin kong tanong. Sunod sunod ang pag iling niya sa akin.

"Wala Lacey! Wala kaming relasyon. Kaibigan kita. Ayokong makita na nasasaktan ka! Kaya sana kalimutan mo na nararamdaman mo sa kanya dahil..." Napayuko si Misha. Hindi niya maitingin ang mata sa akin.

"Dahil ano? Sabihin mo sa akin?! Misha" Galit kong sigaw.

"Alam mo ba kung ano nararamdaman ko ngayon? Ang sakit sakit! Naiinggit at nag seselos kase ikaw ang pinag uukulan ng panahon ni Andrew na dati ako!" Tahimik na umiiyak si Misha.

"Tama na Lacey! Huwag kayong mag away! Mag kakaibigan tayo" Saad ni Kira. Pumagitna sa amin.

"Ayun nga eh magkakaibigan tayo dapat nag dadamayan tayo pero anong ginagawa ninyo?! Nag lilihim kayo sa akin! mas kinakampihan mo si Misha. Kita mo naman na palagi silang magkasama ni Andrew!" Masama ang loob kong sinabi.

"Ano bang pinag sasabi mo? Mahal ko kayo ni Misha! Pareho ko kayong bestfriend!" Umiiyak din niyang sagot.

"Kung kaibigan ang turing n'yo sa akin sana sinabi ninyo ang tungkol kay Andrew" Iniwan ko silang naka tulala. Halatang guilty sa kanilang mukha.

***

"A penny for your thought?" Umangat ang tingin ko. Nasa parke ako ngayon. Dito ako dinala ng aking paa pagkatapos ko pumunta kina Misha.

Tuwing may problema ako biglang sumusulpot si Aaron. Kung iisipin ko siya ang Knight in Shining Armour ko. Tutuusin gwapo si Aaron. I think nasa 5'11 na siya. May pagkakahawig kay Zac Efron

"Nandito ka na naman tuwing may problema ako? May pagka bampira ka ba naamoy mo pag may problema ako? " Mahinang natawa si Aaron.

"OA din ang joke mo eh! Sige na nga at bibilhin ko na yan!" Nagkatawanan kaming dalawa. Natigil ang pagtawa ko dahil sa bigat ng dibdib ko.

"Siya pa rin pa ba?" Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya.

"Balita ko aalis s'ya babalik na siya ng US para doon na mag aral." Nagulat ako dahil alam ni Aaron ang tungkol kay Andrew.

"Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Secret walang clue!" Ayos talaga itong si Aaron walang makuhang matinong sagot. Minsan iniisip ko kung paano ko ito naging kaibigan.

"Lace, kung may kakaiba kang nararamdaman sa paligid sabihin mo sa akin" Mas lalo kumunot ang noo ko.

"Oo. may nararamdaman ako!" Tumaas ang balahibo ko.

"Ano yun?" Balik tanong niya.

"Natatae na ako!" Nakangisi kong sinabi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.