Lacey POV
Mabigat ang dibdib ko tuwing nagigising ako sa umaga simula nang malaman ko na aalis si Andrew papuntang Massachusetts para doon mag aral ng College.
Ano kaya kung sundan ko siya sa US?
Siguro sasabihin ko din kina Mommy na plano kong sumunod kay Kuya Luis para mag aral ng College sa Harvard University. Kaso ayokong isipin niyang desperada ako na ganon na nga!
Alam ko naman ayaw ni Andrew pumunta pa ako sa Condotel niya. Gusto ko muna siyang makausap bago man lang siya umalis. Siguro eto na ang last chance na mag usap kami ng maayos.
Nakasuot ako ng hoodie at bull cup. Sa totoo lang na mi miss ko na siya.
Paakyat na ako ng elevator kung saan ang floor ng Condotel ni Andrew. Pag bukas ng elevator.
Nawala ang ngiti ko makita kong magkayakap si Misha at Andrew. Umiiyak si Misha habang si Andrew naman hinahaplos ang kanyang likod. Hindi ko mapigilan sumungaw ang luha sa mga mata ko.
"Siya ba? Kaya mo ba ako iniiwasan? Dahil si Misha pala ang ipinalit mo sa akin?" Sunod sunod na bumagsak ang luha ko.
"What are you doing here Lacey?" Tanong ni Andrew. Mabilis akong lumapit kay Misha.
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya dahil sa selos na nararamdaman.
"I trust you Misha! Tinuring ko kayong kapatid ni Kira. Pero eto lang ang igaganti n'yo sa akin!" Tumakbo ako paalis ng Condotel ni Andrew. Habang tina tawag ako ni Andrew at Misha.
***
Bigla sumulpot na Lollipop sa harap ko. Kilala ko agad kung sino ito.
"Anong ginagawa mo dito Aaron?" Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
"Di ba sinabi ko sa iyo? I'll protect you whatever happened palaging nasa tabi mo ako Lace" Nakangiting sinabi ni Aaron. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong bantayan. Parang sobra naman ata ito.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo akong protektahan. Malaki na ako Aaron" Nakangiting napailing siya sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Minsan iniisip ko para akong may bodyguard nagtatago sa paligid. Sa totoo lang hindi ko sinasabi kahit kanino parang may sumusunod sa akin. Bumalik ang isip ko nang mag salita si Aaron.
"Alam ko may problema ka Lace? Care to share me?" Hindi ko mapigilan. Nag laglagan ang luha sa mata ko.
"Ang sakit sakit. Aaron, bakit si Misha pa? Ang daming babae kung bakit ang bestfriend ko pa ang nagugustuhan ni Andrew" Bumuntong hininga si Aaron.
"Kaya ka ba umiiyak?" Tumango ako sa kanya. Niyakap ako ni Aaron. Hinagod niya ang likod ko.
"Lace, I know there's a reason for everything. Sa ngayon just be strong. Darating ang time na makakalimutan mo din si Andrew" Nanatili akong nakayakap sa kanya. Kung wala si Kuya Luis. si Aaron ang pumalit sa pwesto ni Kuya. Masaya ako at may kaibigan ako na katulad niya. Karamay ko sa lahat ng bagay. Napadako ang tingin namin sa itim na sasakyan. Feeling ko may nakatingin sa amin ang driver ng sasakyan. Bumitiw ako ng pag yakap. Bumaling ang tingin ni Aaron.
Magkasalubong ang kilay namin tinitignan ang sasakyan.
"Kanina pa ba iyan?" Tanong ni Aaron sa akin.
"Hi-hindi ko napansin?" Bigla akong kinabahan.
May kailangan ba akong malaman? Napapansin ko na palaging nasa tabi ko si Aaron. Kahit saan ako pumunta.
"Tara umuwi na tayo! Mahirap na mag tagal dito!" Sabi ni Aaron biglang lumalim ang boses niya.
"May problema ba?" Nagtataka kong tanong. Hinila niya ako halos mapatakbo na kami papunta kung saan naka park ang sasakyan niya. Mabilis niya akong ipinasok sa loob. Pagkapasok ni Aaron sa driver seat. Humarap siya sa akin.
"Lace, do me a favor! Kahit saan ka pumunta! Tawagan mo ako! Pupuntahan kita kahit anong mangyari. Huwag kang aalis mag isa." Naguguluhan ako nakatitig sa kanya.
"A-ano bang sinasabi mo Aaron? Hindi kita maintindihan?" Umiling siya sa akin.
"Basta sundin mo lang sinasabi ko!" Madiin niyang sinabi.
Bigla akong nakaramdam ng takot.
Ano ba iyon? Naguguluhan na ako sa kinikilos ni Aaron.
***
Andrew POV
Two days from now lilipad na ako papuntang Massachusetts. Sapilitan ako pinapauwi ni Dad. Kasama ko si Ate Misha umiiyak ngayon nakatingin sa dinaan ni Lacey.
"She's mad at me!" Malungkot itong napayuko.
"I know and I'm sorry because of me kaya nasira ang pagkakaibigan ninyo ni Lacey" Malungkot ko na sinabi. Bumuntong hininga iniisip ko ang nararamdaman ni Lacey.
"Do you love her?" She asked me. Napilitan akong tumango.
"Yeah! I love her so much but I need to go. Inaamin ko hindi ko siya kayang ipaglaban kay Dad" Nag face-palm ako sa frustrated na nararamdaman.
"Andrew, kailangan mo siyang ipaglaban sa Dad mo? Sabihin mo ang totoo na mahal mo si Lacey" She advice me as my eldest sister. Ang sarap sa pakiramdam na may kapatid ka nag aalala sa iyo at pinag sasabihan ka sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay. Nabuhay ako na si Dad lang ang kasama ko.
"Andrew, mahirap mabuhay na hindi mo mahal ang makakasama mong babae." Payo niya ulit.
"Actually that's my plan. Kakausapin ko si Dad. I hate him because he control my life" Naiinis kong sinabi.
"Maybe he just want to give you a best. Kaya ganon ang Dad mo" Tinapik ni Ate Misha ang balikat ko.
"Masyado mo nang sinaktan si Lacey. Sana kahit papaano she need an explanation from you bigla mo na lang siya iniwasan." Napilitan akong tumango. Naintindihan ko ang nararamdam niya. Gusto nitong aminin ang relasyon namin dalawa bilang mag kapatid pero ako mismo nag sabi na huwag na.
Inaamin ko nasaktan ko siya. Pero I don't have a choice kailangan ko sundin si Dad.
Ang gulo na ng isip ko. Maybe I need to get drunk tonight.
***
Third Party POV
Pinagmamasdan ko ang maganda mukha sa larawan na ibinigay sa akin ng isa sa mga tauhan ko. Simula bata pa lang pinag nanasaan ko ang kagandahan niya. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina na dati kong kasintahan.
Tuwing gabi tumatawag ako sa kanya para marinig ko ang magandang tinig niya. Hindi na ako makapag hintay na matikman ko ang sariwang katawan ng batang ito.
Palagi ko siyang pinagmamasdan sa parke. Naiinis ako dahil may lalakeng umaaligid sa kanya. Sisiguraduhin ko mapapasa akin ang batang ito.
"Lacey Anne Braun - Madrid" Ang anak nag traydor kong tauhan at inagaw ang kasintahan ko.
"Mapapasa akin ka din!" Napangisi ako sa naiisip ko.