Lacey POV
Isang oras na lang pauwi na kami nang mag announced si Miss Marasigan sa buong klase.
"Attention. Class, may special program ang school natin. Gumawa na ako ng plan para sa inyo. Bawat Row may special assignment akong ibibigay sa inyo. Kasama na ang pag lilinis at pag decorate ng room. Ang mananalo ng Best Christmas Decoration sa isang Section magkakaroon ng One day Retreat sa Batangas. Kaya pag butihan ninyo" Nag hiyawan ang mga kaklase namin sa balita ni Miss Marasigan. Halos lahat kami nag kanya kanyang gumawa ng plano sa gagawin pag Decorate.
Nilabas ni Ms. Marasigan ang papel sa bawat Row sampu kaming student.
"Row 1 - kayo ang mag lilinis ng buong classroom natin"
"Row 2 - kayo mag paint at mag de design ng mga tables and chairs."
"Row 3 - kayo ang bibili ng mga materials sa pag decorate."
"Row 4 - kayo ang mag de design ng buong Classroom"
"Sa mga gusto tumulong sa mga kaklase ninyo mas mabuti. Let's cooperate guys na manalo tayo" Nag hiyawan ang mga kaklase namin na akala mo nakawala sa hawla.
Napasinghap ako dahil Row 1 kami ni Andrew. Instead na mainis natuwa akong magkasama kaming mag lilinis ni Andrew.
Next week na ang Competition. Kaya todo effort kami tumulong sa mga kaklase namin.
"Tulungan na kita Lacey" Isa sa mga kaklase ko si Aaron. Pilit kong inaabot ang salamin sa itaas ng bintana ng classroom namin.
"Hindi! kaya ko na ito" Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung may gusto sa akin si Aaron. Simula Grade 7th hanggang mag Senior High School magkaklase na kami. Maraming nagkakagusto sa kanya. Ako yun palagi niyang tinutulungan at kinakausap.
"Alright! Ikaw ang bahala" Umalis na siya para itapon ang mga basura.
Humawak ako sa Grills ng bintana. Nakalimutan kong basa ang kamay ko pag hawak ko nadulas ang kamay ko kaya hindi ako napakapit. Malapit na akong mahulog. Halos nakapikit na handa na akong babagsak.
"Gotcha!" Napadilat ako ng mata. Dalawang kamay ang sumalo sa akin. Naamoy ko ang pabango sa kanya.
It can't be?
Nakatitig ako sa mata ni Andrew.
Siya ang sumalo sa akin? Namula ang mukha ko ng dahan dahan niya akong binitawan. Nakatitig din siya sa mga mata ko.
"Be careful." Kinuha niya ang basahan sa kamay ko. Siya na tumuloy sa ginagawa kong pag punas ng salamin ng bintana.
Ay sus sinadya mo lang magpahulog Taba! Narinig kong pang aasar ni Kathleen. Isa din ito sa nagkakagusto kay Andrew.
Narinig kong sumabad si Kira.
"Baliw ka ba? Hindi tanga kaibigan ko para ipahamak ang sarili niya" Lumapit ako kay Kira para patigilin siya. Malaking gulo ito lalo na palaban itong si Kira.
"Tama na yan Kira. Huwag mo na lang siya pansinin" Inirapan ng mata ni Kira si Kathleen.
Nagsama ang mga Loser! Pasaring ni Kathleen sa amin.
"Ahh Loser. Halika dito!" Nag hahamon ng away si Misha. Nagulat ako ng pumagitna si Andrew sa amin.
"Stop it! Hindi tayo nag aral para makipag away. Mga walang kwentang bagay pinag aawayan n'yo" Lahat kami natahimik sa sinabi ni Andrew. Tumingin sa akin si Andrew.
"You! Kuhain mo ang mop. Ikaw mag ma mop ng sahig" Napayuko ako. Narinig kong nagtawanan sina Kathleen at ang grupo niya. Tahimik kong sinunod ang utos ni Andrew. President namin siya sa classroom kaya no choice ako.
Ambisyosa kase! Isa sa komento ng grupo ni Kathleen.
Pinilit ko na tapusin ang trabaho. Kahit naiinis pero mas pinili kong tumahimik kahit inaasar ako nina Kathleen.
"Lacey" Narinig kong tinawag ako ni Aaron bumalik siya pagkatapos niyang itapon ang basura.
"Para sa iyo" Inabot niya ang soft drinks sa akin.
"Thank you Aaron" Gwapo din si Aaron actually kilala siyang MVP ng Junior HighSchool sa basketball. Nagka crush din ako sa kanya pero hanggang doon lang. Hindi ako yun babaeng nagkandarapa na magustuhan ako.
Sus! Bakit kay Andrew? Syempre! Ibang usapan na yun.
"You're welcome" Ngumiti s'ya pabalik. Napadaan ang tingin ko kay Andrew. Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko sa kanya.
Problema niya? Umiwas siya ng tingin. Kaya nag kibit balikat ako. Tinuloy ko na ang pag lilinis ng Classroom.
Napansin kong nahihirapan si Aaron sa mga basurahan na dadalhin niya. Dahil siya ang naka Assign na mag tapon ng basura sa classroom.
"Tulungan na kita, Aaron." Kinuha ko ang isa sa mga Black Plastic na hawak niya.
"Kaya ko na to!" Inagaw niya hawak kong plastic.
"Ano ka ba? Wala naman masama na tulungan ka" Kinuha ko ulit ang basurahan na dala niya.
"Hayaan mo na siyang mag tapon Lacey" Napatingin ako sa likod. Lumakas ang tibok ng puso ko. First time kong marinig tinawag niya ako sa pangalan.
"Ah Eh Tu-tutulungan ko lang naman siya" Taena! bakit ako kinakabahan?
Narinig ko napa "tsk" na lang siya. Tumalikod si Andrew sa amin actually pauwi na kaming lahat. Halos dalawang oras kaming nag ayos ng classroom. Bukas pipinturahan na ang mga upuan. Actually wala na kaming gaanong Lecture dahil palapit na ang Christmas Vacation. Ang mananalo ng Best Decoration Classroom. Treat ng SAU ang Retreat sa batangas kaya sana manalo kami pagkatapos ng retreat magkakaroon ng Christmas party.
***
"Galit ka ba?" Nag send ako ng message kay Andrew asual naka seen pa rin.
Friendzoned lang ata relationship namin.
Kailan kaya niya ako papansinin?
Gumawa ako ng Love Letter. may nakita akong Key Chained nakalagay ang name na Andrew sana magustuhan niya. Napayakap ako sa unan.
Tumayo ako sa harap ng bintana ng kwarto. Tumingin ako sa kalangitan mag a alas otso na. Nakatitig ako sa buwan pagkatapos kong tumingin sa buwan bumaba ang tingin ko sa baba ng bahay namin. Napakunot ang noo ko sa itim na sasakyan. Feeling ko tinitignan din ako sa pwesto ko. Nagtataka.
Paanong may kotseng nakatambay sa harap ng bahay namin? End Road na ang lugar dito sa subdivision. Kinabahan ako nang mapansin siguro ng may ari ng sasakyan pina andar na nito paalis. Tinitigan ko ang plate number.
Wala?! Dali dali akong bumaba ng bahay.
"Saan ka pupunta Lacey?" Nakasalubong ko si Kuya Roldan.
"May nakita akong itim na sasakyan Kuya" Tumiim ang mukha nito.
"Umakyat ka na sa itaas. Ako na bahalang mag Report sa Security dito" Tumango ako kay Kuya Roldan kaya bumalik ako sa kwarto.
Minsan napapaisip ako sa mga nangyayari dito sa bahay. Sana naman mali ang nasa isip ko.