Lacey POV
Busy ang lahat sa Project for Christmas Decorating sa Classroom. Halos lahat kami may ginagawa.
"Psssst Lacey!" Tinuro ni Kira ang pwesto ni Kathleen kausap niya ang aking Love of my Life Andrew hindi ko mapigilan ang mag selos sa dibdib ko.
Bakit si Kathleen napapangiti niya si Andrew pag ako ang kasama niya parang ako ang kontrabida sa buhay niya? Nakakainis!
Kaya wala sa loob na binuhos ko ang Glue sa kartolinang design ng Santa clause.
"Hoy Lacey! bakit mo binuhos lahat ng glue?" Sigaw ni Kira nabalik ako sa kamalayan.
"Aww sorry" Binalik ko ang natapon na glue sa loob ng lalagyanan.
"I'll help you" Lumapit si Aaron sa amin. Nakangising nagkatinginan si Kira at Misha sa min.
"Ehem! Love, can't you see I'm alone. Can't you give this fool a chance. A little love is all I ask. A little kindness in the night" Sabay na kanta ng dalawa kong bruhang kaibigan.
"Ocean deep, I'm so afraid to show my feelings!" Walang tonong banat ni Misha na alam namin maganda talaga boses niya. Kaya natawa kami ni Aaron sa kalokohan ng mga barkada ko. Palagi nila akong tinutukso kay Aaron kaya pulang pula na ang buong mukha ko.
Nagulat ako sa kamay ni Aaron nasa pisngi ko.
"Tinanggal ko lang ang dumi sa mukha mo" Mas namula ang mukha ko sa ginawa niya.
"Ocean deep
Will I ever find a lover
Maybe she has found another
And as I cry myself to sleep
I know this love of mine I'll keep" Patuloy ni Misha sa pagkanta. Lakas talaga trip nito. Habang tinatapos namin ang ginagawang sa pag didikit sa dingding ng upuan. Tulong tulong kaming tapusin ang project kesa naman tumunganga lang kami.
"Hindi ito Luneta para mag harutan kayo" Napahinto kami sa boses ni Andrew.
"Sorry President" Sabay kaming humingi ng Sorry. Labas sa ilong hindi ko na lang siya tinignan sa mukha. Naiinis ako sa kanya.
Lumalandi ang baboy ng taon! Pang aasar ni Kathleen.
"Shut up Kathleen! Ikaw kaya jowa ng bayan" Balik asar ni Kira.
"Kira, tama na. Hayaan mo na siya" Pigil ko sa kanya.
"At least may pumapatol kesa naman sa isang baboy dyan" Narinig kong nagkahagikgikan ang mga grupo ni Kathleen.
"Stop it girls! Pag hindi kayo tumigil. I'll bring you all to guidance counselor" Babala ni Andrew kaya tumigil ang grupo ni Kathleen. Napayuko na lang kami kay Andrew.
"I smell something fishy" Bulong ni Kira. Napairap ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Andrew.
Umalis na siya sa pwesto namin.
"By the way, Lacey, Are you free after class?" Untag ni Aaron sa akin.
"Yes! Yes! Free siya today. Kami na ang pumapayag!" Sabay sagot ng dalawa.
"Ahh? Ehhh. Oo" Napilitan akong sumagot. I know maaga kaming papauwiin dahil wala na kaming Lecture.
"She's not free today. Marami kaming lilinisin mamaya" Singit ng isang asungot.
Bakit na naman bumalik ito sa pwesto namin?
"Jealous of the one whose arms are around you" Kanta ni Misha kumunot ang noo ni Andrew sa kanya.
"Don't worry tutulungan ko siyang tapusin ang lilinisin niya" Sagot ni Aaron masamang nagkatitigan ang dalawa.
"Really? Mr. Aaron Florencio? Si Lacey ang ka grupo ng Row namin. And I don't think kailangan niya ng tulong mo" Mapag hamon na sinabi ni Andrew.
"Ah Aaron next time na lang tayo umalis." Sabi ko baka magkainitan pa ang dalawa. Ayokong mag away ang dalawang nang dahil sa akin.
"It's okay Lacey, tutulungan kita para maaga ka din umuwi" Pangungulit nito sa akin.
"She's fine Mr. Florencio. No need to help her nandito ako para tulungan namin siya" Tinignan ko ang mukha ni Andrew halatang ayaw nito kay Aaron.
Problema nito? Bakit ba mainit din ang dugo niya kay Aaron?
"Para walang away. Tutulungan na lang namin si Lacey para maaga tayong matapos" Sabad ni Kira to the rescue. Tumingin ako kay Kira ng pasasalamat. Para mawala ang pressure sa dalawang lalake.
Napa “Tsk” na lang si Andrew at iniwan kami.
"Ang ganda mo Gurl!" Hagikgik nila sa akin. Napairap ako sa kanya. Mahirap na baka mamaya kung ano na naman sasabihin niya.
***
Hindi natuloy ang Date namin ni Aaron, sa hindi ko malaman na dahilan maraming pinagawa sa kin si Andrew kahit hindi ko na trabaho. Pasalamat siya mahal ko siya. Kundi aawayin ko talaga siya. Actually friendly date lang iyon wala akong plan na makipag boyfriend kung hindi rin lang si Andrew.
Pagod akong umuwi sa bahay alas singko na din kaming natapos. Kaya maaga akong nakatulog. Naalimpungatan ako sa tawag ng cellphone ko. Tinignan ko ang oras 11:30pm na.
Sino naman kaya hampaslupa ang tatawag sa akin? Arghhh!
"Hello?!" Pasigaw kong sagot dala ng antok. Subalit walang sagot sa kabilang linya. Naririnig ko ang paghinga niya.
"Kung sino ka man at trip mong mang mang gising! Please lang tigilan mo ako!" Pinatay ko ang tawag sabay patay ko sa cellphone. Ganitong antok na antok ako. Pinilit akong bumalik sa pag tulog. Subalit pinagkaitan na ako ng Espiritu ng kaantukan. Napag desisyonan ko din na kumain na lang muna. Light meal baka hindi ako matunawan.
***
Habang nag lalakad ako papasok ng school. Nakasalubong ko si Andrew halos sabay na kaming pumasok. Nawala ang antok ko nang makita ko si Andrew parang nagising ang katawan lupa ko.
"Andrew, wait!" Huminto siya sa paglalakad.
"What do you want?" Ang aga aga ang sungit ng baby ko.
"Eh sabay na tayong pumasok" Para akong basang sisiw. Napa "Tsk" na lang siya pero hindi naman tumanggi sa akin. Gusto kong kumapit sa kanya. Hindi ko mapigilan ang kilig sa katawan. Napapangiti ako.
"Para kang baliw nakangiti mag isa"
"Huh?" nawala ang ngiti ko bigla.
Nakakainis naman ang KJ ng lalakeng ito. Pumasok na kami sa Classroom nakita ko sina Kira at Misha nanunuksong tingin.
"Naks, sabay na silang pumasok" Hindi pinansin ni Andrew ang tukso ng isa namin kaklase. Gusto ko tuloy mag tatalon sa tuwa.
Buong araw namin tinapos ang Decorating ng Classroom. Last day na namin kaya todo effort kaming lahat. Nakita kong nilapitan ni Kathleen si Andrew inabot ang isang bote ng mineral water. Nakangiting tinanggap ni Andrew.
Bakit ganon? Asual broken hearted na naman ako.
"Ouch! Bad day na naman ang kaibigan oso natin" Tukso ni Kira.
"Oo nga, hayaan mo nandyan naman si Aaron kung ako sa iyo Lacey. Ibaling mo na lang kay Aaron ang feelings mo. Gwapo na at sikat pa hindi ka na maghahabol pa" Saad ni Misha boto talaga siya kay Aaron.
"Friendship lang nararamdaman ko kay Aaron, Misha" Malungkot kong sinabi.
"Hindi ka naman kase pinapansin ni Andrew. Kita mo nga mukhang type niya si Kathleen" Napatingin ako ulit sa pwesto nila nasasaktan akong nakikita ko silang nag uusap.
"Sabi ni Mommy habang may buhay may pag asa. Mahal ko si Andrew"
"Bahala ka na nga hindi kami nag kulang ng advice sa iyo. Ang bata mo pa. Martyr ka na! Tinalo mo pa ang Gomburza!" Suko ng dalawa kong kaibigan.