My Beautiful Assassin Chapter 6

Lacey POV

Pagkatapos ng klase namin. Nakita kong naglalakad si Andrew pauwi ng condo niya. Binilinan ko si Kuya Roldan na mamaya na niya ako sunduin. Palihim akong nag tatago. Sana hindi ako makita ni Andrew. Napansin kong huminto si Andrew.

"Bakit mo ako sinusundan Ms. Madrid?"

Patay! Paano niya nalaman na sinusundan ko siya? Kaya napilitan ako lumabas sa lungga ko.

"Ahh. Ehh napadaan lang ako hehehe" Palusot ko. Humarap siya sa akin. He look amused.

"Sigurado ka? Hindi ito ang daan pauwi sa inyo" Nanlaki ang mata ko.

Paano niya nalaman na hindi ito pauwi sa amin?

" Pa-paano mo nalaman?" He smirked.

"Nakikita ko ang Driver n'yo sa kabilang kalye dumadaan" Napayuko ako sa kahihiyan.

Bahala na!

" You know I like you Andrew kaya ko ito ginagawa" Halos pabulong kong sabi.

"And you know I don't like you Lacey kaya tigilan mo na itong kakasunod sa akin" Tumalikod si Andrew sa akin.

"Alam mong hindi ako susuko Andrew. I will do everything na magustuhan mo rin ako" Sabay karipas ng takbo.

"You're creepy" Napailing na lang si Andrew.

***

Masayang binalita ng Adviser na nanalo ang Classroom namin sa Best Christmas Decorations sa buong San Agustin University. Kaya masaya kaming nag hiyawan magkaka klase. Halatang excited sa retreat ng Private Beach Resort sa Batangas. Pinag bawal kaming mag dala ng alak at sigarilyo pero alam ko etong mga kaklase ko mababait na nilalang. I'm sure makakalusot yan.

Maaga kaming gumising six in the morning ang meet up sa school papuntang Batangas.

Nasa bandang likod kami ng Bus nina Kira, Misha at ako. Ang daya ng dalawa umupo na lang sila at ako wala man lang partner sa upuan. Dala ng antok kaya nakatulog ako sa bandang salamin. Naalimpungatan ako ng sunod sunod na lubak ang nadaanan ng Bus.

Napansin ko ang aking ulo nasa dibdib ng...

Isang lalake?

Shit! Nawala ang antok ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko.

Nanlaki ang mata ko napatitig kay Andrew. Nakapikit din siya.

Bakit siya nakaupo sa tabi ko? Hindi ko mapigilan kiligin. Parang gusto kong ibalik ang pagkakahiga ng ulo sa kanya. Pero bahala na pagkakataon ko na ito. Kaya pasimple akong humiga sa dibdib niya. Minsan lang ito at sasamantalahin ko na. Landi ang puhunan ng Lola n'yo.

Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Mga Bes ang tigas ng dibdib niya at ang bango. Sarap papakin gosh!

"Ms. Madrid, I know you're awake. Please stop molesting my body." Napaangat ako ng ulo. Nakapikit pa rin ang mata ni Andrew.

"Ahh Sorry inaantok pa kase ako" Palusot ko ulit.

Napa “Tsk” na naman ito. He ignored me again kaya tumingin na lang ako sa labas. Hanggang sa makarating kami sa Private Beach Resort.

Buti na lang apat na tao sa isang Room. Kaya nagkanya kanya kami ng mga magkaka klase. Lumabas si Kira at Misha nahiya ako sa katawan ko. Nakasuot ng one piece black swimsuit. Sana pala nag diet ako bigla akong na conscious. Kaya sinuot ko ang short at white t-shirt. Baka mamaya tuksuhin pa ako ni Kathleen.

"O, ano yan suot mo?" Asik ni Kira.

"Damit" Sagot ko.

"Alam kong damit. Pero naka Swimsuit dapat. Private Beach naman ito" Napairap sa sinabi niya.

"Bakit kasing seksi ko ba kayo?" Ganting sagot ko.

"Hindi ka naman mataba katulad ng Obese Lacey. Sexy ka nga eh. may curves ang katawan mo at ang flawless ng balat mo sayang kung hindi mo ipapakita" Nagmatigas akong hindi hubarin ang damit ko. Bahala sila ayokong pagtawanan ng mga tao. Sana kung sila ang pipintasan. Eh ako naman kung nag diet lang sana ako.

Pagkatapos namin kumain ng lunch sabay sabay kaming lumangoy sa dagat. Dahil sa kakulitan ng dalawa napilitan akong hubarin ang damit ko

Narinig namin nag sipulan ang mga kaklase kong lalake kaya dali dali akong lumangoy sa dagat.

"Ang sexy mo Lacey!"

"Ang flawless ng skin mo!"

"I love you Lacey!"

Kasalanan to ng dalawa. Hiyang hiya talaga ako. Parang gusto kong bumalik sa room para mag tago. Halos hindi na ako lumutang sa dagat. Paahon na ako nang lumapit sa akin si Andrew dala ang malaking twalya at salubong ang kilay.

"Thank you" Natuwa ako sa gesture niya.

"Next time. Don't wear this swimsuit maraming lalake nakatingin sa iyo" Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa iba namin babaeng kaklase. Kung tutuusin hindi naman ganon ka daring ang suot ko kumpara kina Kathleen naka Two Piece Swimsuit.

"Tsk! Just piece of advice" Iniwan ako ni Andrew nakatunganga.

Lumapit sa akin si Misha at Kira Nanunuksong tingin.

"Someone get jealous" Napailing na lang ako. Imposibleng mag selos si Andrew ilang beses na ba niya akong ni reject.

***

Pagkatapos namin maligo nagpahinga kami para sa Dinner. Nagulat ako sa nilabas ni Kira. Absolute Vodka Kurant at Sprite inihalo niya sa Coleman.

Sabi ko na nga ba eh. Ang talino talaga ng babaeng ito!

Kaya napag desisyonan namin lumabas para mag siga ng apoy sa buhanginan ng dagat. Lima kaming babae kasama ang dalawa namin kaklase si Shiela at Mary ann. Halos si Misha ang nakaturo ang bote kaya palaging Dare ang pinipili nito. Kahit ako ayoko ng Truth baka mamaya matanong ako ng wala sa oras.

Ilang oras na kaming nag lalaro nang mapunta sa akin ang bote.

"Hay sa wakas akala ko gumamit ka na ng magic kaya hindi napupunta sa iyo ang bote" Katyaw ni Kira.

"Choose Lacey Truth or Dare?" Tanong ni Misha.

"Syempre Dare!" Matapang kong sagot. Nagkatinginan ang dalawang bruha. Parang nagkamali ata ako ng pinili. Kinabahan ako bigla sa nakakaloko nilang ngiti.

"Eto na. Nakikita mo yun Entrance ng resort" Napatango ako.

"Unang lumabas na lalake sa entrance. You will give him a kiss" Napatayo ako ng wala sa oras.

"What?!! Paano kung guard sa entrance. Iba na lang" Pag mamakaawa ko kay Misha.

"Huwag kang madaya kanina pa kami dito ginagawa ang Dare! Sige na. Pumuwesto ka na doon" Napilitan akong tumayo. Nakaramdam na din ako ng Tipsy kahit isang baso lang ininom ko. Nakayuko akong nag hintay sana naman hindi iyon nakita namin taga bantay ng Resort mukhang hindi pa naliligo yon.

Narinig ko nagsinghapan ang mga kaklase namin. Kaya napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko.

Oh my...

Narinig ko ang sinabi ng isa sa mga kaklase namin si Shiela. Isa sa mga nagkaka crush kayAndrew.

"Ang daya! Sana sa akin na lang napunta ang Dare!"

Anong ginagawa ni Andrew dito? Nagtatakang napatingin sa kin si Andrew.

Narinig kong nag hagikgikan ang dalawa kong kaibigan. Kaya napilitan akong lumapit kay Andrew.

"Why?" Tanong niya. Napa cross finger ako sa likod ko at napakagat sa labi.

"Hmmm Andrew, kase.. Ano..." Kumunot ang noo ni Andrew.

"Pwede ka naman tumanggi sabihin mo na hindi ka nagpapahalik para tigilan nila ako" Binilisan ko na baka mainis pa sa akin si Andrew.

"Ano bang klaseng games yan?" Tanong niya.

"Truth or Dare. Ang Consequences is unang lalakeng lalabas sa entrance. I need to give him a kiss"

Napakagat ako sa labi. Nakatitig lang siya sa aking mukha. Hanggang sa nagsalita siya.

"Okay, you can kiss me now" Naka awang ang labi napaangat ako ng tingin. Halos hindi ako makagalaw sa kanya sa kinatatayuan ko.

"Se-seryoso ka ba?" Tanong ko. He just smirked.

"Yes. Pag tumanggi ako baka ipagawa pa rin nila ulit sa iyo ang consequence" Nakatitig ako sa kanyang mata. Naramdaman ko unting unti ang pag lapit niya sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko.

"I think hindi mo kaya. So, I'll help you to your consequence" Hinawakan niya ang chin ko para iangat ang mukha ko.

Sa sobrang hiya napapikit ako ng mata. Hinihintay ko ang pag dampi ng kanyang labi sa labi ko.

Naramdaman ko pag ngiti niya sa labi ko. Halos hindi ako makahinga humiwalay ang labi niya sa akin

"Open your mouth. Love" Sasagot sana ako nang bigla niyang hinalikan ako ulit. Ipinasok ang dila niya sa loob. Kaya napadilat ako ng mata nakita kong nakapikit ang mata niya habang ninanamnam ang pag halik sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya pinikit ko muli ang mga mata ko at ginaya ang pag halik niya sa akin.

Nakarinig kami ng ingay kaya bigla kaming naghiwalay ni Andrew. Natulala akong nakatitig sa kanya habang siya todo ngiti ang labi.

"There! I give you my kiss" Tumalikod siya para bumalik sa Resort. Wala sa loob napahawak ako sa mga labi ko.

What happened? That is my first kiss.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.