Lacey POV
Damn! Kanina pa ako hindi makatulog. Mailap ang tulog sa akin. Ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Mamayang alas singko gigising na kami dahil mag aalmusal pa kami bago umuwi sa bahay.
Taragis ka Andrew anong ginawa mo sa akin? Patulugin mo na ako! Hindi ako maka move on sa halikan namin kanina.
Naalala ko pa ang katyaw sa akin ni Kira at Misha.
"Congrats Lacey, hindi na virgin ang lips mo" Lumapit sila sa akin. Nagulat akong pinakita ni Kira ang video namin ni Andrew habang nag hahalikan.
"My gosh almost 1 minute and 30 seconds" Pilit kong inagaw ang cellphone niya na may video namin baka mamaya kumalat pa mahirap na.
"Bago ko I de delete ito. I send ko muna sa iyo para remembrance" Pag tutukso niya sa akin.
Napangiti ako. This is my best night forever.
***
Antok na antok ako. Halos hindi ko na maidilat ang mata ko. Mag a alas tres na ata ako nakatulog.
"Gumising ka na Lacey! Ikaw na lang ang hindi pa naliligo" Hinila ako ni Kira.
"Oo na, oo na!" Napilitan akong bumangon. Ang sakit ng ulo ko sa puyat.
"Grabe yan eyebag mo. Ang tambok alam namin hindi ka pinatulog dahil sa Tamis ng unang halik!" Nag tawanan ang dalawa sa pang aasar nila sa akin
"Ang halik mo na mi miss ko!" Birit ni Misha ang babaeng songer.
"Arghhh! Ang ingay mo Misha" Pumasok na lang ako sa banyo para maligo ng mabilisan. Gumamit ako ng concealer para takpan ang eyebag ko at lip tint.
Ang lawak ng ngiti ng dalawa pagkatapos kong maligo. Inayos namin ang mga gamit baka may maiwan kami kaya nag doble check. Nag iwan ako ng tip para sa housekeeping. Isa sa natutunan ko sa magulang ko kapag nag babakasyon kami sa ibang bansa.
"Halatang nag papaganda" Namula ako sa hiya.
"Tumigil nga kayo! Kanina pa kayong dalawa" Angal ko sa kanila. Mas lalo nila akong tinukso.
"Uyy! Affected mamaya mag kikita sila ni Prince Charming" Tukso nila ulit.
***
Hindi ko mai angat ang ulo habang kumakain ng Breakfast. Ayokong tignan si Andrew kulang na lang lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Baka mahalata niya ang eyebag ko. Nakakainis kase ang halik na iyon hindi talaga ako pinatulog.
Pagkatapos namin kumain dumirecho na kami sa Bus. Asual ang dalawa iniwan na naman akong walang katabi feeling ko kung bestfriend ba nila ako?
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng Bus.
"Is this seat taken?" Napa angat ako ng tingin si Aaron.
Umiling ako nahihiya akong tumanggi. Kaya umupo na si Aaron sa tabi ko. Nakita ko paakyat na si Andrew inikot ang mata. Nakasalubong ang kanyang kilay nakatingin sa pwesto ko. Dire direcho siya alam ko sa likod ng upuan namin siya umupo.
Ang aga bad trip na agad ang mukha! Pinag kibit balikat ko na lang. Dala ng sobrang antok pinikit ko ang mga mata.
Ang bango! Parang amoy ni Andrew.
Napangiti ako. Napadilat ako ng mata.
Teka bakit ako nakadapa at nakaunan sa bag? Bumangon ako para lang matulala.
Paanong? Si Andrew na ang katabi ko?
Hinanap ng mata ko si Aaron. Nasa harapan kausap ang isa sa mga ka team niya sa basketball.
Anong nangyari habang tulog ako?
Nagtataka kong tanong sa sarili. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Akala ko kakausapin ako ni Andrew pero tumayo lang siya at direchong lumakad. Iniwan ako dito sa Bus. Tahimik lang ako tumayo para buhatin ang mga gamit ko. Anyway may bukas pa naman.
***
Naka P. E uniform ako dahil mag mi meeting kami regarding sa Christmas Party. Uuwi din kami ng maaga malulungkot ako dahil three weeks kong hindi makikita si Andrew. Gustuhin ko man siya makasama. Simula nangyari ang halik na iyon parang naging ilag kami sa isa't isa.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ang lalim nun ah?" My Mom said habang inaayos ang plato para sa almusal namin.
"Mom, nalulungkot ako" Nag alalang lumapit sa akin si Mommy.
"Bakit nalulungkot ang Baby Girl ko? May problema ka ba?"
"Three weeks kong hindi makikita si Andrew dahil Christmas Vacation" Atungal ko.
"Toinks! Akala ko naman kung ano na nangyayari sa iyo. Kung ang ibang mga estudyante tuwang tuwa na walang pasok ikaw kabaliktaran naman" Napailing na lang sa akin si Mommy.
"Mommy naman alam mong inlove ako kay Andrew!" Nagpapadyak ako sa upuan.
"Eh di kausapin mo?! Tanungin mo kung anong gagawin niya ngayon Christmas"
"Ayoko nahihiya ako sa kanya since when we kissed last -" Nanlaki ang mata ko ng marealized ko ang sinabi.
"What?! Did you two kissed?" Kulang na lang sabunutan ako ni Mommy.
"It's just a game. Mom" Bigla akong natakot sa itsura ni Mommy galit na galit ang kanyang mukha.
"I'll call your Dad" Kinuha niya ang cellphone. Para tawagan si Daddy halos maiyak ako baka ma grounded ako nito.
"Hello Hun, ang anak mo dalaga na!" Tumili pa ang magaling kong Ina sa kilig at kinuwento na may kahalikan akong lalake. Madaling araw na kaya sa US.
What the heck?!
***
Parang walang nangyari sa amin ni Andrew. Bumalik ang pagiging cold niya ulit. Akala ko iyon na ang simula para pansinin niya ako.
Ilang araw na lang Christmas Party na. Matagal bago ko makikita si Andrew.
Binuksan ko ang facebook ko para i check ang notification pagkatapos kong mag reply at mag like sa mga kaibigan at kamag anak ko. Naisipan kong tignan ang Facebook ni Andrew. May share siyang kanta galing sa youtube.
"Can this be love" Wala sa loob na click ko ang kanta galing sa youtube. Pinakinggan ko ito.
Ang ganda
Bakit pakiramdam ko para sa akin ang kanta? Napangiti na lang ako. I da - download ko mamaya yun song sa Itunes. Basta pag si Andrew na appreciate ko ang lahat ng hilig niya.
Pagkatapos kong pakinggan. Binasa ko ang comment sa facebook niya.
Carl anselmo: And who's this unlucky girl?
Reply from Mark Andrew Winterson: She's nobody
Napaangat ang kilay ko.
Sino siya? May nagugustuhan na bang iba si Andrew? Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib.
Hindi kaya si Kathleen? feeling ko mas gusto niyang kausap ito kesa sa akin.
Dahil ba mataba ako? At mas sexy sa akin si Kathleen? Na I insecure kong tanong sa sarili.
Nang hina ako sa naisip.