My Beautiful Assassin Chapter 8

Lacey POV

Absent ang teacher namin sa Science kaya ang magagaling kong kaklase nag kanya kanyang pwesto sa chismisan. Magulo ang mga upuan wala na sa tamang lugar. Habang ako naman nasa isang gilid paharap kay Andrew. Napansin kong maitim ang ilalim ng mata niya.

Puyat ba siya? Anong ginawa n'ya kagabi? Kahit tulog ang gwapo niya pa rin. Nakabukas pa ang kanyang bibig. Naalala ko ang halikan namin. Nag init bigla ang mukha ko.

Ano na ba nararamdaman ko? Crush lang ba or Love? First time kong maging ganito sa isang lalake. Baka puppy love lang ito karamihan na sinasabi ng iba.

Ilang minuto ako nakatitig sa kanya. Muntikan na akong mahulog sa upuan nang biglang dumilat ang mata niya nakatingin sa akin.

"What are you looking at?" Tanong niya namumula ang mata niya sa antok.

"Ahh Ehh? Just checking on you" Alanganin kong sagot.

"For what?" Halatang may irita sa boses ni Andrew.

"Ang gwapo mo kase kahit tulog ka" Kinikilig kong sinabi.

Narinig kong napa "Tsk" lang s'ya sabay pikit ng mata.

Ang suplado pa rin!

Bukas Christmas Party na namin. Gusto ko siyang tanungin kung saan siya mag papasko.

***

"Andrew, wait!" Hinabol ko siya sa gate ng school namin. Humarap siya sa akin nakakunot ang noo.

"What do you want?" Malamig niyang tanong.

"Ehh. Sa-saan ka pala mag ki christmas?" Napakagat ako sa labi. Nilakasan ko na lang ang loob.

"Why do you care?" Sabay talikod sa akin.

"Because I care for you!" Hinabol ko siya at hinarangan sa daan.

"Well, I don't care if you care for me. Please just leave me alone Lacey" Iniwan niya ako direchong lumakad.

"Bakit ba ganyan ka Andrew? Pagkatapos mo akong halikan wala lang ba sa iyo yon?" Huminto siya at humarap sa akin.

"That kissed is no meaning. It's only a game and I played your game. Pasalamat ka na lang pumayag akong magpahalik." Iniwan niya akong nakatulala. Parang pinag pira piraso ang puso ko sa rejection niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang luha sa akin mga mata.

***

Na pag desisyonan ko hindi na umattend ng Christmas Party.

Para saan pa? Nasaktan lang naman ako. Nandito ako ngayon sa Gym. Ganito ako pag na frustrated. Kanina ko pa naririnig ang tawag ng mga kaibigan ko sina Kira at Misha. Subalit hindi ko sinasagot ang tawag nila. Alam ko naman na kukulitin nila ako. Ayoko munang makita si Andrew. Masyado kase akong umasa. Naisipan kong lumabas ng bahay makulimlim na ang panahon mukhang uulan. Buti na lang wala si Kuya Roldan dahil day off niya ngayon at si Mommy sinundo niya si Daddy sa Airport.

Huminto ako sa 7/11 para bumili ng ice cream. Ang galing ng Christmas Party sa school tamang tama umuulan. Napabuntong hininga ako. Paubos na ang kinakain kong Ice Cream. Napalingon ako sa bagong pasok na customer sa 7/11. Napasinghap ako ng malalim. Makilala ko kung sino ang pumasok.

Anong ginagawa ni Andrew dito? Hindi ba siya umattend ng Christmas Party ngayon sa school. May Hood ang Gray niyang Jacket. Pagkatapos niya kinuha ang items. Narinig kong umuubo at sinisipon siya.

May sakit ba siya? Nakadama ako ng awa hindi niya ako napansin dahil nasa bandang likod ako. Direcho lang ang tingin wala siyang pakielam kung may nakatingin sa kanya.

Lumabas na siya sa 7/11 pagkatapos bilhin ang kinuha niya.

Tumayo ako para sundan siya. Wala na akong pakielam kung magalit pa siya sa akin. Nag aalala ako sa kanya.

Palihim ko siyang sinusundan sana hindi niya ako mapansin. Kakasabi ko pa lang biglang huminto at humarap instead na mag tago ako nahuli pa niya ako.

"Are you following me?" Napalunok ako sa mapanuri niyang tingin.

"Ye-yes?" Bakit ako nag stammering? Kinakabahan ako sa kanya.

"Go home Lacey" Bigla itong umubo napansin kong butil butil ang pawis niya.

"No!" Lumapit ako sa kanya. Akala ko aatras siya. Itinaas ko ang kamay para hipuin ang noo niya. Para akong napaso sa init.

Gosh! May lagnat ang Baby ko este si Andrew.

"You're sick?! Kailangan mong mag pahinga" Bumakas ang pag alala sa mukha ko.

"Just go home Lacey. I don't need your help" Tumalikod siya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Lumapit ako ulit sa kanya. Pansin kong wala sa direksyon ang lakad niya.

"Kahit magalit ka! Sasamahan kita pauwi sa tinutuluyan mo" Kinuha ko ang kamay niya para alalayan siya. Hindi na siya nagsalita pa. I think wala na din siyang lakas para makipag talo sa akin.

Bakit ba lumabas siyang mag isa? Sino ba kasama niya sa bahay?

Tinanguan niya ang Guard nang papasok na kami sa Allure Condotel. Isa sa sikat na Condo and Hotel karamihan talagang may kaya ang nakaka afford ang nakatira dito.

Nasa harap na kami ng Condotel niya.

"Nasaan ang susi mo?" Inilabas niya ang card key binigay niya sa akin pagkabukas ng pinto

Napasinghap ako sa loob ng Condo niya. Halatang mayaman na tao ang nakatira dito lahat puro mamahalin at de kalidad ang mga kasangkapan. Tinulungan ko siyang makapasok sa loob. Mukhang nang hihina na siya talaga. Umikot ang mata ko.

Wala ba siyang kasama dito?

Bakit mag isa lang siya? Tanong ko sa sarili.

Sinong nag aalaga sa kanya? Maraming katanungan sa isip ko subalit mas pinili ko na lang tumahimik. Hindi pa ito ang panahon para mag isip.

Umupo kami sa sofa subalit direcho siyang humiga kaya ang ulo niya nasa legs ko. Nailang naman ako pero kinilig din. Chance ko na to para pag samantalahan siya tutal may sakit siya. Char! Dalagang pilipina ako sa puso't diwa.

"Nasaan ang medicine kit mo?" Tanong ko.

"Nagugutom na ako. Pag handaan muna ako ng makakain" Masungit niyang sinabi.

Aba't makautos pasalamat ka mahal kita.

Namumutla na ang mukha niya napatingin ako sa plastic na binili niya sa 7/11 kinuha ko ito.

Bakit cup noodles? Hindi maganda sa kalusugan ang Instant noodles.

"Teka pupunta muna ako sa kitchen" Sabi ko. Iniwan ko siya sa sofa.

Tinignan ko ang laman ng Fridge niya at cupboard. Buti naman may mga laman. Naisipan kong pag lutuan siya ng pagkain na madaling maluto. Naisip ko ang Congee, Tutal may pressure cooker siya kaya madaling maluto ang sticky rice.

Within 20 minutes natapos ko lutuin ang congee. Bumalik ako sa Living Room dala ang tray nag lalaman ng pagkain niya.

"Andrew, gising ka muna para kumain at magkalaman ang tyan mo" Bumukas ang mata niya. Namumula na ang pisngi nito dala ng masama ang pakiramdam. Pero gwapo pa rin.

Kahit nang hihina. Pinilit niyang ibuka ang bibig para makasubo sa inihanda kong pagkain. Namumula akong nakatitig sa kanya kanina pa siya matiim nakatitig sa akin. Naiilang man pero tiniis ko gusto ko siyang tulungan.

Buti naman kahit may sakit magana naman siyang kumain. Pinunasan ko ang bibig niya gamit ang tissue.

Inabot ko ang tubig kasama ng gamot direcho niyang ininom ito bumalik siya sa pag higa sa sofa.

"Wait! Baby este Andrew huwag ka munang humiga dalhin muna kita sa kwarto mo" Napakagat ako sa labi. Kanina pa ako nakakakota sa pag hawak sa katawan niya. Tinulungan ko siyang tumayo para makarating sa kwarto niya.

Bakit ang yaman naman this guy?

Pagkarating namin sa kama inalalayan ko siyang humiga subalit sa hindi ko malaman na dahilan bigla niya akong binaliktad napunta ako sa ilalim niya

Nanlalaki ang mata ko nakatingin sa kanya habang nakatitig siya sa akin namumungay ang mata.

"Thank you" He said bago bumaba ang labi niya sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.