Einah POV
Pinagmamasdan ko ang mga babae. Ang iba nag iiyakan dahil sapilitan silang dinala dito sa Isla Del Fuego. Isa itong pribadong isla na pag aari ni Bryan MacKenzie sa Russia. Pinakilala sa amin si Caroline MacKenzie na anak ni Bryan MacKenzie. Siya ang trainor namin. Nagulat ako na labing walong taong gulang pa lang siya. Halatang bihasa na ang babae. Sa kilos niya para siyang robot na sunod sunuran. Napukaw ang tingin ko sa isang babae. I think nasa labing pito o walong taong gulang siya.
Napakatahimik niya at malalim ang iniisip. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata. Kung tititigan ko siya parang nakita ko na siya noon. Hindi ko lang matandaan.
Bawat isa sa amin may mga number sa damit at ako naman ang number 16 at ang babaeng pinag mamasdan ko ay number 8. Hindi kami allowed na ibigay ang information sa bawat isa. Bawal din kaming makipag usap kahit kanino. Buhay namin ang kapalit kapag isa sa mga rules ang binali namin.
Gusto ko nang murahin si Bryan MacKenzie dahil sa mga pagkain binibigay niya sa amin. Kakapiranggot na ulam at kanin.
Damn it! Payat na nga ako mas lalo pa akong papayat! Nakita ko ang ibang mga kababaihan na nag pakamatay dahil hindi nila kinaya ang training na binibigay sa amin.
Dahil sanay ako sa hirap lalo na sa mga training na dinanas ko sa Military Camp. Wala na sa akin ang ganitong bagay. Napapakuyom ako ng kamao tuwing nakikita ko ang ibang babae na kinain ng piranha habang tumatawid kami sa ilog.
Kahit gustuhin ko man silang iligtas ngunit hindi maaari lalo na buhay namin ang kapalit. Pinag mamasdan ko si Lady Caroline nakita ko ang kislap sa gilid ng kanyang mata.
Tumalikod siya nang makita niyang dalawang babaeng kinakain ng piranha. Sumisigaw ng tulong para mailigtas ang kanilang buhay. Alam ko hindi niya kagustuhan ang pinapagawa sa kanya ni Bryan MacKenzie subalit maraming mga tauhan nakapalibot sa min.
Ang huling Training namin. Apat kaming babae ang binigyan ng partner nagpapasalamat ako at hindi si Number 8 ang binigay sa akin hindi ko maintindihan pero ayoko siyang patayin.
"My name is Erica Miller. If I die today please tell to my husband. I love him so much. " Sabi ni Erica Miller ang babaeng katungali ko.
"I won't kill you." Bulong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata. Tumango siya sa akin. Mukhang alam niya ang nasa isip ko. Dahil nahabag ang puso ko. Alam ko sapilitan siyang dinala dito sa Isla Del Fuego.
Sinaksak ko si Erica Miller. Hindi sa internal organ na pwedeng n'yang ikamatay. Kaming dalawa ang nagkamit ng tagumpay ni Number 8. Binigyan kami ng code name ni Bryan Mackenzie.
Lady X or Lady Xelena ang pinili ko. At ang isa ay si Lady S or Lady Satinne. Pareho kaming nakaluhod habang binibigay ng kanya kanyang mission. Labag sa loob ko na patayin ang mga tuma traydor kay Bryan MacKenzie. Subalit kailangan kong gawin para makuha ko ang tiwala niya.
***
Hindi napansin ni Lady Satinne na nasa likod niya ako habang nakikinig sa kausap niya sa Cellphone. Plano niyang patayin si Governor Remuel. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya kung bakit niya ito ginagawa.
Napukaw niya ang interes ko subalit hindi ko alam ang kanyang pangalan para ipa imbestihan ko ang pagkatao niya.
***
Palihim akong pumasok sa loob ng kwarto ni Bryan MacKenzie. Kinuha ko ang USB para makuha ko ang information ng Royal Mafia.
Napangiti ako nang mapuno na ang laman ng USB. Hi hack ko ang kanyang laptop. Narinig ko may naglalakad na tao sa labas kaya naghanap ako ng pag tataguan. Nakita ko ang makapal na kurtina kaya dito ako nag tago sa loob. Hawak niya ang baso ng alak sa kanyang kamay.
Kausap niya si Genesis ang isa sa tinuring anak ni Bryan MacKenzie. Nalaman ko na dalawa sila ni Lady Caroline inampon ni Bryan Mackenzie. Nakikita ko kay Genesis ang panganib sa katauhan niya. Napakagwapo ng nasabing binata. Kung hindi ko lang mahal si Ivan. Baka magkagusto na ako sa lalakeng ito. Naalala ko si Brandon Routh ng kabataan pa. Sa tingin ko kaedaran ko si Genesis.
"Anong balita kay Lady S?" Tanong ni Bryan MacKenzie.
"Nasa pilipinas siya ngayon at pinatay niya si Governor Remuel." Napailing si Bryan MacKenzie.
"Stupid. Lady S. Akala ba niya mag sasalita si Remuel? Alam ko hindi nila ako kayang traydurin kung ayaw niyang patayin ko ang buong angkan nila." Humalakhak si Bryan MacKenzie. Sinimsim ang alak. Matiim ang mukha ni Genesis. Hindi siya ngumingiti man lang.
"Hinding hindi ko nakakalimutan ang araw nang matikman ko ang sariwang katawan ni Satinne. Kahit hindi na siya birhen. Nag iisip ako ng paraan kung paano ko siya mapapapayag na pakasalan ako ng batang iyon. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina" Parang asong ulol ang mukha ni Bryan MacKenzie.
Damn it! Si Bryan MacKenzie pala ang dahilan kung bakit nag hi higanti si Lady Satinne. Marami pa silang pinag usapan tungkol kay Lady Satinne.
"Nawawala si Rogelio Carillo. Ang traydor kong tauhan. Ipahanap mo siya ngayon Genesis baka mabulilyaso ang plano kong maging asawa si Lady Satinne" Utos ni Bryan Mackenzie.
Shit! I need to give her warning. Pawis na pawis ako sa loob ng kurtina. Hinihintay ko na umalis sila sa loob ng kwarto.
Sino ba si Lady Satinne? Gusto kong alamin ang pagkatao niya.
***
Nagkaroon ako ng mission dito sa Los Angeles. Naisipan ko dalawin ang mag ama ko. Alam ko nasa bahay ngayon si Ivan kasama ang anak namin.
Kitang kita ko ang saya sa kanilang mukha. Mukhang naka move on na siya sa pagkawala ko. Hindi ko alam kung saan nag mumula ang takot sa puso ko. Tinanong ko si Silver sinabi niyang nasa mabuting kalagayan ang mag a - ama ko.
Konting tiis na lang.Sweetheart. Matatapos din ang lahat. Babalik ako sa inyo.
Huminga ako ng malalim. Nakita ko may kausap sa cellphone si Ivan. Masayang masaya ang kanyang mukha. Bago binaba ang tawag.
Ang laki na ng anak namin si Nicholas. Malapit na siyang mag a anim na taon. Lumabas ang luha ko sa mata. Sa lungkot na nararamdaman ko. Nangungulila ako sa asawa at anak ko. Parang kailan lang ipinanganak ko siya. Ngumiti ako ng tipid. Nakita kong pumasok sila sa loob ng bahay.
"I'll promise babalikan ko kayo mag a - ama ko. Mahal na mahal ko kayo" Pinausad ko na ang sasakyan.