Satinne POV
Pinagmamasdan ko ang sasakyan ni Lady X habang nakahinto sa harap ng malaking bahay sa Los Angeles. Palihim ko siyang sinundan. Nakita kong lumabas ang batang lalake na kahawig niya ang bata.
I think nasa anim na taong gulang at mukhang kasama nito ang ama habang naglalaro sa garden. Mga ilang minuto lang umalis ang sasakyan ni Lady Xelena. Mukhang sinilip lang ang mag ama. Lihim akong napangiti alam ko na may tinatago siya at mukhang tama nga ako.
May mission si Lady Xelena sa Los Angeles dahil bored ako ngayon naisipan ko na sundan siya. Kinuha ko ang phone tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko.
"Gilbert, can you investigate this man" Binigay ko ang address at picture ng lalake. Ilang araw kong hinintay ang resulta. Napailing ako sa nabasa kong profile. Akalain mo nga naman. Ang lalakeng nakita ko sa Cellphone ni Xelena minsan pinasok ko sa loob ng kwarto niya. May kinakalantari na ng iba kasama pa ang anak nilang lalake na kamukhang kamukha ni Lady Xelena.
Kung may gagawin hindi ko magustuhan si Lady X. Pasasabugin ko ang bungo ng kanyang asawa.
"Ivan Lester Gonzales - Black " Mahina kong usal.
Nalaman ko si Ivan Lester Gonzales - Black at may anim na taong gulang na anak si Nicholas Sandoval - Black. Asawa at anak ni Einah Alonzo - Sandoval or Lady Xelena.
"How stupid of you, Einah! you give up your family for this fucking mission" Hawak ko ang larawan ni Ivan kasama ang babae nito nangangalan Harriet Makovsky. Halatang mahal nila ang isa't isa.
"Lady Xelena, mukhang wala ka ng babalikan pa na asawa at anak" Napailing ako hawak ko ang larawan ng pamilya ni Einah.
***
Einah POV
Nakita ko si Lady Satinne may chi ne check sa internet. Halata sa mukha niya ang saya. Alam ko pinatay niya si Governor Remuel. Lumapit ako sa kanya. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako lalo na galing sa bibig ni Bryan MacKenzie ang ginawang panghahalay sa kanya. Kung alam ko lang ang nasa isip niya. But i know she trusted Bryan MacKenzie.
"Tsk tsk tsk! Mukhang masaya ka ata sa balita Lady S paano kapag nalaman ito ni Master?" Untag ko sa kanya. Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Shut up! Lady X" Banta niya. Halata ang inis sa boses ni Lady Satinne.
"Well, pinapaalalahan lang kita" Concern kong sinabi.
"Baka ikaw ang kailangan kong paalalahanan baka magulat ka na lang wala ka nang babalikan" She's smirked bigla akong kinabahan.
Anong ibig niyang sabihin? May alam ba siya? Shit! Nanlalaki ang mata ko. Baka patayin niya ang pamilya ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Lady Satinne.
"I don't know what your talking about?" Tanggi ko sa kanya.
"Why don't you check yourself? Baka magulat ka na lang may kinakalantari na palang ibang babae ang mahal mo. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mong makasama si Bryan MacKenzie. You made the wrong decision." Babala niya.
Anong ibig niyang sabihin? Si Ivan ba ang tinutukoy ni Lady Satinne? Isang pinong kirot sa puso ko. Maisip na may ibang babae kinahuhumalingan ang kanyang asawa.
No! Imposibleng mag mahal ng iba si Ivan. Iba si Ivan. I know hindi niya magagawang mag mahal ng iba.
Paano kung mayroon na siyang iba? Nang aasar na ngiti binigay sa kin ni Lady Satinne bago ininom ang alak.
Paano kung nag sisinungaling sa akin si Silver? Umalis ako na may katanungan sa isip.
***
Nandito ako sa japan para sundan si Lady Satinne. Utos ni Bryan MacKenzie. Ayoko sanang gambalain si Lady S habang kasama ko si Genesis.
"Shoot him!" Utos niya. Napakagat ako sa labi. Alam ko nagbago na si Homer kaya lumayo at nag tago. Wala akong choice kundi sumunod. Pikit mata kong pinindot ang triggered ng sniper.
Nakita ko si Lady Satinne nakatingin sa min nanlilisik ang mata.
***
Sumugod sa akin si Lady Satinne. Galit na galit ang kanyang magandang mukha.
"How was my gift?" Mag asawang sampal ang binigay niya sa akin. I know. Kasalanan ko kung bakit hinahanap niya ang taong nang gahasa sa kanya.
"Damn you! Sinira mo ang plano ko!" Natawa ako sa kanya.
Kung alam mo lang Lady Satinne kung sino ang puno't dulo nito.
"Utos ni Master. Matigas ang ulo mo daw. Ayaw mong makinig sa kanya sa tingin mo hindi niya alam ang ginagawa natin?" Nang aasar kong sinabi kay Lady Satinne.
Tumingin ka sa paligid mo nasa tabi mo na ang taong hinahanap mo. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya.
"I know" Tumiim ang bagang niya. Nag kibit balikat ako.
"If I were you. Better stop this! Sa huli mababale wala lang lahat ng hirap mo" Paalala ko sa kanya.
Palabas na ako ng pinto nag iwan ako ng salita. Sana makuha n'ya din ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Baka magulat ka na lang ang pinagkakatiwalaan mong tao siya pa ang puno't dulo nito" Halos pabulong kong sinabi. Alam ko umabot pa rin sa pandinig niya ang sinabi ko.
***
Napailing ako sa nakikita kong kalagayan ni Lady Satinne habang nakakulong sa punishment room.
"Tsk! tsk! tsk" Satinne! Satinne! I told you" Napapailing ako sa kanya. Gusto ko na sabihin sa kanya ang totoo.
"Ikaw nag sabi kay Bryan nito?" Sigaw niya sa akin.
"Stupid! Do you think ako mag sasabi sa kanya? You don't know Bryan. He's powerful pinatay mo lang naman ang Chief of Police eh di nawalan s'ya ng tauhan." Napailing uli ako sa kanya.
"Well, you gave him a very big problem Satinne pero nag papasalamat ako sa iyo" Nagsalubong ang kilay niyang habang nakatitig sa akin.
"What do you mean isa sa mga tauhan n'ya?" Oo, ang taong hinahanap mo si Bryan MacKenzie mismo. Nag aalala ako kapag sinabi ko ang totoo baka magpadalos dalos ka sa desisyon. Ayokong mapahamak ka. Gusto ko sanang sabihin sa kanya.
" Don't trust him Satinne. Just observe and find the last person. Soon, you will know the truth" si Rogelio Carillo ang tinutukoy ko sa kanya. Alam ko maniniwala si Lady Satinne kapag ang taong iyon ang mag sabi.
"Why are you telling me this?" Naningkit ang mata niya. Mariin nakatitig sa akin.
"Dahil alam ko na hinahanap mo ang hustisya!" Saad ko bago ko siya iniwan. Pareho lang tayo Lady Satinne hinahanap natin ang hustisya.