Einah POV
Marami na akong nakuhang impormasyon tungkol kay Bryan MacKenzie. Ngayon papunta siya sa Moscow para makipag meet sa isa niyang tauhan habang kasama niya ako. Eto na ang pagkakataon para mahuli at mapatay namin ang Leader ng Royal Mafia
.
Nasa passenger seat niya ako. Nagtataka ako dahil wala si Genesis ang isa sa mga malupit niyang anak. Parehong matalino si Lady Caroline at Genesis. Kung nandito sila mahihirapan kami na mapatay si Bryan MacKenzie.
Palihim akong napangiti dahil gustong gusto ko na siyang tugisin sa mga kamay ko. Nag bibilang ako ng oras kung saan haharangin ang sinasakyan namin nina Silver. Pinahanda ko na ang mga Back Up Soldier kasama si Silver para ma i ambushed na namin si Bryan MacKenzie.
Malapit na kami sa lugar kung saan planong haharangin si Bryan MacKenzie. Napangiti ako makita na dumating na ang inaasahan ko. Narinig namin ang malakas na pag sabog sa harap ng sinasakyan namin.
"Damn it!" Narinig kong mura ni Bryan MacKenzie. May mga nakaharang na sasakyan sa harap namin. Iniumang nila ang baril sa limang sasakyan na pag aari ni Bryan MacKenzie. Lumabas ang mga tauhan sa loob ng sasakyan. Itinaas nila ang kanilang mga kamay. Lumabas din kami nina Bryan MacKenzie.
Habang nakataas ang kamay. Inikot ko ang paningin sa paligid alam ko na may mga tauhan siyang nagtatago sa paligid. Narinig ko may nag kasa ng baril. Yumuko ako ng nagpaputok ng baril ang isa sa mga tauhan niya. Kaya nagkagulo na ang lahat. Si Bryan MacKenzie nakipag barilan din sa sundalo. Lumapit ako kay Bryan MacKenzie. Sinipa ko ang hawak niyang baril kaya nagulat siya sa ginawa ko.
"Anong ibig sabihin nito Lady X?!" Bulyaw ni Bryan MacKenzie.
"My surprise gift for you. Bryan MacKenzie!" Yan lang ang sinabi ko mabilis kong itinutok ang baril sa kanya.
"Hayop ka! Isa kang traydor! Pagkatapos kitang iligtas!" Panunumbat niya sa akin. Ningisian ko siya. Babarilin ko na sana siya subalit may lalakeng humarang kay Bryan MacKenzie at sinugod ako. Malaki ang kanyang katawan at sinakal niya agad ako. Malakas ang taong ito.
Kinuha ko ang dagger knife ko sa likod ng baywang ko. Isinaksak ko agad sa kanyang likod. Subalit napakalakas niya at binigyan niya ako ng suntok sa mukha. Halos mapasubsob ako sa lakas ng pag hampas niya.
"Phoenix!" Narinig kong sigaw ni Silver sa pangalan ko. Nakita ko si Silver nakalapit sa min. Siya ang humarap at nakikipag buno kay Bryan MacKenzie. Binigay ko ang buong lakas para tumayo. At nakipag one on one sa malaking lalake. Isang malakas na flying kick sa dibdib niya ang binigay ko kaya bumagsak siya sa sahig. Muntikan na ako matamaan ng baril sa likod. Kinuha ko agad ang baril nakakalat sa sahig at binaril ko agad ang malaking lalake.
Kasabay ng dalawang lalakeng bumabaril sa akin. May lumapit na isang lalake at nakipag one on one din sa akin. Nasaktan ako ng masipa niya ang isang binti ko. Gusto kong mamilipit sa sakit.
Pero hindi iyon ang oras para gawin ko ang bagay na iyon. Punong puno na ako ng bugbog at sugat. Parang walang katapusan ang mga nagdadatingan mga tauhan ni Bryan MacKenzie. Nakita ko si Silver tinadyakan sa likod kaya napasubsob siya sa salamin ng sasakyan.
"Silver!" Nag aalala kong sigaw. Mas lalo akong nang init sa galit. Nang makita ko na punong puno ng pasa si Silver. Kaya tinakbo ko ang pwesto ni Silver at Bryan MacKenzie. At ako ang sumugod sa kanya.
Aminado ako bihasa si Bryan MacKenzie sa lahat. Nakailang suntok at sipa ang natanggap ko mula sa kanya. Napa subsob ako sa sahig. May nakita akong baril sa gulong ng sasakyan. Pasimple kong itinago. Lumapit sa akin si Bryan MacKenzie. Akmang sisipain ang likod ko binaril ko siya sa dibdib at sa kanyang binti.
"It's pay back time!" Nakangisi kong sinabi. Wala na ang mga tauhan niya. Halos lahat namatay na.
"You mother fucker! I'll kill you for this!" Nanggagalaiting mura niya sa akin. Nagulat ako na tumakbo siya ng mabilis. Kahit masakit ang aking katawan pinilit kong tumakbo kasunod sa kanya. Hinabol ko si Bryan MacKenzie.
Gagawin ko ang lahat mapatay ko lang siya at para matahimik na ang buhay ko at ng pamilya ko.
***
Naabutan ko si Bryan MacKenzie nakatayo. Wala na siyang matatakbuhan pa kundi bangin ang nasa likod niya. Nakatutok ang baril ko kay Bryan MacKenzie.
Puno na ng sugat ang katawan ko mula sa sagupaan namin ni Bryan MacKenzie. Alam ko na napakataas na bangin at napakalalim na dagat ang babagsakan niya kung tatalon siya. Sigurado akong hindi na siya maliligtas pa.
"Who are you?" Nakangisi ang mukha niyang habang nakatitig sa akin. Hindi pa rin siya natatakot kahit bangin na ang babagsakan niya.
"I'm Einah Alonzo - Sandoval ang anak ni Nicholas at Eirah Sandoval at pamangkin ni Samuel Sandoval na pinatay mo!" Umiiyak kong sinabi sa kanya.
"Ikaw pala si Einah Sandoval! Akalain mo nag alaga pala ako ng ahas!" Humalakhak si Bryan MacKenzie. Binaril ko siya sa tuhod. Nakita ko namimilipit siya sa sakit mula sa pagkakabaril ko sa kanyang dibdib at binti subalit pinanatili niyang matigas ang mukha.
"Kasalanan ng ama mo dahil nagkasabwat sila ni Leonardo Madrid. Kung hindi nila ako kinalaban ni Leonardo tahimik sana ang buhay ninyo ngayon. At inagaw pa ni Leonardo ang babaeng minamahal ko." Nanlisik ang mata ni Bryan MacKenzie.
"Alam mo ba. Bryan?! Wala na sana ako dito kung hindi mo pinatay si Uncle Samuel! Tahimik na buhay ko kasama ng binuo kong pamilya. Pero anong ginawa mo?! Pinatay mo ang kaisa isa kong kamag anak. Kung hindi mo pina ambushed ang tiyuhin ko na walang kasalanan sa iyo. Hindi sana kita papatayin ngayon. Palilipasin ko na sana ang paghihiganti ko. Kase gusto ko nang tahimik na buhay" Umiiyak kong sinabi. Ngumisi lang si Bryan MacKenzie.
"Alam mo ba kung sino ang pinatay ng ama mo?" Tumiim ang bagang si Bryan MacKenzie. Naguluhan ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Ang kaisa isa kong kapatid na lalake. Kaya hindi ako titigil hangga't hindi mauubos ang pamilya ninyo lalo na ang mga Madrid! Eye for an eye. Tooth for a tooth! Kaya uubusin ko ang lahi mo!" Humalakhak si Bryan MacKenzie.
"Ahhhh!" Sumigaw ako ng malakas. Kaya binaril ko siya sa tyan.
Dahil sa gulat niya nadulas siya sa bangin hanggang sa mahulog siya. Nanghihina akong napaluhod. Walang tigil ang pagluha ko mula sa pag iyak.
Tapos na! Sa wakas makakamit ko na ang katarungan hinahanap ko. Makakabalik na ako sa pamilya ko. Lumapit si Silver sa kin. Napa hagulgol ako sa balikat niya.
"Silver, tapos na! Sa wakas nakalaya na ako. Gusto ko na makita ang pamilya ko! Ang asawa kong si Ivan at si Nicholas. Sabik na sabik na ako na makasama ko sila" Wala akong tigil sa pag iyak sa balikat niya.
"I know. Einah. I know" Hinagod niya ang likod ko. Napansin kong nakatiim ang bagang si Silver habang buhat ako. Sa nangyari ngayon gusto ko munang magpahinga. Sa loob ng tatlong taon hindi ko nakasama ang pamilya ko. Pumikit ang mata ko.
Ngayon, makakatulog na ako ng mahimbing. Tapos na ang laban. Hanggang sa mandilim ng tuluyan ang paningin ko.