Satinne POV
Pinapanood ko si Lady Xelena habang nakatutok ang baril niya kay Bryan MacKenzie. Nasa malayo ako at hindi nila ako napapansin lalo na may mga back up si Lady Xelena.
Akalain mo yun isa pala siyang Lieutenant Colonel ng US Army at ang mission niya ay ang patayin si Bryan MacKenzie. Napailing ako habang natatawa.
Nakita ko binaril ni Lady X si Bryan MacKenzie sa tyan. Bago bumagsak sa bangin. Hindi ba niya alam na hindi basta basta namamatay ang masamang damo.
Nakita kong napaluhod si Lady Xelena habang umiiyak kaya binuhat siya ng isang lalake. Mabilis na ipinasok sa ambulance. Nanatili ako nasa puno nagtatago at hinihintay na umalis ang mga pulis at sundalo. Mga apat na oras ako naghihintay nang makita kong nagsi alisan na sila.
Bumaba ako sa bangin kung saan bumagsak si Bryan MacKenzie. Saka ako tumalon sa ilalim ng dagat. Sumisid ako subalit hindi ko siya makita. Umikot ang paningin ko at may nakita akong kuweba sa ilalim ng bangin. Napangiti ako. Alam ko na kung saan nag tatago si Bryan MacKenzie.
Masamang damo kaya hindi ito mamatay ng ganon ka simple lang. Lumapit ako sa kuweba at nakita ko siyang nakahiga. Napailing na lang ako. Naghihingalo na. Kawawang nilalang. Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Genesis.
"He's here!" Sabi ko sa kausap.
***
Einah POV
Masakit ang buo kong katawan na bumangon sa kama. Nakatingin ako sa kalangitan. Habang naka wheel chair dahil may bali ang aking binti kaya naka cast ito. Hindi ko na mahintay makasama ang asawa at anak ko. Gusto ko na mayakap sila. Halos tatlong taon din akong nawala sa piling nila.
Ano kaya ang itsura ni Nicholas?. Siguro binata na ang anak kong lalake. Narinig kong bumukas ang pinto. Lumapit sa kin si Silver.
"Kumusta?" Bati niya sa akin.
"Eto. Naiinis dito sa cast. Bakit kase kailangan pa ako lagyan?" Natatawang napailing si Silver.
"Nakita na ba ang bangkay ni Bryan MacKenzie?" Tanong ko kay Silver. Umiling siya sa akin.
"Patuloy pa rin pinag hahanap ng TDS group at ng mga pulis. Baka naanod na ng dagat lalo na matarik ang bangin walang buhay na maliligtas sa lugar na iyon"
Sana nga. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita ang bangkay ni Bryan MacKenzie.
"Natatakot ako paano kung buhay pa pala siya?" Nanginig ang katawan ko. Natatakot ako para sa kaligtasan ng pamilya ko. Lumapit sa akin si Silver.
"Huwag kang mag alala. Sisiguraduhin ko na hindi makakalapit sa inyo si Bryan MacKenzie. Sa ngayon kailangan mo magpagaling at magpalakas" Masaya akong tumango.
"Anong balita na sa mag aama ko?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Umiwas ng tingin si Silver.
"Nasa mabuti naman silang kalagayan" Tipid niyang sagot.
"Si Ivan?" Nakita ko ang pag lunok si Silver.
"Nasa maayos naman siya." Iyon lang ang sagot niya sa akin. Alam ko na may inililihim sa akin si Silver.
"May problema ba?" Tanong ko sa pananahimik niya.
"Mag pahinga ka muna ngayon. Einah" Halatang umiiwas si Silver. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang kabang nararamdaman ko ngayon. Alam ko may hindi sinasabi sa kin si Silver. Malalaman ko din pag gumaling ako. Sa ngayon kailangan ko magpalakas.
***
Silver POV
Nakatitig ako kay Einah habang natutulog. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan. Pinabantayan ko si Ivan dahil sa utos ni Einah para sa kaligtasan ng pamilya n'ya.
Nang makita ko na umiinom si Ivan sa Elite Bar. Nakita ko siyang kausap si Harriet ng gabing iyon. Pina imbestigahan ko ang pagkatao ni Harriet at nalaman ko nag ta trabaho siya sa bakeshop na pag aari ni Amira. Nag apply ako bilang waiter sa pinag ta trabauhan ni Harriet.
Sinubukan ko na ligawan siya para lang mabaling ang nararamdaman niya kay Ivan. Pero sa huli mas pinili niya si Ivan. Wala na akong magawa kahit anong pursige ko na pag hiwalayin silang dalawa.
Alam ko sa pag babalik ni Einah masasaktan siya. Kahit kailan hindi ko ginusto si Ivan para kay Einah. Alam ni Einah yun. Bumuntong hininga ako.
Huwag kang mag aalala kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo. Einah, bilang kapatid at bestfriend.
***
Einah POV
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi. Ngayon nasa Los Angeles na ako. Dala dala ko ang pasalubong kay Nicholas at Ivan. Nandoon pa rin ang kaba at takot kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang pagkawala ko.
Sana mapatawad ako ni Ivan at Nicholas. Para sa kanila ang sakripisyo ko. Papalapit na kami ni Silver sa mansion ni Ivan. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam kung paano ko sila makakausap.
"Einah, we're here" Blanko ang mukha ni Silver.
"Natatakot ako" Huminga ng malalim si Silver sa nakita niyang reaksyon ng mukha ko.
"Just be brave. Kahit anong mangyari tawagan mo ako" Hinawakan niya ang kamay ko bago pinisil.
Paano na lang kung wala si Silver sa buhay ko? Nagpapasalamat ako at inampon siya ni Uncle Samuel. Nagkaroon ako ng kapatid sa katauhan niya.
"Sige salamat sa pag hatid." Paalam ko. Akmang bubuksan ko ang pinto. Nang pigilan ako ni Silver.
"I'm sorry" Napaawang ang labi ko. Tumiim ang mukha ni Silver.
"Why?" Taka kong tanong. Umiling lang si Silver.
"Just go!" Iyon lang pinalabas niya ako ng sasakyan.
***
Papasok na ako sa loob ng bahay namin ni Ivan. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nagtataka ako dahil maraming sasakyan sa labas ng mansion namin ni Ivan.
Pumasok ako sa loob habang nakakuyom ang kamao. Dito ko kinukuha ang lakas. Hinanda ko ang magandang ngiti ko.
Nawala ang ngiti sa labi ko sa nasaksihan eksena. Kitang kita ko si Ivan nakaluhod habang hawak niya ang kamay ng magandang babae. Isinusuot niya ang singsing sa daliri nito. Narinig ko ang lakas ng pag singhap sa paligid ko.
"E - Einah?" Boses ng ina ni Ivan. Napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang kanilang mata. Bumaling ang tingin ni Ivan sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata niya.
"E - Einah?" Mahinang boses ni Ivan. Ang babaeng katabi niya kumapit sa kanyang braso. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mata.
"B - buhay ka?!" Hindi pa rin makapaniwalang sinabi ni Ivan. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Gumanti ako ng pagyakap kay Ivan. Nakita ko si Nicholas na may luha sa kanyang mata. Lumapit siya sa akin at yumakap.
"Mommy!" Walang kasing saya ang puso ko. Ang mayakap ko sila. Sa gilid ng mata ko nakita ko ang babaeng binigyan ng singsing ni Ivan nag uunahan ang luha sa kanyang pisngi at tumakbo sa labas ng Mansion namin ni Ivan.
Nawala ang ngiti ko biglang humiwalay ng pagyakap sa kin si Ivan. Nang makita niyang tumakbo palabas ng Mansion ang babae.
"Harriet!" Narinig kong sigaw niya. Tumakbo siya para sundan si Harriet. Harriet pala ang pangalan niya.
"Einah!" Naluluhang lumapit sa akin ang ina ni Ivan bago niyakap ako habang nakangiting nakatayo sina Amira at si Daddy Luciano. Subalit nanatili ang tingin ko kung saan lumabas si Ivan. May takot na lumukob sa puso ko sa nasaksihan ko kay Ivan at Harriet.