Einah POV
Nakaupo kaming lahat sa sala kasama ang magulang ni Ivan.
"Tell me. What happened to you?" Mariin ang titig sa akin ni Ivan. Pagkatapos niyang habulin si Harriet na mumula na ang kanyang mata mula sa pag iyak.
"I need to save you and Nicholas dahil pinag hahanap ako ni Bryan MacKenzie lalo na pina ambushed niya si Uncle Samuel. Sinadya ko ang lahat na - na mag panggap na mamatay sa aksidente dahil hindi ako sigurado kung buhay pa akong makakabalik sa inyo. Ayokong madamay kayo sa gulo ng buhay ko. " Nanginginig ang boses kong sinabi habang tuloy tuloy ang pag bagsak ng luha ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat ng ito. Einah?! May banta na pala sa buhay mo. Bakit mas pinili mong umalis at magpanggap na patay ka na?!" Galit na sigaw ni Ivan. Napaigtad ako sa galit nakikita ko sa kanya.
"Ginawa ko ito para sa kaligtasan ninyo! Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang mawalay sa inyo. Walang araw na hindi ko kayo inisip ni Nicholas dahil mahal na mahal ko kayo." Yumuko ang ulo ko dahil sa sunod sunod na luhang lumabas sa akin.
"Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon Einah. Naguguluhan ako ngayon. Magugulat na lang kami na buhay kang babalik ngayon. Ginulo mo ang lahat." Napailing si Ivan sa inis. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sa kin.
Anong ginulo ko ang lahat? Hindi ka ba masaya na nandito ako? Gusto ko sanang isatinig ang katanungan na sinabi ni Ivan sa akin. Lumapit ang ina ni Ivan.
"Ivan, huminahon ka muna. May dahilan si Einah kung bakit niya ginawa iyon" Niyakap niya ako para paaluhin mula sa pag iyak.
"I'm sorry because I lied to you all. Ito lang ang tanging paraan para hindi kayo madamay sa gulo ng pamilya namin. Ayokong tumakbo at mag tago mula kay Bryan MacKenzie. I just want to give you a freedom and peace of mind na hindi nagtatago sa kaaway ng pamilya namin" Humihikbi kong sinabi.
"Hindi ko alam kung ano ang iisipin namin, Ate Einah. Bigla ka na lang susulpot at sasabihin na buhay ka. Hindi mo alam nag dusa si Kuya Ivan nang panahon na wala ka. Because you are selfish woman! Hindi mo iniisip ang magiging kalagayan ni Kuya Ivan. Ngayon sa ginawa mo may taong nasasaktan." Tagos sa puso ko ang panunumbat ni Amira. Walang boses na lumabas sa kin. Tama si Amira. Kahit sino magagalit at sasama ang loob.
"Maybe we should better stop this non sense talk. Mag pahinga muna tayong lahat" Umalis na walang paalam si Ivan.
"Pag pasensyahan mo na si Ivan. Nabigla lang siya. Iha" Pag aalalang sinabi ni Mrs. Romina Black. Wala pa rin tigil sa pag luha ang mata ko. Ginawa ko naman ang lahat para maligtas kayo sa kamay ni Bryan MacKenzie. Dahil mas higit akong masasaktan kung isa sa inyo ang madamay at ipapapatay niya.
***
Tahimik lang kaming kumakain sa hapag kainan.
Si Nicholas masayang nag ke kwento sa akin. Si Ivan nanatili pa rin tahimik. Para akong hangin na dinadaanan niya. Masakit sa akin na hindi man lang niya ako pag ukulan ng pansin. Wala na ang saya ng pamilyang inaasahan ko.
Akala ko pag balik ko magiging masaya sila. Sina Mommy Romina alam ko iniiwasan nila ako makausap. Hindi na sila katulad ng dati. Walang araw hindi ako umiiyak dahil sa nangyayari ngayon sa pamilya ko.
Sana mapatawad ako ni Ivan. Wala akong hinangad kundi bumalik kami sa dati.
Nagkamali ba ako ng desisyon? Pero ginawa ko lang ang tama para sa kaligtasan nila. Hindi ako sigurado kung buhay akong makakabalik.
Si Harriet na ba ang nilalaman ng puso mo Ivan? Wala na ba ako ni katiting na pag mamahal dyan sa puso mo? Maraming katanungan sa isip ko.
Akala ko sa pagbabalik ko. Hindi na ako iiyak katulad ng tuwing gabi na dinanas ko sa panahon nasa malayo ako sa kanila. Akala ko lang pala.
Ngayon umiiyak ako sa sakit na panlalamig ni Ivan. Kung maibabalik ko lang ang dati na may ngiti sa labi ko at masayang magkakasama kami nina Ivan.
***
Ivan POV
Pinag mamasdan ko ang ngiti ni Nicholas kasama ang kanyang ina. Halos ayaw na mahiwalay sa kanyang ina. Napa face palm ako.
I don't know why I feel like this? I'm longing for her.
Pinapahanap ko si Harriet nang biglang nawala ng gabing iyon. Nabigla ako nang makita ko si Einah. Masaya ako na buhay pa siya. But my feelings for her is not like same before.
Si Harriet na ang laman ng puso ko. Si Harriet ng panahon nag luluksa ako sa pagkamatay ni Einah. Binigyan niya ako ng pag asa na mag mahal muli.
I want to see her. I miss her so much and i admit I love her.
Inaamin ko. I'm a jerk! Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa.
Ang pamilya ko o si Harriet. Naguguluhan ako ngayon. Ayokong Lumaking broken family ang anak kong si Nicholas. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kailangan ko bumuo ng desisyon. Narinig ko ang tawag ng private investigator na inupahan ko.
"Sir, I have a good news about Ms. Harriet Makovsky. She's in Tel Aviv now living with her parents." Lumakas ang tibok ng puso ko na malaman kung saan nag tatago ang mahal ko.
"Thank you Mr. Williams. I'll send the money to your account." Masaya akong napangiti dahil nasasabik na ako na makita ang babaeng mahal ko.
***
Einah POV
Nawala ang ngiti ko na makitang may dalang luggage si Ivan.
"Saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong. Huminga ng malalim si Ivan.
"I have a business trip. Ikaw na munang bahala kay Nicholas" Hindi makatingin sa akin si Ivan.
"Ganon ba? Kailan ka naman babalik?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko pa alam kung kailan. Anyway I have to go." Napansin ko pag aalinlangan niya. Hinawakan lang ni Ivan ang kanan kamay ko.
"Take care of yourself and our son" Paalam niya bago sumakay si Ivan sa kotse. Nagbagsakan ang luha sa mga mata ko sa panlalamig ni Ivan sa akin. Nararamdaman ko na hindi siya nag sasabi ng totoo. Nanikip ang dibdib ko mula sa sakit.
***
Halos dalawang linggo na hindi pa rin umuuwi si Ivan mula sa Business Trip. Kaya napilitan akong tumawag sa magulang ni Ivan.
"Hello Mom" Masaya kong bati.
"Oh Hi! Einah. Kumusta ang apo kong si Nicholas?" Tanong ng ina ni Ivan.
"Mabuti naman po. By the way, gusto ko po sanang malaman kung may balita na kayo kay Ivan. Sinusubukan ko tawagan ang cellphone niya. Hindi ko siya ma contact" Natahimik ang kabilang linya.
"Ah..eh.. Hindi rin tumatawag si Ivan sa amin. Hayaan mo't pag tumawag pagsasabihan ko" Alam ko may inililihim kayo sa akin.
"Ah ganon po ba? Sige po balitaan n'yo na lang po ako." Binaba ko na ang tawag pagkatapos namin mag paalam sa isa't isa.