My Beautiful Secret Agent Chapter 24

Einah POV

Tinawagan ko si Silver para mag kita kami sa pinag usapang lugar. Nakita ko ang paparating niyang sasakyan. Huminto ito sa gilid. Pag labas niya sa sasakyan mabagal na lumapit sa akin ni Silver. Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Habang tumutulo ang luha sa dalawang mata ko.

"Why did you lie to me? I trust you!" Walang tigil ang pag luha ko sa mata.

"I'm sorry. Ayokong makita kang nasasaktan." Nakayuko ang mukha ni Silver. Hindi niya maitingin ang mata sa kin.

"Kailan pa?!" Ang tinatanong ko ang relasyon nila ni Ivan at Harriet.

"Isang taon pagkamatay mo" Nanlaki ang mata ko. Nanghihina ako sa nalaman.

Ganon ka bilis niya akong pinagpalit?

"Einah, ginawa ko ang lahat para hindi mahulog ang loob ni Ivan kay Harriet. Dahil ayokong masaktan ka" Namula ang mata ni Silver sa pag pipigil na umiyak.

"Niligawan ko si Harriet kahit - kahit hindi siya ang babaeng minamahal ko alang ala sa iyo" Gumaralgal ang boses ni Silver.

"Wala na akong magawa noon malaman ko na sila na. Dahil - dahil pareho na silang hulog sa isa't isa" Walang tigil sa pag agos ng luha sa mata ko. Sa mga sinabi ni Silver sa akin. Dinudurog ang puso ko ngayon. Umalis sa harap ko si Silver. May kinuha siya sa loob ng sasakyan at lumapit sa akin.

"Alam ko dalawang linggo na hindi nagpapakita sa iyo si Ivan." Inabot niya sa kin ang brown envelop. Nanginginig ang kamay ko na binuksan ito. Napatakip ako sa bibig nang makita ko ang larawan. Si Harriet at si Ivan na magkasama.

"Nasa Tel Aviv si Ivan kasama si Harriet" At nakita ko sa larawan ang magulang at kapatid ni Ivan. Halatang namamanhikan sa pamilya ni Harriet. Nanikip ang dibdib ko sa walang tigil na pag iyak.

Ang sakit sakit! Nagsinungaling sila sa akin.

Hindi ko kaya na may ibang minamahal na si Ivan. Umasa ako na magkakabalikan pa kami.

Hindi! Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat. Bumalik kami ulit sa dati ni Ivan.

Yumakap sa akin si Silver sa walang tigil na pag iyak ko.

***

Dalawang buwan na nakakalipas simula ng bumalik ako kina Ivan. Sa loob ng dalawang buwan ni isang beses hindi pa tumatabi sa kanya ang asawa.

Kababalik lang ni Ivan mula sa Business Trip.

Business trip nga ba Einah? Napailing ako sa naisip.

Nag suot ako ng sexy night gown. Plano kong akitin si Ivan. Naglagay ako ng pabango at liptint. Sana sa plano kong ito bumalik ang pagmamahal ni Ivan sa akin. Sana bumalik ulit kami sa dati. Iyon mahal na mahal niya ako at ako lang ang babae sa buhay niya. Huminga ako ng malalim bago nag desisyon na puntahan si Ivan sa mini bar.

Nakita kong mag isang siyang umiinom ng alak. Malalim ang kanyang iniisip. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Sweetheart? Hindi ka pa ba matutulog?" Yumakap ako sa likod niya. Napaigtad ako inalis ni Ivan ang mga kamay ko sa baywang niya.

"Go to sleep. Einah, mamaya konti matutulog na din ako" Nakatingin siya sa malayo. Hindi niya magawang humarap sa akin. Ni itingin man ang kanyang mata.

Tinawag n'ya lang ako na Einah. Wala na ang dating endearment niya sa akin. Nanikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.

Huminga ako ng malalim pinilit ko na tatagan ang loob.

I feel disappointed sa pag tanggi niya sa akin.

"Si - sige, tapusin mo na yan. May trabaho ka pa bukas" Nagpanggap ako na wala lang sa akin. Paalis na ako nang tinawag ako ni Ivan.

"Einah..." Humarap ako sa kanya. Umaasa na pababalikin niya ako. Biglang tumalon ang puso ko.

"Yes?" Tumingin siya sa akin sabay umiling.

"Nothing" Yumuko siya ulit para uminom ng alak. Mas sumikip ang dibdib ko. Akala ko pababalikin niya ako. Nilunok ko ang laway sa pag pipigil ng iyak.

Alam ko sinusubukan ni Ivan na bumalik kami sa dati. Alam ko na may gusto siyang sabihin.

Hindi pa ako handa Ivan. Please huwag naman! Alam ko ang lihim ng pag kikita n'yo ni Harriet. Hindi pa ako handa sa mga sasabihin mo sa akin. Umalis ako sa mini bar nag uunahan ang luha sa mata ko.

Ang sakit na ni reject niya ako. Simula nang bumalik ako ni hindi niya magawang tabihan ako sa kama. Hindi ko na maramdaman ang dating si Ivan na asawa ko.

Konting tiis pa Einah! Malay mo bumalik ang pagmamahal niya sa iyo. Nakatulog akong may luha sa aking mata.

***

Papalabas si Ivan habang nakasuot ng amerikana para pumasok sa opisina nang tinawag ko siya.

"Good morning Sweetheart!" Bati ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalaro ng chess ni Nicholas.

"Hey Dad! Good morning!" Bati din ni Nicholas sa kanyang ama. Halata na pilit ang ngiti ni Ivan habang masaya kami ni Nicholas kumakaway sa kanya.

Kumaway din sa amin si Ivan bago pumasok sa loob ng sasakyan. Nakadama ako ng lungkot. Dati halos ayaw ni Ivan pumasok sa trabaho para lang makasama kami.

Ngayon nilulunod niya ang sarili sa kumpanya. Kumirot muli ang puso ko. Pinipigilan ko ang luha sa aking mata. Ayokong mahalata ni Nicholas ang nangyayari sa amin ng kanyang ama.

"Mom, let's resume to our game" Pinilit kong ngumiti kay Nicholas. Kahit ang sikip sikip na ng dibdib ko.

Hindi ako susuko! Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Ivan.

***

Masaya kaming nag ke kwentuhan ni Nicholas tungkol sa pag aaral niya. Si Ivan nanatiling tahimik sa hapag kainan. Sumasagot na lang siya kapag tinatanong namin. Sabay kaming napabaling nang tingin marinig na may tumawag sa cellphone niya.

"Excuse me" Paalam niya sa amin. Bigla akong nawalan ng gana kumain. Hinihintay ko ang pag babalik ni Ivan.

Nagtaka ako na hawak pa rin ni Ivan ang cellphone. Binaba niya ito nang makalapit siya sa kin. Halatang nanghihina siya.

"Einah, can i talk to you?" Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Pinilit kong tumango sa kanya.

"Wait Son! Your Daddy and I, we gonna discuss something" Pinilit kong ngumiti sa aking anak. Alam ko napapansin ni Nicholas ang nangyayari sa amin ng kanyang ama.

"Sure Mom!" Tinuloy niya kumain. Habang ako sumunod kay Ivan papunta sa kanyang opisina dito sa Mansion.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.