My Fat Chance (Filipino) Chapter 11

HINDI maiwasang mapabuntong-hininga ni Quinn habang pinapakinggan ang mga nanalong entry. Sa limampung um-attend sa lecture na iyon ay tatlo ang nanalo. At binasa isa-isa ng lecturer nila na si Mr. Cano ang mga nanalong tula. It was beautiful. Animo’y nanonood siya ng ballet o nakikinig ng isang concert ng orchestra pero patula. Mahihiya ang tula na ipinasa niya sa mga nanalo.

Nag-third place si Chance na ang ipinasang tula kung saan naluha siya dahil ikinuwento nito ang tungkol sa sakripisyo at pagmamahal ng isang anak na nawalay sa amang OFW. Natuto ito na maging mature at lalong pahalagahan ang pag-aaral nito dahil nagsasakripisyo ang magulang nito para dito.

“Congratulations,” bati niya dito matapos itong sabitan ng medalya at umupo sa tabi niya. “Ang ganda talaga ng tula mo. Sigurado ako na matutuwa ang daddy mo sa iyo.”

“Oo. Kaya naman ako nagsisikap sa pag-aaral dahil sa kanila,” sabi nito. “Gusto ko na sulit ang paghihirap nila sa akin.”

“At oras na ma-publish ang tula na ginawa mo sa school paper natin, tiyak na ipapa-frame pa niya iyon. Saka ang gaganda din ng ibang nanalong tula.”

“Ibig sabihin magiging parte ka na ng guild?” tanong nito.

Ngumiwi siya. “Hindi siguro. Hindi ko kaya ang ginagawa ninyo na makahugot wagas.” Aminado naman si Quinn na hindi siya palagamit ng mga salitang nasa stratosphere level sa taas. She was not a fan of highfalutin words. Doon lang siya sa mga salitang naiintindihan.

“Malay mo. Pwede namang subukan.”

Magsusulat siguro siya ng tula pero hindi siya magiging kasing galing ng mga nandoon. Masaya na siyang may nasubukan siyang bago. Di man siya nanalo, pwede nang ipagmalaki ang certificate na makukuha niya. Accomplishment na rin iyon.

Muling nagsalita si Mr. Cano. “Di natin dapat kalilimutan na ang panulaan ay di lang tungkol sa pinagsama-samang malalalim na salita na iilan lang ang maaring makakuha. Mahalaga din sa panitikan ang sinseridad. Na kahit simpleng salita ay maipapakita kung ano ang nilalaman ng puso mo. I want to read this poem as an example.”

Tumuwid ng upo si Quinn. Nakaka-relate kasi siya sa sinabi ng speaker lalo na sa paggamit ng simpleng salita.

People are like empanada

You don’t know what’s inside

If its sweet fruit jam or chili beef

Until you get to taste it.

“Akin ‘yan,” naibulalas ni Quinn at biglang natakpan ang bibig.

“That is yours?” tanong ni Chance sa kanya.

Tumango siya at biglang di napakali nang maalala ang pinagsusulat niya doon. Pwede pa kaya niyang pigilan ang speaker na basahin ang tula niya? O magwo-walk out na lang siya?

I believe that beauty matters

Be a prince or a princess

Doesn’t matter if your heart is black

You will always get the nod.

Narinig niya ang pag-ungol ng iba. Ang iba naman ay binigyan siya ng matalim na tingin. Sino lang ba ang prinsesa at title holder sa silid na iyon kundi siya lang?

Napayukyok na lang siya dahil di niya kayang harapin ang nanghuhusgang tingin ng mga ito. Malay ba naman niyang babasahin ang tula niya sa harap ng maraming tao? Nakakahiya talaga.

But then came the Dumbo of my life

He may not be your Prince Charming

But his heart is soft and fluffy

And his kindness is like an eternal spring.

“A-Ako ba iyon?” narinig niyang tanong ni Chance. Nang iangat niya ang mukha ay parang mangiyak-ngiyak ito.

“O! Na-offend ka ba?” tanong niya. Sabi na nga ba’t di dapat malaman ng ibang tao ang laman ng tula niya. Baka masamain ni Chance. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan.

He made me realize I’m not just a queen

That I am not just the pretty face you see

Thank you for now I know I can be more

And the world will see what’s inside of me.

“No. It is beautiful,” anito at ginagap ang kamay niya.

“Bakit ka naiiyak?” tanong niya.

“Kasi ngayon lang may gumawa ng tula para sa akin. Ngayon pa lang may nagsabi nang maganda sa akin kahit na di ako Prince Charming. Pakiramdam ko espesyal ako.”

“You are a prince in your own right,” sabi niya sa binata.

Kumpara kay Turvey at sa mga kaibigan nito na guwapo ng pero masama naman ang ugali, mas gusto na niyang maging prinsipe si Chance.

“I want to call the Empanada Princess to come up on stage,” sabi ni Mr. Cano at pumalakpak.

“Umakyat ka na daw sa stage,” sabi ni Chance at inilahad ang kamay. Pero di agad siya nakagalaw kaya tumayo ito at inilahad ang palad sa kanya.

Tinanggap niya ang kamay ng kaibigan at ito ang umalalay sa kanya hanggang sa hagdan ng stage. Hindi pa rin siya makapaniwala. May award siya. Hindi man siya kasama sa pinakamagaling pero special award pa rin iyon. And it was totally unexpected.

“I want to give this special award to Miss Quinn Barrameda.” At ibinigay ni Mr. Cano sa kanya ang Parker Pen. “That is my own personal pen. I want to commend you for for sincerity. Keep on writing and I hope you will discove more about your self.”

“Thank you, Sir,” aniya at impit na tumili saka niyakap ang speaker. Daig pa niya ang nanalo ng first prize.

“Everyone, more than having the gift with words, I hope that you will write whatever is inside your heart. Your readers will feel it. They can relate. Gamitin natin ang panulaan sa paglalahad kung ano ang nasa puso natin. Share this gift of love. Learn from this princess,” sabi nito at tinapik ang ulo niya.

“No, Sir. I am more than a princess,” nakangisi niyang sabi. “And thank you, Chance. Siya ang unang nagtiwala sa akin na pwede akong makasulat ng magandang tula. Siya ang may kompiyansa sa akin at nagpakita sa akin na higit pa tayo sa nakikita ng mga mata. Di pwedeng sabihin na mataba ka lang o maganda ka o guwapo. Pwede pang maging higit ka doon. Thank you.”

Isang masigabong palakpakan ang umugong sa auditorium habang pababa siya. It felt great. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa pageant at may korona sa ulo niya. At nang alalayan siya ni Chance pababa ng stage, nakita din niya ang respeto sa mata ng ibang tao.

“Salamat sa pag-attend mo sa event namin,” sabi ni Kris. “Alam ko na ngayon kung bakit napili ka ni Miss Lagman na makasama sa event na ito. May talent ka naman pala. Sorry nga pala kanina.”

Tipid siyang ngumiti. “Wala iyon. Kalimutan na natin.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.