No Prince Charming (Filipino) Chapter 10

“Heto na ang salad at popcorn,” anunsiyo ni Nadia nang pumasok sa bahay. Bitbit niya ang vegetable salad para sa nanay niya at salted caramel popcorn para sa kanila ng pinsang si Maddie.

“Mabuti naman at dumating ka na. Magsisimula na kasi kami,” sabi ni Maddie.

“Huwag naman. Alam mo naman na gusto kong mapanood si Hayme.”

Excited na mag-marathon ang dalaga ng paborito niyang teleserye na pinagbibidahan ni James Reid at Nadine Lustre. Fan ng Jadine ang pinsan at nanay niya at aminado siyang may crush siya kay James kahit noong di pa ito nag-aartista. Dahil laging ginagabi sa trabaho ay dis iya nakakanood ng teleserye kaya naman sa Smart TV na lang sila nagma-marathon ng panonood para

“Basta sa akin si JC Santos,” sabi ni nanay niyang si Aling Linda. “Kahawig siya ng tatay mo noong kabataan pa niya. Parang si Pocholo talaga.”

“Mama, akala ko ba Team James Reid po tayo?” nanghahaba ang ngusong tanong ni Nadia.

“Masyado na akong maraming karibal sa kanya. Okay na ako dito kay JC Santos.”

Di maiwasang tumirik ang mata ni Nadia nang mabanggit ang tungkol sa tatay niya. Nakakasira talaga ng mood. Isang linggo na siyang nagtatrabaho kasama si Jameson. Isang linggo niya itong sinasaway. Di iilang beses na napansin niya itong nakikipagkwentuhan sa mga tauhan sa oras ng trabaho at nakikipagbiruan. Sabi nito ay iyon daw ang paraan nito para makuha ang loob ng mga tauhan. Di naman nito kailangang maging sobrang friendly sa mga tauhan. Kadalasan ay iyon ang nagdudulot ng problema sa kompanya lalo na kapag feeling close na ang ibang empleyado. Na mag-focus na lang ito sa pag-aaral ng operasyon ng kompanya. And he still won’t listen. Di na daw ito malayang makakapamasyal gaya ng nais nito na makipag-usap man lang sa mga tao gaya ng nakagawian nito.

“Di ka na ba kailangan ng boss mo? Maaga ka kasi ngayon,” puna ng ina. “Kadalasan gabi ka na umuuwi.”

“Kaya na po niya ang sarili niya. Malaki na siya.”

She deserved a break. She deserved this night with her mother. Reward man lang siya sa sarili niya. Bukas ay maggo-golf si Jameson sa Tagaytay kasama ang ninong nito na isa sa mga malalaking kliyente nila. At sa Linggo ay may

Nangangalahati pa lang siya sa first episode nang mag-ring ang phone niya. Si Jameson ang caller. Ano naman kaya ang kailangan nito? Sinagot niya ang tawag. “Hello.”

“Hi! Let’s date.”

Pinagmasdan muna niya ang cellphone bago muling kinausap ang lalaki. “This is Nadia your assistant. I think you got the wrong number.” Hindi naman siguro siya nito gugustuhing i-date lalo na’t mas maraming babae ang interesado dito sa opisina at pwede nitong yayain.

“Alam ko na number mo ito. I am asking you out on a date. Do you want to hit the bar and dance? Or gusto mo ng romantic dinner underneath the stars?”

Naitirik ni Nadia ang mga mata. “Date? Di ba dapat pinag-aaralan mo na ang mga previous projects natin at pati na rin ang mga previous trend?”

“Nabasa ko na lahat. Maaga pa naman kaya pwede pa akong makipag-date. Nasa bahay ka ba? Susunduin kita.”

“Wala akong oras para makipag-date. May importante akong inaasikaso.”

“Ako lang naman ang importanteng dapat mong asikasuhin, di ba?” malamabing nitong tanong.

Nag-init ang tainga ni Nadia. Parang may mainit kasing hangin na umihip sa tainga niya na parang binulungan lang siya nito at di sila sa cellphone magkausap. Naipamaywang niya ang isang kamay. Akala yata nito ay dito lang iikot ang mundo niya. “Paano mo nasiguro na ikaw lang ang importante sa buhay ko?”

“Wala kang boyfriend. Wala ka ring manliligaw. Di ka nakikipag-date. Wala ka daw ibang inasikaso kundi trabaho. And I am your job. Ano pa ba ang importanteng pwede mong gawin? Please. It’s Friday night. Let’s have fun.”

“Jameson, di ko alam na kailangan mo pa ng mag-aalaga sa iyo kapag lumalabas ka. Hindi mo na kailangan ng yaya.”

Magaan itong tumawa. “Silly. Of course, I am doing it for you. I saw how you seriously worked hard since I arrived. You should let your hair down a bit. Bukas may trabaho na naman tayo. Sabi ng mga tao sa opisina di ka sumasama kapag niyayaya ka nila na lumabas o mag-mall man lang. Breathe a little. Live a little.”

Kung magsalita si Jameson ay parang nakakaawa siya. Na miserable at boring ang buhay niya. Mas nakakainsulto iyon kaysa ang yayain siya nitong mag-date dahil gusto siya nitong maka-date.

Nilingon niya ang ina na aliw na aliw sa pinapanood. Nakakalimutan nito na may sakit ito. “I am happy to where I am right now. Thank you.

“You owe me a date! Itinapon mo ang calling card ni Kaitie.”

“What?” Sumasal ang kaba sa dibdib niya. He knows.

“Hindi ako galit sa iyo pero dapat bumawi ka sa akin,” anito sa nanunuksong boses.

Kinagat ni Nadia ang pang-ibabang labi. He was blackmailing her. “Wala akong utang sa iyo. I am sure, marami kang babaeng pwedeng yayaing makipag-date sa iyo. Sila na lang ang yayain mo.”

“Are you sure? Okay lang sa iyo na makipag-date ako sa iba?” tanong nito.

“Oo naman. You are a grown man. Tapos na ang trabaho. Sabi mo na-review mo na ‘yung files na iniwan ko sa iyo. So go out. Pumunta ka kung saan mo gusto. Have fun!”

“Hindi ka magseselos? Hindi mo kukuwestiyunin kung sino ang kasama ko?”

“You are free to go wherever you want to go. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Makipag-date ka kung kanino mo gusto. I don’t care. Di ako magseselos. Use protection! Be safe! Bye!” pabulyaw niyang sagot dito at saka tinapos ang tawag.

Nakakainit ng ulo. Akala mo naman kung sinong sobrang guwapo para pagselosan niya. Feeling ba talaga nito ay may gusto siya dito o talagang nang-aasar lang.

“Anong sabi sa iyo ng boss mo?” tanong sa kanya ni Maddie pagbalik niya.

“Parang narinig ka naming sumigaw. Nagtatalo ba kayo?” nag-aalalang tanong ng ina.

“Hindi po, Ma. Medyo di lang kami magkarinigan kasi maingay sa bar. Nag-bar po kasi siya,” sabi niya at umupo sa tabi ng ina.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.