No Prince Charming (Filipino) Chapter 14

“MALIGAYANG PAGBABALIK, SIR JAMESON!”

Simple pero masaya ang naging pagsalubong sa binata ng mga tauhan pagdating nila sa factory. Mula sa airport ng Santiago City tumuloy na sila Nadia sa pabrika.

Nagmano ang binata sa isa sa matatandang tauhan doon. “Tatang Rudy, dito pa rin pala kayo.”

“Binata na kayo, Sir,” namamanghang sabi nito.

“Jameson na lang po, Manong. Mabuti po dito pa rin kayo nagtatrabaho sa amin.

“Wala naman akong ibang alam gawin kundi ito lang,” sabi nito at itinuro ang ibang kasamahan.

“Pero engineer na po ang anak ninyong si Romy pati si Carla po nurse na. Hindi na ninyo kailangang magtrabaho dito. Balita ko nga po ipinagtatayo na kayo ng mansion. Dapat nagre-relax na kayo kasama ang mga apo ninyo,” sabi ng binata at inakbayan ang matandang lalaki.

“Naku, Sir. Sanay po ako sa trabaho. Ito nang trabahong ito ang buhay ko. Dito ko po binuhay ang anak ko at ang pamilya ko. Nanghihina ako kapag nasa bahay lang.”

Nagmistulang reunion ang pagdating ni Jameson sa pabrika dahil may mga lutong kakanin at mga ulam ang mga trabahador. Kasama pa ang mga anak at apo ng mga ito para ipakilala sa binata. Nakita niya na masaya si Jameson kasama ang mga tao na pamilyar ito. Ganito rin ito kung makisama sa mga tao sa probinsiya. Hindi tauhan ang turing nito sa mga tao kung hindi kapamilya mismo.

Matapos ang tour sa pabrika ay nakipag-one-on-one si Jameson sa ibang mga tauhan. Hinayaan na niya ito at nag-check sa mga records ng pabrika at mga order nila para mai-discuss sa binata. Parang outsider si Nadia dahil seryoso ang usapan ng binata sa mga tauhan doon. Siguro dahil personal na kilala ni Jameson ang mga ito mula pagkabata.

Maraming imbitasyon ang binata na dumalaw sa bahay-bahay. Himala nga na may araw pa nang makarating sila sa ancestral houseo ng mga Deogracias. His eyes were glassy when he stepped inside the house. Huminga ito nang malalim at parang maiiyak.

Hinaplos nito ang lumang sofa na gawa sa kahoy. “Alam mo ba na si Lolo ang mismo anng gumawa nito? Kasi bata silang nag-asawa ni Lola. Di naman siya mayaman kaya siya mismo ang gumawa. Ang kama sa kuwarto nila ni Lola, ang aparador, pati ang kama ni Papa noong bata pa siya. Namana niya ang galing sa lolo ko sa tuhod na namana din sa ninuno ko.”

“Wow,” usal niya at ininom ang juice na dulot ng kawaksi. “Talaga palang nasa lahi ninyo ang interes sa furniture.”

“Come. I will show you my favorite place here.”

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa garden. Para itong bata na gustong ipakita sa kanya ang paborito nitong laruan. Tumigil lang ito sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Sa taas ng puno ay may treehouse.

“This is my playground since I was a kid. Akyat tayo,” yaya ng lalaki sa kanya.

Umiling siya. “Ikaw na lang. Dito na lang ako sa baba.”

“Don’t be a killjoy. Come on. Gusto kong makita mo kung bakit paborito ko dito. Please?” malambing na pakiusap ng lalaki.

Nakuha siya ng lalaki sa please. Tinanggal niya ang sapatos at umakyat sa kahoy na hagdan. Kinakabahan siya noong una dahil baka mabuway na ang hagdan sa tagal na di nagamit pero matatag iyon. Nang tumingala siya ay nakaabang na si Jameson sa taas at nakalahad ang kamay sa kanya habang nakangiti. As if he was encouraging her to climb.

“Tiyakin mo lang na maganda ang makikita ko,” sabi niya sa lalaki. Hindi niya alam kung paano sasampa sa mismong sahig. Awkward. Kung bata-bata pa siya ay okay lang iyon. Pero nakasuot pa siya ng pants at blouse. Bakit ba siya napasubo dito? Buwis-buhay.

“Pwede mo akong maging slave kapag di ka nasiyahan para mapasaya naman kita.”

“Ano?” angil niya at sumampa ng tree house.

“See. Minsan dapat ginagalit ka. What do you think?” tanong nito at inilahad ang palad. “Ano sa palagay mo?”

Malawak ang treehouse kaysa sa inaasahan niya. Gawa sa kahoy ang sahig. Napapalibutan ng rehas na dingding ang paligid at may rehas na bintana. Isang futton bed ang nasa gitna. Nakasilip ang binata sa dungawan ng treehouse. “Look!”

“Wow,” usal niya nang makita ang magandang view ng hardin mula sa taas. Pero sa kabila ng bakod ng mansion ay ang magandang tanawin ng bukid at ilog.

“Nasa ibabaw ng burol ang mansion na ito dahil gusto daw ni Lola ang view. And I also love it. Kapag nandito ako, tumitigil ang oras. Si Lolo mismo ang nagtayo nitong treehouse para sa akin.”

“Wait. Kailan niya ito itinayo para sa iyo?” tanong niya.

“Uhmmm... Noong two years old ako at ipinasa na niya ang pamamahala sa kompanya kay Papa. Gusto daw ni Papa ng treehouse dati pero matanda na si Papa para ma-appreciate iyon kaya itinayo niya para sa pamilya. Ni ayaw nga niyang magpatulong sa iba.”

“P-Pero mayaman na siya no'n at matanda na siya. Hindi na niya kailangang magpagod. Di naman biro na magtayo ng ganitong treehouse."

"Kahit nang marami nang pera, hindi naging maluho si Lolo. Di siya nagbuhay-hari pero handa siyang ibigay ang lahat para sa pamilya. Gusto niya siya ang gagawa para sa amin. Ayaw daw niya ng pakiramdam na nawawalan ng silbi. Kaya kahit na multi-million company na ang pag-aari niya, hindi pa rin siya mahihiyang madumihan ang kamay niya o mapagod. Proud siya sa kaya niyang gawin sa mga kamay niya."

"Mukhang kahanga-hanga talaga ang lolo mo," usal niya. "Masipag siya at hindi niya ikinakahiya ang trabaho niya kahit na malayo na ang narating niya.

Sumalampak ang binata sa futton. “ Simpleng tao lang si Lolo. Dito din niya binuhay sina Lola at Papa. Naglako ng papag si Lolo at iba pang mga gawa niya. Iyon naman ang uso dati. Hanggang may isang bumili ng papag niya at nagustuhan iyon. Di niya alam milyonaryo pala at nagpapagawa ng bahay. Kinontrata na si Lolo na gawin ang mga furnitures nila. Di niya kaya ang demand kaya kinuha niya ang tulong ng ibang kapitbahay niya na paggawa din ng muwebles ang trabaho. Before he knew it, Deogracias Furniture is born. Pinagtulungan nila ni Lola para umunlad.”

There was a dreamy look in his eyes. As if he was reminiscin' "Dito ako lagi kapag bakasyon. Gusto kong umiwas sa mga summer class. Dito ko gustong mag-aral kasama sina Lolo at Lola pero ayaw ni Mama. Di daw namin pwedeng iwan si Papa. Dapat daw buo ang pamilya lagi. Anyway, mas pakiramdam ko buo ang pamilya ko kapag nandito. Pati ang mga tao sa pabrika pamilya ko. Walang sumasaway sa akin kapag gusto ko na nakakamay lang. Kahit na maligo ako sa ulan o nakayapak lang sa loob ng bahay, walang sumasaway sa akin. I was free to do whatever I want."

"Spoiled ka lang yata kaya gusto mo dito," nakalabi niyang sabi.

"Sino ba namang bata ang gustong sumunod sa patakaran?" tanong nito at kumindat.

“Ikaw. Matanda ka na pero parang bata ka pa rin. Gustong lumulusot.”

"Hanggang makakalusot. Nakaka-miss sina Lolo at Lola. Kung buhay pa sila, I’m sure they will like you.”

Magaan siyang tumawa. “Naalala ko ang kwento ni Don Felipe na ayaw daw ng lolo mo na ayaw daw siyang patulungin sa pabrika. Mas gusto na mag-aral siya. Kaya ayun! Nag-aral siyang mabuti at ginalingan niya para mapaunlad niya ang negosyo ng lolo mo. He doesn’t want your grandfather’s legacy to die. Kaya nga gusto daw niya mahalin mo rin ang kompanya tulad ng pagmamahal at dedikasyon niya. Gusto niyang maipamana mo rin daw sa magiging mga anak mo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.