“No. I am staying. Sasamahan kita. Gusto ko ring malaman kung ano ang pwede kong maitulong sa iyo. Di ko pa naranasan na magtrabaho sa pabrika. Sa office ako agad nadestino. Hindi ko na-experience maging part ng operation. Mas makakapag-discuss tayong mabuti kung pareho tayong magtatrabaho dito,”
“No. You don’t have to. Di bagay sa iyo, office girl.”
Namaywang si Nadia. “For your information, nagsimula ako as part-timer sa opisina. Mula tagalinis ng table, tagatimpla ng kape, tagabili ng candy at taga-mop ng sahig nagawa ko.”
“Pero malayo na ang narating mo. You don’t have to do this.”
“I am helping you out. Assistant mo ako. Ano naman ang gagawin ko dito habang nagliliha ka ng kahoy?”
“Tagapunas ko ng pawis, cheerleader, o kaya tagakuha ko ng tubig or juice,” nakangising sagot ng binata. “Pwede mo akong i-entertain.”
Umingos siya. “Mahal ang talent fee ko.”
“Akala ko mahal mo ang trabaho na ito.”
“Di na kasama iyon sa for the love of this job. Kung magliliha ka, magliliha din ako. Pareho tayong matututo.” Nope. Hindi siya magiging wallflower lang sa tabi ng binata bilang cheerleader at tagapaypay nito. She wanted to earn her keep.
“Pero di pwedeng ganyan ang damit mo.” Ngumuso ito sa suot niyang blouse, square pants at pumps. “Kailangan mong magpalit ng damit.”
“Fine. Iyon lang pala.”
Magagaan ang hakbang niya nang puntahan ang manager para sabihin dito ang usapan nila ni Jameson. She was excited. Bagong experience ito sa kanya. Di rin niya naramdaman na demotion ito o kaya ay downgrade sa trabaho niya.
Jameson was taking things by heart. Nagkukusa na itong gumawa ng paraan para matuto sa pagpapatakbo ng kompanya. Kahit siya ay may natututunan dito. Handa siyang suportahan ang binata sa mga plano nito kahit isang taon siyang magliha ng muwebles.
"SIR, ang galing ninyo. Pulido ang trabaho.”
Narinig ni Nadia na inaprubahan ni Manong Tiburcio ang nilihang sofa ni Jameson. Ang lumingon siya ay tapos na ang pagliliha ng lalaki sa main set. Mula pa kahapon sila nagsimula ng lalaki na magliha. Kung noong una ay nasesermunan ito sa kabagalan nitong magtrabaho, nakahabol naman ang lalaki lalo na nang masanay.
"Pasado na po ako?” Tumayo ang lalaki at nag-inat-inat ng braso. :Gusto ko namang subukan kung paano ginagawa ang paglililok ng mga muwebles. Pwede po kaya bukas?”
"Di po basta-basta iyon, Sir,” sabi ng matandang lalaki.
"Gusto ko lang namang subukan. Di naman po mismong muwebles. Kahit mga retasong kahoy lang,” determinadong sabi ng lalaki.
"Kayo po ang bahala, Sir. Kakausapin ko na lang si Berto para i-endorse kayo sa ibang department. Tiyak na magiging inspirado din ang ibang tauhan natin sa ibang departamento kapag nakasama kayong magtrabaho.”
Bumalik sa pagliliha ang dalaga. Mahirap ang trabaho sa lihaan pero di niya narinig na nagreklamo si Jameson kahit na minsan. Magaan din itong katrabaho at palabiro kaya naman gumagaan ang trabaho ng lahat. Kahit siya na seryoso lagi sa trabaho ay napapangiti nito. Di iyon pwede sa opisina pero parang ine-encourage sa department na iyon. Nakakapagod magtrabaho sa isang lugar na walang aircon at mainit. Nakakangawiti pang umupo maghapon habang nagkikiskis ng kahoy. Pero kahit pagod ay magaan ang kalooban ni Nadia.
Skeptical si Don Felipe sa ideya ni Jameson na sumama sa operasyon. Habang ang mga executive naman sa kompanya ay naging positibo sa hakbang ng binata. Senyales daw ng commitment sa kompanya ang pagtatrabaho nito kasama ang maliliit na mga tauhan. Ayaw naman ni Don Felipe na masyadong pahirapan ang anak nito dahil baka daw biglang maglayas na naman ni Jameson. Pero sa nakikita niya ay nag-e-enjoy ito sa trabaho. Mas komportable ito sa pagliliha ng kahoy nang naka-pantalon lang at sando kaysa pag-aralan ang mga nakatambak na presentation at dokumento dito.
"Tara! Uwi na tayo," yaya ni Jameson sa kanya nang pumatak ang alas singko.
Iwinaksi ng dalaga ang kamay. “Mauna ka na. Hindi pa ako tapos dito. Pwede naman akong mag-tricycle pauwi sa mansion mamaya.”
"Anong petsa ka pa matatapos diyan?"
“Konti na lang,” aniya at nagpatuloy sa pagliliha.
“Kalahati ka pa lang diyan sa single seatee. Mukhang pagod ka na rin. Let’s go.”
"Di ko ugaling umalis sa opisina hangga't di tapos ang trabaho. O kaya inuuwi ko. Di ko naman ito pwedeng iuwi itong upuan para doon ko tapusin kaya dito lang ako,” giit ng dalaga.
“Di ka ba napapagod? Come on. Magpahinga ka naman. May bukas pa naman."
"Di talaga ako matatahimik na may naiwang trabaho. Okay lang ako dito,” giit niya. Nahihiya si Nadia dahil pinilit niyang magtrabaho doon. Gusto niyang pangatawanan na kaya niya at ipakita na seryoso siya sa trabaho.
"Tulungan na kita," prisinta ng lalaki at kumuha ng papel de liha.
Umiling si Nadia. "Hindi na. Kaya ko na ito."
"Tutulungan kita o tititigan na lang kita?" Umuklo ito sa harap niya at tinitigan siya. “Dito lang talaga ako kung gusto mo.”
Jameson’s eyes were deadly beautiful. Nanginig ang kamay ni Nadia. Hindi niya alam kung paano siya magtatrabaho habang nakatutok dito ang mga mata niya. Gusto ba nitong malusaw na lang siya?
Nataranta si Nadia. Di niya alam kung paano sasawayin si Jameson sa pahtitig sa kanya. Napaubo siya at kumalat ang kusot na pinagkiskisan niya.
Napunta ang ibang kusot sa mata ni Jameson dahil nakatutok ang mukha nito sa upuan. “Ahhhh!” sigaw ng binata at naitakip ang palad sa mata.
Tumayo si Nadia. "Naku, sorry. Di ko sinasadya.” Pinigilan agad niya ang kamay nito. “Wag mong kukusutin. Baka lalong ma-infect iyan.” Pinaupo niya ang binata sa bangkito. “Diyan ka lang. Huwag kang gagalaw. Kinuha niya ang water canister at pilit idinilat ang mata nito. "Huwag kang malikot. Kailangang linisin ang mata mo.”
Binuhusan niya ng tubig ang mata nito. Kumurap-kurap ang binata pagkatapos. "Okay na?"
Hinugasan nito ang kamay at hinawi ang tubig sa mukha nito. Guwapo pa rin ito kahit na napuwing ng kusot. "Yes. I'm feeling better."
Iniwas niya ang tingin dito. "Bakit ka kasi tumapat doon? Kita mong nagliliha pa ako. Tatanghuran mo pa ako.”
"Malay ko bang uubuhan mo." Napansin niya na kumukurap-kurap pa rin nito.
Pinalis niya ang kamay nito nang kinusot nito ang mata. "Patingin nga. Di yata natin naali lahat ng kusot. Hihipan ko ha?"
Pilit niyang ibinuka ang mata nito at hinipan. “Okay na?”
"Isa pa. Closer please."
Umusod pa siya palapit. Hinipan niya ulit ang mata nito. “Okay ka...”
Natigilan si Nadia. Masyado na palang malapit ang mukha nila sa isa't isa. She could almost kiss him. He was more handsome this close. She could see the brown speckle in his eyes. Parang may magneto na humihila sa kanya para lumapit pa.
Hinaplos niya ang pisngi nito. Hindi ito natinag. Her heart was beating wildly. Would she dare kiss him? She held her breath. His eyes became darker. As if there was an enticing force that held her under his spell.
She felt the urge to try. She wanted to dare kiss him. There was no turning back. Damn the consequences.
"Di pa ba kayo uuwing dalawa?"