Jameson’s eyes were intently focused on Nadia’s. She should be nervous and scared. Pero bakit parang di naman banta ang binitawan nito kundi pang-aakit.
Nag-shut down ang utak ni Jameson. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. She pressed her lips on his. She felt him when still. But she kept on kissing him. Wala nang bawian. She was curious what this attraction was all about. She wanted to know why he drove women crazy. She just gave in. Wala na na siyang pakialam sa tama at mali.
When he kissed her back, she felt beautiful and wonderful. She felt special and cared for. Di niya naramdaman na parang dinodominahan siya ni Jameson. Hinaplos nito ang mga braso niya at saka umakyat sa leeg niya. She felt wanted. Parang lumulutang siya habang inaangkin nito ang mga labi niya. That euphoric feeling that she never thought he would get from a kiss.
She wanted more. Parang ayaw na niyang matapos.
“Nadia...” usal ng binata sa pangalan niya.
Dumilat siya at nanlalaki ang matang tinitigan ito. Animo’y nagising siya sa isang panaginip. She kissed him. She really kissed him.
“Ano... Bababa na ako,” sabi niya at gumapang papunta sa hagdan. Nanginginig ang tuhod niya.
“Okay ka lang ba?”
“Oo. Goodnight.”
Sinabunutan niya ang sarili nang mapag-isa na lang sa kuwarto. She kissed him, not the other way around. Siya pa ang nag-initiate. Siya pa ang mas aggressive.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi pwede ang kabaliwang ito.
Pero isang misteryosong ngiti ang sumilay sa labi niya. He is good in kissing.
Malayo ang halik nito sa mga manliligaw niya na sinubukan siyang halikan dati pero nabigo lang. They were lame. Walang excitement siyang naramdaman. Walang spark.
Spark. Ibig bang sabihin ay attracted ako kay Jameson? Ipinilig ni Nadia ang ulo. No. Hindi na ito mauulit. Hindi na rin namin ito pag-uusapan.
Gaya nga ng sinabi ni Don Felipe, hindi siya pwedeng ma-distract. Dapat ay focus lang siya sa trabaho. Hindi sana niya makalimutan iyon.
“ABA! Bagay na bagay sa manyika ni Danica ang ginantsilyo ninyong damit.”
Hinawakan ni Nadia sa magkabilang kamay ang manyika na nakasuot ng ginantsilyong dress. Iba’t ibang activities ang nangyayari sa mess hall ng pabrika. Puno iyon ng mga pamilya na nakiisa sa family day nila. Hinayaan nila na ilabas ng mga ito ang talento kasama ang mga anak. Atubili pang lumahok ang ibang trabahador noong una. Nahihiya daw ang mga ito dahil baka daw hindi magustuhan ng mga anak ang gagawin ng mga ito. Sumali din ang mga ito kalaunan dahil sa panghihikayat nila.
"Nanay, mas maganda pa ang gawa ninyo kaysa sa ibinebenta nila sa palengke," masayang sabi ni Danica.
"Ikaw lang. Ayaw mo pa ng gawa ko."
"Pasensiya na po. Ipapainggit ko sa mga kalaro ko, Nanay. Pwede ko naman silang bentahan ng damit ng manyika na gawa po ninyo kung gusto rin nila."
"Aba! At negosyante ang batang ito. Manang, nakita ko po ang mga kurtina ninyo sa bahay nang dumaan ako. Maganda po. Di na ninyo ginagawang negosyo iyon?"
"Libangan lang po. Kaming mga maybahay na ang gumagawa ng mga takip sa mesa at kurtina namin kaysa bumili pa kami."
"Pero kung may kukuha po sa inyo para magkaroon ng extra na kita, gusto po ba ninyo?"
"Siyempre naman po. Malaking tulong po iyon sa amin lalo na't nagpapaaral na po ako ng college sa isang taon."
"Oorder po ako sa inyo. Ibibigay ko po ang sukat bago ako umalis." Kailangan niyang ipakita ang sample works ng mga ito. And she also wanted a piece from the people there to keep her inspired. Nakita niya na matagumpay ang art workshop nila. At magtuloy-tuloy pa sana.
"Salamat po, Ma'am. Gagawin ko agad ang order ninyo. Matutuwa ang asawa ko nito kung makakatulong ako sa mga gastusin."
"Tutulungan ko naman po si Nanay para di na sila masyadong napapagod."
"Mabait na bata," sabi niya at hinaplos ang ulo ni Danica.
"Si Sir Jameson po ba hindi pupunta dito?" tanong ni Manong Berto. "Kasi hinahanap din siya ng mga tauhan natin."
Luminga si Nadia sa paligid. Wala pa nga ang lalaki samantalang lagpas tanghalian na. Matatapos na nga ang activity nila. “Wala pa nga po. Baka po may tinatapos lang.”
Iniiwasan na niya ang lalaki mula nang halikan niya. Nagkakailangan na tuloy sila. Kasalanan din ni Nadia dahil nagpadala sila sa emosyon. Di naman iyon dapat nangyari. Kaya di niya magawang tawagan ito para i-check kung pupunta dito. Nakakailang. Di naman na siya nito tinutukso. Di na rin niya ito binibigyan ng pagkakataon na magtanong kung bakit niya ito hinalikan. Sabay pa rin silang pumapasok sa pabrika pero
Naisip niya ang dollhouse na ginagawa nito. Baka tinatapos pa nito at gustong sorpresahin ang lahat. Siya na lang ang iisip ng palusot para dito kaysa tanungin ito.
Pero pumatak na ng alas kuwatro ng hapon at nag-uwian na ang lahat pero di man lang nakita ang anino nito. Madilim ang mukha niya nang sumakay sa van. “Kumusta ang art workshop ninyo, Ma’am?”
“Masaya po, Manong. Sumama po kayo sa susunod. Manong, si Jameson po ba umalis ng mansion?”
“Nasa bahay lang po. May tinatapos po sa pagkakaalam ko. Doon lang po siya maghapon sa treehouse.”
Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ni Nadia habang pabalik ng mansion. Paano kung si Jameson na mismo ang umiiwas sa kanya? Baka iniisip nito na nai-in love na siya dito at pikutin na lang niya ito isang araw. As if she needed that complication in her life.
“Ma’am, tumuloy daw po kayo sa treehouse sabi ni Sir Jameson,” sabi ni Manang Soling nang pumasok siya ng mansion.
She was in her warrior mode as she marched towards the tree house. Walang problema sa kanya kung ang di natapos na dollhouse ang dahilan kung bakit di ito nakarating sa art workshop. Ibang usapan na kung sinasadya nitong iwasan siya. Kung may problema ang lalaki sa kanya, huwag sana nitong idamay ang mga tauhan sa problema nila.
Pero kailangan kong linawin sa kanya na di ko siya bet pikutin o kahit na sinong lalaki. May sumapi lang sa akin kaya ko siya hinalikan. Balewala lang iyon sa akin tutal ay balewala din naman sa kanya. Parang handshake lang ang halik sa ibang bansa.
“Jameson, nandito na ako!” tawag niya sa lalaki habang umaakyat ng hagdan.
“Hi!” nakangiting bati nito nang silipin siya. She was taken aback. Hindi iyon ang klase ng pagsalubong na inaasahan niya mula sa lalaki. Inilahad pa nito ang kamay sa kanya at hinila siya pasampa ng treehouse. “How’s the workshop?”
“Okay naman,” sagot niya. “Hinahanap ka nga nila. Sabi ko na lang may inaasikaso kang importante. Tinapos mo ba ang dollhouse?”
“Yes. Tapos na.” Inilahad nito ang kamay sa dollhouse na nasa gilid ng treehouse. “Kumpleto na iyan pati manyika.”
Nagningning ang mata ng dalaga. Parang miniature na mansion iyon. Excited siyang ssumalampak sa sahig ng treehouse para makitang mabuti. “Ang ganda! Matutuwa ang mga bata kapag nakita nila ito.”
“I’m glad you like it. Pero para sa iyo iyan, hindi para sa mga bata.”
Nagtatakang nilingon ni Nadia si Jameson at natawa. “Para sa akin? Aanhin ko naman ang dollhouse?”
“Sabi mo wala kang lolo na gumawa ng laruan para sa iyo. You never met your father either. Di ka rin nabilhan ng nanay mo dahil mahirap ang buhay ninyo. So I decided to create one for you.”
Nangilid ang luha niya. It was such a sweet gesture. Nabuhay ang pagiging limang taong bata sa puso niya, ang bata na walang ama at laging pinagdadamutan ng mga kalaro. She went back to that time that she wished she had a friend or a fairy godmother who would grant her wish. Halos dalawampung taon nang huli pero umaapaw ang saya sa puso niya.
Niyakap niya si Jameson. “Thank you. I know this is silly but this is such a beautiful gift.”
Parang dam na bumaha ang emosyon niya - lahat ng ipinagkait sa kanya at lahat ng ikinasasama ng loob niya noong bata pa siya ay ibinuhos niya sa pag-iyak. Walang nagbibigay sa kanya ng gusto niya. Natuto siyang huwag umasa sa ibang tao para pasayahin siya. Kailangan niyang paghirapan kung may gusto siyang makuha.