No Prince Charming (Filipino) Chapter 26

“HINDI kayo pumunta sa exhibit sa Cebu. Alam ninyo kung gaano iyon kahalaga lalo na para sa exposure ni Jameson. What is happening here? Nagpapabaya kayo sa trabaho?” sermon ni Don Felipe habang ka-video chat sila ni Jameson. Nasa conference room sila kasama ang executive assistant ng matandang lalaki na si Judith para mag-facilitate ng meeting.

Bumungad ng meeting na iyon sa kanila ni Jameson nang bumalik si Nadia sa opisina. Nakakapanliit. Pakiramdam ng dalaga ay pabaya siya sa trabaho at nasira ang lahat ng progress nila ng binata nang nagdaang mga linggo. Nakakapanlumo.

“Sir, sorry po kasi nagkaroon ng emergency. Isinugod sa ospital si Nanay bago ang flight namin at hindi po ako nakasama sa Cebu,” malumanay na paliwanag ni Nadia.

“Naiintindihan ko naman na kailangan ka ng nanay mo. Pero pati si Jameson hindi nakarating sa exhibit? Iisa ba kayo ng nanay? I need an explanation on this, Nadia.”

Parang gustong manliit ng dalaga. Parang may pahiwatig si Don Felipe na siya ang responsable kaya di tumuloy si Jameson sa Cebu. As if she had some sort of power over him.

“Ako ang nagdesisyon na huwag tumuloy sa Cebu,” anang si Jameson sa malumanay na boses. Walang kasalanan si Nadia. Hindi ko kayang iwan si Nadia kung kailan nasa alanganin ang buhay ng nanay niya. Kailangan niya ako...”

“Doktor ka ba, Jameson?” naniningkit ang matang tanong ng matandang lalaki. “Makakatulong ka ba sa paggamot sa nanay ni Nadia? May mga kliyente na naghihintay sa iyo sa Cebu. They want to meet you. Gusto nilang malaman kung maitutuloy pa nila ang business nila sa atin at kung maipagkakatiwala rin nila ang negosyo nila sa iyo. And you were MIA. How could you be so irresponsible?”

Malakas ang kaba sa dibdib ni Nadia lalo na nang makita ang pagdilim ng mukha ni Jameson. Animo’y isang bulkan na sasabog na ang lalaki. Napansin din niya na parang ihinahanda ng Ma’am Carla ang pagtutuos ng dalawa. They didn’t want to get caught in the middle of the crossfire. They should run for cover. Pero di niya kayang iwan si Jameson. Hindi siya nito iniwan nang kailangan siya nito. Handa din siyang ipagtanggol ito sa kay Don Felipe.

“Sorry, Pa. Hindi ako katulad mo na kayang unahin ang kompanya kaysa sa asawa niyang may sakit at malapit nang mamatay. I don’t have the heart smooching the clients, smothering them with food and wine while my friend needs me. Kung hindi mo gusto na magkaroon ako ng puso sa mga kasamahan ko, pwede ka namang humanap na lang ng ibang pumalit na tagapagmana mo. I don’t really care.” Tumayo si Jameson at hinawakan ang kamay niya. “This meeting is over. And I’m leaving.”

Naguguluhang sumunod si Nadia nang hilahin siya ng binata. Nilingon niya sa screen si Don Felipe at akmang magpapaliwanag pero natanaw na siya ni Jameson.

“Jameson, di pa tayo tapos kausapin ng papa mo,” sabi niya dito.

“I want coffee. Hindi ba may magandang garden cafe sa kabilang street? Doon tayo,” anitong tuloy-tuloy pa rin ang lakad at parang walang pakialam sa galit ng ama.

Chill na chill lang ang lalaki habang nakataas pa ang paa at umiinom ng Kenyan roast coffee habang matiim naman ang tingin ni Nadia dito. How could he be so cool about it? Palibhasa ay kailangan ito ng ama. Habang siya ay di alam kung may trabaho pang babalikan.

Pinagsalikop ni Nadia ang palad sa mug ng mainit na Arabic coffee. “Kailangan nating sabihin sa papa mo na babawi tayo sa kanya...”

“Ano bang problema kung wala ako sa exhibit? Naka-survive naman sila doon kahit na wala tayo. Magaganda ang products natin. Our people worked hard for it. Dati pa naman akong di uma-attend sa exhibit. Di kailangang maging big deal iyon kay Papa. Di bale sana kung nagliliwaliw lang ako. Gusto yata niya maging robot ako na gaya niya na walang emosyon.”

“Hindi naman ganoon kasama ang tatay mo. Siguro mataas lang ang expectations niya at magandang exposure ang exhibit para sa iyo. Marami kang matututunan.”

Sa loob ng ilang linggo na nakasama niya ang lalaki, nagsikap siya na ayusin ang nasirang relasyon ng dalawa. Gusto niyang ila pit ang lalaki sa ama nito pero parang siya pa ngayon ang maglalayo sa kalooban ng dalawa.

“Stop making excuses for my father. Stop apologizing that I choose to stay with you. Kahit ano pang rules ng management ang isampal nila sa akin, wala akong pakialam. I will always choose you one hundred times over. Alam ko ang pakiramdam na mameligro ang isang mahal sa buhay. Pagsisisihan ko kung mas pinili ko na tumuloy sa Cebu,” anitong parang maiiyak. “Hayaan mo kami ng tatay ko na ayusin ang problema namin.”

“I still feel guilty. Sana pala sinamahan pa rin kita sa Cebu at ihinabol sa exhibit...”

Hinawakan nito ang baba niya. “Nadia, kung inuna mo ako at ang trabaho mo kaysa sa sarili mong nanay, sisesantehin kita mismo sa trabaho.”

Nanlaki ang maa ni Nadia. “What?”

“Alam ko marami kang pangarap sa buhay. Pero walang kwenta ang lahat ng pera sa mundo kung di mo makakasama ang taong mahalaga sa iyo. It will mark you for life. Let me deal with my father. Nadia, hindi kita pababayaan.”

She worried her bottom lip. “Salamat.”

Kinakabahan pa rin siya kung ano ang kahahantungan niya sa pagkakaipit sa gulo ng mag-ama. Pwede siyang umaksyon nang sarili niya. Pero sa pagkakataong ito ay magtitiwala siya kay Jameson. She was hoping that he would do something about it.

Dinampot ni Jameson ang cellphone at may tinawagan. “Hi, Pa! I just want to inform you that this will be the last time that I will use the company phone. Yes, I will go back to using my broken iPhone because I will book my ticket for Thailand. I am leaving tonight. Thanks for giving me the opportunity to work on your company.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Aalis na si Jameson? Ganoon-ganoon lang at iiwan na siya nito. Nakuyom ni Nadia ang palad. She felt lost. Akala niya ay magkaibigan sila. Bakit bigla na lang siya nitong iiwan sa ere?

“Oh! Si Nadia?” Ngumisi ang binata sa direksyon niya. “I am still convincing her to try the Nomadic lifestyle. Ayaw lang niyang iwan ang nanay niya ngayon. Why should she stay in a company where the welfare of the people and their family is not that important? Who knows? Baka makumbinsi ko kahit ang nanay niya na sumama sa amin na mag-travel. Do you know that traveling is good for the health? I keep on earning, thanks to my blogging site. I am sorry, Pa. Kahit ang magagaling na tauhan may limitasyon din. Yes, you can call it piracy if you want to. Mukhang nakikita na ni Nadia ang advantage ng pagiging travel blogger. She is free and I will make sure that I will take care of her. I am not sure kung naramdaman niya iyon sa ilang taon na pagtatrabaho niya sa inyo.”

Napanganga si Nadia. Ano bang sinasabi ni Jameson? Pinalalabas ba nito na umaangal siya sa ilang taon niya na pagsisilbi sa kompanya? Parang gusto niyang agawin ang cellphone dito at batukan ang lalaki. Wala siyang planong magpaka-YOLO gaya ng sinasabi nito.

“Gusto kang makausap ni Papa,” sabi nito at ipinasa ang cellphone sa kanya.

Matalim niya itong tiningnan. Kapag nameligro ang trabaho niya, ibibitin niya ito nang patiwarik. “Hello, Don Felipe.”

“I am sorry, hija. Naging insensitive ako sa iyo. Di ko dapat in-insinuate na nagpabaya ang anak ko sa trabaho dahil sa iyo.”

“S-Sir?” nauutal niyang tanong. Nagso-sorry ang matanda sa kanya.

“Alam ko na di mo ginusto na magkasakit ang nanay mo. Si Jameson din ang may desisyon na huwag tumuloy sa Cebu. I shouldn’t have held you responsible for his actions,” mapagpakumbabang sabi ng matandang lalaki.

“T-Thank you po sa pag-unawa, Sir.”

“And I will cover the hospital bills of your mother.”

“H-Hindi na po kailangan, Sir.”

“No. Please let me do it. Matagal ka na sa kompanya. Maliit na bagay lang ito kung tutuusin. J-Just tell my son not to leave for Thailand tonight. H-Huwag ka muna sanang umalis ng kompanya. Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon.”

Ilang beses na kumurap si Nadia habang nakatitig kay Jameson na nakangisi sa kanya. Halos magmakaawa na si Don Felipe sa kanya na simpleng empleyado lang. All because of the man infront of her with a smug look on his face. It was surreal.

“S-Sir, sige po. Babalik na po kami ni Jameson sa opisina ngayon. Kung pupunta man siya sa Thailand, para lang po iyon sa furniture show doon next month.”

“Maraming salamat, hija. Malaki ang confidence ko na mai-improve mo ang performance ni Jameson.”

“So?” tanong ng lalaki nang ibalik niya ang cellphone dito.

“Ubusin mo na ang kape mo. Babalik na tayo sa opisina. Huwag mo na ring i-book ang ticket papuntang Thailand.”

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito. “Wala naman talaga akong plano na pumunta ng Thailand. It was just a little bluff and it worked.”

“Baliw ka talaga. Hindi mo ba naisip na posibleng atakihin sa puso ang papa mo dahil sa bluff mo? Akala talaga niya aalis ka na. Akala ko talaga aalis ka n-na,” aniyang nanginig ang boses at nangilid ang luha. Nasanay na siya sa presensiya ni Jameson sa buhay niya. At mahirap para sa kanya kung magpapatuloy ito sa kompanya na wala ito sa tabi niya.

Inakbayan siya nito. “O! Huwag ka nang umiyak. Hindi naman ako aalis. My father apologized to you. My father never bowed down to anyone.”

“Except you.”

Nagkibit-balikat ito. “Mas mahalaga ang buhay ng tao sa kahit anong exhibit o kahit anong kompanya. He must put that in mind.”

“Pero ayokong magkaaway kayo ng tatay mo dahil lang sa akin.”

“You are one of the reasons why I am staying, Nadia. Imagine babalik ka na naman sa boring routine kapag umalis ako. Can you imagine life without me?”

“Yeah! Boring nga ang buhay kapag wala ka,” sang-ayon niya. And she couldn’t imagine herself being more generous, more patient and happier without him. Maraming nabago sa buhay niya at sa mga tao sa paligid niya dahil kay Jameson.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.