“Jollibee, my friend. Kumusta ka na? Long time, no see. Na-miss kita.”
Parang batang nagtatakbo papunta ng estatwa ni Jollibee si Jameson at nakipag-hi-fove dito. Pumikit na lang si Nadia kaysa makita ng lalaki ang pagtirik ng mga mata niya.
Gahd! Akala ko naman pasaway na matanda ang babantayan ko. Di naman sinabi sa akin na isip-bata pala ito. “Hey! Nadia, come here,” tawag ni Jameson sa kanya at umiling.
Umiling siya. “Hindi. Kayo na ni Jollibee ang bahala. Oorder na ako sa loob. Baka gutom ka na rin.” Parang gusto na lang niyang magpanggap na hindi niya kakilala si Jameson. Nakakahiyang maging yaya nito.
“No. Dito ka lang. Kuhanan mo kami ng picture ni Jollibee,” sabi ng lalaki at inakbayan ang estatwa ni Jollibee. Inilabas nito ang cellphone at inabot sa kanya. “Kuhanan mo kami ng picture please?”
Wala siyang choice kundi kunin ang cellphone mula dito pero nagitla nang makita na basag-basag ang iPhone 5s nito. “Anong nangyari dito sa cellphone mo?”
“Nalaglag nang nag-rock climbing ako sa Nicaragua.”
“Gumagana pa ba ito?” tanong niya at parang gusto nang dalhin ang cellphone nito sa huling himlayan.
“Oo naman. Matibay iyan. Saka marami na kaming pinagdaanan.” At nagpogi pose pa ito habang nakaakbay kay Jollibee.
Nakangiwi siya nang kunan ito ng picture. Parang gusto niyang i-donate ang lumang cellphone niya na kinailangan niyang palitan dahil may company phone na siya. Paanong ang anak ni Don Felipe ay maaatim gumamit ng basag-basag na cellphone? Nakalimang shots sila bago pa pumayag ang lalaki na pumasok na sa wakas ng Jollibee.
“Thanks. Tiyak na maiinggit ang mga kaibigan ko kapag nakita nilang nakapag-Jollibee ako,” sabi nito at pumikit. “I feel at home now.”
“Ano ang gusto mong order-in?” tanong niya at dumukot sa wallet.
“It’s okay. My treat,” sabi ng lalaki na kuntodo ngiti sa cashier. “Anong gusto mo?”
“Spaghetti and chicken lang saka fries,” sabi niya. “Pineapple juice ang drinks.”
“Okay. Ako na ang bahala dito. Hanap ka na ng upuan natin,” sabi naman nito.
Pinili ni Nadia ang window seat at pinagmasdan ang mga nagdadaang sasakyan. Maya maya pa ay hangos siyang nilapitan ni Jameson. “Hi! May konting problema lang. Wala pala akong cash dahil nagastos ko sa stopover ko sa Hong Kong. Pwede mo ba akong pahiramin? Ibabalik ko kapag nakapag-withdraw na ako.”
Great. Wala naman palang pera. Ayoko sa lahat ‘yung lalaki na malakas ang loob magyaya ng libre sabay wala naman palang pera. What a turn off.
“Ooookay, How much?” tanong niya at inilabas ang wallet.
“Five hundred lang,” sabi ng lalaki.
Inabutan niya ito ng five hundred peso bill. “Never mind. Ipapa-reimburse ko na lang sa office,” sabi niya. “Ibigay mo na lang sa akin ang resibo.”
“Hindi. Babayaran pa rin kita,” giit nito at nagpasalamat.
Sinundan na lang niya ito ng tingin habang papunta sa counter. Pwede bang magpalipat na lang ako ng department. Di ko alam kung kakayanin kong makasama siya. Masakit sa bangs. O gusto ko ba talagang makita ang Deogracias Furniture sa mga kamay niya?
Wala naman siyang choice kundi manatili sa tabi nito. Isa itong challenge na ibinigay sa kanya ni Don Felipe. Kung matutulungan niya na maging handa ang anak nito sa pamamahala ng Deogracias Furniture, ibig sabihin ay nagawa niya ang trabaho niya.
“There you go,” nakangiting sabi ng lalaki pagbalik at inilapag ang orders sa mesa. “I miss this. It tastes different compared to the one they serve abroad. Mas mahal pa. Iba pa rin ang original na lasa.” Inilapag nito ang choco fudge sundae at peach mango pie sa harap niya.
“I don’t...”
“Eat dessert?” dugtong nito. “Come on. Celebrate with me. After six years, bumalik na ako sa Pilipinas. Minsan lang ito. Pagbigyan mo na ako. Or do I have to play the boss card?”
“Alright,” sabi niya at nagsimula nang kumain. Wala siyang magagawa dahil technically ay boss niya ito. He is the heir of the company, after all.
Bago kumain ay tahimik siyang nagdasal. Nang iangat niya ang tingin ay kinuhanan muna nito ng picture ang in-order at saka nag-selfie. “Hey! Sama ka sa picture,” sabi nito nang sinadya niyang umiwas. “Para makilala ka rin ng ibang friends ko.”
Umiling si Nadia. “Ikaw na lang. Hindi ako mahilig magpa-picture,” aniya at umiwas ng tingin. Hindi rin siya interesado sa mga kaibigan nito na malamang ay wala ring inisip kundi paano ang magliwaliw sa mundo.
Nag-post muna ito ng pictures sa account nito bago kumain. “My friends will be worried if I don’t update them on my whereabouts every now and then. I miss them a lot.”
Nami-miss nito ang mga kaibigan pero ni hindi man lang nito lingunin ang sariling ama. Kundi pa nalamang may sakit ang ama nito ay parang wala itong pakialam. Sabagay mas masarap ang magliwaliw kaysa ang humarap sa responsibilidad.
“It must be cool traveling around the world and having a grand vacation,” komento ni Nadia habang kumakain ng spaghetti.
“Hindi bakasyon ang ginawa ko. That’s work.”
Tumaas ang kilay niya. “Work?”
“Yes. I am a travel blogger. I have video blogs on the internet. Resort owners and businesses ask me to come and feature their establishments.”
“Sikat ka pala.” Di man lang niya nadama. Palibhasa ay wala sa mundo ng pagbibiyahe ang
“I am at the top ten most popular travel blogger in the world,” pagmamalaki nito. “Not really that popular.”
“Ang humble mo, ‘no?” sarkastiko niyang sabi.
“Thank you. Napansin mo rin pala.”
“Kain ka pa,” sabi ni Nadia at inilapit pa dito ang French fries.
Please. Kumain ka na lang. Okay na. Di na ako magtatanong tungkol sa iyo. Mas mahangin ka pa sa aircon. Nilalamig na ako.
“Ilang taon ka na sa kompanya?” tanong ng lalaki.
“Six years,” sagot niya.
“Ilang taon ka nag-start? Fifteen?” nanlalaki ang mata nitong tanong.
“Eighteen,” paglilinaw niya. “Nag-start as summer job then naging part-timer na ako. Hanggang maka-graduate ako, sa kanila na ako nagtrabaho kaya marami akong alam tungkol sa kompanya.”
“Wow! You are so dedicated to the company. Ni hindi mo naisip na lumipat? ”
Umiling siya. “I like my job. Mababait ang mga tao doon. Marami akong natutunan at sa palagay ko malaki rin ang pwede kong i-contribute sa kompanya.”
“Are you married?”
Saglit siyang natigilan kung sasagutin ba ang tanong nito o hindi. “I am not.”