No Prince Charming (Filipino) Chapter 4

“Boyfriend?” Umiling siya. “Seriously dating?”

“I don’t have time,” nausal niya at huminga ng malalim. “I am busy.”

“I guess you are one of those ultra independent women. O baka hindi mo pa lang ako nakikilala,” sabi nito at mapang-akit na ngumiti. “Will you go out on a date with me?”

Ikiniling niya ang ulo. “Wala kang pagsisingitan sa schedule ko. I am sorry.” Saka mo na ako yayain ng date kapag di na ako mag-aabono sa date natin.

“I know you will find time for me. Kapag may gusto, may paraan.”

Maasim siyang ngumiti. Huwag kang mag-aalala. Di ako mauubusan ng dahilan para di ka i-date. Kasehadong pati global warming isisi ko sa iyo.

“Sarap ng bagong burger nila, no? Kain pa more,” pag-uudyok niya sa lalaki.

MATAGAL NA nakatayo si Jameson sa hardin. Ilang minuto na silang nakatayo sa labas ng villa sa Ayala Hills sa Quezon City pero mukhang wala pa rin itong balak pumasok.

Nakabuka ang mga kamay nito na parang dinadama ang hangin. Naiinip na habang nakatayo doon si Nadia. Di niya alam kung may ka-commune itong mga ispiritu o mga lamang-lupa. Papadilim na at nagsisimula nang papakin ng lamok ang dalaga pero parang wala pang balak ang lalaki na pumasok sa loob para masimulan niya ang pagle-lay down ng itinerary nito sa araw na iyon.

“Wala na si Mama pero pakiramdam ko nandito pa rin siya,” usal nito habang nakapikit pa rin. “Halos hindi nagbago itong villa kahit na matagal na kaming wala ni Mama.”

“Sa palagay ko gustong I-preseve ni Don Felipe ang bahay na ito para sa iyo. Para kapag siguro umuwi ka ulit, katulad pa rin ng dati.”

“Wala lang siyang oras na pag-isipan ang tungkol sa bahay. Kahit naman noon, sa opisina na siya nakatira. Ni hindi siya umuuwi dito. Halos di namin siya nakikita ni Mama,” anito sa mapait na boses.

Sixteen years old ito nang maulila sa ina dahil sa colon cancer. Ayon sa matagal nang personal assistant ni Don Felipe na si Liberty, mula nang mawala ang ilaw ng tahanan ng mga Deogracias ay naging malamig lalo ang pakikitungo ng mag-ama sa isa’t isa. Pagka-graduate ni Jameson ay ibinenta nito ang ilang mga gamit kasama ang mamahaling sportscar na regalo dito ng ama at nagbiyahe sa kung saan-saang parte ng mundo.

Ayon kay Don Felipe, wala namang problema dito kung magbiyahe ang anak nito. But he was hoping it was with luxury and style. But Jameson adapted the nomad lifestyle. He even had to do odd jobs just to survive most of the time. Mas gugustuhin nitong maghirap kaysa ang humarap sa responsibilidad na naiwan sa Pilipinas.

Subalit ngayong nagbalik na ito, parang isa itong bata na bumalik sa kabataan. Sa pagkakataong ito, oras na upang harapin nito ang responsibilidad bilang isang Deogracias.

Mukhang may gap ang mag-ama. Pero di niya iyon problema. Di siya pwedeng maipit sa gulo ng mga ito. Naroon lang siya para magtrabaho. Di niya pwedeng ihalo ang emosyon niya sa pakikitungo kay Jameson.

“Pinaghandaan niya ang pagbabalik mo. Gusto mo bang makita ang kuwarto na ipinaayos niya para sa iyo?” tanong niya.

Sumunod ito sa kanya. Nasa second floor ang kuwarto. Isang dating guestroom na binago para lamang umakma sa panlasa ni Jameson. Modern ang disenyo. Habang makaluma ang ibang bahagi ng bahay, bukod-tangi ang silid na iyon sa lahat. Dark blue at gray ang kulay. Pang-bachelor magin ang mga furniture na gawa mismo ng pinakamagaling nilang designer at craftsmen. Pinasadya para lang kay Jameson.

“Ito ang magiging trend sa interior design sa susunod na taon. Usually sa mga bachelor pad ito bagay. Gusto ni Don Felipe na ito ang maging design ng kuwarto mo para may touch ng sophistication,” paliwanag niya dahil siya ang nakipag-coordinate sa interior designer.

Nanghaba ang nguso ng binata. “I don’t like it.”

“Bakit? May kulang ba? May gusto ka bang baguhin?” tanong niya.

Inilahad nito ang palad. “I think its boring. Walang kabuhay-buhay. Hindi ako makahinga sa kuwarto na ito.”

“It’s fit for a bachelor like you.”

“It’s cold and stiff. There’s no way that I will stay in this room.”

“Ano ang gusto mo? Babaguhin ba natin ang interior design? Ayaw mo ba dito sa villa? Gusto mo ba ng sarili mong condo?”

Mahigpit ang bilin sa kanya ni Don Felipe na ibigay ang lahat ng gusto nito. Ayaw ng matandang lalaki na magkaroon ng kahit anong maliit na rason para hindi manatili sa Pilipinassi Jameson. Kung kukuha man ito ng condo, maidadala nito ang kahit sinong babae na gusto nito. Walang kukuwestiyon sa mga galaw nito. Di tulad sa villa. May mga kawaksi itong kasama sa bahay. Guwardiyado ang kilos nito. Di ito basta-basta makakapagsama ng babae sa kuwarto.

“I want my old room back,” sa halip ay sabi ng lalaki.

“Your old room?”

“Oo. Iyong kuwarto ko noong bata pa ako.” Lumabas ito ng kuwarto. Hinahanap marahil nito ang kuwarto nito noong bata pa ito.

“Seryoso ka ba?” mahina niyang usal. Paano naman niya maibabalik dating kuwarto nito. It must have been renovated already. O kaya ay ginawang bodega.

Sinundan ni Nadia ang lalaki. Tumigil ito sa isang silid na nakasara. Pinihit nito ang seradura pero naka-lock ang pinto. “Manang, nasaan po ang susi dito sa kuwarto ko? Gusto ko pong makita.” Maya maya pa ay bumalik ang matandang babae na may dalang susi. Umaliwalas ang mukha nito nang mabuksan ang isang silid. “My old room is still here!”

Nagtatakbo si Jameson papasok sa kuwarto. Pambata nga ang kuwarto. Puno iyon ng laruan. Mga robots, cartoon characters, anime at tadtad ng poster ng mga football players, basketball, wrestler. Parang iyon na ang kuwarto ng lalaki mula noong ipanganak ito.

“Well, pambata ang kuwarto na ito,” sabi ni

“That’s why I love it here.” Tumalon ito sa kama na parang bata. “Gusto ko dito na lang ako.” Dinampot nito ang miniature robot ng Bioman. “Pare, kumusta ka na? Na-miss ba ninyo ako? Na-miss ko rin kayo! Nagtatampo siguro kayo dahil hindi ko kayo naisama.” Nagbago ito ng boses na parang robot. “Okay lang. Bumalik ka naman.”

Gahd! Mababaliw ako sa lalaking ito. Sino ang twenty-seven year old na lalaki ang nakikipaglaro pa rin sa robot na laruan hangang ngayon? Hindi niya alam kung paano nito pamamahalaan ang kompanya. Baka mamaya ay I-donate pa nito sa mga alien ang Deogracias Furniture.

Itinutok nito ang robot sa direksyon niya. “Sino ang magandang babaeng iyon? Girlfriend mo ba?” tanong nito sa boses ng robot.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.