No Prince Charming (Filipino) Chapter 6

“MANANG Soling, good morning po. Gising na po ba si Jameson? Nag-breakfast na po ba? May lakad po kasi kami ngayon. Baka ma-traffic kung male-late siya ng gising," bungad ni Nadia pagdating sa mansion.

Tiniyak niyang alas siyete pa lang ay naroon na siya para maihanda si Jameson. Tiyak na astang prinsipe iyon at baka kailangan pa niyang gisingin, pakainin ng agahan at utusang maligo. Yes, parang yaya na talaga siya. Pangangatawanan niya ito.

"Miss Nadia, kanina pa pong alas singko y media umalis si Sir Jameson."

"Po? Saan po nagpunta?"

"Hindi ko po alam. May dadalawin lang daw pong importanteng tao. Inalok ko po ng agahan pero di na raw po niya mahihintay. Kailangan na daw po niyang umalis," sagot naman ng matandang kawaksi.

"Sino pong driver ang kasama?"

"Wala po. Di na daw po siya sanay na may service. Kaya na daw po niyang po niyang mag-commute at marami naman pong taxi sa labas ng village."

Umakyat ang dugo sa ulo ni Nadia sa nalaman. Basta na lang umalis ang binata nang di sinasabi kung saan pupunta. At mukhang makikipagkita pa sa babae.

Mas importante pa ang babaeng iyon kaysa sa usapan namin ngayon.

Pabalik-balik ng lakad ang dalaga sa front porch habang tinatawagan ang lalaki. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ring lang nang ring ang ang phone nito. Nananadya ba ito? Uubusin yata talaga ni Jameson ang pasensiya niya.

Paano kung hindi na ito bumalik? Paano kung naglagalag na lang ito sa kung saang bundok at wala nang pakialam sa responsibilidad o sa mamanahing kompanya? Na YOLO forever na lang ito. She would be in big trouble.

Bumalik ka na please. Maawa ka naman sa akin. Paano ako bibigyan ni Don Felipe ng mas mataas na posisyon sa kompanya kung ikaw lang di ko pa mapatino?

At kapag di na bumalik si Jameson, di niya alam kung saang lupalop ito hahanapin. Malamang mawalan na rin siya ng trabaho. Nadia could practically see her dreams and all her efforts crashing right before her eyes. She couldn’t afford that right now.

"Jameson! Nasaan ka na ba kasi?" angil niya at naiiyak na ipinadyak ang paa.

"Hey! Huwag mong awayin 'yang sahig. Hindi iyan lalaban."

Si Jameson. Bumalik na si Jameson.

Hinarap niya ang lalaki. Mas mukha itong disente ngayon sa plain white T-shirt at pantalong maong na hindi gula-gulanit. Muntik na itong mayakap ni Nadia sa tuwa. Akala talaga niya ay tinakasan na siya nito nang tulungan. Pinigilan lang niya ang sarili dahil baka lagyan nito ng malisya. "Saan ka nanggaling? Kanina pa ako dito,” tanong niya sa pormal na boses.

Ngumisi ang lalaki at hinaplos ang sariling baba. "Na-miss mo ako agad? Ilang oras pa lang tayong hindi nagkita "

Miss? Kung di lang ito parte ng trabaho niya ay ipina-ship na niya ito sa Mars.

"May usapan tayo nang alas otso. Tapos dadating ako dito na umalis ka daw nang di nagsasabi kung saan ka pupunta. Ni hindi ka na lang nagpahatid sa driver. Gaano ba kaimportante 'yang pinuntahan mo nang di ka man lang nagsasabi. Babae siguro iyan,” walang prenong sabi niya.

Napaurong ang lalaki at itinaas ang dalawang kamay. "Whoa! Mukhang marami kang isyu sa akin. Anong oras ulit ang usapan natin?"

"Alas otso,” taas-noo niyang sagot.

Sinulyapan nito ang sports watch. "It is just seven forty. Bumalik ako bago ang usapan natin. Excited much to see me?"

Naman! Parang lumalabas na atat na atat siyang makita ito. Bakit ba lahat na lang ng mga argumento niya ay ginagawa nitong tungkol sa kaguwapuhan nito?

"Sanay lang ako na maaga sa trabaho.” Idiniin ni Nadia na trabaho lang ang lahat. B”akit di ka nagsabi saan ka pupunta o nagpahatid ka man lang sana sa driver? May mga taong nag-aalala sa iyo dito. Responsibilidad ka namin kay Don Felipe."

"Gusto kong mapag-isa sa pupuntahan ko. May dinalaw lang ako."

Tumaas ang kilay ng dalaga. "Aga mo naman makipagkita sa babae."

Lumungkot ang mga mata nito. "Dinalaw ko si Mama sa Heaven's Gate. Ipapadaan ko sana doon kahapon pero gutom na gutom ka na. Ngayong umaga na lang ako pumunta bago ang usapan natin."

Napipilan si Nadia. Nanay pala nito ang dinalaw nito na matagal na panahon na nitong di napuntahan dahil sa paglalagi nito sa ibang bansa. Malapit din ito sa nanay nito noong nabubuhay pa. Malay ko ba. I think of him as a fuckboi. Pagdating sa babae, walang oras na pinipili. I never thought he is also a son.

Huminga ng malalim si Nadia at nakonsensiya sa sa maling hinala. "Sorry. Di ko alam.” Kasalanan pa pala niya kung bakit di ito nakadalaw sa sementeryo kahapon. “Kumain ka na diyan. Sayang naman ang inilutong agahan nila Manang sa iyo.”

“Kung sasabayan mo ako,” malambing nitong sabi. “Please. Di ako sanay na kumain ng mag-isa o may nanonood lang sa akin.”

Wala siyang nagawa kundi saluhan nito. Di rin siya nakakain kanina kahit nang alukin ng agahan dahil sa pag-aalala na baka di na bumalik si Jameson. Saka lang siya nakaramdam ng gutom. Di na siya nag-atubili na saluhan ito. Mukhang kailangan niya ng maraming stored energy para sa buong araw kasama ang lalaki.

"Nagselos ka ba habang iniisip mo na may kasama akong ibang babae?" tanong nito.

“Excuse me?” tanong ni Nadia na natigilan sa pagsubo ng pancake.

“Kasi kanina parang gigil na gigil ka nang banggitin mo na nakipagkita ako sa babae kaya maaga akong umalis.”

Tumirik ang mga mata ni Nadia. "Wag masyadong tiwala sa kaguwapuhan mo. Wala naman akong pakialam kunf makipagkita ka kung kaninong babae anumang oras mo gustuhin. Basta magsabi ka lang sa mga tao dito o magpahatid ka sa driver dito. Nandiyan naman sila Mang Pepe. Para alam namin kung ano ang sasabihin pag tumawag si Don Felipe para kumustahin ka. At higit sa lahat, basta nakakaapekto sa trabaho natin, wala kang maririnig sa akin.”

Lumabi ang lalaki. "Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko pero marami ka nang sinabi. You must really like me a lot."

"Kain ka pa. Mukhang gutom ka pa,” sabi niya at nilagyan ng sinangag ang plato nito. Baka sakaling di puro kayabangan ang naiisip nito.

Tiningnan siya nito sa malamlam na mga mata. "Thank you for caring for me.”

Saglit na natigagal si Nadia. Her heart was beating rapidly. How could he become annoying and charming at the same time? The man was incorrigible. And he was harder to handle than she thought. Siguro dahil di ito kasing sama gaya ng inaakala niya. That he had a soft side.

Whatever! Basta gagawin ko ang trabaho ko at tumino siya. That’s all I care about.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.