“NICE. I want to buy more jeans. May bago sila sa Levi’s,” sabi ni Jameson habang naglalakad sila sa Greenbelt. Tumigil ito nang makita sa window display ang pantalong maong.
Akmang papasok ito pero hinatak niya ito palayo doon. “Dito tayo.”
“Come on. Titingin lang ako. Dadalawa na lang ang pantalon ko. Ipinamigay ko na ang iba sa kaibigan ko sa Algeria. They don’t have have much to buy clothes.”
“Hindi iyan ang priority mo ngayon. You need new clothes that will fit you.”
“Tingin ko may kakasya sa aking pantalon.
“Sa office,” paglilinaw niya. “You can’t wear those in the office. To be a succesful,. You must build a good image.”
“Bakit naman hindi? Have you seen start-up businessmen like Mark Zuckerberg of Facebook. Come on. This is the millenial times. Di na uso ang mga formal na suit kapag nagko-conduct ng business.”
“Hindi ikaw si Mark Zuckerberg. Hindi rin Facebook ang kompanya ng papa mo. Conservative pa rin ang mga tao sa Pilipinas. And we deal with people who still into tradition. Kaya huwag mo akong bigyan ng katwiran millenial. Kung babawasan mo ang pag-angal mo, mas mabilis tayong matatapos.”
At itinulak niya ito papasok sa store ng Armani. Hindi siya nag-aksaya ng oras at nagpatulong sa sales staff sa pag-assist kay Jameson. Kumilos naman ang babae para ikuha si Jameson ng size na para dito.
“Pwede bang lumipat tayo ng shop?”
“Bakit?” tanong niya habang iniisa-isa ang rack.
“The clothes are too expensive. Budget na ito sa pagkain ng isang pamilya na may apat na miyembro. This is just too much.”
“You must have the best. Hindi mo lang naman ito minsan na isusuot. Kapag pangmatagalang gamit, mas mabuti nang maganda ang quality.”
“I... I don’t know. It just doesn’t feel right. Maraming mga tao ang nagugutom sa lugar na napuntahan ko. And to wear something this expensive isn’t me.”
“Let me get this straight. Jameson, hindi na ikaw ang YOLO travel video blogger na ang iintindihin lang ay ang sarili mo at kung paano siya mabubuhay sa susunod na araw. You are Jameson Deogracias now, the heir to Deogracias Furniture. You need to project that image. Makikihalubilo ka sa mga matataas na tao. At kung pinanghihinayangan mo na pagkain na ng isang pamilya ang damit mo, isipin mo na lang kung gaano karaming pamilya ang mapapakain mo sa bawat transaction na maisasara mo. This is not about you. Bilang magiging head ng Deograscias Furniture, maraming umaasa sa iyo.”
“Oooo..kay. I should go to the fitting room. Want to join me?”
“Dito na lang ako.”
Namimili siya ng babagay dito na necktie nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. “Nadia!”
Nang lingunin niya ito ay nakasimangot ito habang suot ang white long sleeve cotton polo at brown trouser. Ibang-iba ang itsura nito kaysa sa lalaking mahilig sa T-shirt lang at sira-sirang kupas na pantalon. He looked perfect in formal wear. Lalo na siguro kapag pinagsuot niya ito ng suit. Mukha itong responsable. And utterly delicious.
Kinastigo ng dalaga ang sarili. So, that is not a malicious remark. Just giving an honest and professional remark. Kung professional mang matatawag ang ‘delicious’ ngayon.
Lumapit siya kay Jameson at pasimpleng pinagpag ang balikat nito. “Nice. Bagay sa iyo.”
“I don’t like it.”
Napanganga ang dalaga. “Na naman?”
“This is too starchy,” aburido na sabi ng binata at isa-isang kinalas ang butones ng polo nito. “Nangangati ako.”
“Paanong mangangati ka? Maganda ang tela nito at presko...”
Nanlaki ang mga mata ni Nadia nang tumambad sa mga mata niya ang makinis na dibdib nito. He was slightly tanned. Gawa ng pagkakababad nito sa araw. At dahil sa dami ng adventure nito, laging nakabilad ang katawan nito sa araw. Nang ibinukas pa nito ang isang butones, naaaninag na niya ang flat abs nito.
Six-pack abs, baby. Nasa blog niya kapag nagsu-swimming siya.
Nanuyo ang lalamunan ni Nadia. Kasing kasig ba sa personalb ang abs nito sa personal ang nasa pictures nito? She was not into abs or muscles really. Mas interesado siya sa nilalaman ng utak ng isang tao. Hindi siya impressed sa physical attributes ng isang lalaki.
But, my, oh, my! She was definitely curious. Parang di niya matanggihan ang abs.
She heard someone gasp at her back. Nang lumingon siya ay dalawang bading ang nanggigilalas habang nakatitig kay Jameson. Binasa pa ng isa ang labi nito na parang natatakam sa binata habang ang isa ay kinagat naman ang pang-ibabang laki. Animo’y buffet sa restaurant si Jameson na gustong pagpiyestahan ng mga ito. Parang gusto niyang dukutin ang mata ng mga ito.
Hinawakan niya ang magkabilang dulo ng polo ni Jameson at pinagpatong. “Huwag ka ngang mag-exhibition dito. Doon ka sa loob,” sabi niya at itinulak ito papasok ng fitting room.
“Ano bang problema?” tanong lalaki.
“Ang problema, nakabalandra ang katawan mo at pinagpipiyestahan sa labas. Wala ka sa beach or sa pool,” sermon niya.
“Selosa ka talaga. Gusto mo ikaw lang ang makakita sa katawan ko,” anitong nanunukso pang ngumiti saka kumanta. “For your eyes only, only for you.”
“Hindi ako interesado sa katawan mo.”
“Ah! That’s why you have your hands on me.”
Nang tingnan niya ang kamay ay nakapasok sa loob ng polo nito. Her palm was flat on his chest. His hot chest and she could feel the wild. He was very much alive. Habang siya naman ay unti-unting nauubusan ng lakas.
Dahan-dahan niyang ibinutones ang polo nito. “Di ko naman sinasadya.”
“I don’t mind, kahit pa sadyain mo.”
She could feel his hot breath caress her face. Nang tumingala siya ay saka lang siya naging aware na magkadikit ang kawatan nila sa maliit na espasyo ng fitting room. Just a slight move and their lips could touch.
Nabulabog sila nang may biglang kumatok sa pinto. “Sir, Ma’am, okay lang po ba kayo diyan?”
Hindi alam ni Nadia kung anong dapat sabihin. Okay lang ba siya? Parang lalagnatin siya habang kasama si Jameson sa fitting room. Hot pa rin ito kahit balot ng damit.
“O-Okay lang kami,” sagot naman ni Jameson at hinawakan pa ang baywang niya. As if he was telling him that he got everything covered.
“I-Ina-assist ko lang siya,” sabi naman ni Nadia nang makabawi.
“Di po kasi pwedeng magkasama sa fitting room, Ma’am,” sabi ng sales staff. “For decency’s sake...”
Mariin siyang pumikit. “Palabas na ako.” Ihinarap niya si Jameson sa salamin. “Look at you. You look great on this outfit. Huwag ka nang mag-reklamo at marami ka pang isusukat.”
“Fine. I’ll get this one,” sabi ng lalaki.
“Isukat mo pa ang iba. Basta huwag ka nang maghuhubad in public. Please.”
Sumaludo ito. “Yes, Boss.”
Paglabas niya ay umiwas agad ng tingin ang mga sales staff. Habang nagbubulungan naman ang dalawang bading habang nakatingin sa direksyon niya. Kumunot ang noo niya. Iniisip ba ng mga ito na may ginawa silang kababalaghan ni Jameson sa loob ng cubicle?
Bumuka ang bibig niya para magpaliwanag. Na wala silang ginagawang masama pero sa huli ay umupo na lang siya sa sofa at nag-check kunyari ng cellphone. Pero iniiwasan niya ang mapang-uring tingin ng mga ito. It was crazy. Hindi siya ang tipo ng babae na magkukulong sa cubicle para makipag-make out sa isang lalaki. Kahit pa may sculpted chest at katakam-takam na abs na kulang na lang ay palaman.
Pero ano bang pakialam ng mga taong ito sa kanila ni Jameson? Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya. Trabaho lang. Trabaho lang.
Kung makakatrabaho niya nang mas matagal si Jameson, mas marami-rami pa silang magiging encounter ng hot body nito. Dapat na siyang maging immune at huwag matulala.
Lumipat sila ng boutique ng lalaki matapos mag-Armani. Hindi na pinabalik kay Jameson ang T-shirt at pantalon nito. Necktie naman ang pinamili nila.
“You are good at this,” sabi ng binata nang ilapat niya ang necktie sa polo nito.
“I have to be. Kasama sa trabaho ko. Pag hindi pwede si Miss Jeniza, ako ang namimili para sa papa mo,” tukoy niya sa sekretarya ng ama nito.
“Ah! You will be the perfect corporate wife. Mag-aasikaso sa asawa niya, makakausap pagdating sa business, alam niya kung ano ang mabuti at di makakabuti sa career ng asawa niya. Kapag mag-discuss ng kahit ano mula sa stock market, lifestyle at economy.”
“You forgot that I am the type who has her own career.” She wrinkled her nose. “Pero di ko rin nakikita ang sarili ko na mag-aasawa o magkaka-boyfriend.”
“No way! Ikaw din ba ang tipo na kasal sa career mo?”
“Bakit naman hindi? Loving my career won’t give me any heartaches. Hindi rin ako iiwan para sa ibang babae.”
“It won’t give you laughter, companionship, passionate embrace, hot nights, orgasms...”
Dali-dali niyang tinakpan ang bibig nito. “Shut up, Jameson.”
Nag-init ang mukha ni Nadia. Career lang ang pinag-uusapan nila kanina at kasal pero bigla silang nauwi sa orgasm. Gahhhd! Babaliwin ako ng lalaking ito.
Inalis nito ang pagkakatakip sa bibig nito. “See? That is something to ponder about. I can sense the passion in you. You have so much potential. We should tap that.”
“We?”
“You know, if you want to explore some more.” Kinindatan siya nito. “Let’s go out. I can take you to the dark side, baby. I can make you feel good.”
“I have standards, baby,” panggagagad niya dito. “Because you can take me to the dark side and make me feel good, patunayan mo muna na kaya mong iangat ang Deogracias Furniture. Wala akong planong i-date ang isang lalaki na pababagsakin ang career ko. I need someone who has a direction. Who is focused. Who has a vision.”
Humalakhak ang lalaki. “Date lang ang inaalok ko at hindi kasal.”
“Realistically, hindi lang sa sex at passion nabubuhay ang tao. You need cash. At bakit naman ako makikipag-date sa lalaking di seryoso sa akin? Kung nakasanayan mo iyan, ibahin mo ako.”
Naging seryoso ang mukha nito. “I understand. You are different.”
“Hindi mo na ako kukuliting makipag-date sa iyo?” Di mo na rin ako aakitin?
“For now. Kailangan ko mun ang patunayan na ako ang lalaking gugustuhin mong maka-date. Who knows? Baka ikaw pa ang magyaya ng date sa akin.”
“Hahaha! You wish.”