"Ang lalim ng iniisip mo, Jewel." saad ni Yana makalapit at makaupo ito sa tabi ko, nandito kami sa bakuran namin.
"Tell me anu ba nangyari sa inyo ni Sir noong gabi na 'yun? bakit ganun siya?" tanong niya.
Ilang araw na rin lumipas ang insidente nangyari sa bar at condo ni Zuriel. At ngayon lang naglakas loob na magtanong si Yana alam ko nag-aalala siya.
Bago ako magsimula magkwento huminga muna ako ng malalim at nagsalita ulit si Yana.
"Naiintindihan ko naman si Sir, pero sayang lang kasi hindi mo man lang na-enjoy buong gabi na magkakasama tayo." wika nito.
"Nag-enjoy naman ako Yana, baka meron pa naman next time di 'ba? alam mo naman 'yun si Emz gagawa naman siya ng paraan and after what happened that night umalis kami, anu nangyari Yana?'..
"Ayun bumaha ng alak then sayawan na walang kapaguran..sobra enjoy Jewel kahit isang gabi lang 'yun naramdaman ko 'yung magaan sa loob dahil wala ka naisip na problema kahit isang gabi lang." nakangiting kuwento ni Yana ramdam ko sobra saya nito.
"Kung puwede lang hindi na matapos 'yung gabi Jewel pero hindi puwede. Kung naging anak mayaman tayo hindi natin mararanasan 'yung ganito mga problema, hindi naman sa nagrereklamo ako sa buhay pero minsan mapapatanong ka kung bakit malupit 'yung kapalaran natin kung tutuusin mabait naman tayo."dagdag ni Yana.
"Gaya ng sinasabi ni Lola natin may rason lahat na nangyayari, makakaya natin ito basta magkakasama tayo lahat anuman mangyari."
"Alam ko naman Jewel makakaraos din tayo at darating din ang araw na giginhawa tayo. Pero maiba tayo usapan wala ka ba balak puntahan ang mga magulang at kapatid mo? anim na taon na rin nakalipas malay mo hinihintay ka na nila."
"Gustuhin ko man Yana pero siguro hindi pa sa ngayon."
"Galit ka pa rin ba sa kanila?..
"Wala ako karapatan magalit sa kanila
kasalanan ko naman nangyari noon hindi ko naman sila masisi kung hanggang ngayon baka galit pa rin sila sa akin at hindi pa ako handa harapin sila hindi pa ngayon ang tamang panahon Yana."
"Basta lagi mo tatandaan Jewel nandito lang kami nila Kuya Damian." paalala niya, lagi pinapapaalala hindi lang si Yana kundi sila Lola at kuya din nandyan lang sila para sa akin sa bawat desisyon na gagawin ko.
"Oo naman Yana, alam ko 'di niyo ako pababayaan, pero maiba ako Yana naalala mo ba 'yung nag-tour tayo noong high school may binili tayo souvenir sa'yo bracelet at sa akin singsing."
"Oo naaalala ko bakit?" takang tanong nito.
"Tatlong singsing 'yun sabi ko sa'yo hindi ko namalayan na nawala na 'yung isa, kasi noong gabi nangyari doon sa bar, tapos noong dinala ako ni Sir sa condo niya, kinabukasan after ko makapagbihis may isang picture frame ako nakita sa kwarto ni Sir, pero hindi larawan nakalagay kundi isang kwintas tapos 'yung pendant gaya ng singsing na nawala sa akin."
"Wait lang Jewel, kailan mo ba napansin na wala na 'yung isang singsing mo?."
"After two days, simula noong pagdating natin noong nasa probinsiya na tayo."sagot ko.
Natahimik naman si Yana at alam ko na iniisip nito.
"Alam ko iniisip mo Yana huwag muna ituloy impossible siya ang lalaking naka ONS ko noon at baka magkapareho lang 'yung singsing at hindi lang tayo nakapunta sa lugar kung saan nabili natin 'yon." wika ko at inunahan ko na siya dahil alam ko na nasa isip niya.
"Puwede possible Jewel, remember kagabi nanduon siya sa bar kung saan doon din sa bar galing 'yung lalaki naka-ONS mo at bakit hindi mo tanungin si Sir wala naman masama 'di ba? baka siya nga ama ni Flint na matagal na natin gustong hanapin."
"Impossible Yana." mahina wika ko, sa isip ko impossible pero sa puso possible kasi sa paraan ng paghalik niya sa akin noong gabi gaya ng lalaki nakaONS ko noon at 'yung boses niya minsan ko na rin narinig.
"Impossible? pero sa puso mo puwede possible? na baka nga siya? tama ba ako Jewel? pero natatakot ka hindi tanggapin si Flint bilang anak niya dahil meron na ito pamilya. Kung totoo man siya, alam ko masakit para sa'yo at lalu na kay Flint kasi alam ko pangarap mo magkaroon ng buong pamilya si Flint. Kung sakali siya man Jewel karapatan ni Flint na malaman ang totoong ama niya, karapatan niya din malaman na anak niya si Flint, hindi madali kung sakali siya nga, may ibang tao ng involve at ang mahirap pa may sarili na ito pamilya pero para kay Flint gawin mo 'yung tama para sa anak mo."
"Kung sakali siya man wala ako balak sabihin sa kanya tungkol kay Flint. Ayoko maranasan ni Flint na may kahati siya sa pagmamahal at attention ng ama, mas gugustuhin ko pa sumbatan ako ng anak ko kung bakit hindi ko siya pinakilala sa ama niya kesa naman mamalimos ng pagmamahal at atensiyon sa ama niya, 'yun ang hindi ko kayang makita para sa anak ko. Isipin na makasarili ako pagdating sa anak ko, pero 'yon ang gusto ko para sa anak ko ayoko may kahati siya sa ama niya at kung siya man ang taong 'yon my answer NO Yana, kung siya man ayoko makasira ng pamilya. Kung siya man okey na ako malaman na siya 'yun lalaking naka-ONS ko noon, ayoko masaktan ang anak ko kapag ipinaalam ko kung sino ama niya na ngayon meron na sariling pamilya..
"Pero Jewel kung sakali siya man kailangan mo ipa-----"..
"NO Yana, balang-araw kapag nagkaanak ka maiintindihan mo rin ako, naiintindihan kita Yana alam ko iniisip mo si Flint pero iniisip ko rin ang anak ko hindi madali ang sitwasyon lalu na may pamilya na siya at hindi puwede basta na lang natin sabihin sa kanya, kung sakali siya man ama ni Flint at kilala tao sila kapag ipinaalam natin malaking scandalo 'yon sa pamilya nila at hindi lang pamilya niya madadamay pati anak ko baka mabully siya. Kung sakali siya man sa tamang panahon sasabihin ko naman kay Flint hindi pa ngayon bata pa siya at alam ko maiintindihan ako ng anak ko."
"Kung siya nga Jewel at sasabihin mo sa kanya about kay Flint malay mo tanggapin niya kung 'yan ang is a dahilan na baka 'di matanggap si Flint, kung siya man hindi ka na mahihirapan sa pagpapalaki sa kanya makukuha na niya gusto na hindi mo maibigay sa kanya, alam ko nahihirapan ka at ramdam ko 'yon isipin mo 'yung kinabukasan niya hindi sa minamaliit kita dahil alam ko kaya mo pero gusto ko rin maging masaya ka, kayo ni Flint."
"Okey lang ako mahirapan man para maitaguyod pag-aaral niya. Hindi ko man maibigay lahat pangangailangan niya naiintindihan niya naman.
Gagawin ko lahat para sa anak, para sa kinabukasan niya. Sabihin natin kapag pinaalam ko kung sino ama niya at tanggapin siya maibibigay lahat gusto niya sa madaling salita may maganda kinabukasan siya pero ayoko sabihin kasi kapalit naman may kahati ang anak ko sa ama niya at kahit hindi niya sabihin masakit 'yun sa part niya lalu para sa akin makita sitwasyon niya at hindi ko 'yon pinangarap para sa anak ko Yana. Kahit sino pangarap na magkaroon ng buo pamilya, mga magulang na gagabay at 'yung masasabi mo sayo talaga walang kahati kahit sinuman sa atensyon at pagmamahal at kung sakaling siya man wala ako planu sabihin sa kanya kahit pilitin niyo ako sana maintindihan niyo ako Yana, kaya ko buhayin ang anak ko, kaya huwag mo ipilit na gawin ko ang isang bagay na sa huli masasaktan ang anak ko. Kung ikaw nasa sitwasyon ko maiintindihan mo ako." saad ko habang pigil mapaiyak, kapag sa anak ko na usapan walang makakapilit sa akin sa gusto nila, para kay Flint gagawin ko lahat, ayoko siya masaktan kung sakali man siya Zuriel ang ama.
"Wala mawawala kung susubukan mo Jewel..."
"Subukan ko man o hindi, tanggapin niya man o hindi ,hindi na mababago desisyon ko Yana anak ko nakasalalay dito at ayaw ko masaktan siya at ayaw ko rin makasira ng pamilya..."
"Sa akin lang naman Jewel----"..
"Naiintindihan kita Yana, sana maintindihan mo rin ako, matulog na tayo maaga pa tayo bukas babalik ng mansyon." saad ko sa kanya sabay tayo ko para matapos na usapan. Ayoko na pagusapan pa at hindi na mababago desisyon ko.