ONE NIGHT TO FORGET Chapter 9

"Bakit ba dito mo ako dinala?. Kailangan ko bumalik Sir sa bar dahil naghihintay sa akin mga kaibigan ko at sigurado ako mag-aalala ang mga 'yon sa akin lalu na si Yana hindi man lang nakapagalam basta niyo na lang ako kinaladkad palabas. " saad ko ng makapasok kami sa condo niya at nagpipigil ako sa bakit ko. Akala ko sa mansyon nila ako dadalhin pero nagkamali ako, sa condo pala niya.

"Bukas ka na umuwi at ihahatid na lang kita sa inyo delikado na ngayon magbiyahe pauwi, its already late Jewel and don't be stubborn woman. " malamig na saad nito nahalata ang pagtitimpi nito sa boses.

"Sino ba kasi nagsabi maki-alam ka sa buhay ko? At sino nagsabi sa'yo na dalhin mo ako dito sa condo mo?! at puwede Sir pabayaan mo na bumalik duon sa bar, nagsisimula pa lang kasiyahan namin magkakaibigan!" inis ko saad sa kanya, tangina ina ngayon lang ako ito mangyayari at bukas balik na naman sa realidad ang buhay ko.

"Ganun ba kasiyahan gusto mo Jewel? 'yung binabatos ka na ng mga lalaki duon sa bar, nakita mo ba kung paanu ka nila tingnan?" madiin na saad nito sa bawat salita binibitiwan nito. Kita ko sa mga mata niya galit pero pinipigilan lang nito.

"Wala naman sa akin nambabastos duon, sumasayaw lang kami wala masama duon! at hindi ko gusto pangingialam mo sa akin at uulitin ko sayo BUHAY KO ITO WALA KA PAKIALAM!, naiintindihan mo ba?!. sigaw ko na hindi ko na mapigilan galit ko sa kanya, ayoko sa lahat pinakikialaman ako.

"Kahit anu pilit mo, sigawan mo man  ako hindi ka na babalik sa bar at wala ka magagawa Jewel!." wika nito tumaas na rin boses niya.

"Galing mo din no, kinaladkad mo ako palabas ng bar at 'yung kasiyahan ko sana kahit ngayon gabi lang nawala pa dahil sayo alam mo ba yun. After six years ngayon ko ulit nagawa ko ito!, 'yung wala muna iniisip na problema, 'yung kahit papaanu kahit ngayon gabi lang sana gusto ko naman bigyan sarili ko at magawa ko ginagawa ko noon pero wala sinira mo!. Kung wala mo umaasta ako na wala anak nagkakamali Zuriel hindi ako ganun wala naman siguro masama na kahit ngayon lang, isipin ko muna sarili ko pero hindi inalis sa isip ko na may anak ako. Kahit ngayon lang naman. " saad ko na hindi ko mapigilang mapaiyak.

"Jewel. . ." tanging sambit ni Zuriel at akmang lalapit ito sa akin pero umatras ako.

"Wala ka karapatan na husgahan ako dahil wala ka alam sa buhay ko Zuriel hindi mo alam ko anu dinanas ko sa buhay at buong buhay ko puro trabaho ako para sa amin ng anak ko, para mabuhay ko siya at mabigyan ng magandang kinabukasan para sa kanya at kung anuman hirap pinagdaanan ko sa buhay wala ako pinagsisihan dahil lahat 'yun para sa anak ko.  Wala naman masama di ba na isipin ko naman sarili ko? mali ba isipin ko naman sarili ko kahit ngayon lang? kahit ngayon gabi lang sana, mali ba Zuriel? sabihin mo sa akin mali ba?.."hindi ko mapigilang humagulhol at unti-unti ako napadausdos pababa habang umiiyak..

Simula ng itakwil ako ng mga magulang ko mas pinili ko maging matapang sa bagong buhay na haharapin kasama ang anak ko at gustuhin ko man magmukmok at umiyak noon pero hindi puwede kasi may buhay sa sinapupunan ko at kung wala siguro sila Yana hindi ko alam kung anu mangyayari sa akin sa panahong walang wala ako nuon.

Sobra laki ng utang ng loob ko kila Yana pinangako ko balang araw makakabawi rin ako sa kanila sa lahat lahat na naitulong nila sa akin.

Ilang sandali naramdaman ko ang paglapit ni Zuriel at hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito..

Habang yakap ako hinihimas niya ang likod ko...

Feeling ko habang yakap niya ako ligtas ako at nawala mabigat ko pakiramdam.

Kung puwede lang siya na lang ang ama ni Flint hindi dahil sa mayaman sila kundi kita ko kung paanu siya maging ama kay Summer...

Kahit lagi sinasabi ko wala pag-asa na mahanap ang ama ni Flint pero sa isip ko sana makilala namin siya pinapanalangin ko sana, pero posibilidad na hanggang sana na lang.

"Ssshhhhhhh... stop crying Jewel and I'm sorry, ayoko ko lang paanu ka tingnan ng mga lalaki duon bar." pangaalo nito sa akin kasabay ng paghingi nito ng tawad.

"Gusto ko na umuwi." tanging nasabi ko na lang dahilan ayaw ko na makipagtalo sa kanya.

Humiwalay ito mula sa akin sa pagkakayakap..

"No, you will stay here at gaya ng sabi ko hindi na maganda magbiyahe pauwi sa inyo and don't worry bukas  ihahatid kita and you need to sleep and rest now duon ka na sa room ko matulog at dito na lang ako sa sala mututulog, meron sa cabinet mga damit pili ka na lang duon sa mga damit ko and take shower first."

"Uuwi ako Zuriel ihatid mo na lang ako sa baba magtataxi na lang ako, kaya ko na sarili ko." hindi ko alam pero may iba ako nararamdaman, 'yung boses niya parang narinig ko na dati. Isa lang pumasok sa isip ko pero hindi puwede, impossible mangyari.

"Hindi ka uuwi Jewel at hindi kita hahayaang umuwi mag-isa wala ako tiwala sa mga taxi driver sa panahon ngayon delikado marami mga krimen nangyayari." pagpipilit niya

"Magkaliwanagan nga tayo Sir, bakit ka ba nakikialam sa buhay ko? At dinala mo ako dito hindi ka nag-iisip, paanu kung may makakita sa akin dito at malaman ng asawa mo? at higit sa lahat ayaw ko mapagkamalan o pag-isipan na kabit mo at ayaw ko makasira ng pamilya, kaya uuwi ako sa ayaw at gusto mo!" Saad ko sa kanya, isa dahilan ko kaya gusto ko umuwi na lang kesa magstay dito magdamag, mahirap na madaling gumawa ng kwento, sa panahon ngayon madaling paniwalaan ang kasinungalingan kesa sa katotohanan.

"Hindi sa nakikialam ako sayo Jewel, gaya ng sabi ko concern lang ako sayo kaya inalis kita duon, nasa poder kita kahit sabihin mo hindi mo oras o araw ng trabaho mo. Paanu kung may nangyari O gawaan ka ng masama doon and lastly wala ako pakialam sa sasabihin ng ibang tao, as long as wala naman tayo ginagawa masama, mistress? wala ako balak magkaroon at hindi ko 'yon magagawa dahil mahal ko ang asawa at anak ko, mahal ko ang pamilya ko kung yan ikinababahala mo, bilang amo mo timutulungan lang kita, nothing more nothing less. "

Bakit sa huling sinabi nito parang may naramdaman ako kirot.

"Okey. . ." tanging sagot ko na lang  at sabay talikod at tinungo ang pintuan  at akmang pipihitin ko ng may humawak sa braso.

"Where do you think youre going Jewel?"..

"Uuwi." simpling sagot ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo." naiirita saad nito sabay pinaharap niya ako sa kanya.

"Bakit ba kulit mo at nakikialam ka?!" tanong ko hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko.

"Mahirap ba inintindihin mga sinabi ko, huh?! Alin ba hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko sa'yo?" tanong niya.

"Mahirap ba intindihin na kailangan ko umuwi?" pagmamatigas ko pa rin, ayoko ng gulo.

"Damn it Jewel!, you will stay here at dito ka matutulog and thats final. Now go to my room sleep and rest and change your clothes first."

"Hindi na kailangan, uuwi ako ZURIEL!"..pagmamatigas ko pa at kailangan ko talaga umuwi hindi puwede manatili ako dito natatakot baka may makakita sa amin at pag-isipan ng masama kilala ang pamilya Mendez baka ito pa maging dahilan mawalan ako ng trabaho at masira pamilya niya, at importante sa akin ang trabaho para sa anak ko.

Ma buti na advance mag-isip mahirap na.

Unti unti siya lumapit sa akin hanggang napasandig ako sa pinto. Hinawakan niya ang aking baba at inilapit nito ang mukha sa mukha ko, kulang na lang maduling ako sa sobra lapit namin sa isa't- isa. Ramdam at nalalanghap ko ang init ng hininga nito.

"You will sleep here Jewel hindi ka uuwi at kung pagpipilitan mo pa rin, hindi ako magdadalawang isip na halikan kita right here, right now!" wika niya na sa akin na mas lalu ni lapit ang mukha niya na magkadikit na ilong naming dalawa.

"Uuwi a-----"..hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako at ilang segundo tumagal ang paghalik niya na hindi man lang ako nakagalaw at nanatiling nakatingin lang sa kanya dahil sa kabiglaan hindi ko nagawang maitulak siya. Ilang sandali tumigil ito at idinikit nito  ang noo sa noo ko kasabay ng paghawak nito ulit sa aking baba at dahang-dahan na iniangat hanggang magpantay tingin namin dalawa.

"Im sorry at matulog ka na it's already late, uuwi ka pa bukas sa inyo."..

Tanging tango lang naisagot ko sa kanya at hinila na ako nito papuntang kwarto...

Pagkapasok namin sa kwarto siya na rin kumuha ng damit na susuotin halata siguro niya ang pananahimik ko at 'yung totoo lutang ako hindi pa rin maproseso sa isip ko ang paghalik niya sa akin at parang naramdaman ko na sensasyon na bumalot sa aking katawan habang hinahalikan niya ako...noon.

"Use this l, take shower first then sleep and rest." saad nito sa akin at sabay abot nito sa akin ng damit at tumalikod at lumabas ng kwarto naiwan ako lutang pa rin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.