PANGITAIN Chapter 3

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan, kung ano ang gustong ipahiwatig sa akin ng matanda.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kaniya. O baka naman gi-no-good time niya lang ako. Malayo pa naman ang araw ng mga patay, pero bakit parang may mga kababalaghan ng nangyayari?

"Maraming klase o uri ng panaginip. But I want you to focus in this five types or kinds of dreams. Why? Because as a psychologist, -  who specializes in the study of mind and behavior. Or in the treatment of mental, emotional and a behavioral disorder, maaring ma engkwentro n'yo ang mga iyan in the near future." Mahabang paliwanag ng propesor namin sa harap.

Habang nagsasalita'y, mabilis na isinusulat niya rin sa white board ang limang uri ng panaginip. Kasabay ng mga kahulugan nito isa-isa.

Inilabas ko rin ang notebook ko, bago sinimulang isulat ang mga nasa board.

Normal Dreams:  Common dreams about people and experiences, that we can sometimes forget.

Day Dreams: When we scape from reality and visualize the past, present and future throughout the day.

Lucid Dreams: Being completely aware, and in control of the dream you are having while in sleep.

False Awakening Dreams: A vivid type of dream that feels like you have waken up, but you're actually still asleep.

Lahat ng iyon ay naghalo halo na sa isip ko. Ngunit mas natuon ang atensyon ko, sa isa at pinakahuli niya pang sinulat.

Nightmares:  The list favorite type of dream. Nightmares are disturbing and scary dreams that can feel realistic.

Inulit ulit kong basahin iyon, hanggang sa bumalik sa aking isipan ang nangyari kamakailan lang.

Bangungot...

Iyon nga ba ang tawag sa nakita ko? Ngunit bakit iba ang nakita ko kanina? Kung ang pagbabasehan ay ang nakita ko noong nasa bahay ako, at kanina bago kami pumasok ni Alain. Posible bang bangungot pa rin ang tawag doon?

"Kung bangungot 'yon, bakit nagkatotoo ang nangyari kanina?" Wala sa loob na sabi ko.

"Yes Sandra? Any questions?" Tanong sa akin ni Sir Jef.

Siya ang propesor namin, at ngayon nga'y sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat. Akala ko'y sa isip ko lang nabanggit ang mga iyon. Ngunit naisatinig ko pala. Nahihiya man at nakakaramdam ng kaunting kaba'y, tumayo ako upang magtanong.

"Paano po kung... kung ang nakita mo sa panaginip mo ay biglang nagkatotoo?" Kabadong tanong ko.

Istrikto kasi si Sir Jef kaya nakakailang, at higit sa lahat nakakakaba magtanong sa kaniya.

Tumitig siya sa akin na para bang naki-kipaligsahan ng titigan, bago nagsalita.

"Ang tanong, nakatulog ka ba talaga? Dahil ang panaginip ay nangyayari kung tulog ka." Seryosong saad niya.

Nakatulog nga ba ako? Hindi ko rin alam kung oo ba ang sagot sa tanong na 'yon o hindi. Dahil hindi naman talaga ako sigurado kung nangyari ba 'yon sa panaginip ko. O nangyari lang matapos makita ng mismong mga mata ko?

"Paano po kung nangyari ang panaginip na iyon ng kaparehong araw. Ngunit magkaibang oras? Hindi man sigurado kung tulog o gising, pero nakita mo ang eksaktong mangyayari pa lang?" Muli kong tanong.

Hindi ko na nagawang sagutin pa ang tanong niya. Kaya naman tinumbasan ko iyon ng isa pang tanong.

Maya-maya pa ay ngumiti siya, bago humarap muli sa white board at nagsulat.

Vision...

Iyon ang sinulat ni Sir Jef, bago inilagay ang katumbas na kahulugan no'n.

Vision:  A vision is something seen in a dream, trance, or religious ecstasy, especially a supernatural appearance that usually conveys a revelation. Visions generally have more clarity than dreams, but traditionally fewer psychological connotations.

"Vision o Pangitain. Iyon ang ibig sabihin ng sinasabi ni Sandra." Malakas na saad niya sa harap bago tumingin sa akin.

Tila ba nais niyang ipaalam sa akin kung ano ang ibig sabihin no'n. Nakatuon sa akin ang buong atensyon niya, habang pinapalawanag sa harap ang nais niyang iparating sa aming lahat.

"At tulad ng panaginip, may ibat ibang klase rin ang pangitain. May pangitaing masaya, mayroon ding malungkot. Pero ang kinatatakutan ng iba, ay ang pangitain tungkol sa trahedya. May pangitain din na nagkakatotoo, pero may iba naman na napipigilan ito. Dahil tulad ng sa panaginip... katawan mo, isip mo, at atensyon mo ang gamit o gumagana. Ngunit, ikaw pa rin ang gagawa ng kapalaran mo. Nasasaiyo kung padadala ka sa nakikita ng iyong mata. O susundin ang isip at babaguhin ang iyong nakita."

Mahabang paliwanag ni Sir. Sa bawat katagang binigkas niya, dulot sa akin ay kaliwanagan. Kung ganoon, pwede kong baguhin ang mangyayari sakaling masama iyon? Pero paano?

"That's all for today, class dismissed."

Malakas pa niyang saad na nagpabalik sa aking isipan.

Tumayo na ang lahat ng kaklase ko pati na rin si Alain. Hudyat 'yon na tapos na ang klase.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko, bago isinilid sa bag ko. Matapos 'yon ay tumayo na rin ako, at akmang lalapit kay Alain na naghihintay sa labas.

"Sandra." Tawag sa akin ni Sir Jef, na nagpahinto sa akin upang lumabas.

Lumingon ako sa kaniya bago lumapit. Hinihintay kung ano man ang sasabihin niya, ngunit nanatili siyang nakatingin lang. Tila ba balisa at puno ng kalituhan sa kaniyang mukha.

Tinumbasan ko ang titig niya, hanggang sa tumikhim siya at nagtanong.

"You seems serious and curious about the word vision. May I ask why?" Seryosong tanong niya sa akin.

As a pschology professor, alam kong binabasa niya ang nilalaman ng isip ko. Nais ko mang ilihim sa kaniya, ngunit ang mapanuri niyang mata ay nag-uudyok sa akin upang sabihin ang nakita ko.

"May pakiramdam po kasi akong... nakikita ko ang mangyayari," nakayukong saad ko sa kaniya.

Narinig ko pa ang pag hugot niya ng malalim na hininga. At nang tignan ko siya'y, kunot ang noong nakatingin siya sa libro niya.

Kulay brown iyon na kung susuriing mabuti ay matagal na sa kaniya. Halos mabura na rin ang larawan na naka-imprinta sa harap no'n.

Ilang minuto rin siyang tumingin doon, bago muling bumaling sa akin.

"Alam mo ba o narinig mo ba ang aksidente na nangyari kanina, bago magsimula ang klase?" Maang na tanong niya sa akin.

Kinakabahan ma'y tumango ako at nagsalita. "Yes Sir. Nakita ko po. Nakita ko ang eksaktong mangyayari." Marahang sagot ko sa kaniya.

Nakaramdam na ako ng takot, at nagsimula na ring uminit ang sulok ng aking mga mata. Paano kung husgahan nila ako? Paano kung nang dahil sa nakita ko'y sisihin nila ako? Paano kung isipin nila na wala na ako sa tamang katinuan? Maniniwala ba sila sa akin o matatakot sa aking pangitain?

Alam kong natigilan si Sir Jef kung kaya't hindi siya agad nakapagsalita. Kaya naman muli ko siyang tinanong.

"Ano po ba ang tawag sa nakita ko? Klase po ba ng panaginip na kung tawagin ay bangungot? O isa po ba iyong vision, tulad ng sagot n'yo sa tanong ko?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

Tumikhim si Sir Jef bago nagsalita.

"Alam mo ba ang premonition? Magkaiba ang premonition sa vision. Ngunit kung susuriing mabuti ay halos iisa lang ang pinupunto ng dalawang salita na iyon." Seryosong paliwanag niya sa akin bago pinalapit niya ako sa tabi niya.

Nang makalapit ay pinabasa niya sa akin ang pinagkaiba ng dalawang salitang iyon.

As nouns the difference between 

vision and premonition:

Is that vision is (label) the sense or ability of sight while premonition is a clairvoyant or clairaudient experience, such as a dream, which resonates with some event in the future.

As a verb vision:

Is to imagine something as if it were to be true.

Iyon ang nabasa ko sa librong hawak niya. Lalo akong naguluhan, dahil kung tutuusin nga ay halos pareho lang sila.

"Those explanations, sometimes may appear as paranormal. Now, I want you to focus not in your vision or premonition. But, in your action." Makahulugang saad niya sa akin bago isinara ang kaniyang libro.

Lahat ng katanungan sa aking isipan ay hindi ko mabigyan ng tamang kasagutan. Lalo lang din akong naguluhan nang dahil sa hindi ko maipaliwanang na dahilan.

Matapos iyon ay halos sabay na rin kaming lumabas ni Sir Jef. Nilapitan ko na si Alain na matiyagang naghintay sa labas, upang sabay kaming umuwi.

"May dinaramdam ka ba? Para kasing may kakaiba sa'yo." Tanong sa akin ni Alain habang naglalakad.

Umiling lang ako bilang sagot. Tahimik lang din kaming naglakad hanggang sa makalabas na ng eskwelahan.

Nag aabang na kami ni Alain ng sasakyan nang bigla siyang magtanong sa akin.

"Anong oras na ba? Kung maaga pa naman ay magmeryenda na muna tayo." Sunod sunod niyang saad bago hinila ang kamay ko na may suot na relo.

Pati ako'y napatingin roon. Nakita kong alas tres na rin pala ng hapon. Hindi ako pwedeng magtagal. Dahil malamang na darating na si Mama galing sa pagtitinda.

Si Mama kasi ay nagtitinda sa palengke, bilang pinagkukunan namin ng kabuhayan. At dahil ako ang panganay, tungkulin ko siyang tulungan kahit na sa maliit na bagay lang.

Akmang hihilahin na ako ni Alain patawid, upang pumunta sa katapat naming karinderya. Ngunit nakita kami ni Sir Jef.

"Oh hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong niya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Alain, dahil hindi namin inaasahan na papansinin kami ni Sir. Dahil tulad nga ng sabi ko'y, istrikto siya.

Naiilang na napangiti kami. Handa na rin akong sumagot sa kaniya ngunit itinaas niya ang kamay niya, at sinabing... paalam.

Matapos 'yon ay agad siyang tumawid. Ngunit hindi namin inaasahan ang sumunod na nangyari.

Saktong pag tawid ni Sir Jef, ay siya namang mabilis na pag andar ng bus. Nagdulot iyon ng matinis na tunog gawa ng mabilisang pagpreno. Ngunit huli na. Dahil si Sir Jef ay nabangga!

"Sir!!!!" Halos magkapanabayan naming sigaw ni Alain.

Dumagsa ang lahat ng taong narito sa kalsada, at pumunta sa kinaroroonan ni Sir Jef. Tumakbo rin kami ni Alain palapit kay Sir Jef.

Halos mawalan ako ng malay tao ng makita ko ang anyo ni Sir. Durog ang ulo niya! Naputol pa ang kanang paa niya! Nagkalat din sa daan ang dugo at laman niya!

Sa lakas ng impak ng bus na bumangga sa kaniya, hindi na siya mabubuhay pa. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak dahil hindi ko inaasahan na mangyayari 'yon kay Sir Jef.

Para rin akong nabingi, at tanging ang mabilis na pagtahip lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Tila nauupos na kandila'y, napaupo ako sa kinalulugaran ko. Hindi ko mahanap ang sarili kong lakas. Hindi ko kayang igalaw ang buo kong katawan. At wala akong ibang maisip kun'di ang katanunga'ng, ito ba ang sinasabi ng matanda na hawak ko ang kanilang kapalaran?

"Sandra!!!!!"

Rinig kong sigaw ni Alain sa tenga ko. Kinurot niya rin ng bahagya ang tagiliran ko.

Nang mapatingin ako sa kaniya'y pulang pula ang mukha niya na halos gusto ng matawa. Anong nangyari?

"Ano ba naman yan Sandra! Nakakahiya! Tumayo ka nga riyan at nakatingin na sa atin ang ibang tao!" Mariing singhal sa akin ni Alain.

Sa sinabi niyang 'yon ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. At oo, nakatingin nga sa amin ang lahat. Ngunit bakit?

"Kulang ka yata sa vitamins, nagiging lampa ka na!" Dagdag pa ni Alain.

Doon ko lang napansin na nakadapa ako sa daan. Unti unti ko rin naramdaman ang hapdi ng siko at tuhod ko. Agad akong tumayo bago nag pag-pag ng sarili. Nadapa ba ako? Kailan? Bakit hindi ko maalala?

Naglakad na kami ni Alain upang mag abang ng sasakyan. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko bago nagtanong.

"Anong oras na ba?" Tanong niya.

Bigla kong hinila ang kamay ko bago mariing tumitig sa kaniya.

"Alam ko ang kasunod na sasabihin mo," sagot ko sa kaniya.

Nagtataka man ay ngumiti siya sa akin, bago tinanong kung ano?

"Kung maaga pa naman ay magmeryenda na muna tayo?" Wala sa loob na saad ko.

Gayon pa man, namilog ang mata ni Alain bago sinabing bakit alam mo!

Shit! Tulad ng kaninang umaga, mangyayari ba ang nakita ko? Kung tama ang nasa isip ko'y, isa na namang pangitain ang nakita ko.

Sasagot pa sana ako kay Alain ng biglang bumungad sa amin si Sir Jef. Akmang magsasalita na siya ngunit inunahan ko na.

"Sir, tatanungin mo kami kung bakit hindi pa kami umuuwi tama po ba?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Sa isip ko'y sana ay mali ako. Sana iba ang sabihin niya. Dahil kung hindi iyon ang sasabihin niya'y baka sakaling hindi mangyari ang dapat na mangyari.

"Tama ang kursong napili mo. Mukhang nabasa mo ang nasa isip ko," nakangiting sagot niya.

Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya 'yon! Dahil tama ako! At iyon din ang sinabi niya sa nakita ko.

Ngumiti siya sa amin bago itinaas ang kaniyang kamay. Akamang sasabihin niya na ang salitang paalam, kaya niyakap ko siya bigla.

Wala akong pakialam kung ano man ang isipin ng mga makakakita. Ang mahalaga ay mapigilan ko ang dapat na mangyari.

"Sir 'wag ka pong tatawid." Bulong ko sa kaniya habang nakayakap pa rin ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo Sandra? Umayos ka at maraming nakakakita." Sagot niya naman sa akin.

Nagsimula na akong maiyak. Dahil tulad ng nasa isip ko, baka nga isipin nilang nawawala na ako sa tamang katinuan.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya, bago humarap sa kaniya na hilam ng luha ang mga mata.

"Ma di-disgrasya ka Sir! Mababangga ka ng bus!. At... a-t mamamatay. Makinig po kayo sa akin. Dahil nakita ko! Nakita ko ang mangyayari sa'yo!" May diin ang bawat salitang binitiwan ko. Ayaw kong may mapahamak pa, kaya naman sinusubukan kong pigilan 'yon.

Nakatitig lang siya sa akin. Puno ng katanungan ang mga mata niya. Mababakas din ang gulat at pagtataka sa mukha niya.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng marinig ko ang isang lalaki sa aming tabi. Hindi man sinasadya ay napatingin kami ni Sir sa kaniya, bago niya binanggit ang katagang...

Paalam...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.