Paalam...
Iyon ang huling nasabi ng lalaki bago siya tumawid. Tulad ng nakita ko'y nabangga nga siya ng bus.
Umakto akong walang alam. Na para bang walang nakita at nangyari. Ngunit sa loob ko'y tinatanong ko ang aking sarili. Kung tama pa ba ito? Kung paano ko ba mapipigilan ang pangitain ko? At kung may lunas ba sa sitwasyon kong ito?
Lahat ng tao na narito sa kalsada ay nabahala. Lalo na ng makita nila ang pinsalang natamo ng lalaki. Durog ang ulo! Putol ang paa, nagkalat ang dugo at laman niya sa kalsada.
Binitiwan ko ang kamay ni Sir Jef. Baliwalang tatalikod na sana, ngunit hinawakan niya ako sa balikat.
"Hindi pangkaraniwang pangitain ang mayroon ka. Tulad ng sinabi ko'y, ibat iba ang klase o uri nito. Ngunit ang sa iyo'y hindi kayang ipaliwanag ng sensiya." Namamanghang saad ni Sir Jef.
Nakatitig siya sa akin na para bang naging dalawa ang ulo ko. Mababakas din ang pagka-bahala at pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Masama po ba 'yon Sir? Wala po bang maidudulot na maganda 'yon sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Kung walang maidudulot na maganda ang nakita mo, malamang patay na ako. Have you heard the story of Maria Gonzales?" Seryosong tanong niya sa akin.
Wala akong ideya kung sino ang tinutukoy niya, kaya naman umiling na lang ako bilang tugon.
"Try to search and read her story. Baka sakaling makatulong." Muli niyang saad.
Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid. Ang kaninang halos kumpol na mag-aaral, at iba pang nakikiusyoso ngayon ay wala na.
Kinuha na rin ng mga pulisya ang labi ng mag-aaral na nabangga. Ngunit ang bakas ng trahedya na naganap kani-kanina lang, ay nanatiling nasa kalsada.
"Sandra ang nakita mo ay mananatiling lihim sa pagitan nating dalawa. Sa kadahilanang ayaw kong husgahan ka ng iba. Maaari mo yang ikapahamak. Maari ring mag dulot ng pinsala sa 'yong pamilya. Nakakabigla at nakakatakot oo, ngunit narito ako at handang tumulong sa iyo."
Matapos sabihin 'yon si Sir Jef ay naglakad na siya palayo.
Habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Pinapakiramdaman ang paligid ko. Minamasdan ang lahat ng taong nakikita ko. Sinusuri ang bawat daan, sasakyan at pamilihan na narito. Hanggang sa dumako ang paningin ko kay Alain, na ngayon ay kunot noong nakatitig sa akin.
Lumapit ako sa kaniya bago hinawakan ang kamay niya. Handa ng ayain siya upang sumakay at ng makauwi na. Ngunit pumiglas siya, dahilan upang mabitawan ko ang kamay niya.
"Magtapat ka nga sa akin! May inililihim ka ba? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" Kunot noong tanong niya. Kakakitaan din siya ng bahagyang inis, na nakabadha sa kaniyang muka.
Napayuko ako. Hindi dahil nahihiya ako o ano, kun'di dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Ayaw kong sabihin sa kaniya dahil ayaw kong matakot siya. Ayaw kong isipin niya na nawawala na ako sa katinuan. At ayaw kong mangyari na baka lumayo siya sa akin, ng dahil sa aking pangitain.
"Sandra kinakausap kita. Kapag hindi ka magtatapat sa akin, sisiguraduhin kong dito na matutuldukan ang pagkakaibigan natin!" Galit na singhal niya sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya at humugot ng malalim na hininga. Ilang sigundo rin kaming nagtitigan, bago ko napagdesisyonang magsabi sa kaniya.
"Ano ang gusto mong malaman?" Malamig kong tanong sa kaniya.
"Lahat Sandra. Lahat ng dapat kong malaman ay sabihin mo. Magkaibigan tayo! Natural lang na sabihan mo ako para naman magka-ideya ako kung ano ang nangyayari sa'yo." Mariing saad niya.
"Nakikita ko ang mangyayari sa kasalukuyan. Ngunit ang nakikita ko ay... a-y trahedya. Mga pangitaing may kinalaman sa trahedyang magaganap." Mahaba kong sagot sa kaniya.
Tulad ng inaasahan, bahagyang umawang ang bibig niya. Nakita ko pa ang takot na dumaan sa mga mata niya.
At ng hindi siya nakasagot ay muli pa akong nagpatuloy. "Ngayon sabihin mo sa akin. Tatakbo ka ba palayo? O mananatili sa tabi ko?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
Ikapapahamak ba ng mga taong malalapit sa akin, kung mananatili sila sa tabi ko? Mapapasama rin ba sila, sakali mang tulungan nila akong sulusyonan ang mga nakikita ko?
"Ang aksidente sa limang mag-aaral at sa babaeng tumawid... nakita mo rin ba 'yon? Nakita mo ba na mangyayari 'yon?" Kinakabahang tanong niya.
Tumango lang ako bilang tugon, bago umiwas ng tingin sa kaniya. Sa totoo lang ay ayaw ko na sanang pag-usapan pa iyon.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad Sandra! Lintik! Kaklase natin 'yong isa doon. Kung sinabi mo sana, b-baka napigilan pa. Baka walang nangyaring trahedya." Galit pang saad niya nang nanatili akong tahimik
Hinarap ko siya at pinakatitigan, bago nagsalita na sa tingin ko'y labis niyang ikinabigla.
"Hindi ko rin alam na mangyayari 'yon. Hindi ko rin ginustong makita 'yon. Wala akong nagawa at ginawa, dahil bago para sa akin ang ganoong pangyayari. Pero alam mo ba Alain." Huminto ako at muli siyang tinitigan. Hinawakan ko rin ang kamay niya bilang suporta, sakali mang magulat siya.
"Sa nakita ko'y ikaw. Ikaw ang dapat na tatawid at mababangga." Mahinang usal ko sa kaniya.
Lumaki ang mata niya sa sinabi ko. Ipiniglas niya rin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
"Hindi totoo ang sinasabi mo Sandra! Sinungaling ka!" Naghihisterikal na sigaw niya.
Ang ibang dumaraan ay napapatingin sa amin. Dahilan upang hilahin ko si Alain palayo sa mataong lugar.
Nang wala ng tao na napapadaan sa kinalulugaran namin, ay muli akong nagpatuloy. "Totoo ang sinasabi ko Alain! Ikaw ang mababangga! Ngunit ng hinila kita at hindi hinayaang umalis sa tabi ko, ibang tao ang namatay na wala naman sa pangitaing nakita ko." Giit ko pa.
Ito ang bagay na kinatatakutan ko. Ang matakot sila dahil sa nakikita ko. Ang isipin nila na baka nababaliw na ako, dahil sa sinasabi ko. At ang unti unting pagkawala ng kanilang tiwala, nang dahil sa pangitaing hindi ko naman ginusto.
"Nasasa'yo kung maniniwala ka o hindi. Hindi ko rin naman ipipilit na paniwalaan mo ako. Ang mahalaga sa akin ngayon, ay ligtas ka."
Tumalikod na ako matapos kong sabihin 'yon. Handa ng sumakay sa jeep na nakahinto. Ngunit narinig ko pa ang huling sinabi niya, bago ako tuluyang sumakay at umalis palayo.
"Demonyo. Demonyo kang maituturing ng dahil sa'yong pangitain!"
Habang nakaupo sa pinakadulong pwesto sa jeep, ramdam ko ang titig sa akin ng isang babae. Babae na sa aking palagay ay nasa edad kuwarenta pataas.
Sa katapat ko siya nakaupo, kaya naman hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. Nakasuot siya ng blusang kulay puti, habang itim na palda naman sa pang ibaba. Ang itim na palda niya'y umabot hanggang sa bukong-bukong ng kaniyang paa. Nakasuot din siya ng itim na salamin para sa mata. At may hawak na tungkod sa kanang kamay niya.
Siguro ay may kapansanan siya, o di kaya'y bulag dahil na rin sa tungkod at salaming suot niya. Pakiramdam ko'y nakatitig siya sa akin, kahit na nga ba hindi ko alam kung ano ang mayroon sa likod ng salamin niya sa mata.
Napatingin din ako sa iba pang narito sa loob ng jeep. Apat na istudyante, dalawang propesor, may mag-asawa kasama ang isang anak. At mayroon ding magkasintahan.
Ngunit ang ipinagtataka ko'y bakit parang alam ko ang laman ng isip nila? Muli akong napatingin sa apat na istudyante.
"Pera, sex, tuition fee at girlfriend." Mahina kong usal sa aking sarili.
Iyon ang iniisip ng apat na istudyanteng narito. Hindi ko alam kung tama ba ako. O nadala lang dahil sa emosyong nakikita ko sa kanilang mukha.
Ngunit ng lingunin ko ang batang anak ng mag-asawa, na nasa tabi ko'y napangiti ako. Hindi man sinasadya'y alam ko rin ang nasa isip niya.
May kinuha ako sa loob ng bag. Buti na lang may natira pa. Inabot ko 'yon sa kaniya na ikinatuwa niya naman.
"Salamat po ate," Nakangiting saad niya bago binuksan ang candy na inabot ko sa kaniya.
"Di ba sabi ko,'wag kang humihingi ng kung ano ano sa kung sino sino." Mahinang singhal ng magulang ng bata.
"Hindi ko naman po hiningi, binigay n'ya po ng kusa. Gusto ko rin po talaga ng candy." Tugon naman ng bata.
Sa tantiya ko'y may nais pa siyang sabihin. At alam ko rin kung ano ang karugtong ng sasabihin niya pa.
"Dahil nahihilo po ako." Halos magkapanabayan naming saad. Siya isinatinig iyon, habang ako naman ay binigkas sa isip iyon. Bakit alam ko ang sasabihin niya? Bakit nababasa ko ang laman ng isip niya?
Umiling ako at marahang isinandal ang ulo ko sa bintana ng jeep. Baka sakaling kumalma ang isip ko sa kung ano man ang tumatakbo dito. Ngunit bago ko pa ipikit ang mata ko'y, nagsalita ang babae na nakaupo sa tapat ko.
"May mga bagay at pangyayaring hindi kayang ipaliwanag ng sensiya. Ngunit nakikita ng iyong mga mata."
Marahang saad niya. Hindi ko alam kung patungkol sa akin ang sinasabi niya. O baka kausap niya lang ang sarili niya.
Pumara siya sa driver. At ng huminto ang jeep ay hinawakan niya ang tuhod ko, bago nag iwan ng mensahe.
"Maging handa ka. Dahil buhay mo na ang nakataya." Iyon lang at tuluyan na siyang bumaba.
Ang sinabi niya ay nagdulot ng takot sa aking isipan. Hindi niya ako kilala, at ganoon rin ako sa kaniya. Ngunit paano at bakit niya nasabi ang mga iyon sa akin? May nais ba siyang iparating? Kung susuriing mabuti, mukha na siyang mahina. Lalo na sa itsura at kalagayan niya, para bang ano mang oras ay matutumba.
Bago pa tuluyang mawala sa paningin ko ang babae'y muli ko siyang nilingon. Pumasok siya sa maliit na bahay. Ngunit ang bahay na iyon... ay ang isinumpang bahay na panahon pa ng mga hapon.
Ilang minuto pa'y natanaw ko na ang karatula na Welcome to Castillejos.
Lugar kung saan ako lumaki at nakatira. Ngunit bakit parang may kakaiba? Bakit nakakaramdam ako na parang may mali?
Nanlalamig ang mga palad ko. Dama ko pa ang dahan dahang pagbagsak ng pawis mula sa noo ko. Nararamdaman ko rin ang pagtayo ng balahibo sa batok ko.
At sa isang iglap...
"Magsitabi kayo! Pabagsak na ang karatula!!!"