PANGITAIN Chapter 6

"Mga patunay bago sumakabilang buhay."

Naniniwala ang karamihan, na si kamatayan ang taga pagsundo sa kaluluwa ng mga namatay. Sakay ng kaniyang kalesa na hila ng dalawang itim na kabayo, si kamatayan ay kakatok sa iyong pinto upang manundo.

Wala pang sino man ang nakakita o nakapagturo kung ano ba ang tunay niyang itsura. Ngunit alam mo bang kaya kong ilarawan ang kaniyang kabuoan? Dahil si kamatayan ay sumisimbulo sa taong walang ibang hinangad kun'di ang kapangyarihan. Taong kayang kontrolin ang ating isipan. Taong handang ialay ang buhay ng iba, kapalit ng kanilang sariling hangarin. At sa taong kayang makita ang kapalaran ng iba, sa pamamagitan ng kaniyang... pangitain.

Iyon ang unang nakalathala sa artikulo na isinulat ni Maria Gonzales. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong, binabasa ito.

Nakasulat din dito ang mga pamahiin patungkol sa mga yumao. Mga kaluluwang ligaw. At higit sa lahat, ay ang mga pangyayaring hindi kayang ipaliwanang ng sensiya.

Nabaling ang atensyon ko sa ilang pamahiin na una kong nabasa, mula sa isinulat niya.

Ang mga pamahiin sa patay ay galing pa sa mga ninuno natin, na naniniwala na may kabilang-buhay, kaya't kailangang paghandaan ito. Pangunahin na dito ang pagkakaron ng burol o paglalamay bago ihatid sa huling hantungan ang patay.

Lahat ng salamin sa lugar ng burol ay dapat takpan. Para daw makaiwas na makita ang kaluluwa ng namatay. Iwasan ding tumingin sa salamin ang mga kapamilya ng namatay.

Maglagay ng putol na rosaryo sa kamay ng namatay. Ito ay magsisilbing gabay sa paglalakbay sa kabilang buhay. Dapat na putol para walang kaanak na sumunod na mamatay.

Maglagay ng pera sa kamay ng patay. Ito ang magsisilbing pamasahe niya papunta sa kabilang buhay. Pero dapat itong kunin bago mailibing. Bakit?

Upang hindi ka sundan at bulabugin.

Habang humahaba ang pagbabasa ko sa artikulong gawa niya'y, umiigting din ang takot na aking nadarama. Kaya naman minabuti kong laktawan ang iba. Ngunit sa paghahanap ko pa'y may nakita akong larawan ng isang babae. Nakaupo siya sa silya, may piring ang mata at may nakalagay rin sa kaniyang tenga. Kapansin pansin din ang ilaw na kulay pula, na siyang nagbibigay liwanag sa buong silid, kung saan naroon ang babae.

Base sa kuhang larawan, iyon ay tinatawag na ganzfeld experiment. Hindi nakasaad doon ang buong ditalye, kung para saan at bakit iyon ginawa. Ngunit nasabi na ang eksperimentong iyon ay ginamit sa parapsychology. Na tumutukoy sa psychic phenomena extrasensory perception as in telepathy, precognition, clairvoyance, telekinesis, at psychometry at iba pa na may kaugnayan sa paranormal.

Halimbawa rin nito ay ang tinatawag na near-death.

Marami pa akong nabasa tungkol sa artikulo niya. Ngunit may isa pang artikulo na nakita ko at binuksan.

"Maria Gonzales Testimony"

Taong 1956, unang inilahad ni Maria Gonzales ang trahedyang magaganap patungkol sa malakas na lindol. Ito ay tatama sa ating bansa, dahilan upang bumuka ang lupa sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Magkakaroon ng malawakang pag guho ng mga gusali at marami ang mamamatay.

Ngunit ang trahedyang iyon ay hindi pinakinggan ng nakararami. Isinawalang bahala nila ang pangitain ni Maria. Taong 1956, naganap nga ang naturang trahedya. Lumindol ng malakas, nayanig ang buong Pilipinas. Maraming gusali ang gumuho, higit sa lahat naging sanhin ng pagkamatay ng halos dalawang libong mamamayan.

Marami pa akong nabasang trahedyang naganap na nakita ni Maria sa kaniyang pangitain. Ang iba ay naniwala, ngunit karamihan ay hindi. Itinuring siyang salot sa lipunan. Binatikos siya ng gobyerno at ginamit ang kaniyang kaalaman sa hindi maipaliwanag ng kahit na sinong seyentista. Kalaunan, nagtago si Maria sa lugar na hindi nabanggit. Ngunit may mga nagsabi na si Maria ay sinunog na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay. Ngunit ang nakasulat sa ibaba ang pumukaw sa aking atensyon.

Tumindig ang balahibo ko at halos hindi ko maigalaw ang aking katawan. Totoo ba ang nababasa ko? O namamalikmata lamang ako?

"Ate kakain na!" Malakas na sigaw ng kapatid kong si Rhian mula sa labas ng aking silid.

Pinatay ko ang computer at nagmadali ng lumabas. Binaliwala ko ang aking nakita, ngunit halos magpaulit ulit sa aking isipan.

Umupo na ako sa hapag kainan kasama si Rhian. Ngunit dahil wala pa si Mama, hindi na muna kami kumain. Hinintay muna namin siya upang sabay sabay na kaming maghapunan. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa rin si Mama. Pinauna ko ng pinakain si Rhian at ako naman ay nagtungo sa silid ni Mama.

Nang makapasok ako sa kaniyang silid ay nag iba kaagad ang aking pakiramdam. Nakita ko siyang nakaupo lang sa tapat ng tukador at mariing nakatingin sa salamin.

"Ma, kakain na po. Kanina ka pa namin hinihintay," marahan kong saad sa kaniya. Ngunit tila hindi niya ako narinig. Nanatili lang siyang tahimik at mariing nakamasid sa salamin. Mukhang malalim ang iniisip ni Mama at para bang balisa. May problema kaya siya?

"Ma, may problema po ba?" Sa tanong kong iyon ay bahagya siyang tumingin sa akin. Walang emosyon at tila ba wala sa sarili. Hinawakan ko ang balikat niya upang masahehin sana, ngunit umangat ang kanang kamay niya at itinuro ang banyo ng kaniyang silid. Nagtataka man ay lumapit ako doon.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura, at nang bumukas ay agad na pumasok ako. Ganoon na lang ang gulat ko ng tumambad sa akin ang isang babae na nakahandusay sa loob ng banyo! Duguan, at may nakatarak na tatlong kutsilyo sa kaniyang likuran.

"Ma! Mama!!!" Mula sa loob ng banyo'y tinawag ko si Mama. Ngunit walang sumasagot, hindi rin pumasok si Mama. Hindi kaya... napatay ni Mama ang babaeng ito na nasa banyo?

Sa nanginginig na tuhod at nanlalamig na kamay, ay dahan dahan akong lumapit sa babae. Kinakabahan ma'y dahan dahan kong nililis ang buhok niya, na tumatabing sa buo niyang mukha. Dahilan upang hindi makita ang kaniyang itsura.

Isa...

Dalawa...

At sa ikatlong bilang sa aking isipan.

Tumambad sa akin ang mukha ni Mama, na nangingitim na at tila ba isang malamig na bangkay!

"Ma!!!!"

Paulit ulit kong tinatawag si Mama, umaasang maririnig niya ako at papakinggan. Ngunit paanong nangyaring nakaupo si Mama sa harap ng tukador at nakaharap sa salamin, ngunit ngayo'y isa ng malamig na bangkay? Isa na naman ba itong pangitain? Namamalikmata ba ako? O nasisiraan na ng bait?

Pinunasan ko ang kumawalang luha sa aking mata bago dahan dahang tumayo at pumikit. Muli akong bumilang hanggang tatlo, umaasang ang nakikita ko ay hindi totoo.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

"Ate kakain na!"

Sigaw ng kapatid ko mula sa labas na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nang imulat ko ang aking mata ay wala na ang imahe ni Mama, na nakahandusay sa lapag.

Kahit ako'y gulong gulo na. Hindi ko na alam kung alin ba ang totoo sa mga nakikita ko. Hindi ko na rin matukoy kung buhay ba sila o patay na. Ngunit sa lahat ng nangyayaring ito'y isa lang ang alam ko. At iyon ay nakasaad sa testimonya ni Maria, na kaninay aking nabasa.

Testimonya na hindi ko alam kung may katotohanan ba o wala. Testimonya na nagbigay sa akin ng samot saring kaisipan. Testimonya na nag padama sa akin ng labis na takot at kaguluhan.

Ang testimonyang iyon ay nakasulat sa itim na pahina ng libro, na kung susuriin ay mula pa sa taong 1956. Panahong wala pa ako at hindi pa sigurado kung ipapanganak ba ako sa mundong ito. Ngunit ang nabasa kong iyon ay tila ba totoo at nangyayari na nga sa panahon ngayon, kung saan narito na ako. Mangyayari nga ba sa akin ang nangyari kay Maria sa panahon ko ngayon? Haka-haka lamang ba iyon ng iba upang mawala ang atensyon nila kay Maria? Nagkataon lamang ba 'yon o sadyang nakatadhanana na ang mga nangyayarai sa akin ngayon? Dahil nakasaad sa testimonyang iyon na.

"Ang kapalaran ni Maria ay muling mauulit sa katauhan ng dalagitang mag ngangalang... Sandra."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.