PATIENT X & SAVING GRACE (Filipino) Chapter 21

LUTANG ang pakiramdam ko nang bumalik kami ni Dr. Martin sa loob ng ospital at magpaalam siya sa akin na babalik na siya sa opisina niya. Hanggang sa makauwi na ako sa apartment ko ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga napag-usapan namin.

Lalo na ang listahan ng mga erotikong pantasya ko. At ang kanyang pangako na tutuparin ang mga iyon. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang mga sinabi niya ay nananayo ang balahibo ko at parang may nagwawalang mga paru-paro sa sikmura ko.

Paano niya isasakatuparan ang mga pantasya sa utak ko? Is he going to be my… partner? Uminit ang mukha ko. Hindi ba unethical para sa isang doktor ang gawin sa pasyente niya ang mga pantasyang gumugulo sa isip ko? Higit sa lahat, kapag nalaman ba niya ang mga pantasya ko… masasabi pa rin ba niya na tutuparin niya iyon o mare-realize niya na hindi pala niya kaya?

Pero paano kung kaya niya? Paano kung talagang gagawin niya ang lahat ng ilalagay ko sa listahan?

Kumabog ang dibdib ko at uminit ang pakiramdam ko sa isiping iyon. Huminga ako ng malalim, lumunok at saka lakas loob na kumuha ng papel at ballpen.

Matagal na napatitig lang ako sa blangkong papel. I know my erotic fantasies but I’m afraid to put it on paper. Ni sa isip ko ay pilit kong pinapalis ang mga iyon dahil sa kahihiyan at guilt.

Accept the sesual woman inside you…Let go of your fears…

Nanginig ang kamay kong may hawak ng ballpen. Sandali akong kumuha ng lakas ng loob, huminga ng malalim at saka mabagal na nagsulat sa papel. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nadadagdagan ang bilang ng mga pantasyang isinusulat ko. My stomach flutters while thinking that I will do all these fantasies… with my psychiatrist.

Natatakot ako. Pero kasabay niyon ay may nararamdaman akong… pagkasabik.

Frustrated na napaungol ako at nasubsob ang mukha sa papel na sinusulatan ko.

To feel excitement at this moment… I’m really sick.

PAGKALIPAS ng isang lingo ay bumalik ako sa opisina ni Dr. Martin para sa appointment ko sa kaniya. Kabado ako at parang umangat ang puso ko sa lalamunan ko nang makita ko siya. Hindi tulad ng dati ay wala siya sa likod ng lamesa niya. Nakaupo siya sa sofa at kung pagbabasehan ko ang pagkislap ng mga mata niya nang buksan ko ang pinto ay mukhang hinihintay talaga ako.

“Masaya akong makita ka ulit. Come here,” kaswal na sabi niya.

Lumunok ako at mabagal na naglakad. Habang ginagawa ko iyon ay pasimple ko siyang pinagmasdan. Sa unang pagkakataon mula nang una ko siyang makita habang bed-ridden pa ako sa ospital, tinitigan ko talaga siyang mabuti. Dati kasi ay dinadaanan lang ng tingin ko ang mukha niya, hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin. Pero ngayon ay talagang nakikita ko na siya at narealize ko na ang dahilan kung bakit palaging napapatingin sa kaniya ang mga nakakasalubong namin sa pasilyo ng ospital na iyon.

Dr. Martin is handsome. May kasingkitan ang mga mata at makapal ang mga pilikmata. Kahit ang mga kilay niya ay makakapal din kaya mukha siyang masungit. Matangos ang ilong niya. And his lips are full and wide. Kaso palaging nakatiim na parang laging galit. Matangkad din siya at maganda ang tindig. May kung ano rin sa aura niya ang parang gugustuhin mong kunin ang pagsangayon at pagpuri niya. Iyong gagawin mo ang kahit anong puwedeng gawin makita lang ang ngiti niya.

Maybe those are the reasons why people will find him attractive.

“Bakit hindi ka pa umuupo?”

Kumurap ako sa biglang pagsasalita ni Dr. Martin. Bigla akong naging aware na kanina pa pala ako nakatayo sa harapan niya. Uminit ang mukha ko. Tumikhim ako at akmang uupo sa katapat niyang couch nang itaas niya ang kamay para pigilan ako.

“Bakit?” takang tanong ko.

Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. “Mula ngayon dito ka na uupo.”

Kumurap ako. “B-bakit?”

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. “Dahil kailangan mong masanay na malapit sa akin. Paano kita mahahawakan kung magkalayo tayo?”

Sumikdo ang puso ko. Oo nga pala. Kasama iyon sa treatment ko. Bago namin magawa ang susunod na stage ng sessions namin ay dapat masanay muna akong hinahawakan na hindi bumubulong si James sa isip ko.

Dumeretso ako ng tayo. Huminga ng malalim. Saka lumapit sa kaniya at marahang umupo sa kanyang tabi pero may malaking espasyo sa pagitan namin na katulad noong huli naming pagkikita, noong nakaupo kami sa isang bench sa parke.

Napalunok ako nang pumihit paharap sa akin si Dr. Martin. “Are you wearing it?”

Sandali akong hindi nakahuma sa biglang tanong niya. Napasinghap ako nang maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. Ang corset. Lumunok ako at itinaas ang noo. “Yes.” Pagkatapos ng mahabang pakikipagbuno sa sarili, nagawa ko rin iyong isuot. Mabilis akong nagbihis at lumabas ng apartment ko bago ko pa iyon hubarin ulit. Pero hindi na niya kailangan pa malaman ang tungkol doon. Kahit papaano naman ay may maitago pa ako kay Dr. Martin.

Umangat ang gilid ng mga labi niya. “Very good.” Pagkatapos ay umangat ang kamay niya at magaan na humaplos ang likod niyon sa pisngi ko. Napaigtad ako at napalayo sa kamay niya. Mukhang hindi siya nagulat sa reaksiyon ko. Katunayan ay kalmado niyang binaba ang kamay.

“Anong pakiramdam mo ngayong suot mo iyan?” kaswal na tanong niya.

Huminga ako ng malalim. “Uncomfortable. Nervous.”

“Pero nagawa mo pa ring manatiling suot iyan hanggang dito. That only means you have a strong willpower. You can do this, miss Madrid,” sabi ni Dr. Martin saka inilahad ang kamay sa harapan ko. “Hold my hand and not let go until I say so.”

Kumabog ang dibdib ko at napatitig sa kamay niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at matagal na nag-alangan. Hindi niya ako minadali. Basta pinanatili lang niyang nakalahad ang kamay niya para sa akin. Makalipas ang ilang sandali, sa kabila ng panginginig ko ay pigil hininga kong ipinatong ang isa kong kamay sa palad niya. Umigtad ako at nagkaroon ng matinding udyok na bawiin ang kamay pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit pa parang kinukuryente ang balat kong nakalapat sa balat niya.

Ilang sandaling pinaraan ko lang ang dulo ng mga daliri ko sa palad niya, sinasanay ang sarili kong damhin ang balat niya. Until finally, I was able to lightly wrap my hand to his. Lumunok ako at sunod-sunod na huminga ng malalim upang kalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko at panlalamig na nadarama ko ngayong hawak ko na ang kamay niya.

Hanggang hindi ko na natiis pa at akmang babawiin na ang kamay ko. But he suddenly wrapped his fingers against mine, firmly trapping me in his grasp. Suminghap ako at tinangkang higitin ang kamay ko pero hindi niya pinakawalan. Lalo pa nga humigpit ang hawak niya. Dama ko na ang pausbong na panic. Hindi na ako mapakali at gusto ko nang tumayo at tumakbo palayo –

“Joy.”

Kumurap ako at manghang napatingin sa mukha ni Dr. Martin. Hinuli niya ng tingin ang mga mata ko at nang magawa niya iyon ay natigilan ako sa intensidad sa mga mata niya.

“Don’t let go,” giit niya. Lumunok ako at kahit nangingikig ako ay tumango. “Good. At mula ngayon, tatawagin na kita sa pangalan mo. We need to establish a sense of closeness. Mas mapapadali para sa iyo ang masanay sa akin kapag ganoon. Tawagin mo rin ako sa pangalan ko para maging komportable ka.”

Saka siya komportableng humilig sa sandalan ng sofa at ipinatong ang magkahugpong naming mga kamay sa espasyong nakapagitan sa aming dalawa. Pinilit kong maging komportable pero hindi naging madali sa aking gawin iyon. Nararamdaman ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo at likod ko.

Kailangan ko ng ibang pagtutuunan ng atensiyon kaysa sa magkahugpong naming mga kamay. Lumunok ako, huminga ng malalim at tumikhim. “Dala ko ang listahang pinapagawa mo sa akin,” lakas-loob na sabi ko.

Tumango si Dr. Martin – ah, sinabi nga pala niyang tawagin ko siya sa pangalan niya. Sinulyapan ko siya. “Ano ang first name mo, doc?”

Bahagyang umangat ang mga kilay niya sa tanong ko. “Martin.”

Hindi ko naitago ang pagkagulat ko. “Akala ko apelyido mo ang ‘Martin’.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.