Gulat na napalingon sa akin ang babaeng nakilala ko nga bilang si Isabella Wilson. Pero sa mga sandaling iyon ay wala akong pakielam sa kaniya. Nakatutok lang kay James ang nanunumbat kong tingin. Ni hindi siya kumilos sa patamad na pagkakasandig sa bar counter. Ni hindi niya inalis ang kamay sa likod ni Isabella. Nakatingin lang siya sa akin na…. na parang hindi ako kilala.
“Do you know her, James?” tanong ni Isabella, himbis na lumayo sa kasintahan ko ay lalo pang dumikit.
“Medyo.”
Medyo? Medyo?! “We’ve been together for three months at medyo lang ang sagot mo?” manghang bulalas ko. Hindi ko na alintana kahit na maraming tao sa paligid na napapatingin na sa amin. Sobrang sama ng loob ko. “Dalawang linggo lang tayong hindi nagkita at hindi mo na ako kilala? Really, James? After all we’ve done together?”
Noon lang nagbago ang ekspresyon niya. Tumiim ang anyo at kumislap ang galit sa mga mata. Dumeretso siya ng tayo, maingat na bumitaw kay Isabella at saka lumapit sa akin. Tiningala ko siya at galit ding sinalubong ang tingin niya. “You really became too full of yourself if you think you can talk to me like that in public,” magkalapat ang mga ngipin na bulong niya sa akin. Pagkatapos ay hinablot niya ang braso ko, mahigpit na hinawakan. Napangiwi ako.
“Hey, bitawan mo siya!” galit na sabi ni Lizzy.
Pero hindi siya tinapunan ng tingin ni James. Humigpit lang ang hawak niya sa braso ko at tumiim ang panga. “Gusto mong mag-usap? Fine. Let’s talk.” Saka niya ako hinatak papunta sa kung saan. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Lizzy pero bago pa ako makalingon sa kaibigan ko ay lumiko na kami, paakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng club kung nasaan ang mga VIP rooms. Binuksan ni James ang isang pinto saka ako pahatak na ipinasok doon. Pabalang ang naging pagbitaw niya sa akin kaya nawalan ako ng balanse at napaupo sa couch doon. Tiningala ko siya nang marinig ko ang pag-lock ng pinto.
“I hate it when someone is trying to dominate me,” kalmado ang boses niya, malayo sa ekspresyon ng mukha niya.
Nangikig ako. “I’m not trying to do that.”
“Oh yeah? Ano pala ang ginagawa mo doon kanina? You were trying to act dominating, Joy. Na para bang may karapatan kang sigawan ako sa harap ng maraming tao.”
Napanganga ako bago nagawang hamigin ang sarili. “Hindi ko iyon gagawin kung hindi mo ako pinagtataksilan!”
Umangat ang mga kilay niya. “Hindi kita pinagtataksilan. Pwede kong gawin kung ano ang gusto kong gawin.”
Napaatras ako dahil pakiramdam ko para niya akong pisikal na sinaktan. “W-what? Tatlong buwan na tayong magkarelasyon hindi ba? We’ve been dating and sleeping together –”
“Na tapos na. Natapos nang gabing sinubukan mong kunin ang kontrol mula sa akin. It ended the moment you were no longer the innocent, obedient girl I thought you were. Well, plano ko naman talagang matapos ang pakikipaglaro sa iyo, Joy. I am waiting for you to break you see? Pero matibay ka rin. Hindi ka matibag kahit ano pang gawin ko sa iyo. You still look at me like a lovelorn teenager. If only you’re not stubborn and disobedient, I might have played with you a little longer. Ang mga katulad mong babae, masarap saksihan ang pagkawasak.”
May kilabot na gumapang sa likuran ko, o mas takot ba iyon? Dahil habang nakatingin ako sa mukha ni James ay wala akong makita kung hindi labis na kalupitan at pagkamuhi. “A-anong ibig mong sabihin? Bakit ka nagkakaganiyan?”
Ngumiti si James. Isang malamig na ngiti. “I like breaking things. But not in a gruesome barbaric way. I like to break them smoothly, gently, ruthlessly. I like to break women like you. Mga babaeng hindi maitago ang emosyon sa mga mata. Mga babaeng sinasabing mahal ako na para bang kilalang kilala na ako. Kahit ang totoo, hindi. Walang nakakakilala sa akin Joy. So how the hell did you fall in love with me?”
“P-pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa iyo, James?” garalgal na tanong ko.
Nawala ang ngiti niya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. “Ang kahinaan ng mga babaeng katulad mo, mahilig kayo sa lalaking katulad ko pero inaasahan ninyo na mapapabago niyo kami. Tingin niyo espesyal kayo. Pero mali kayo. Mali ka Joy. If I'm redeemable, I should have done it with my own willpower.”
Huminto siya sa harap ko at nang lumapat ang kamay niya pakulong sa pisngi ko ay parang gusto kong mapaatras pero humigpit ang hawak niya. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko. “I hate women like you. I hate the stares you keep on throwing my way since the very beginning. I hate that longing in your eyes. I hate the signal your body keeps on sending me everytime we’re in the same room. As if you were silently telling me you love me. Kaya nakapagdesisyon ako, once and for all, na alisin na sa mga mata mo ang mga iyan. Kaya kita nilapitan. I want to break your heart into pieces. I want to see you suffer, I want to see fear and regret in your eyes for ever thinking that you can own me.”
Parang asido ang ibinabato niya sa akin, hindi salita. Nakakapaso sa sakit. Tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking kinamumuhian ako dahil mismo sa nararamdaman ko para sa kaniya. “James,” padaing na usal ko sa pangalan niya. Isang pakiusap.
“It was just a game, Joy. What made you think I will fall in love with you?” Saka niya ako binitiwan at dumeretso ng tayo. Pumihit siya patalikod at akmang lalayo na pero mabilis na umangat ang mga kamay ko at kumapit payakap sa baywang niya. Isinubsob ko ang mukha sa likod niya habang umiiyak. Sinubukan niyang kumawala sa yakap ko pero hindi ko siya hinayaan. Ayokong iwan niya ako. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
“Let go,” galit na sabi niya. Hinawakan niya ang mga braso ko at marahas na kinalas ang mga iyon. Saka siya humarap sa akin. “What do you want? One last fuck? I can give it to you. I can make you come for the last time pero hanggang doon na lang iyon. Dahil umpisa pa lang ay wala naman akong balak seryosohin ka.”
Napasinghap ako nang itulak niya ako pahiga sa couch, saka kinubabawan. “Ito ba ang gusto mo, ha?” Hinigit niya pataas ang blouse na suot ko hanggang sa leeg ko, saka marahas na hinatak ang bra ko. His harsh hands squeezed my breasts painfully, his nails grazing my sensitive skin. Then he sucked one nipple hard. Napahiyaw ako at napaliyad. “Ito lang naman ang gusto mo sa akin, hindi ba? Dahil kayang kaya kitang paligayahin?” Bumaba ang isang kamay niya sa tiyan ko, pababa sa mini-skirt na suot ko at pumailalim doon.
His hand found my sex. I sobbed when he suddenly thrust his fingers inside me. Inangat niya ang mukha hanggang sa magkaharap kaming muli. “See? You’re already wet.”
Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Dahil sa kabila ng lahat ay nag-re-react pa rin ang katawan ko sa mga haplos ni James. Ang puso ko, siya pa rin ang sinisigaw. Kahit na hindi siya naniniwalang totoo ang damdamin ko para sa kaniya.
I moaned loudly when he began to ram his fingers inside me, in and out, faster and harder. I can feel the build up of pleasure in my core. Kusang gumalaw ang balakang ko para salubungin ang ginagawa ng mga daliri niya at napahikbi ako nang makita ang kislap ng pagkamuhi sa mga mata ni James. “Ah, look at that. Such a bad, dirty girl. You’re about to come with just my fingers. Even though I said I hate you. You’re sick, Joy.” It was then he pressed his thumb on my clit and I cried as orgasm washed over me.
Hindi pa man ako nakakabawi ay inalis na niya ang kamay sa pagkababae ko at mabilis na tumayo. Tinitigan niya ako, walang emosyon ang mukha. “Ito ang huling beses na lalapit ka sa akin, Joy Madrid. I am done playing with you.” Dumukot siya ng panyo sa pantalon, pinunasan ang kamay na nagpaligaya sa akin, saka nilamukos iyon at itinapon sa malapit na basurahan. Pagkatapos ay tinalikuran niya ako at lumabas ng silid.
Iniwan niya akong nakahiga doon, magulo ang suot, hilam sa luha ang mga mata. Katulad ng panyong itinapon niya. Parang basura.
HUMINGA ako ng malalim at nilingon si Martin na mariing nakatiim ang panga. Habang nagsasalita ako ay humigpit ang hawak niya sa kamay ko. At tama ba ako na namamasa ang mga mata niya? Parang mas mukha pa siyang iiyak kaysa sa akin.
“I’m sorry,” anas niya, halos garalgal ang tinig.
Napakurap ako. Na-disorient. “Bakit ka nag-so-sorry? You’re not him.”
Umiling siya. Saka ako hinigit at niyakap ng mahigpit. “I’m sorry. I’m sorry.”
Hindi ko maintindihan kung bakit humihingi siya ng tawad. Hindi ko maintindihan kung bakit umaalog ang mga balikat niya at gumagaralgal ang boses niya. A man like him, who is every inch a man of the world, so confident and strong-willed… crying for me?
Napaiyak na rin tuloy ako. Iniyakan ko ang sakit at trauma ng mga nangyari sa akin sa piling ni James. Iniyakan ko ang katotohanang hindi lang pala si Lizzy ang handang umiyak para sa akin.
Matagal kaming nanatiling ganoon. At sa bawat pagbalong ng luha ko ay unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Sa bawat minutong yakap ako ni Martin ay tila ba natutunaw ang yelong nakapalibot sa puso ko at unti-unting nakakaramdam ng init.
Nang gabing iyon, natulog kami sa iisang kama. Nakapaikot pa rin ang isang braso niya sa akin habang ako ay nakaunan sa dibdib niya. Nakatulog ako na ang pang-hele ko ay ang tibok ng kanyang puso at masuyong haplos niya sa buhok ko.
Nang magising ako kinabukasan ay iba ang pakiramdam ko. Mas maluwag ang aking paghinga. Na para bang may nawalang pabigat sa loob ko na dahilan kung bakit dati ay hirap akong bumangon sa umaga. Ilang minuto ang lumipas bago ko narealize kung ano ang naiba.
My heart now is lighter. As if the heavy burdens of my heart were washed away by the warmth, compassion, sympathy and affection that Martin has given me.
Hindi ako naniniwala na posible noong unang beses na makilala ko siya. But that morning, I realized that he healed me.