I WAS LOOKING outside Jahann’s car while he’s driving on our way home. It was weird that I can still feel the warmth of his lips on mine. I could still feel the softness of his lips. Hindi nagbago, ganoon pa rin ang pakiramdam ko mula nung unang beses niya akong hinalikan.
Gusto kong mainis kay Jahann sa paghalik niya sa akin pero mas gusto kong mainis na hinayaan ko siyang halikan niya ako.
Hindi ko naman magawang itanggi sa sarili ko na namiss ko siya. I really missed him.
“What are you thinking? Montenegro?” basag ni Jahann sa katahimikan habang binabagtas naming ang daan pauwi sa bahay namin.
I looked at him and frowned. “I was thinking about Nikolai.”
He chuckled. “That’s good, then.”
Mas lalo naman akong napasimangot nang ngumisi siya habang nagmamaneho. Hindi ko talaga maintindihan kung anong trip ni Jahann sa buhay. Hindi pa rin niya ineexplain sa akin kung anong nangyari sa dapat na ka-date niya ngayon.
Kanina ko pa siya kinukulit pero ilang beses na rin niya akong sinabihan na huwag ko ng intindihin ang bagay na iyon. Iniisip ko kung may alam ba si Kol tungkol sa bagay na ito pero sobrang busy naman iyon ngayon kaya hindi ko siya maistorbo.
“Jahann…” tawag ko sa kanya. Inihinto niya naman ang sasakyan nang mag-red light ang stop light at lumingon sa akin.
“Yes, Creep?” tanong niya sa akin. He smiled again and I don’t know if he’s teasing me or what. He reached my hand and squeezes it. “It’s a shame that you need to go home tonight. We can stay there, you know?”
“Jahann!” pinanlakihan ko naman siya ng mata bago binawi ang kamay ko sa kanya. “Nikolai will surely look for me. Sila Mommy rin, hahanapin nila ako.”
He shrugged. “You’re with me, I don’t think she’ll be mad.”
“Don’t try your luck, just continue driving,” sabi ko sa kanya bago pisilin ang ilong niya. Mahina naman siyang natawa at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.
“Wala ka namang pasok bukas, diba?” tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling. Kadalasan naman na kapag wala akong pasok ay nagbabantay lang ako kay Nikolai. Laging nakalaan ang mga araw na wala akong pasok. “I’m gonna spend the whole day with Nikolai,” ani ko sa kanya.
“You’re gonna spend your whole day with me?” he asked me while a smile is playing on his lips. I looked at him with confusion. “What? Bakit naman kita sasamahan?” seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa kanya?
Para namang may sinabi akong nakakatawa at biglang tumawa si Jahann habang nakatingin sa akin. “Damn it,” patuloy pa rin ang mahinang pagtawa niya. “You’re still a little noob, Creep.”
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jahann. “What? I was just asking you. No need to insult me. Sabi mo I’ll spend the day with you when I clearly said I’ll spend the day with Nikolai and—“ natigilan ako nang makuha ko na ang ibig niyang sabihin at nang makita kong malawak ang pagkakangiti ni Jahann sa akin.
“And?” nang-aasar na tanong niya sa akin.
“I’ll spend it with Nikolai. The baby!” nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko at pulang-pula ang mukha ko.
“I’m your baby, too, though,” sagot naman niya sa akin.
“Siraulo ka talaga,” komento ko na lamang bago lumingon sa labas. Pinigilan ko na lamang ang sarili ko na hilahin ang tainga ni Jahann. He should not say those words carelessly.
Hindi siya dapat nagsasabi ng mga ganoong bagay dahil hindi kami sigurado kung sino ang pwedeng makarinig, malaking gulo iyon kapag nagkataon.
Malaking gulo rin kapag nalaman ni Jahann ang totoo.
Hindi naman na ako kinulit ni Jahann hanggang sa makauwi kaming dalawa ng bahay. Matapos niyang iparada ang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Daddy ay agad na rin akong bumaba. Dala ko pa ang bouquet na bigay ni Jahann sa akin.
“Uhm, Jahann…” tawag ko sa kanya nang makababa na rin siya ng sasakyan niya. Nilingon naman niya ako. “Oh?” tanong niya sa akin bago lumapit.
“The flowers… I can’t go inside holding this bouquet…” sabi ko sa kanya bago nagbaba ng tingin sa mga bulaklak na binigay niya sa akin. Sigurado ako na kapag nakita nila Mommy at Daddy o ni Alyanna na may dala akong bulaklak, makukwestiyon na naman ako.
“Tell them I gave you that,” sagot ni Jahann sa akin. Nilingon ko naman siya. “Seryoso ka ba? Magtataka sila kung bakit mo ako binigyan ng bulaklak.”
“I gave you that because you’re mine.”
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na hinampas ang braso niya. “Jahann!”
He chuckled and get the flower from me. “You’re too paranoid, you know?” Nauna na siyang maglakad papasok sa bahay namin kaya naman sumunod na lamang ako. Naabutan namin sina Mommy na nasa sala at nilalaro si Nikolai.
Agad akong ngumiti at naglakad papunta sa direksyon nila. Inabutan naman ako kaagad ni Mommy ng alcohol bago ako hinayaan na mahawakan ang anak ko.
“Hi, baby. You missed mommy?” tanong ko kay Nikolai habang hinahalikan ang pisngi nito. Ganoon na lamang ang tuwa ko nang humagikgik siya habang hinahalikan ko siya.
“Where have you been? Aly told me you you picked up Jahann’s date,” tanong ni mommy sa akin habang nakatingin kay Jahann. Kumunot ang noo niya nang makita ang bulaklak na hawak nito.
“What’s that?” tanong nito bago tumayo at kinuha kay Jahann ang bouquet ng bulaklak na hawak nito.
Natigilan naman ako habang nakatingin kay Jahann na parang hindi man lang alintana ang pagtatanong ni Mommy sa kanya.
“Uhm, Mom—“
“Bakit hindi ka sa Blooms bumili ng bulaklak?” tanong nito kay Jahann. “I already told you and your cousins na kapag manliligaw kayo, sa Blooms kayo bumili, diba?” dagdag pa ni mommy habang nakasimangot.
“I was just trying to know your competitors, Mom,” sagot naman ni Jahann bago kinuha ang bulaklak na inagaw ni Mommy kanina. “And Bloom’s the best, don’t worry.”
“Obviously, mukhang hindi nga kinuha ng date mo ‘yang bulaklak mo. Buti pa noon ang daddy mo, lahat ng binibigay niya, kinukuha ko,” sabi nito at tumabi kay daddy. “Diba, love?”
Our dad looked at her and smiled. “Ai, you’re the one buying those things, of course you’ll keep it.”
Sinamangutan naman ito ni Mommy kaya hinalikan siya ni Daddy sa noo.
I saw Jahann put the flowers down on the table and walk towards us. Huminga na lang ako ng malalim bago tumingin kay Mommy. “Si Alyanna, Mom, nasaan?”
“She went out with Lean, they said they’re going to your Tita Cyan’s spa,” sagot naman niya sa akin bago sabihan si Jahann na mag-alcohol muna bago lumapit kay Nikolai.
Nakatitig lang ako kay Jahann nang maupo siya sa tabi ko at laruin ang kamay ni Nikolai. He was looking at him tenderly. I can’t put a name on the emotion he’s showing towards him.
“Hi, there, little guy…”
Nakatitig lang ako kay Jahann habang nilalaro niya si Nikolai. Ang anak ko naman ay tila kampante dahil hinahabol nito ang kamay ni Jahann kapag akmang nilalaro ito ng huli.
“Can I carry him?” he looked at me when he asked for my permission. Hindi ko naman malaman kung tatanggi ba ako papayag ako sa tanong niya sa akin.
Sigurado akong magtataka sina Mommy kung hindi ko naman hahayaan si Jahann sa gusto nitong gawin kaya naman tumango na lamang ako sa kanya at marahang inabot si Nikolai rito.
“You look like your mom, little guy,” he chuckled and played with Nikolai. Wala naman akong masabi kaya pinagmasdan ko na lang silang dalawa habang naglalaro sila.
Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang magiging reaksyon ni Jahann kung malaman niya ang totoo? Magiging ganyan pa rin kaya siya kay Nikolai?
Magagalit kaya siya sa akin?
Hindi ko alam… pero kung mangyari man iyon, hinihiling ko lang na sana ay mapatawad ako nila Mommy.
“Cherinna, don’t stay up too late, okay? Call Mildred so Nikolai can sleep now. You, too, Jahann, take some rest and tell me what happened to your date tomorrow.”
Napalingon ako kay Mommy nang tumayo na ito at inaya si Daddy na umakyat na sa kwarto nila dahil inaantok na raw ito. Sumang-ayon naman si Daddy rito pero bago umakyat ay binilinan nito si Jahann na huwag munang papanhik hangga’t naroon pa kami ni Nikolai sa baba.
Nagsimulang umiyak si Nikolai kaya naman agad na kinarga ito ni Jahann. “What’s happening to him?” tanong niya sa akin na para bang natataranta nang umiiyak na si Nikolai.
“He’s probably hungry. Sumasakit na rin kasi ‘yung…” natigilan ako sa pagsasalita at pinamulahan ng pisngi. “Akin na siya, I’ll feed him,” sabi ko na lang bago kunin si Nikolai na kasalukuyang umiiyak habang hawak ni Jahann.
“Ito na si Mommy, baby, don’t cry na…” ngumiti ako sa kanya bago tumalikod kay Jahann at ibaba ang neckline ng suot ko para naman magbreastfeed sa anak ko.
Hindi ko magawang tumingin kay Jahann na alam kong nasa likod ko lang. Hindi ko naman din pwedeng i-delay ang gutom ng anak ko. Pilit ko na lamang inaabot ang kumot na nasa gilid para matakpan ako pero maagap si Jahann at siya na ang dumampot nito at pumuwesto sa harap ko.
“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mata pero parang wala lang iyon kay Jahann at ito pa ang naglagay ng takip sa bandang dibdib ko.
Mainit na mainit na ang pisngi ko dahil nag-akyatan na yata lahat ng dugo ko sa ulo ko.
“Is he always like that? Hungry?” natatawang tanong ni Jahann bago naupo sa may tapat ko.
Tumango ako sa kanya. “Yeah. He’s always hungry and Alyanna’s spoiling him so much. Kapag umaalis si Alyanna, hindi niya nakakalimutan na bilhan si Nikolai ng pasalubong and such.”
“Nagpaparinig ka ba?” natatawang tanong sa akin ni Jahann.
Hindi ko naman din napigilan na matawa ng marahan bago umiling. “Of course not. Alam ko naman na busy ka sa New York at… at kasama mo si Airi.” Muli ko na lamang sinulyapan si Niklolai na payapa na ang pagtulog.
“Kasama mo si Montenegro, fair enough?” tanong niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagsimangot kaya naman hindi na lang na ako kumibo hanggang sa dumating si Ate Mildred at kunin na si Nikolai sa akin para dalhin sa kwarto nito.
“Ate, don’t hesitate to wake me up kapag nagising siya, ha?” bilin ko rito bago pumanhik. Inilgpit ko naman ang mga gamit ni Nikolai na naroon habang nakaupo pa rin si Jahann at nakatingin sa akin.
“Aren’t you going to sleep? Hindi ka ba pagod?” tanong ko sa kanya.
“I’m waiting for a good night kiss,” kaswal na sabi ni Jahann sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama bago binato ng unan na hawak ko. “Matulog ka na nga! Aakyat na ako.”
Tumalikod na ako ngunit mabilis niya akong hinawakan sa braso.
“Hey…”
I looked at him. “What?”
“I’m serious,” sabi naman nito sa akin bago bumaba ang mga mata sa labi ko.
“Jahann Nikolai!” Mabilis ko naman siyang tinulak. “Matulog ka na nga. I’ll sleep now, maglalakad pa kami bukas ng anak ko para mapaarawan siya.”
“Don’t forget your flowers,” paalala niya sa akin. Tumango at kinuha iyon bago nagmamadaling umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ay inilapag ko sa mesa ang bulaklak at humiga sa kama ko.
Marami pa rin akong tanong sa isip ko. Jahann keeps on saying things like the way he used to before… hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip ni Jahann ngayon.
Why is he doing this?
Ano bang gusto niya?
Huminga na lang ako ng malalim at bumangon para maglinis ng katawan at maghanda sa pagtulog.
Kinabukasan ay bahagya akong late nagising kaya nagmadali na ako dahil na rin gusto ko talagang sumama kay Ate Mildred sa pagpapaaraw kay Nikolai. Sabi sa amin ni Lola ay wag naming ibibilad ng hanggang 9 am si Nikolai kaya naman lumalabas kami ng bahay ng 6 am at pinapaarawan siya ng 7 am hanggang 8 am lang at babalik na kami ulit sa bahay para naman makapag-almusal.
Mabilis kong ipinusod ang buhok ko at naghilamos at lumabas na ng kwarto ko. I checked Nikolai’s room to see if they’s still there but no one is in the room. Bumaba na lang ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Ate Mildred na tumutulong sa pagluluto ng almusal.
“Where’s Nikolai?” tanong ko sa kanya. Kung wala si Nikolai sa kwarto, natural lang na alam nito kung nasaan dapat ang anak ko.
“Ah, kasama siya ng Tito niya, Ma’am Che. Nagrequest kasi si Sir Jahann na siya na lang ang magpapaaraw kay Nikolai,” sagot naman niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“What? Where are they?” tanong ko sa kanya. Sinabi niya naman sa akin kung saan nagpunta si Jahann kasama ang anak ko kaya lumabas na lang ako ng bahay para puntahan silang dalawa.
Hindi naman sa ipinagdadamot ko si Nikolai kay Jahann, alam ko na may karapatan siya rito dahil… dahil… pero kahit na. Ayokong ilagay sa alanganin ang anak ko. Ayokong pati siya ay kamuhian ni Mommy at Daddy kapag nalaman nila ang totoo. Ayokong mangyari iyon kay Nikolai.
Nakita ko naman si Jahann na karga ang anak ko habang nakatutok sa araw. Mabibilis ang mga hakbang na nagtungo ako sa kanila.
“Bakit mo inilabas si Nikolai nang hindi ka nagpapaalam sa akin?” tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at ngumiti. “His mom was sleeping so peacefully, how can I wake her up? Dapat ba hinalikan kita?” tanong niya sa akin.
“Jahann!”
“It’s fine, I woke up early today to do this,” sabi niya bago pagmasdan si Nikolai. “He got your eyes,” he smiled at me. “Mana sa’yo ‘tong batang ito.”
I watched him as he played with Nikolai. Hindi ko maiwasang maguilty na itinatago ko sa kanya ang totoo. I can see that he’s going to be a great dad in the future… maswerte ‘yung magiging anak niya.
And I feel sorry for Nikolai for taking that away from him.
Hinayaan ko na lang siya at naupo sa bench na naroon. Mukha namang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.
Iniisip ko na lang na baka tulad ni Alyanna, masaya lang din si Jahann na may baby sa pamilya namin. Sobrang spoiled ni Nikolai kay Alyanna at sa iba pang pinsan namin at mga kaibigan. I always tell them na huwag sasanayin si Nikolai kapag lumaki-laki na pero para rin kasi sa kanilang lahat, si Nikolai ang baby ng lahat.
“Cherinna!”
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Agad namang nangunot ang noo ko nang makita ko si Ian na papalapit sa amin. Tumayo ako para salubungin siya.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya. Nilingon ko naman si Jahann na nawala na ang ngiti sa mga labi.
“Nagpunta ako sa inyo, sabi ni Ate Mildred lumabas kayo ni Niko,” nilingon nito si Jahann na karga ang anak ko. “Hi, Jahann,” bati niya sa lalaki na tinanguan lang siya.
“Can I carry him? I haven’t seen him for—“
“He’s asleep.”
Nilingon ko si Jahann sa tahasang pagtanggi nito na hawakan ni Ian si Nikolai.
“It’s okay. Napapatulog ko naman siya at—“
“He’s asleep, Montenegro and as far as I am concerned, Nikolai is an Anderson.”
“Jahann…” I looked at him. Hindi ko talaga maintindihan kung ano bang ginagawa ng lalaking ito.
“What? I checked his records, he’s an Anderson,” sagot ni Jahann bago yumuko at inilagay si Nikolai sa stroller nito. “We’ll go ahead.”
“What? Sasama ako!” sabi ko sa kanya bago nilingon si Ian. “Sumunod ka na lang sa bahay.”
Sinundan ko si Jahann na tulak-tulak ang stroller habang naglalakad pauwi.
“Jahann!” tawag ko sa lalaki ngunit hindi ako nito pinapansin. Napasimangot naman ako.
Ah, ayaw mo, ah…
“Aray!” malakas na sabi ko habang nakatingin kay Jahann.
“Hey, are you okay?” agad naman akong dinaluhan ni Ian at hinawakan ang magkabilang braso ko para tulungan akong tumayo.
“I… I am…” napakamot na lang ako ng ulo. Nakita ko si Jahann na nakalingon lang sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko maiwasan na hindi mapasimangot.
“Are you sure you’re okay? Walang masakit sa’yo?” tanong ni Ian sa akin habang tila ako iniinspeksyon dahil sa pag-iinarte kong nadapa ako.
“No, no… I’m okay…” tipid akong ngumiti sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na hinabol sina Jahann at sumabay na lang ako kay Ian.
Mahirap na, tinopak na naman si Jahann.
Pagdating namin sa bahay ay sinabihan naman ako ni Ate Mildred na nasa kwarto si Nikolai at Jahann dahil maliligo na ang una. Tumango ako sa kanya at nagsabi na pupuntahan ko na lang sila para tulungan si Jahann.
I don’t know what’s with him at gusto niyang kasama lang si Nikolai ngayon. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagsabi na igugugol ko ang araw na ito kasama ang anak ko.
Binuksan ko ang kwarto at nakita kong nakahiga ang dalawa sa kamang naroong sa kwarto ni Nikolai. Akmang uupo ako sa kama nang pigilan ako ni Jahann.
“What’s wrong?” tanong ko sa kanya.
He looked at me expressionless. “You want to be with Montenegro, right? Dun ka.”
“What?” kunot ang noong tanong ko sa kanya. “Pinagsasasabi mo diyan?” Hindi ko tuloy mapigilan na matawa dahil sa inaakto niya. “Ian’s here for Nikolai, not for me, okay?”
“Hindi siya kailangan ni Nikolai.”
“Jahann, what’s wrong with you?” Naupo na ako sa kama at tumingin sa kanya. “Anong problema mo?” tanong kong muli sa kanya. Lumingon siya sa akin at bumangon. Sumandal sa headboard ng kama at pinagmasdan si Nikolai.
“I don’t want to see him hanging around you and Nikolai.”
Hindi ko naman maiwasan ang matawa ng mahina. “Kasi ano? Nagseselos ka? That’s absurd, Ja—“
“Oo, nagseselos ako. Kaya layuan mo siya kasi akin ka.”
I was stunned.