Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 9

I STARED at Jahann while he’s still smiling at me. Bumaba rin ang tingin ko sa mga bulaklak na hawak niya. He’s really offering the flowers to me.

Seryoso ba talaga si Jahann sa sinabi niya sa akin? Ako ang date niya?

Pero paano? Bakit? Isn’t he scared that they might know about this?

“Is this some kind of a joke?” tanong ko sa kanya bago huminga ng malalim. Sunod-sunod ang pag-ulan ng mga tanong sa isip ko habang nakatayo ako sa harap niya.

“I don’t know what’s happening but I am sure that I am not your date tonight. Inayos naman na ang schedule, diba? Nandito ka na rin sa bahay nila at—“

“You are my date, Cherinna. Walang iba.”

Muli, napatingin ako sa mukha ni Jahann na seryosong nakatingin din sa akin. Walang bakas ng pagbibiro na makikita sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

“Jahann…”

Mas lalo naming bumigat ang aking paghinga nang maglakad siyang papalapit pa sa akin. Inabot niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. “No buts, you’re my date…” He smiled at me. That was the kind of smile he used to give to me before…

Iginiya niya rin ang kamay ko upang hawakan ang bulaklak. “But… but I can’t be your date…” Napatingin ako sa mukha ni Jahann. Wala man lang akong nakitang pagbabago sa reaksyon niya na para bang inaasahan niya talaga na iyon ang sasabihin ko.

“Si Alyanna… malalaman nila na… na ako ang idinate mo…” dagdag ko ng hindi pa rin nagsasalita si Jahann. “Ma-magagalit sila sa atin…” Sigurado naman akong aalamin ni Alyanna ang nangyari sa date ni Jahann. May contact number din siya ng babaeng nanalo at makakadate ni Jahann. Kapag nagtanong si Alyanna sa babaeng iyon, malamang ay malalaman nito ang totoo.

“It’s okay. Come on,” aya niyang muli sa akin bago hawakan ang bewang ko at igiya akong papasok sa loob ng bahay.

“Jahann, it’s not okay!” awat ko naman sa kanya bago siya muling tignan. Hindi naman talaga okay ang gusto niyang mangyari. Bukod sa baka malaman nila Alyanna ang tungkol dito, paano si Airi? Sigurado ako na mag-aaway sila ni Jahann dahil dito.

“Why can’t you just trust me, Creep? Just trust me…” masuyong sabi niya sa akin nang muli niyang hawakan ang kamay kong binawi ko kanina. Marahan niya iyong pinisil na para bang inaassure niya ako na alam niya ang ginagawa niya at kailangan ko lang na magtiwala sa kanya na walang masamang mangyayari sa aming dalawa.

“Jahann…”

“Come on. I told you, no buts,” he chuckled softly before pulling me towards the house.

I looked around as we went inside the house. There were lights around the garden and it feels like someone really exerted an effort to make this possible. Para bang pinaghandaan talaga ang gabing iyon.

Napatingin ako sa kamay ni Jahann na hawak pa rin ang kamay ko habang akay niya ako papasok sa malaking bahay.

“Kanino bang bahay ito?” tanong ko sa kanya nang buksan na niya ang pinto. Wala naman talaga akong ideya kung kanino ba ang bahay na ito. Ang sabi ni Alyanna sa akin ay bahay ito ng nanalong babae.

Hindi naman sumagot si Jahann sa akin. Napalinga-linga na lang ako sa loob ng bahay nang makapasok na kaming dalawa. Malaki iyon at maayos ang loob. Mukha ring mayaman ang nakatira dahil na rin sa mga furnitures na naroon. It was like what’s in our house, kaya alam kong mahal ang mga gamit na naroon.

“Jahann, nasaan ba kasi ‘yung ka-date mo? Hindi ka ba niya sinipot kaya—“ natigilan ako nang huminto si Jahann sa paglalakad at nilingon ako.

“My date is here. You are here. Hindi pa rin ba malinaw ang bagay na iyon?” kunot ang noo niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung naiinis na ba siya dahil hindi ako naniniwala sa kanya pero hindi ko naman kasi talaga siya naiintindihan!

Umiling ako bilang sagot sa kanya. Hindi naman talaga malinaw sa akin ang ginagawa niya.

Noong celebration ng anniversary ng SD, binigyan niya ako ng bulaklak, pero mas si Airi naman ang inaasikaso niya noon, lalo na nung nasa Blue’s Haven kaming dalawa. Nito namang nakaraan ay halos hindi niya rin ako pinapansin kaya talagang hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari sa kanya ngayon.

“Who’s taking care of Nikolai?” he asked as we go out to the garden at the back of the house. Mas namangha naman ako nang makita ko kung ano ang mayroon sa likod. Napapaligiran din ng mga ilaw ang isang parang munting kubo na naroon. Nakita ko na may lamesa roon at may mga pagkain na nakahain.

Napalingon ako sa kanya. “I-ikaw ang may gawa nito?” tanong ko sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa maliit na kubo.

“If I say yes, will you believe it?” he asked. Napangiti naman ako bago humakbang papunta sa kubong naroon. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko na may pagkain na nakahain doon.

“Of course…” muli akong bumaling sa kanya. Hindi ko pa rin naman naiintindihan kung ano ba itong ginagawa ni Jahann ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ba parang gusto niyang manumbalik kami sa dati…

Hindi ako sigurado sa bagay na iyon, pero iyon ang nararamdaman ko. Maaaring dahil marahil iyon ang gusto kong maramdaman? Hindi ko sigurado…

Pero may munting pakiramdam sa puso ko na nagsasaya sa ngayon.

Kahit alam ko na mali.

Mali na naman itong nangyayari.

Huminga ako ng malalim at niyuko ang mga bulaklak na hawak ko. Hindi ko maaaring itanggi ang totoo na miss na miss ko si Jahann.

Mula ng bumalik siya, nakikita at nakakasama ko siya pero ramdam ko ang kaibahan ng trato niya sa akin ngayon kumpara sa noon. Hindi ko naman din siya masisisi sa bagay na iyon dahil alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit ganoon ang turing niya sa akin.

This is wrong…

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hindi ako dapat pumayag. Hindi ako dapat nandito. Dapat ay mas tinatatagan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat nadadarang sa nararamdaman ko at kung ano ang gusto kong mangyari sa aming dalawa ni Jahann.

Mali ito.

I was about to face him again when I felt him hugged me from the back.

Para akong pinanlamigan nang yakapin ako ni Jahann.

It’s been a while since I felt the warmth of him… it’s been a while since I felt his hugs…

“Ja-Jahann…”

Huminga siya ng malalim bago ipinatong ang baba sa balikat ko at mas niyakap ako ng mahigpit.

“I missed you.”

Hindi ako nakapagsalita nang marinig ko ang sinabi niya. He was sincere, I could feel the emotion that was wrapped with his words…

“Damn, I missed you so much, baby…”

“Jahann…” I looked down and touched his hand.

“Just let me hug you, Creep…” he whispered softly near my ear. I closed my eyes and nodded a little. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan ko na lang si Jahann na yakapin ako.

Wala akong ideya kung may ibang tao pa ang naririto sa bahay na ito pero alam kong hindi naman ako ipapahamak ni Jahann. Sigurado akong hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikakapahamak ko.

We may be away from each other for quite a while, but I know he’s still the same old Jahann.

I know that in my heart.

I felt him kissing my head. Marahan ko siyang nilingon at tinignan. “Are we just going to stand here?” I asked him. I flushed when he smiled at me. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Is this really happening?

I looked at his face… he’s smiling at me.

Totoo ba ang lahat ng ito? Nasa harap ko si Jahann at magkasama kaming dalawa?

Noon, laging sa panaginip ko lang siya kasama. Namimiss ko siya pero wala naman akong mapagsabihan ng talagang nararamdaman ko. Lahat ay kailangan kong solohin lang.

“Let me guess, you’re hungry?” natatawang tanong ni Jahann sa akin. Napayuko naman ako at napatango ng marahan. Nagugutom naman na talaga ako. Dapat ay kakain ako kanina kung hindi lang tumawag si Alyanna at nanghihingi ng tulong sa akin, eh.

“Take a seat, Creep,” he said before pulling the chair for me. Umusal naman ako ng pasasalamat sa kanya bago naupo. Pinagmasdan ko ang mga pagkain na nasa mesa bago tumingin kay Jahann na naupo na rin.

“You really cook these?” I asked him again. Maaga naman siyang umalis kanina kaya may oras talaga siyang magluto. Tumango naman si Jahann sa akin bago naglagay ng pagkain sa plato ko.

“Thank you…” mahinang sabi ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang hindi tignan si Jahann. What happened to him? Noong bumalik siya, alam ko na masama ang loob niya sa akin. Halos parang hindi niya ako nakikita noon… pero ngayon, ito… magkasama kaming dalawa ngayon at nagde-date.

“What’s wrong?” untag ni Jahann sa akin marahil nang mapansin ang pananahimik ko. Agad naman akong umiling sa kanya. Ngayon lang yata kami nagkausap ng matagal simula ng dumating siya.

Kahit kasi nasa iisang bahay kaming dalawa, hindi naman kami nag-uusap. Wala naman din akong masabi sa kanya.

“Who’s taking care of Nikolai?” tanong niya sa akin habang kumakain kaming dalawa. Hindi ko nga pala siya nasagot kanina nang magtanong siya dahil masyado akong na-engrossed sa set-up na ginawa niya.

“Si Ate Mildred. Siya ang nagbabantay kay Niko, kasama rin siya nito sa kwarto.” Iyon naman talaga ang napagsang-ayunan namin nila Daddy dahil alam nila ang tendency na magigising si Nikolai ng alanganin sa gabi at kung may pasok ako ay hindi ako makakatulog ng maayos.

“How about Ian?” tanong ni Jahann sa akin. Tinignan ko siya bago nagsalita. “Dumadalaw siya sa amin ni Niko kapag wala siyang ginagawa. Minsan ay maghapon siya sa bahay o kaya ay hanggang dinner at—“

“I see…” putol niya sa sinasabi ko.

Hindi naman na ako nagsalita. Alam kong iniisip niya na si Ian ang tatay ni Nikolai. Hindi ko naman siya masisisi. Iyon naman ang alam ng lahat, iyon na ang kasinungalingang pinaninindigan ko.

I cleared my throat before talking to him again. “How about you and Airi? Everyone seems to like her. Mukha siyang mabait din…” bigla akong nakaramdam ng kung anong bigat sa dibdib ko ng maisip ko si Jahann at Airi na magkasama.

“She is really nice,” tumango si Jahann sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko napigilang sumimangot. “Buti pinayagan ka niyang makipagdate… pero siguro kung sinabi mo naman sa kanya na ako ang kasama mo, papayag siya kasi kapatid mo—“

“There’s no reason for her to say no. She’s very understanding, Creep…” tinignan ako ni Jahann at ngumiti sa akin na tila nang-aasar.

Ah, so understanding pala siya.

“Si Ian din, understanding,” sarkastikong sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

“No one asked you, though,” sagot naman niya sa akin na pasarkastiko. Mas lalo naman akong napasimangot dahil sa sinabi nito.

Imbes na siya ang maaasar, parang ako lang ang maaasar, eh.

Nagpatuloy na lang kaming dalawa sa pagkain. I asked him about New York and he said it’s fine. Wala naman siyang ibang kinukwento dahil wala naman daw siyang ibang ginagawa sa New York kundi magtrabaho at mag-aral.

“Uuwi na ba tayo pagtapos nating kumain?” tanong ko kay Jahann habang kumakain ng cake. Hindi ko naman kasi alam kung may balak pa ba siyang gawin ngayon. Sila Alyanna naman ang nagsabi kina Jahann ng mga dapat nilang gawin sa date nila para raw hindi mapapahiya ang customers.

“Of course not,” he chuckled and wiped the corner of my lips. “Up until now, you’re still a messy eater, Creep.”

Pinamulahan naman ako ng pisngi nang makita ko na dinala ni Jahann sa sariling bibig ang daliri nitong ginamit upang punasan ang icing sa gilid ng labi ko.

“W-what are you planning to do next?” nakayuko kong tanong. Parang hindi ko yata kaya kung titingin ako kay Jahann dahil nag-iinit ang mga pisngi ko. Alam kong mapupuna niyang talagang namumula ako.

“Watch a movie? I don’t date, you know that. I have no idea what to do, too…” sagot naman ni Jahann. “You? Do you have any idea?”

My forehead creased as I look at him.

“What made you think I have an idea?” tanong ko sa kanya.

“You had a boyfriend before,” he shrugged. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba si Jahann o seryoso siya sa sinasabi niya sa akin. Oo, nagkaboyfriend ako noon pero hindi naman kami nagdedate ni Ian, hindi naman din kami nagtagal.

Kaming dalawa naman, hindi naman kami nakakapagdate ng maayos dahil hindi pwede.

“I don’t have any idea what to do, either. Let’s just go home,” sagot ko na lang sa kanya kaysa makipagdiskusyon pa. Wala naman talaga akong maisip na gawin pa.

Wala akong narinig na sagot kay Jahann kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. He was just looking at me, cocking his head on the side—smiling.

“What’s funny?” I asked him. “You find it amusing that I don’t have any idea about dating?”

He shook his head. “I’m actually happy that you don’t. That means you never went out on a date with someone else.”

Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Simula naman talaga ng nabuntis ako hanggang sa nanganak ako ay hindi naman ako lumalabas para makipagdate. Sa tuwina ay si Kol ang kasama ko, kung minsan ay si Ian pero hindi naman masasabing date ang mga iyon dahil lagi na lalabas lang kami kung may kailangan na bilihin para kay Nikolai.

“Wala namang may gustong makipagdate sa buntis o di kaya ay may anak na…” halos pabulong na sabi ko.

“Says who?”

Napatingin akong muli kay Jahann nang tanungin niya ako. Marahan akong lumingon. “W-wala…” ani ko.

“I heard you’re always with Kol,” sabing muli ni Jahann nang matapos na kaming kumain. Tumango naman ako sa kanya. Kung mayroon mang hindi talaga nang-iwan sa akin nang wala akong makapitan, si Kol iyon kaya laking pasasalamat ko na nasa tabi ko siya.

“That’s good,” tumatango-tango nitong sabi. “Marami na talaga akong utang sa kanya,” dagdag nito bago ako sinulyapan.

“Naniningil na ba siya?” pagbibiro ko sa kanya.

He chuckled softly and shook his head. “No, but I’ll talk to him soon. He’s busy with someone.”

I just smiled a little.

Matapos naming kumain ay inaya naman niya ako sa loob ng bahay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung kaninong bahay ba iyon. Nakikain at nakibanyo na ako nang hindi ko alam kung sino ang may-ari ng lugar na iyon.

“Kaninong bahay ba ‘to?” tanong ko sa kanya nang maupo ako sa couch at muling inilibot ang mga mata sa buong kabahayan.

“Mine.”

Napatingin ako sa kanya dahil na rin sa gulat. “What? Yours?” kunot-noo kong tanong sa kanya. Tumango naman siya sa akin.

“Lola gave it to me as a gift for staying in New York. I declined her offer but she transferred this property under my name,” he shrugged and sat beside me. “It’s mine now.”

Hindi ko mapigilan na titigan si Jahann. He really did well.

May magandang bunga ang nangyari.

“Wow… you have your own house now. How come Alyanna didn’t know about this, though? She asked me to go her and fetch your date…” sabi kong muli bago kinuha ang unan at niyakap iyon.

“I asked Lola not to say anything about this to anyone. Kahit kay Daddy.” Sagot ni Jahann sa akin bago iabot ang mug na hawak niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. “Bakit naman? You’re scared that Alyanna and I will be here often and we might invade your privacy?” tudyo ko sa kanya na sinamahan ko ng pagtawa.

Kumunot ang noo niya sa akin. “You’re here, that means I want you to know that this is mine.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“I’m not scared, I just don’t want them to know about this yet. Besides, I’m staying at our house, no need for them to know it.”

Tumango-tango na lang ako sa kanya habang hawak ang mug na may lamang mainit na tsokolate.

“Motherhood suits you better, Creep.”

Napalingon ako sa kanya. “Huh?” Marami naman ang Nagsasabi na nag-matured ako dahil sa nangyari at sa tingin ko naman ay normal lang ang bagay na iyon. May anak na ako, hindi ako katulad nila Alyanna na walang anak na aalalahanin.

Kaya nga sa tuwing may mga lakad kami, nahihirapan akong sumama kahit pa gusto ko dahil iba na ang priority ko ngayon.

Si Nikolai.

Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. Hindi naman sa ayokong pag-usapan namin si Niko, hindi ko lang talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kay Jahann lalo pa at hindi naman niya alam na anak niya ang anak ko.

“Is Ian courting you again?” tanong niyang muli sa akin.

I rolled my eyes. I looked at him and shook my head. “He’s not. He’s just being a father to Nikolai. Hindi niya ako nililigawan at hindi naman ako nagpapaligaw.” Mas gusto kong masiguro ang kalagayan ng anak ko kaysa idagdag ko pa sa iisipin ko si Ian.

Besides, hindi ko naman gusto si Ian.

“How about you? Are you courting Airi?” Hindi ko mapigilang tanungin siya. Nakapako ang mga mata ko sa laman ng mug na hawak ko nang magtanong ako sa kanya.

“She’s nice like what you said. Everyone seems to like her, too…”

Humigpit naman ang hawak ko sa mug. Inulit lang niya ang sinabi ko kanina, eh. Hindi pa naming matagal na kasama si Airi pero gusto na siya ng lahat, maging sina Mommy ay gusto si Airi, marahil ay dahil anak siya ng kaibigan ni Mommy.

“Yeah…” mahinang sabi ko. I cleared my throat and placed the mug on the center table. “It’s getting late. I have to go…” paalam ko sa kanya bago tumayo.

Bigla namang tumawa si Jahann habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang mapasimangot. “Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya kaya naman inirapan ko na lang siya.

“Aalis na ako. Thank you sa dinner.”

Akmang lalakad ako papunta sa pinto nang hilahin ako ni Jahann kaya naman napaupo ako sa may hita niya.

“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mga mata. “What do you think you’re doing?” tanong ko nang akmang tatayo pero niyakap niya ako ng mas mahigpit.

“You’re jealous of her…” masuyong bulong niya sa akin. Tinitigan ko naman siya. “I’m not,” tanggi ko na ikinangiti niyang lalo.

He smiled and my eyes widened when he pecked on my lips.

“Jahann!”

“Don’t be jealous, baby. I came back for you…”

He cupped my face and kissed my lips again.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.