Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 19

Mahigpit ang yakap ko sa unan ko nang maramdaman ko na tila may nakatitig sa akin. I opened my eyes and saw Jahann looking at me. Kumunot ang noo ko at napatingin sa orasan sa lamesa ako.

It’s 6 in the morning.

“What…”

He smiled and pecked on my lips. “Good morning, Creep,” he greeted me before kissing my lips again. He pulled me closer and deepened the kiss.

“Wait…” I raised my hand and put it on his chest and gently pushed him away. I covered my mouth with my hand. “What are you doing here?” I asked him softly. Nilingon ko si Nikolai na mahimbing pa rin na natutulog sa crib nito.

“Checking on you…” he smiled again. “I watched you sleep…” he added. Mas lumalim naman ang kunot sa noo ko dahil sa sinabi niya. “Baliw ka,” napailing na lang ako bago muling humiga at itakip ang unan sa mukha ko.

I closed my eyes while hugging my pillow. I heard Jahann chuckled. He removed the pillow and hugged me tight. Hindi ko rin mapigilan na hindi matawa nang isiksik niya ang mukha sa bandang leeg ko at niyakap ako ng mahigpit.

“I love you…” he whispered softly. I smiled and hugged him back.

Is this a dream? I don’t know. I hope it’s not…

Minsan ay gusto ko na lang kalimutan ang problema namin, minsan gusto ko na lang isipin na hindi komplikado ang lahat at makakasama ko si Jahann ng walang iniisip na hadlang sa amin.

Whenever he’s hugging me, it always makes me feel like everything is going to be okay. He’s assuring me that this time, he’s going to hold my hand, he’s not gonna let me go and he will fight for me… for us.

“Go back to sleep, Creep,” he said before kissing my head. “I’ll watch you sleep.”

“No…” mahinang sabi ko sa kanya habang nakapikit. It’s really still early and I am still so sleepy. He chuckled and kissed my head again. He pulled me and hugged me tight.

I rested my head on his chest and hugged him back. I closed my eyes and fell asleep again. With his arms around me, I feel safe. I feel happy.

Nang magising ako ay wala na akong kasama sa loob ng kwarto ko. Maging si Nikolai ay wala na sa higaan niya kaya naman mabilis akong bumangon at inayos ang higaan ko. Naligo na rin ako at naghanda sa pagpasok.

May sakit pa rin akong nararamdaman sa binti ko kaya marahan lang ang paglalakad ko. Hindi ko rin pinupwersa ito at dinidiin sa paglalakad. Alyanna told me to just rest today but I refused to do that. Naghahabol naman din ako dahil napag-iwanan na nila ako nang huminto ako kaya wala akong planong mag-absent lalo pa at kaya ko namang pumasok.

Napalingon ako sa kusina nang marinig ko ang boses ni Jahann na tila may kinakausap. Nang makapasok ako ay nakita ko ito na kinakausap si Nikolai.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nikolai is staring at Jahann and he’s giggling while Jahann is talking to him.

Sumandal ako sa may gilid habang pinanunuod silang dalawa. May hindi ako maipaliwanag na emosyon na nararamdaman habang pinanunuod silang dalawa.

“Cherinna, gising ka na pala. Maupo ko na at ipaghahain kita ng almusal,” ani ng isang kasambahay namin nang makita ako. Napatuwid naman ang likod ko at nakita ko ang paglingon ni Jahann sa akin. He smiled at me and pulled the chair beside him.

“Thank you…” Naupo ako sa tabi niya at tumingin kay Nikolai na hawak-hawak ang daliri ni Jahann. “Hi, baby…” I greeted him. He smiled and called me again.

Mabilis lang akong kumain ng almusal habang kasama sina Jahann sa komedor. Mas maaga ang pasok ni Alyanna kaya kanina pa ito nakaalis. Si Mommy naman ay sinamahan si Lola at nasa opisina na si Daddy.

“I have to go,” ani ko bago inubos ang pagkain ko at tumayo na.

“I’ll go with you,” ani Jahann sa akin na ikinakunot ko naman ng noo. Pupunta siya sa school? Bakit? Wala naman siyang gagawin doon.

“Ihahatid na kita,” ani Jahann bago hinawakan ang braso ko para igiya ako papalabas. Nagpaalam na rin ako kay Nikolai at nagbilin kay Ate Mildred bago naglakad papalabas. Hawak ni Jahann ang braso ko at inalalayan akong makasakay sa sasakyan nito.

“Where are you going?” I asked Jahann. “Hindi ka naman nakapag-enroll, diba?” I added. Isinuot ko na rin ang seatbelt ko at tumingin muli kay Jahann na nagsimula na magmaneho.

“Jahann.”

“I just wanna be with you,” he shrugged and looked at me. “Besides, you’re gonna take a cab? I’m here. I can drive you there,” he added.

Napangiti naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung nakatulog ba itong muli o ano dahil wala na si Nikolai at ito sa kwarto ko nang magising ako.

“No one is courting you in your class, right?” tanong ni Jahann maya-maya na ikinakunot ng noo ko. Nilingon ko siya at isinandal ang ulo sa upuan.

“Meron,” I replied.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa nang nilingon niya ako at itinaas ang isang kilay. “Tell him to back off,” sabi nito bago muling lumingon sa daan.

“Sinabi ko na ‘yun, ayaw niya. Gusto niya raw kasi talaga ako,” sabi ko pa sa kanya bago tumingin sa labas. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Jahann sa mga sinasabi ko. Tila naniniwala ito na may nanliligaw sa akin.

“Cherinna Alecksia,” he called me. Painosente naman akong lumingon sa kanya.

Nakasimangot si Jahann habang nakatingin sa akin. Red pa ang stoplight kaya naman nakahinto rin ang sasakyan nito.

“What is it--” he cut me off by pecking on my lips. “You’re mine,” he firmly said.

I smiled at him. “Mukha bang may ibang magkakagusto sa akin?” I asked him and leaned back to my seat. I looked at him and shrugged. “I was just teasing you. No one is courting me,” I added.

“Don’t underestimate yourself, baby. You don’t see yourself like I do, you have no idea how lovable you are,” he said before he continued to drive.

“You’re just saying that because you love me,” sabi ko naman sa kanya. Between me and Alyanna, Alyanna is the confident one. Mas maganda rin naman talaga si Alyanna

“I’m saying that because that’s the truth, and yes. I love you,” he replied.

I smiled at him. He’s very open in saying that. Minsan ay ako na ang natatakot sa ginagawa ni Jahann pero hindi naman siya nagsasalita ng ganoon kapag may kasama kami.

Alam kong naiintindihan ni Jahann ang sitwasyon namin.

Inabot nito ang kamay ko at hinawakan ito habang nagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa school at hindi nito binitawan ang kamay ko. When he parked his car beside Kol’s, he looked at me and leaned his head and pecked on my lips.

“I love you…” he whispered.

I smiled a little. “I love you, too…” I said, almost a whisper.

Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na ako kaya naman lumabas na ako ng sasakyan niya. Dumiretso na rin ako sa classroom at naghintay sa mga klase ko. Dire-diretso ang klase ko kaya naman hindi na ako lumabas para kumain.

Nagmessage na lang ako kay Alyanna na kung kakain sila ay sasama ako pagtapos ng klase ko pero hindi naman niya ako nireplyan.

Maybe she’s busy…

Matapos lahat ng klase ko ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko at lumabas. Nakita ko si Jahann na naghihintay sa labas ng classroom ko.

He smiled when he saw me.

May mga nakatingin kay Jahann ngunit tila hindi man lang niya nakikita ang mga iyon. Naglakad ito papalapit sa akin. “Let’s go?” he asked me.

“You’re still here?” I asked him. Sinabayan ko naman na siyang maglakad… more like he walked with me. Mas mabagal ang lakad ko kaya naglakad din siya ng mabagal. Wala naman akong narinig na reklamo kay Jahann.

“Of course,” he replied.

Marami pa rin naman ang nakakakilala kay Jahann. May mga bumabati sa kanya na sinasagot niya lang ng tango.

Nang bababa kami ng hagdan ay hinawakan niya ang kamay ko upang alalayan akong bumaba. Alam ko na gusto niya akong buhatin pero alam niya naman na hindi iyon pwede kaya nakuntento na lang siya sa paghawak ng kamay ko.

“Where are the others?” I asked him while we’re walking towards the parking lot. Wala akong makitang bakas ng mga kasama namin doon. Naroon pa rin ang sasakyan nila Enzo at Kol kaya tiyak kong nasa school pa ang mga ito.

“I don’t know. Are you hungry? Let’s eat?” he asked me before walking toward his car. He opened the door for me and guided me to go inside. Sumakay na lang ako sa loob ng sasakyan niya at hinintay siya.

“Saan tayo kakain?” tanong ko sa kanya nang makapasok na siya sa loob. Nagmessage naman na ako kay Ate Mildred na hindi pa makakauwi.

“Condo,” he said before starting the engine. I looked at him. “You’ll cook?” I asked and he replied with a nod.

“Hmm… oil pasta?” tanong ko ulit kay Jahann habang nagmamaneho ito. He’s also talented when it comes to cooking. Masarap siya magluto kaya minsan ay nagpapatulong din ako sa kanya.

“Anything you want, Creep.”

“Pero bakit sa condo mo? Bakit hindi na lang sa bahay?” usisa kong muli habang binabagtas ang daan papunta sa condo ni Jahann.

“Is it okay with you if they’ll see me kissing you?” he asked.

Napasimangot naman ako sa kanya.

“I want time alone with you. I want a moment for just us. Tayo lang, walang kasama. Para hindi ka natatakot hawakan ako.”

I looked at him. I know it’s hard and I am just so thankful that Jahann understands our situation. I leaned towards him and kissed his cheek.

“I love you…” I said.

Habang nasa daan kami ay tumunog ang phone ni Jahann at nakita ko ang pangalan ni Airi na lumabas sa screen.

“Airi messaged you…” I informed him.

He looked at me and looked at his phone. “Go on and message her back. Tell her I am with you,” he said. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ipapasagot niya sa akin ang message ni Airi?

“No, no. Replyan mo na lang siya mamaya…” sagot ko naman sa kanya bago lumingon sa labas.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa condo ni Jahann. After he parked his car, he went out and opened the door on my side.

Lumabas na rin ako at hinawakan ang braso ni Jahann. Dumiretso na kami sa elevator para umakyat sa kwarto nito. I rested my head on his shoulder. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko kaya nilingon ko siya at nginitian.

Nang makarating na kami sa condo nito, pinaupo na muna niya ako sa may couch at hinatiran ng makakain. Naghanda na rin ito ng lulutuin.

I looked around his condo unit. Walang pinagbago ang itsura ng lugar na iyon.

Matagal na rin simula noong huling nakapunta ako roon pero walang nagbago mula sa mga designs, interiors, appliances.

Mukhang kahit wala si Jahann noon, naalagaan pa rin ito.

Tumayo na lang na muna ako at naglakad papunta sa kusina. I saw Jahann cooking. I couldn't stop myself from smiling.

Sigurado ako na kung makikita lang ng ibang babae ang side na ito ni Jahann, mas marami pa ang magkakagusto rito…

I walked towards him and hugged him tight from behind.

“Hmm? What is it, baby?” He asked while holding my hands. Umiling naman ako at isinandal ang pisngi sa likod niya. “I just want to hug you…”

Hindi ko man nakikita, alam kong nakangiti si Jahann.

“You have two houses already…” ani ko habang nakayakap pa rin kay Jahann. Itong condo na regalo ni Daddy kay Jahann, at ang bahay na regalo naman nila Lola kay Jahann.

Siya naman din ang unang apo kaya hindi nakakapagtaka na siya ang favorite.

“We’re not gonna live here,” he said while cooking.

“Hmm?”

“We’ll live at my house. Doon tayo titira nila Nikolai.”

Napangiti ako ng maliit dahil sa sinabi niya. He’s talking about it like he’s so sure it will happen… na para bang walang magiging problema.

“You know… I still have no idea how Ian knows…” tinignan ko si Jahann. Natigilan din ito sa sinabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at humarap siya sa akin.

I bit my lower lip. “Hindi ko alam kung paano niya nalaman na… na mahal mo ako…”

He smiled a little. “I look at you the same way he looks at you, Creep.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. “I hate to admit it, but I am thankful Montenegro took care of you and Nikolai…”

I smiled a little and nodded. “He did…”

“But I am here now… I’ll take care of you and Nikolai. I’ll take care of him…”

I looked at Jahann. Alam ko na alam niya na ang totoo pero hindi ko pa iyon sinabi ng diretso sa kanya. I was so scared before… hindi ko alam kung tama na sabihin sa kanya…

“Jahann…” I held his hand and looked at his face. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng maliit. Alam ko naman na alam niya na ang bagay na ito pero kailangan ko pa ring sabihin sa kanya. Kumpirmahin sa kanya…

“I’m sorry for keeping… Nikolai… to you…” mahinang sabi ko sa kanya. Nagyuko ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. “I was just so scared and…”

He pulled me in a hug and kissed my head.

“It’s my fault, Creep… don’t be sorry…” he muttered while kissing my head.

“I’m sorry…” I bit my lip hard. I wrapped my arms around his waist and buried my face on his chest.

“Nikolai is… he’s your son…”

I looked at him and he smiled at me. I saw his eyes clouding up with tears.

“I know that, baby…” he kissed my forehead. “You remember what I told you? I will win you back…”

I nodded at him and hugged him tight.

“You and Nikolai. I know you’re both mine… and I will fight for us…”

“I will fight for our family…” he said as he kissed my head.

I know you will… I know you will, Jahann.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.