None of us were talking. Tahimik lang ang mga kasama namin na nasa loob ng guest room at parang kahit na sino ay walang gustong magsimula ng pag-uusapan. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita, marahil ay dahil natatakot na may masabi silang mali dahil sa nangyari sa amin.
Nasa kwarto niya si Alyanna at naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya kami gustong makasama ngayon. Alam ko na masama talaga ang loob niya sa amin at naiisip niya na rin marahil ang sinabi ni Jahann tungkol sa pagkatao nito.
Nilingon ko si Jahann na tahimik lang na nasa tabi ko. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Hindi niya ako binibitawan.
I never got the chance to ask him earlier. Nang maiwan kami sa living room kanina, niyakap ko lang siya ng mahigpit habang umiiyak ito.
Bumaba lang si Keij kanina kaya umakyat na kami at nagpunta sa kung nasaan sila. Sinabihan ko si Jahann na magpahinga na lang pero tumanggi ito at sumama pa rin sa akin. Sabi niya ay baka mas mailang ang mga kasama namin kung wala ni isa sa amin ni Alyanna ang pupunta sa kanila.
“So… kayo na talaga?” hindi na nakatiis na tanong ni Keij sa amin ni Jahann. Naglingunan naman sa kanya ang lahat.
“Tangina mo, hindi ba obvious? Punta ka kaya kay Tita Mika, tanong mo,” ani naman ni Theon na binato ng unan ang lalaki. Napalingon ako kay Keij na sinimangutan si Theon.
Alam ko naman na nakakabigla talaga ang pangyayari. Nakakabiglang tanggapin.
Noong si Theon at Lean, mas katanggap-tanggap pa dahil hindi naman sila magkamag-anak technically. Nahirapan sila noon pero mas madaling matanggap ang relasyon nilang dalawa kaysa ang sa amin ngayon…
Hinawakan ni Lean ang kamay ko at ngumiti siya sa akin. “We’re not here to judge you, Che…” simula ni Lean bago nilingon ang mga kasama namin. “We’re surprised, yes… magkapatid kasi kayo at--”
“I’m adopted,” ani Jahann na nagpatigil kay Lean sa pagsasalita.
“Tangina, hindi nga?” tanong naman ni Keij dito na halatang nagulat sa sinabi ni Jahann. Kahit naman yata sino na sabihan ni Jahann na ampon siya ay magugulat. Hindi aakalain na totoo ang sinasabi nito.
“Jahann…” sambit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa lalaki.
Nakayuko pa rin ito. Tumikhim lang muna ito bago nag-angat ng tingin at salubungin ang mga nagtatakang tingin ng mga kasama namin.
“You heard it,” he shrugged. “I’m not Jahann Anderson.”
“Are you sure about that? Kasi Jahann, ang imposible naman niyan…” ani Lean habang nakatingin sa lalaki. Makikita kay Lean na talagang nalulungkot ito sa nalalaman ngayon. Kanina ay tinanong niya ako kung nasaan si Alyanna. Alam ko na worried din siya para sa kakambal ko.
“Paano mo nalaman na… ampon ka? Kilala mo na ba ang totoong parents mo?” usisa naman ni Airi rito.
Jahann looked at her and shrugged. He looked at my hand and sighed heavily.
“What’s your plan now?” Enzo asked him. Nanahimik ang lahat nang magtanong ang lalaki. Bukod marahil sa wala naman ding makapagsuggest sa pwede naming gawin, nasa sitwasyon din kami na masyadong kumplikado ang lahat.
“Fight for Cherinna,” diretsong sabi ni Jahann bago tinignan ang lalaki. “I know that you might be against us, but I don’t really give a damn about it anymore…”
“Hey…” I squeezed his hand and looked at him. “You should take some rest,” sabi ko sa kanya bago nilingon ang mga kasama namin. “Kayo rin, magpahinga na kayo. It’s already late,” sabi ko sa kanila bago tumayo na rin.
Alam ko naman na kailangan na rin ni Jahann ng pahinga dahil sa nangyari. Hindi siya nagsasalita at hindi siya nagsasabi sa akin pero base sa katahimikan na pinapakita niya, alam ko na marami siyang iniisip ngayon.
“Yeah, I think we should get some rest muna…” ani Lean bago tumayo rin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti naman ako ng tipid.
Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na umiyak dahil sa nangyayari sa amin ngayon dahil ayoko naman na ipakita ko pa sa kanila ang bagay na iyon dahil kung tutuusin ay ako naman ang may gawa kung bakit kami nagkakaganito.
“You will be okay… okay?” ani Lean habang yakap-yakap ako.
Labag man sa loob ng mga kasama namin ay nagkanya-kanya na itong punta sa mga guest room na inookupa ng mga ito.
Naiwan naman kami ni Jahann doon.
Tinignan ko siya habang tahimik pa rin siyang nakaupo.
“Jahann…” tawag ko sa kanya bago naupo at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ka ba muna magpapahinga?” tanong ko sa lalaki. I know he’s tired and probably upset. Alam kong mabigat din ang loob niya ngayon.
“Mom’s mad at me, right?” he asked without looking at me.
I squeezed his hand. “At us, I think…” sagot ko naman sa kanya bago sumandal at inihilig ang ulo sa balikat nito.
Maybe it’s really absurd that we’re like this now, but… but I don’t want to let him go. Alam ko na bukas, haharapin na naman namin ang galit ni Mommy… ni Daddy… ni Alyanna… pero ngayon… ngayon, gusto kong ipakita at iparamdam kay Jahann na nandito lang ako…
Hindi ko siya iiwan.
“When I found out that… that I am adopted, I don’t know what to say, Creep…” panimula niya. Mas hinigpitan ko lang ang hawak sa kamay niya at hindi ko naman na siya nilingon. Hinayaan ko na lang siyang magsalita.
“I was sad, frustrated… I want to go home and ask them…” he chuckled but even his laughter was laced with sadness and frustrations.
Sa palagay ko ay kahit naman sino na makaalam na ampon ka, masasaktan. Magtatanong… maguguluhan.
“I went to New York and stayed with Lola, I was curious about myself already…” patuloy ni Jahann sa pagsasalita. Alam ko na hindi niya sasabihin ang bagay na ito sa ibang tao kaya naman hinayaan ko na lang din siyang magsalita at magkwento.
I stayed silent. I just held his hand.
“When I went home and found out about you and Montenegro, I badly wanted to just say the things that were on my mind, but I can’t. I talked to dad…”
Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya.
Hindi ko alam kung iyon ba ang gabi na huling nakasama ko siya bago siya umalis ulit noon dahil kinausap niya noon si Daddy.
“I asked him if he can do something to stop the wedding, he’s curious but I just told him that you don’t want it…” sabi ni Jahann bago nilingon ako. “I was glad you didn’t marry him, baby…” huminga siya ng malalim.
“Paano… paano mo nalaman na… ampon ka?” parang kahit na ilang beses kong sabihin, hindi ko pa rin lubos maisip na ampon siya. Kung sakaling totoo man iyon, hindi talaga madaling tanggapin ang bagay na iyon.
“Mom had an accident when she gave birth to… to their son…” ani Jahann. Nakita ko ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. “I talked to Child’s Hope’s directress…” he smiled sadly. “It was really easy pretending to be dad, you know? I told them, I am Kerko Mikael Anderson…”
“But why did you do that?” tanong ko naman sa kanya habang nakakunot ang noo.
“I asked if they kept the file from the child I adopted,” he looked at me and smiled sadly. “She said yes…”
Hindi ko malaman kung ano ba ang isasagot ko sa kanya… I can’t imagine how painful that was for Jahann.
“I wasn’t able to get a copy of the files, which is a dumb move. Things would be a lot easier if I had the files…”
Jahann looked at me and tried to smile. “I’m not an Anderson, so I can really marry you, Creep…”
I moved my hand and caressed his cheek, wiping his tears. “I love you…” I softly said. Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “I love you, Jahann…”
He smiled a little and kissed my forehead.
“I love you most, Cherinna…”
“Are you sure about the DNA?” I asked him while leaning my head on his shoulder. Nilalaro-laro niya ang kamay ko. Kanina ko pa siya inaaya na magpahinga na at pumunta sa kwarto niya pero nagsabi siya na mas gusto niyang doon muna kami.
Naisip ko na marahil, ayaw niyang mapag-isa ngayon.
“Hmm?” He asked before kissing my head. “That’s the only way they will believe me…” he added.
By the looks of it, mukhang siguradong-sigurado na si Jahann na ampon siya. I don’t think he’ll be this confident if he’s not sure…
“Mom and Dad are both sure you are not adopted, though…” sabi ko sa kanya bago nilingon ang lalaki. Nakita ko naman kanina kung paano itanggi ni Mommy ang bagay na iyon. I just closed my eyes while leaning on him. Kahit na alam kong masakit para sa lahat, hindi ko maiwasang umasa na sana nga… sana ampon si Jahann…
Baka nga kailangan nilang gawin ang DNA na iyon para malaman namin ang totoo. Alam ko naman na kung sakali man na totoo iyon, hindi pa rin magiging madali ang lahat para sa amin ni Jahann… pero alam kong hindi niya ako bibitawan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang nakasandal kay Jahann.
Nang magising ako kinabukasan ay nasa kwarto ko na ako. It was almost nine in the morning, too. Halos alas tres naman na rin yata ako nakatulog kagabi habang kasama ko si Jahann.
I sighed heavily when I remembered what happened last night. Panigurado ay mag-uusap kaming muli tungkol doon.
Kahit pa gusto ko na lang magtalukbong at humiga, pinilit ko ang sarili ko na bumangon. Nagpalit na rin ako ng damit bago lumabas ng kwarto.
Nakita ko si Alyanna sa hallway at mukhang kagigising lang din nito.
“Alyanna…” tawag ko sa kanya. Hindi naman ito nagsalita at nilagpasan ako bago nagpatuloy sa pagbaba. Huminga na lang ako ng malalim bago bumaba na rin.
Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya inisip ko na mamaya na lang ako kakain. Dumiretso na lang ako sa kusina at kumuha ng gatas.
“Are you okay?” Kol asked me. Kumuha ito ng tubig at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung may alam ba si Kol tungkol sa sinabi ni Jahann. Sila naman ang laging magkausap kung tutuusin.
I shrugged a little.
Sumandal ito sa counter. “Things will be harder, prepare yourself.”
Tumingin ako sa kanya at tumango. Totoo naman ang sinabi ni Kol. Pamilya pa lang namin ang may alam. Tiyak na kapag nalaman nila Tito Thunder at Tito Hunter ang totoo tungkol sa amin ni Jahann, magagalit din silang dalawa.
Baka sisihin pa nila si Mommy o si Daddy…
Sabay kaming napalingon nang pumasok si Jahann sa kusina at tumingin sa akin.
“Good morning…” bati ko kay Jahann. Kol looked at him and nodded a little.
Jahann walked towards me and kissed my head. “Good morning, Creep…”
Nagpaalam naman na si Kol at lumabas na ito para samahan ang mga kasama namin. They’re fixing their things because they will go home later.
“Nakatulog ka ba?” tanong ko kay Jahann. Umiling ito bilang sagot sa akin.
“Ma’am, Sir…” pumasok ang isang kasambahay namin at tinawag kaming dalawa ni Jahann. Nilingon naman namin ito.
“Pinapatawag po kayo ng daddy niyo. Nasa sala po sila,” sabi nito bago nagpaalam na muling lalabas.
Napatingin naman ako kay Jahann. Napakagat ako sa labi ko bago huminga ng malalim. Alam ko naman na hindi naman matatapos ng isang gabi ang usapin tungkol sa amin.
“Tara na…” naglakad ako pero hinawakan ako ni Jahann sa braso. Tinignan ko naman ito. “Bakit…?” tanong ko sa kanya.
“You won’t leave me… right?” he asked me. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Jahann habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya masisisi na nakakaramdaman siya ng takot na baka iwan ko siya dahil iyon naman na ang nangyari noon.
Isinuko ko siya.
I held his hand and squeezed it. “I won’t. I promise…” ngumiti ako ng tipid sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at magkasabay kaming naglakad papunta sa sala kung saan naroon sina Daddy at Alyanna.
Luminga ako para hanapin si Mommy pero hindi ko siya nakita.
“Your mom is resting,” ani Daddy nang mapansin na hinahanap ko ang mommy. Napatango na lang ako sa kanya.
He looked at us down to our hands. Jahann squeezed my hand.
Nag-angat ito ng tingin kay Jahann. “Take a seat, Jahann, Cherinna.” Itinuro nito ang couch na naroon. Nakaupo si Alyanna at nakatingin lang sa amin.
“Your mom and I talked already,” panimula ni Daddy habang nakatingin kay Jahann. “She’s against what you want, but I will agree to it, Jahann. We’ll do it so you’ll have the answer to your question.”
“I wasn’t asking. I just want to prove it…” Jahann said. Nagtaas ito ng tingin kay Daddy. “I know you’re disappointed in me, but I think we should all know the truth…”
“Bakit mo pinipilit na ampon ka?” tanong ni Alyanna kay Jahann. She looked at me, I could see the sadness in her eyes. “I still can’t understand how this happened…”
“Alyanna…” I called her name again. She looked away and breathed heavily.
“We’ll go to the hospital tomorrow for the DNA test,” ani Daddy na nakatingin pa rin kay Jahann. “It’s pointless because I know you’re an Anderson, but sure. Let’s do it,” bumaling ang tingin sa akin ni Daddy.
Napayuko naman ako sa kanya.
Hindi ko kayang makipagtinginan sa kanya lalo pa at alam ko na masama ang loob ni Daddy sa akin.
“I would like to know one thing in case the DNA test came out negative…” Jahann said as he looked at Dad again. Hindi naman nagsalita si Daddy, tumingin lang din ito kay Jahann na tila naghihintay ito ng kasunod na sasabihin ng lalaki.
Maging kaming dalawa ni Alyanna ay nakatingin kay Jahann.
“Will you allow me to marry Cherinna?” tanong niya kay Daddy. Nag-init ang mga mata ko habang nakatingin kay Jahann.
Alam kong mahal niya ako pero siguro, hindi ko alam na ganito niya ako kamahal… na handa siyang talikuran ang lahat para sa akin.
Handa siyang tanggapin na hindi namin siya kapamilya para sa akin.
Dad looked at him and leaned on the couch.
“We’ll see. But I assure you, you’re an Anderson.”
I looked at Jahann and his jaw tightened.
I am silently hoping it will be negative…