It’s been a really quiet day in our house. Napatulog na ni Ate Mildred si Nikolai kaya naman wala na ring batang umiiyak o tumatawa ang naririnig sa buong kabahayan.
Nakauwi na rin ang mga kasama namin kanina kaya kami na lang ang naiwan doon.
“You should eat, Creep,” ani Jahann na nilagyan ng pagkain ang plato ko. Napalingon naman ako roon at napahinga ng malalim. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bakas sa mukha ni Jahann ang pag-aalala sa akin.
Kaming dalawa lang ang naroon sa komedor ngayon at kumakain.
I cooked Alyanna’s favorite sinigang but she said she doesn't want to eat. We also ordered strawberry cheesecake for Mom but Dad said she’s not feeling well.
Alam ko naman na hindi namin sila madadaan sa ganito at naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nilang makasama kami sa pagkain.
“You cook really good, Creep,” sabi ni Jahann na halatang inaalo ako. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. “I’m gonna eat this. Wag mo na isipin na sayang, okay?” ngumiti siya sa akin.
He’s always like that… even before he confessed his feelings for me. Masungit siya, kahit naman ako ay sinusungitan niya pero lagi niya pa rin akong inuuna o hindi kaya ay pinapalakas ang loob ko.
Kino-comfort ako.
“Talaga? Sige, ubusin mo talaga yan, ha,” sabi ko sa kanya na sinundan iyon ng pagtawa. Dinagdagan ko ang pagkain sa plato niya kaya naman natawa ito pero hindi naman nagreklamo.
Dalawa lang kaming kumain nang gabing iyon.
Inilagay na lang namin ang mga naiwan sa refrigerator para makain pa rin naman namin kinabukasan.
Matapos akong maghugas ng kamay ay hinawakan ni Jahann ang kamay ko at dinala niya ako papunta sa labas ng bahay namin.
“What are we going to do here?” I asked him as I sat on the bench outside. Mahamog pa rin na sa labas dahil marahil uulan na naman ngayong gabi. Napangiti ako nang makita ko ang mga tanim na halaman ni Mommy na patuloy naman din ang pamumulaklak kahit na nag-uulan nitong nakaraan.
“I just want to stay here with you,” ani Jahann bago ito naupo sa tabi ko at hawakan ang kamay ko. Marahan niya iyong pinsil bago isinandal ang ulo sa balikat ko.
Napatingin ako sa kanya ngunit hindi ko makita ang mukha niya.
Alam ko na nahihirapan din siya sa nangyayari. Kahit na hindi sabihin ni Jahann, alam kong malungkot din siya. He may show that he’s tough and he’s strong… but I know he’s really soft inside.
Ngumiti ako ng tipid bago ako naman ang pumisil sa kamay niya.
“Are you really sure that you want to do that?” tanong ko sa kanya hinggil sa nakaplanong pagpapatest nilang dalawa ni Daddy bukas. Sasamahan ko si Jahann bukas na magpa-DNA test. Sinabi ko na iyon sa kanya at hindi naman siya nagprotesta pa.
“Yeah…” mahinang sagot niya sa akin. Isinandal ko ang ulo sa kanya. “Do you want the result to be positive?” tanong niya sa akin. Marahil ay hindi pa ako nagsabi sa kanya ng opinion ko sa nangyayari sa amin.
“I’m being selfish, Jahann…” panimula ko. “Kung magpositive, it means you’re my brother… ibig sabihin mali ‘yung inaakala mo… ibig sabihin…” kinagat ko ang labi ko nang huminto ako sa pagsasalita.
“Ibig sabihin hindi tayo pwedeng dalawa…” sabi ko sa kanya sa halos walang boses na tinig.
“It will hurt them… It will hurt Alyanna, Mommy, Daddy… even you. Kung maging negative man, alam ko magiging masakit din iyon para sa’yo…” sabi ko sa kanya. Hindi naman ito nagsasalita, pinakikinggan lang niya ang sinasabi ko.
“Dati, iniisip ko… bakit naging magkapatid pa tayo? Ang hirap-hirap tuloy…” sinundan ko iyon ng maliit na pagtawa. “What if… you’re not my brother? Tingin mo, magtatagpo tayo?” tanong ko sa kanya.
May tsansa kaya na magtagpo kaming dalawa?
“Yes,” sagot ni Jahann bago nag-angat ng ulo at tinignan ako sa mga mata. Hinawakan din nito ang pisngi ko at marahan iyong hinaplos. “I don’t think I’ll love someone else like I love you, Cherinna. Fate will let me find you…”
I smiled at him. “I love you…” I said softly.
Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Jahann nang sabihin ko iyon. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ang noo ko.
“I love you most, Creep. I will fight for you, I promise…” he said before pulling me and hugged me tight. I rested my head on his chest and smiled a little while feeling his heart beating.
I have no idea how long we can fight, but I am sure I won’t let go… I will fight for him, too.
We stayed there for a while. Hawak lang ni Jahann ang kamay ko habang kumakanta siya. Hindi siya madalas na kumakanta kapag may kasamang iba, usually kapag kaming dalawa lang ang naroon. Hindi naman din talaga siya nag-oopen up sa iba, kung mayroon man, malamang ay kay Kol at Enzo lang dahil ang dalawang iyon naman ang laging kausap at kasama ni Jahann.
Kinabukasan ay maagang umalis si Daddy kasama si Mommy. Sinabi sa amin ni Ate Mildred na nagsabi si Mommy na magpupunta kina Lola at mamayang gabi pa uuwi. Si Alyanna naman ay nasa kwarto lang nito at hindi lumabas ng kwarto kahit para mag-almusal kaya pinadalhan ko na lang ng makakain.
“Are you sure that you want to go with me?” Jahann asked me while he’s playing with Nikolai. 1 pm pa naman ang usapan nila ni Daddy kaya sinabihan ko na siya na doon na lang kami maglunch pero tinanggihan niya ako.
Sabi ni Jahann ay sa labas na kami kakain dalawa kaya naman hindi na ako nagpaluto ng tanghalian namin.
“Yes,” sabi ko naman sa kanya bago naupo at pinanuod silang dalawa ni Nikolai. Nakatingin sa kanya ang bata at hinahawakan ang ilong niya tapos ay tatawa.
“You can see that you’ll be handsome when you grow up?” natatawang biro ni Jahann sa kanya, muli namang humagikgik ang bata na tila naiintindihan nito ang sinasabi niya.
We stayed there for another 30 minutes. Kinuha na ni Ate Mildred ang bata para paliguan kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jahann na tumayo na at umalis.
Binuksan ni Jahann ang pinto ng sasakyan nito at inalalayan na akong makapasok, sumakay na rin ito pagtapos.
Habang nagmamaneho ay hawak ni Jahann ang kamay ko. Hindi niya ako binibitawan hanggang sa makarating kami sa ospital na sinabi ni Daddy.
He looked outside. Hindi ito kaagad kumilos kaya marahan kong pinisil ang kamay nito. “I’m here…” sabi ko sa kanya bago hinalikan ang kamay ni Jahann.
Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. He moved closer to me and pecked on my lips. “I love you…” he whispered.
“I love you, too…” sagot ko naman sa kanya.
Alam kong kinakabahan si Jahann pero nagpatiuna na ito sa paglabas. Sumunod na rin ako sa kanya at magkahawak kamay kaming pumasok ng ospital.
Parang tinatambol din ang puso ko kahit na hindi naman ako ang sasabak sa test na iyon. Kinakabahan ako sa pwedeng maging resulta nito.
“Jahann.”
Napalingon kami nang tawagin ni Daddy ang lalaki. Naglakad naman kami papalapit sa kanya at nakita ko na kausap na nito ang doctor.
“This is Jahann and Cherinna,” pakilala sa amin ni Daddy sa doctor na naroon. The doctor looked at me.
“We’ll just get sample of your blood and usually 2-3 days lalabas ang resulta dahil na rin sa ifoforward pa namin ito. Like what your dad said, we’ll wait for it, so once the result is out, ipapadala naman namin iyon sa inyo,” sabi nito sa amin.
“Halika na, Cherinna?” sabi ng doctor kaya naman napakunot ang noo ko.
“Ha…?” takang tanong ko sa kanya. Ako? Ako ang itetest?
“I’m the one that needs testing,” ani Jahann na humarang sa harap ko. Tumingin ito kay Daddy bago sumunod sa doctor.
Naiwan naman kaming dalawa sa labas habang nasa loob si Jahann.
Napalingon ako kay Daddy habang nakasandal ito sa pader at nakayuko. He’s crossing his arms against his chest.
I know he’s disappointed in me…
Napapitlag ako nang magring ang phone ko kaya naman mabilis akong tumalikod at sinagot iyon. Si Lean ang tumatawag sa akin.
“Che, where are you?” tanong niya sa akin bago pa ako makapagsalita.
“Hospital,” sagot ko naman sa kanya. Alam naman nila na magpapa-DNA test ngayon si Jahann at Daddy.
“Oh, tinuloy talaga…” naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. Sumandal na lang ako at huminga ng malalim. “Bakit ka pala napatawag?” tanong ko sa kanya. Mas si Alyanna naman kasi talaga ang kinakausap ni Lean.
“We’re at SD, sunod kayo ni Jahann,” sagot naman nito sa akin. Kumunot ang noo ko. “SD? Bakit kayo nandyan?” Madalas kasi ay nagpupunta sila sa SD kapag may paplanuhin silang pag-alis.
“We need sweets! Sunod kayo, ha? Bye! See you later!” paalam nito sa kanya sabay baba ng tawag bago pa ako makapagsalita. Napasimangot naman ako bago muling ibinalik sa bag ko ang phone ko.
Paglingon ko ay nakita kong nakatingin si Daddy sa akin.
“Si Lean po. Nagyayaya na lumabas…” sabi ko rito kahit na hindi naman ako tinanong kung sino ang kausap ko.
Tumango naman ito sa akin bilang sagot.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin si Jahann. Tumingin ito sa akin at ngumiti ng tipid.
“Kerko, your turn,” sabi naman ng doctor bago muling pumasok sa loob.
He looked at us. “Make sure to be home later,” iyon lang at pumasok na rin ito sa loob.
Kumunot ang noo ni Jahann sa akin tanda na hindi niya naintindihan ang sinabi ni Daddy. I smiled a little. “They’re at SD. Pinapasunod tayo…” sabi ko sa kanya bago naglakad kasabay niya. Hindi na kami sasabay ng pag-uwi kay Daddy dahil may dala naman ding sasakyan si Jahann.
Tumango lang siya sa akin kaya naman sumakay na kami ulit sa sasakyan niya nang makarating kami roon at nagmaneho na ito papunta sa SD.
Nakatingin lang ako kay Jahann habang nagmamaneho ito.
“Malapit na akong kiligin sa titig mo,” sabi ni Jahann bago ngumiti sa akin.
Hindi ko naman mapigilang hindi matawa dahil napaka-unusual kay Jahann magsalita ng mga ganoon.
“Ang cute mo, no?” natatawang sabi ko sa kanya bago pinisil ang pisngi nito. Hindi naman nagreklamo si Jahann.
Nang makarating kami sa SD ay naroon sina Lean sa labas kung saan lagi naming pinupwestuhan. Wala si Alyanna pero naroon si Airi katabi ni Lean.
Jahann pulled a chair for me so I uttered a soft thank you to him. “What do you want?” he asked me.
Malakas namang tinapik ni Keij ang braso ni Jahann kung saan ito kinuhanan ng dugo. “Libre mo?” tanong nito sa lalaki. “Kumikinang-kinang mata mo, eh.”
Jahann glared at Keij.
Napailing naman ako. “Anything. Ikaw na bahala,” sabi ko kay Jahann. Hindi naman na ito kumibo at pumasok na sa loob para umorder.
Kol smirked at Keij.
“Kumikinang, pre?” tanong ni Theon sa lalaki.
“Talaga namang kumikinang mata habang nakatingin kay Cherinna, eh,” umupo si Keij sa tabi ko habang nakasimangot.
“Ikaw rin, kumikinang,” sabi ni Theon sa kanya. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa lalaki. “Kumikinang ina ka.”
“Baby!” saway ni Lean sa lalaki kahit na natatawa dahil sa sinabi nito kay Keij.
“Gago,” sabi naman ni Keij sa lalaki.
It was actually surprising that it feels like everything is okay with them. Inexpect ko na lalayo ang loob nila sa amin ni Jahann… pero hindi.
“Is Alyanna okay?” tanong ni Lean sa akin. Ngumiti naman ako ng malungkot at umiling. “Hindi niya ako kinakausap, at naiintindihan ko naman kung bakit…” sabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa nangyari sa amin ni Alyanna, alam kong malabo pero umaasa ako na mapapatawad niya pa rin ako balang-araw.
“Nagpa-DNA test na si Jahann?” tanong naman ni Airi sa akin. Nilingon ko siya at tinanguan. Kasama na rin lagi si Airi sa mga lakad namin at wala namang problema iyon, hindi ko lang maiwasan minsan na magselos sa kanya.
Bitbit ang tray ay lumapit si Jahann sa amin. Inilapag nito ang inorder na inumin at pagkain at naupo sa tabi ko.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa school at nakikisali naman kami ni Jahann kapag may tinatanong sila sa amin. Nabanggit ni Keij na baka matagal na hindi kami magkasama-sama dahil na rin sa nangyayari ngayon sa pamilya namin.
“Jahann, okay lang bang ihatid mo ako?” Lumingon si Airi sa akin. “Sorry… baka kasi magalit si Daddy kapag nag-cab ako. Nagpahatid lang ako sa kanya rito kaso hindi siya makaalis ngayon, eh…” sabi nito sa akin.
Jahann looked at me, as if asking for permission. Tumango naman ako sa kanya. “Sure. Sasabay na lang ako kina Enzo,” sabi ko sa kanya.
Sinimangutan niya naman ako bago hinawakan ang kamay ko at dalhin ako sasakyan. Binuksan nito ang pinto at pinapasok ako. Napailing na lang ako sa kanya.
Nauna nang umalis sina Kol dahil tinawagan ito ni Tito Hunter. Sinabay naman na nito si Theon kaya sabay na umuwi sina Enzo at Lean.
Sumakay na rin si Airi sa likod kasunod ni Jahann.
“Thank you…” sabi niya sa akin bago ngumiti. “It’s okay,” sabi ko naman sa kanya.
Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Jahann at tinatahak ang daan papunta kina Airi. Si Airi lang ang bumasag ng katahimikan nang sagutin ang tawag sa cellphone nito.
“Hello, Daddy?” sagot niya sa tawag. Nabanggit nila noon na Hugh ang pangalan ng daddy nito. Nakita ko na ito noon pero hindi naman ako bumaba ng sasakyan noon.
“What’s with her again?” napasimangot si Airi. “Okay… yes, pauwi na ako. Ihahatid ako ni Jahann,” sabi nito.
Napalingon ako kay Jahann. Ganoon na ba kalaki ang tiwala ng daddy ni Airi kay Jahann? Siguro… nasa New York pa lang naman ay nagkakilala na sila.
“Yes, yes. We’re near na. Okay, bye.” Paalam nito bago lumingon sa amin. “Sorry about that…” dagdag nito.
“Okay lang…” sagot ko naman. Lahat naman siguro ng pamilya may kanya-kanyang issues…
Nang makarating kami sa tapat ng gate nila Airi ay bumaba na ito. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babaeng naka-wheelchair sa labas ng bahay nito. Naroon din ang daddy ni Airi.
“Wait here, Creep,” paalam ni Jahann bago lumabas din ng sasakyan. Kumunot ang noo ko sa kanya pero hindi ko naman siya pinigilan.
Lumapit ito sa Daddy ni Airi. Nag-usap ang mga ito ng ilang minuto habang si Airi ay nakaharap sa babaeng nasa wheelchair. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.
Jahann walked towards her and smiled a little. Sa tingin ko ay bumati ito sa babae.
Kumunot ang noo ko nang tila nagkaroon ng kaguluhan sa mga ito nang makita ng babae si Jahann.
“What’s happening?” lalabas na sana ako ngunit naglakad na si Jahann pabalik sa sasakyan nito.
Tinignan ko ang lalaki. “What happened?” napalingon akong muli sa babae na nakatingin sa sasakyan ni Jahann. May sinasabi ito ngunit hindi ko na marinig. Itinulak na rin nila Airi ang wheelchair papasok sa bahay ng mga ito.
“That’s her Auntie. I think the name is Camilla…” Jahann said. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Kilala ka niya?” tanong kong muli.
Umiling si Jahann bago lumingon sa akin.
“Tinatawag niya akong Kerko,” sabi niya bago binuhay ang sasakyan.
Kumunot ang noo ko.
Kerko?
Anong kinalaman ni Daddy sa babaeng ‘yun? Muli akong napatingin sa bahay nila Airi at nakita ko ang Daddy ni Airi na sinusundan ang sasakyan na gamit namin ng tingin.