Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 4

HINDI pa rin ako lubos na makapaniwala. Nandito na siya. Nandito na si Jahann sa Pilipinas. Iyong ilang libong kilometrong layo namin noon, iilang dipa na lamang ngayon.

Halos hindi ko ikinukurap ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Paano kung sa pagpikit ko at pagmulat kong muli, wala na siya? Paano kung panaginip lang pala ang lahat ng ‘to? Paano kung iniisip ko lang na nandito siya kaya nandito siya ngayon?

Paano kung aparisyon lamang siya?

Paano kung ako lang pala ang nakakakita sa kanya?

"Aray!" Marahas akong napalingon kay Kol nang pitikin nito ang tainga ko. "What was that for?" tanong ko sa kanya bago hawakan ang tainga kong pinitik niya. Buti sana kung hindi malaki ang kamay niya at mahaba ang daliri, ayos lang. Pero masakit ang pitik niya sa akin.

"This ain't a dream. Stop staring at him," ani Kol habang ang labi ay malapit sa tainga ko. Bahagya akong napatingin sa kanya. "Nakatitig ba ako?" mahinang tanong ko. Hindi ako aware na nakatitig ako sa kanya.

Gaano na ba katagal? Kanina pa? May iba kayang nakakapansin?

"Kanina pa, Cherinna..." sabi ni Kol bago sumandal sa upuan nito at kinuha ang cellphone. Magtatanong pa sana ako rito pero nakita ko itong nagtipa sa cellphone.

Kailan pa nahilig si Kol sa pagtetext? Hinayaan ko na lamang ito kahit pa gusto ko pang magtanong sa kanya.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at muling napatingin sa direksyon ni Jahann. Katabi ito ni Theon at Keij. Nakikipag-usap tungkol sa nangyari sa buhay nito sa New York.

Katulad noon, napakagwapo pa rin nito. Halos walang pinagbago maliban sa kaunting paglaki ng katawan.

Nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan kina Theon at Keij.

Siguro'y isa sa mga pinagbago ni Jahann. Dati ay seryoso itong makipag-usap ngunit ngayon, nakikita ko na ang pagtawa nito.

"Bakit bigla-bigla kang umuuwi? Wala ka pang pasabing gago ka," ani Theon kay Jahann. Matagal naman na nilang sinasabihan si Jahann na umuwi. Noon pa lamang na nalaman nilang buntis ako. Pero alam ko, ni isa sa kanila, walang nagsabi kay Jahann tungkol sa sitwasyon ko maliban kay Alyanna. Lagi niyang nakakausap si Jahann at ito ang nag-uupdate kay Jahann ng tungkol sa nangyayari sa amin dito. Hindi nga lang ako sigurado kung may pakialam nga ba si Jahann doon.

"Hindi natuloy plano ni Theon magpa-tarpaulin. Baka raw kasi may kumuha ng video niya habang sinusundo ka sa airport, magtrending siya..." natatawa namang sabi ni Keij. "Tangina kasi nito, sabi ko sa kanya, i-video niya sarili niya habang nagsesexy dance tapos ipost namin, siguradong magtetrending siya, eh. Ayaw naman..." iiling-iling na dugtong nito.

"Ewww. Ang kadiri. Sino namang manunuod 'non?" tila naman pinanayuan ng balahibong sabi ni Alyanna sa dalawa.

"Hindi ikaw, pabebe ka, eh..." sagot ni Keij dito. Tinignan naman ito ng masama ni Alyanna.

"Cherinna, you want something?" napalingon ako nang hawakan ni Ian ang siko ko. Nakaupo si Kol sa kanan ko habang si Ian naman ang nasa kaliwa. Tipid akong ngumiti bago umiling. "I'm good, Ian..." hindi naman ako gutom at pakiramdam ko rin ay hindi ko naman makakain ng maayos ang pagkain kung sakali man na bigyan ako.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong nabusog ng wala namang kinain. Para bang may kung ano sa loob ko ang biglang nabuhay.

Napatingin ako kay Jahann. He's talking to Lean about something. I looked how his lips moves, how he blinks his eyes, how he smiles...

I sighed inwardly.

"You sure?" untag na muli ni Ian sa akin. I faced him and smiled. "I'm really fine, Ian. Ikaw ba? May gusto kang kainin?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong dahilan para magalit sa taong ito. Sa katunayan, mas naging malapit naman kami. Bukod sa mga pinsan ko, si Ian lang naman ang nakakausap ko.

"I'm fine. I'm just worried about you," he squeezed my hand a little. Hindi naman nagbago si Ian mula noon. Siguro nga, may nagawa siyang mali pero nakita kong pinagsisihan niya yon. Nararamdaman ko rin ang pag-aalaga niya sa amin. He's a really sweet friend. Kaya alam ko na maswerte rin ang babaeng mamahalin ulit ni Ian.

"Okay lang nga ako," muli kong sabi sa kanya. Tumango siya sa akin at saka ngumiti. Hindi sinasadya naman na nagtama ang mga mata namin ni Jahann. Hindi siya nakangiti at nakita kong naglipat ang tingin niya mula sa akin papunta sa kamay ni Ian na hawak ang kamay ko.

Hindi nagtagal ang tingin niya sa mga kamay namin. Muli siyang nag-angat ng tingin at bumaling kay Lean.

"What's the plan again? I'm sorry," nakangiting tanong ni Jahann dito.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kirot ng tila balewala lamang ako sa kanya. Pero ano ba ang dapat kong asahan? Tumakbo siya sa akin at yakapin ako ng mahigpit? No. Hindi mangyayari ang bagay na iyon.

"Geez, Jahann. You're not listening!" inis na anas ni Lean dito. Kanina pa ito nagsasalita para sa plano nila. "Ikaw rin, Kol! Sino ba yang kausap mo?" pag-uusisa naman nito kay Kol.

"Mind your own. Go on, I'll listen..." sagot ni Kol kay Lean.

"Tangina kasing plano yan. Paano naman kung ayaw namin sa nabunot, diba?" pagrereklamo ni Theon.

"Mamaya ka na nga magreklamong bwisit ka. Makinig ka muna," dumukwang pa si Lean sa lamesa para lang kurutin si Theon.

"Chansing ka na naman," pumapalatak na sabi ni Theon. Lalo naman nainis si Lean dito. "Tangina mo."

"Lean, language," tinitigan ni Enzo ang kakambal.

"Tangina kasi niya, eh..." nakasimangot na sabi nito.

"Game na, tangina, ang lalandi..." pinagkrus ni Keij ang mga braso sa dibdib at sumandal sa upuan nito.

"Gago, tangina mo." Umupo naman na rin ng maayos si Theon matapos sikuhin si Keij na natatawa lang.

Sanay naman na kami sa mga ganoong salita ni Keij. Ilang beses na rin niya kaming sinabihan ni Ian na naglalandian kapag nag-uusap kami tungkol kay Niko.

"So ayun nga, the plan is, we'll talk to Tita Steph and Cristine about postponing the celebration. Para mapromote pa natin ang celebration, diba?" pagsisimula ni Lean. Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita. May aura rin talaga si Lean na kapag nagsalita ito, hindi pwedeng hindi mo siya titignan. I think she got that from Tita Cyan. Nakaka-intimidate naman kasi si Tita Cyan talaga.

"Okay, maybe it'll be easier to convince them if Kuya Kiro and Ate Caryl will be the one to ask them that," sabi naman ni Alyanna. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla talaga silang nakapagplano ni Lean.

"So, wala na tayong problema 'dun..." Lean smiled at us.

Sumandal na lang ako at hinalo-halo ang juice na nasa baso ko. Alam ko naman na ang sasabihin nila. Bakit ba hindi na lang nila kinausap si Jahann ng solo? At para namang namamagneto ang mga mata ko, dumako ang tingin ko kay Jahann.

"Like what Twin suggested," turo sa akin ni Aly. Napatingin naman ako sa kanya. "We'll make a raffle ticket, for every 500 pesos worth of any SD product, you'll have one raffle ticket!" masiglang pagpapaliwanag nito.

"Iyong mga GC's, it's better na gawing conso na lang, what do you think, guys?" tanong ni Lean habang nagsusulat ng kung ano sa notebook na dala nito.

"You'll ask us, in the end, you will decide. What's the point?" tanong ni Enzo sa kakambal nito na ikinatawa ni Jahann. Tinapik nito ang braso ni Enzo.

"Whatever..." Lean rolls her eyes. "Anyway, so, consolation prize na lang ang GC's. The prize talaga is kayo..." malawak na ngumiti si Lean sa mga lalaking nakaupo sa paligid namin.

"What do you mean?" si Jahann ang nagtanong. "Are you selling us?" sinundan niya ito ng pagtawa.

"Sort of?" natatawang sabi ni Aly. "Pero Jahann, it's Cherinna's idea! Kung tatanggi ka, talk to twin and--"

"It's fine with me," putol ni Jahann sa ano pa mang sasabihin sana ni Alyanna.

Sandaling napatingin sa akin si Jahann bago bumaling na muli kay Alyanna.

"Wala namang may girlfriend sa inyo, diba?" tanong ni Lean sa mga lalaking kasama namin.

Umiling si Keij at Theon. Si Enzo naman ay tinaasan ng kilay si Lean. Si Ian ay napatingin sa akin na tinawanan ko lang. Si Kol ay hindi kumibo.

"Diba may girlfriend ka?" untag ni Keij kay Jahann. Lahat naman ay napatingin kay Jahann.

"Oh, shit, oo nga pala!" ani Alyanna na naibagsak pa sa lamesa ang kamay. "May girlfriend ka nga pala!" malakas na sabi nito habang nakatingin kay Jahann.

"What?" kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kakambal ko.

"Si Ai mo!" malakas pa rin ang boses na sabi ni Alyanna.

"She answered your phone when we called you. We heard you called her Ai. Diba, Che?" tanong naman ni Theon sa akin.

Bakit ako? Bakit sa akin tinatanong?

Jahann looked at me. Nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay niyang sumagot ako.

Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko. Duda akong kahit isang salita ay may masasabi ako.

"Kasama mo ba siyang umuwi rito? Taga-rito ba yon?" tanong ni Aly kaya naman nawala sa akin ang tingin ni Jahann. "Teka, papayag ba siyang sumali ka sa ganito?" dagdag tanong ni Alyanna bago pa makasagot si Jahann.

Ngumiti naman si Jahann. "Ai's nice. Wala kayong magiging problema sa kanya." Umaliwalas ang mukha niya sa ppagkakabanggit sa babae. Para bang may sinabi siyang pangalan ng anghel kaya ganoon na lang nagliwanag ang mukha nito.

"Sure yan, Jahann, ha?" tanong na muli ni Alyanna. Tumango naman ito. "Her flight's today. You'll meet her soon. You'll like her..."

Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Kol. Nagyuko na lang ako at hindi na nagsalita.

"I'm sure gugustuhin din ni Mommy at Daddy makilala 'yang Ai mo, no. Ginaya mo pa endearment nila, eh..." nakangiting sabi ni Alyanna. Para bang kahit di pa nito nakikilala kung sino ang babaeng 'yon, gusto na agad nito ang babae.

"Okay, so okay naman daw sa Ai ni Jahann, I guess walang magiging problema dahil lahat naman kayo, single..." ani Lean na muli. "So, the prize is, we will pick 9 winners. Lahat sila, may chance to pick kung sino ang magiging date nila for one whole day! Bawal kayo magreklamo and of course, sagot niyo ang date niyo, okay? Sasabihan ko sila Kuya Kiro at Kuya Cloud..." sabi nito bago bumaling kay Ian. "Ikaw na bahala kay Kevyn, ha?" ngumiti si Lean dito.

"Baka naman ikaw lang bumili nang bumili rito para mabunot ka at magdate kayo?" tanong ni Theon dito. Inirapan lang ito ni Lean bilang tugon.

Nagkasundo naman na ang lahat para sa plano. Si Lean at Aly ang pumasok sa loob para sabihin kay Tita Steph at Tita Cristine ang nabuong plano. Si Keij at Theon naman ay pumasok din sa loob para magtingin ng cake na mauuwi raw para kay Tita Zyline at Tita Rain. Si Enzo ay busy sa librong hawak nito, si Ian ay tinawagan ni Kevyn, si Kol ay nagpaalam naman na may pupuntahan pa kaya mauuna nang umalis sa amin at ang lalaking nasa kabilang panig ng lamesa ay hawak ang phone nito na tumatakip sa mukha nito at tila may kausap din.

Napabuga na lamang ako ng hangin.

Nakita kong napangiti si Enzo at siniko ito ni Jahann.

Buti pa sila, parang walang pinagbago ang samahan. Parang ganoon pa rin.

Sana lahat.

Pinili kong wag magsalita habang hinihintay sina Alyanna na magbalik sa upuan. Tinignan ko ang relo na nasa bisig ko at halos alas-singko na rin ng hapon. Gusto ko ng umuwi.

"Enzo..." tinapik ko si Enzo na nagbabasa.Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "What is it?" tanong nito sa akin bago inalis ang salamin sa mata.

"Mauuna na akong umuwi, ikaw na lang magsabi sa kanila..." paalam ko rito. Baka kasi kailangan na rin ako ni Niko kaya mauuna na lang akong umuwi kaysa kay Alyanna.

"Are you sure? Why don't you just wait for Alyanna? Kol? Or Ian?" kunot-noong tanong ni Enzo. Umiling naman ako sa kanya. "I'll just take a cab, alam mo naman may aasikasuhin pa ako, eh..." pinanlakihan ko siya ng mata. Alam kong naiintindihan ni Enzo ang sinasabi ko.

"What's wrong?" tanong ni Jahann sa amin. Napatingin naman ako sa kanya pero mabilis ko ring binawi ang tingin ko.

"She wants to go home," kibit-balikat na sabi ni Enzo. "Hatid mo na," dagdag pa nito.

"What? No!" pabigla kong sabi.

"Why not?" bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Jahann habang nakatingin sa akin.

"I'll just..." humigpit ang hawak ko sa bag ko. "I'll just take a cab..." iniiwas ko ang mukha sa kanya.

"Hatid na kita," kaswal ang pagkakasabi ni Jahann. Hindi ko napigilang makaramdam ng kirot dahil kumpara noon, kung kausapin niya ako ngayon ay para lang akong si Aly.

Pero ganoon naman dapat talaga, diba? Dapat ganoon lang. Walang special treatment dapat.

"Huwag na, okay lang ako," tanggi ko sa kanya. Ayoko siyang makasama ng kami lang. Ayoko dahil hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sana pala ay sumabay na lang ako kay Kol kanina.

"Cherinna," napalingon naman ako nang lumapit si Ian sa akin. "I need to go to Kevyn. Emergency, eh. Ihahatid na muna kita," aya niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang narinig ko ang boses ni Jahann.

"Ako na maghahatid sa kanya. Do your thing, Montenegro, it's fine..." dinampot ni Jahann ang susi ng sasakyan, wallet at phone nito sa lamesa.

"It's fine, Jahann. Ako naman naghahatid at sumusundo kay Cherinna," naramdaman ko ang paghawak ni Ian sa siko ko.

"But I'm here so you don't have to that anymore," napayuko si Jahann at kinamot ang kilay nito.

Enzo looked at me and smiled. Para namang gusto kong hampasin si Enzo ng bag ko. Ano bang nakakapagpangiti sa kanya sa sitwasyong iyon?

"Don't worry, Montenegro. Kapatid ko naman ang ihahatid ko. Doon din naman ako uuwi kaya walang mangyayari kay Cherinna," iiling-iling na sabi ni Jahann bago tinapik si Enzo. "Ikaw na bahala," anito bago naunang naglakad at binuksan ang sasakyan nito at sumakay na.

"Cherinna..." hinawakan ni Ian ang kamay ko.

Umiling ako. "It's fine," pinilit kong ngumiti sa kanya. "Puntahan mo na si Kevyn. I'll be fine. Kapatid ko naman si Jahann..."

"Are you sure?" bakas ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako. "Hindi ka tatawagan ni Kevyn kung di mahalaga yan, sige na..." ngumiti akong muli sa kanya.

Nagpaalam naman kami kay Enzo bago nagpunta sa sasakyan ni Jahann.

"I'll call you," ani Ian sa akin. Tumango naman ako bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Jahann.

Pakiramdam ko ay sumikip ang paligid at hindi ako makahinga.

"Seat belt," ani Jahann na hindi ako tinitignan. Isinuot ko naman agad ito bago tumingin sa labas.

Plano ko na lang magpanggap na tulog upang hindi kami mag-usap pero hindi nakakatulong ang hangin sa loob ng sasakyan dahil nanunuot sa pang-amoy ko ang bango ni Jahann.

Huminga ako ng malalim.

Bakit ba parang ang tagal-tagal ng biyahe naming dalawa?

Pilit kong hindi iginagalaw ang leeg ko para lang maiiwas ang tingin sa katabi kong nagmamaneho.

Maging si Jahann naman ay hindi nagsasalita.

Hindi ko namalayan na nakatulog naman din pala ako kung hindi pa may tumama sa braso ko. Agad kong nilingon ito at nakita ko ang mukha ni Jahann na ang lapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napaayos ng upo. "What are you doing?" agad na tanong ko sa kanya.

He smiles at me. "I removed your seat belt. We're here..." tumingin siya sa labas at nakita ko nga ang gate ng bahay namin.

"Sana ginising mo na lang ako..." nag-iwas ako ng tingin. Naiinis ako dahil nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Ang sarap ng tulog mo, eh. Pero kung nag-aalala ka naman na hahalikan kita, sorry to disappoint you, Cherinna..." nakangiti pa rin niyang sabi.

"What are you talking about?" nilingon ko siya na salubong ang dalawang kilay.

Nagkibit-balikat ito bago sumagot. "Hindi ako humahalik ng babaeng may boyfriend." Iyon lamang at iniwan na ako nito sa loob ng sasakyan at naunang pumasok sa loob ng bahay namin.

Boyfriend? Kailan pa ako nagkaboyfriend?

Siya nga 'yung may girlfriend.

Hindi ko tuloy mapigilan mapasimangot.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.