TAHIMIK akong sumunod nang makita kong pumasok sa loob ng bahay si Jahann. Kung hindi ako nagkakamali, si Mommy lang ang nasa bahay dahil na rin nasa opisina si Daddy ng ganitong oras.
Simula nang lumabas si Nikolai, mom insisted to stay at home to look after him. Bumibisita pa rin naman siya sa Blooms para asikasuhin ito pero sabi nga ni Daddy, para raw kasing nagkaroon ng bagong laruan si Mommy. I know she's so fond of my son, but I am still scared. I am still too scared.
"Ma'am, nakauwi na po pala kayo. Nasa likod po si Nikolai..." untag sa akin ni Ate Mildred. Agad akong napalingon kay Jahann na nakatingin sa amin na kunot ang noo. Agad kong ibinaling ang atensyon kay Ate Mildred. "Sige, I'll go to him. Wala pa si Aly?" tanong ko sa babae. Alam kong wala pa si Alyanna dahil naiwan sila sa Sweet Desire ngunit wala akong maisip na sabihin.
"Wala pa po," umiiling na sagot sa akin ni Ate Mildred. May dala itong isang maliit na lalagyan kung saan may mga damit at gatas na alam kong kay Nikolai.
Jahann remained silent. He was just staring at us and I tried so hard to ignore him.
Nagpaalam na sa akin si Ate Mildred na pupunta sa garden para puntahan ang anak ko. Naiwan kaming dalawa ni Jahann sa gitna ng maluwag na sala ng bahay.
Agad akong nagbawi ng tingin nang mapadako ang mga mata ko sa kinatatayuan niya. He was staring at me like it was as if he was waiting for me to utter something.
I bit my lip and lowered my head. "I'll just go and change my clothes." Kahit pa ba gustong-gusto kong tunguhin kung nasaan si Nikolai, alam kong hindi ako titigilan ni Jahann sa pagtatanong.
Wala akong narinig na kahit ano mula kay Jahann. He was actually the first to turn his back on me and walk towards the stairs. Nakatingin lang ako sa kanya habang papaakyat siya.
Hindi ko mapigilang magpakawala ng malalim na buntong-hininga nang mawala na sa paningin ko ang pigura ni Jahann.
Hindi ko pwedeng sabihin.
Magugulo lang ang lahat.
He's fine now. Why would I make things hard for him again? The least that I can do for him now is to stay away from him.
Muli, huminga ako ng malalim bago ako umakyat para magpalit ng damit. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko, hindi ko naman sinasadyang marinig ang tinig ni Jahann mula sa kwarto nito.
He left his door open.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa pintong hindi maayos na nakasara. Hindi ugali ni Jahann na mag-iwang bukas ang pinto ng kwarto niya.
"Yeah, I'm already here..." I heard his voice. I stopped on my track. Hindi ko alam kung bakit parang pinipili ng mga paa ko na huwag humakbang at makinig na muna kay Jahann.
He laughed a little. "Silly. I'm too tired to care, Ai. You know that."
Ai...
Just like our father's endearment to mommy.
"Of course. Alright. Alright. I'll see you soon. Take care."
Sumandal ako sa pader ng labas ng kwarto niya dahil pakiramdam ko ay nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko at kailangan ko ng suporta.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Alam ko naman na ito ang tamang gawin. Dapat lang na matapos ang kung ano man sa amin ni Jahann pero hindi ko maintindihan kung bakit ba hindi mawala-wala ang sakit.
"What are you doing there?" someone said near me. Agad akong napatingin sa kung sino ang nagsalita. Nakita ko si Jahann na nakatingin sa akin at nakatukod ang braso sa frame ng pintuan.
"H-ha?" hindi ako makahanap ng tamang salita kung ano bang isasagot ko sa kanya. Sasabihin ko bang nakasandal ako sa pader ng kwarto niya dahil nanghihina ako dahil nasasaktan ako?
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong nitong muli sa akin. Lumabas ito ng kwarto at naglakad papunta sa harap ko. Ipinaling ang ulo habang nakatingin pa rin sa akin.
Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Halos walang pinagbago. Tila pa nga yata mas lalo siyang naging gwapo. Those pair of eyes that can make me drown by just staring at me.
The corner of his lips quirks up and formed a little smile.
"Cherinna."
Tila naman ako natauhan ng muli niyang tinawag ang pangalan ko. Agad akong tumikhim at nag-iwas ng mukha. "Uhmm... I... I..." hindi ko mapigilang kastiguhin ang sarili ko habang nag-iisip ng sasabihin. Hindi ko alam kung makakapagdahilan ba ako sa kanya o ano.
I sighed in defeat. "Nothing. I'll go to my room now." Umayos ako ng tayo at humakbang na papalayo nang hawakan ni Jahann ang braso ko. Agad ko naman siyang nilingon pagkatapos ay tumingin ako sa paligid.
"Jahann!" Anas ko at sinubukang bawiin ang braso ko sa kanya.
"Why are you so scared, Cherinna?" he said mockingly. I pulled my arm again. "Just let me go." Luminga akong muli sa paligid dahil baka may makakita sa amin.
He tightened his grip on my arm while looking at me and reluctantly let it go after. He didn't say anything, instead he went inside his room and shut the door.
Napailing na lang ako at saka dumiretso sa kwarto ko habang hawak ang parte ng braso ko na hinawakan ni Jahann. Inilapag ko amg gamit ko at mabilis na nagpalit ng damit bago bumaba upang puntahan si Nikolai.
Iniwasan kong mapatingin sa kwarto ni Jahann nang bumaba ako pero wala rin palang silbi ang pag-iwas ko nang makita kong nasa garden si Jahann.
Natigilan ako sa paghakbang nang maalala kong nasa garden din si Nikolai.
Mabilis akong naglakad papalabas upang puntahan sila at naabutan kong natutulog si Nikolai sa maliit na tulugan na binili ni Mommy sa kanya. Magkausap si Mommy at si Jahann nang lumapit ako sa kinalalagyan ni Nikolai.
"Bakit naman di ka nagsabi na uuwi ka na?" narinig kong sabi ni Mommy kay Jahann. Nakita ko rin ang maid na naglalabas ng merienda.
Nagkibit-balikat si Jahann. "Where's dad?" tanong nito sa halip na sagutin si Mommy.
"He's still in the office pero tatawagan ko siya agad para umuwi siya. He needs to go home right now. Pati si Alyanna." Mom dialed someone on her phone.
Nakaupo lang ako sa gilid habang hawak ang kamay ni Nikolai. Jahann looked at me. Agad akong bumaling ng tingin sa iba.
"Mom, they'll go home later. You don't have to make this a big deal." Kaswal na umupo si Jahann sa may tabi ko. "How old is he?" tanong niya habang nakatingin kay Nikolai.
"H-ha?" Natigilan ako nang hawakan ni Jahann ang kamay ni Nikolai na hawak ko, dahilan para mahawakan nita rin ang kamay ko. Nakita ko rin ang paggalaw ng Adam's apple niya. Nilalaro-laro nito ang maliit na mga daliri ni Nikolai.
"Love, Jahann's home and I want you to be here in 30 minutes. No buts."
Sabay kaming napalingon ni Jahann nang magsalita si Mommy. Mukha namang may sinasabi pa si Daddy sa kabilang linya pero pumasok sa loob ng bahay si Mommy kaya hindi na namin narinig pa ang sinabi nito. Jahann shook his head and looked at Nikolai again.
"Aly kept sending me pictures of him..." he said, almost a whisper.
"Jahann..."
"I didn't know you're a sadist, Cherinna. You named your kid after me," he was just staring at Nikolai's hand.
Napatuwid ako ng upo. Gusto kong linawin na kung ako lang, ayoko na isunod sa pangalan niya ang pangalan ng anak ko. Alam kong unfair pero sa isip ni Jahann, iba ang ama ni Nikolai. Malaking sampal sa kanya na ipinangalan pa sa kanya ang pangalan ng anak ko.
Marahan niyang binitiwan ang kamay ni Nikolai at tumikhim. Sumandal ito at ipinikit ang mga mata. Hindi ko napigilang pagmasdan siya habang nakapikit.
Nasa tabi ko lang siya pero pakiwari ko'y napakalayo niya sa akin. Para bang hindi ko na siya maabot, mahawakan...
"Staring is rude. Hanggang ngayon ba gawain mo yan?" ani Jahann bago dumilat at tumingin sa akin.
"No," iling kong sagot. "I... I was just..."
"Nevermind. Kahit naman tumitig ka, wala namang magbabago." Pagkatapos ay tumayo na ito at pumasok sa bahay.
Pabagsak kong isinandal ang sarili sa upuan. Bakit ba lagi na lang akong nagmumukhang tanga sa harap ni Jahann? Lagi akong walang maisagot sa kanya. Lagi na lang sa kanya ang last words.
Napagawi ang tingin ko kay Nikolai nang gumalaw ito. Marahan kong hinaplos ang buhok nito at saka ngumiti. Alam kong magiging unfair din ako kay Nikolai na hindi niya malalaman kung sino ba ang tatay niya talaga pero ano bang mapapagpilian ko?
Kung sana nga ay hindi na lang kami naging magkapatid na dalawa, baka sakaling wala ngang problema. Baka sakaling pwede pa.
Kinabukasan, maagang umalis si Jahann. Nag-aalmusal kami nang hanapin ito ni Daddy ngunit sinabi ng kasambahay na maagang gumayak paalis. As usual, mom said things about leaving again. Pakiramdam niya yata ay sa bawat pag-alis ni Jahann ng bahay ay hindi na ito babalik.
"Love, can we throw a welcome party for Jahann?" tanong ni Mommy habang kumakain. Tiyak na kung umiinom lang ako ay naibuga ko nang lahat ng iyon dahil alam na alam ko naman na ayaw ni Jahann ng ganoon.
"Ai, we can. But Jahann won't like it," sagot naman ni Daddy bago hinawakan ang kamay ni Mommy at pinisil.
"Mom, kapag ginawa mo 'yan, malamang hindi magpupunta yun si Jahann," sinundan ito ng tawa ni Aly bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"But, love, we should celebrate!" giit ni Mommy na tumingin pa sa akin na tila gustong tulungan ko siyang mapapayag si Daddy. Agad naman akong yumuko at kumain. Wala naman akong magagawa, sa totoo lang. At tama naman din si Aly, Jahann won't show up.
"Let's just have dinner outside, Ai. Don't bother yourself, okay?" Dad smiled at Mom and with a frowning face, my mom nodded.
Matapos kumain ay umakyat na akong muli sa kwarto at pinuntahan si Nikolai. Inulit kong muli kay Ate Mildred ang bilin ko na alam ko namang kabisado na niya. Gusto ko lang naman din na masiguradong maokay lang si Nikolai habang wala ako.
"Ate Mildred, ha? Tawagan mo ako kapag may problema. Uuwi ako agad," ngumiti ako sa babae bago yumuko para hagkan sa ulo ang anak ko.
Nauna nang umalis si Aly sa akin dahil mas maaga ang klase niya, maging si Mommy ay umalis dahil magkikita sila ni Lola ngayong araw.
Habang lulan ng taxi ay di ko sinasadyang maalala ang narinig ko sa kwarto ni Jahann kahapon.
Mukha siyang masaya habang kausap ang tinatawag niyang "Ai". Hindi naman ako tanga para hindi maisip na love ang ibig sabihin ng Ai. Siguro nga ay talagang masaya na si Jahann ngayon.
Gustong-gusto kong maging masaya para sa kanya pero sa kabila ng pakiramdam na iyon, may sakit akong nararamdaman.
Pagdating sa eskwelahan ay inabala ko ang sarili ko sa mga dapat gawin para wala akong isipin na kung ano pa man. Ni anino naman ng mga pinsan ko o ni Aly ay hindi ko nakita kaya naman naging tahimik ang araw ko.
Pinili kong manatili sa may bleachers malapit sa may parking nang may free time ako para na rin magbasa mg hand outs namin. Tumawag din ako sa bahay para alamin kung anong lagay ni Nikolai.
"Hi! Can I sit here?"
Agad akong nag-angat ng tingin nang may babaeng lumapit at umupo sa tabi ko.
"Uhh?" How can I say no kung umupo naman na siya? "It's okay." Tipid kong sagot bago muling nagbasa mula sa papel na hawak ko.
Hindi naman nagsasalita ang babae sa tabi ko pero ramdam ko ang paglinga-linga niya sa paligid. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
"Are you looking for something?" tanong ko rito. Nakasuot ng cap ang babae at nakalugay ang itim na itim na buhok. May maliit itong backpack na nasa kandungan habang nakasuot ng puting blouse at itim na pants. She's also wearing a black and white sneakers.
Ngumiti siya sa akin bago tumango. "Actually, I am looking for someone," sumandal siya bago muling luminga. "Lahat kasi ng napagtatanungan ko, hindi naman ako sinasagot ng matino." Sumimangot ang babae at niyakap ang maliit na bag niya. She looked at me and smiled. "Maybe you can help me!"
"Ha? Uhm..." wala pa naman akong klase pero hindi ko naman kasi alam kung kilala ko ba ang hahanapin niya. Pwede akong magpatulong kay Kol para may mautusan si Kol kung sakali man pero makakaabala pa ako dun sa tao.
"Please? Sige na..."
There was something about her that is making me say yes and nod my head. Hindi ko alam kung ano. It's like something I feel towards Alyanna.
Marahan akong tumango. "Okay, I'll help you."
"Thank you!" she smiled happily. Tumayo na ito at hinila ang kamay ko. "Let's go?"
"Sandali lang," binawi ko ang kamay ko para ayusin ang gamit ko.
"Ang alam ko nandito kasi siya, eh. Hindi ko kasi siya tinatawagan para masurprise ko siya," narinig kong sabi niya. Tumayo na rin ako nang maayos ko ang lahat ng gamit ko.
"By the way, I'm Airi," inilahad niya ang palad sa akin.
"Cherinna," tipid kong sagot nang tanggapin ang pakikipagkamay niya. Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako kay Airi.
Tumingin siya sa akin na para bang may sinabi akong kakaiba. "Your name is familiar. Di ko lang alam kung saan ko ba narinig. Hmm..."
"Hindi lang naman siguro ako ang may pangalamg Cherinna," sagot ko sa kanya bago nagsimulang maglakad. "The one you're looking for, student ba siya rito?" tanong ko sa halip.
"No. But he told me he'll be here lang naman, eh." Kasabay kong naglalakad si Airi habang papunta sa building kung saan nandoon si Kol. Bahala ng maistorbo si Kol. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin, eh.
Tumango-tango ako. Maybe a staff or something...
"Ano bang pangalan ng hinahanap mo?" tanong ko sa kanya matapos kunin ang phone ko para magtext kay Kol na papunta ako sa kanya.
"Jahann Anderson."
Napatigil ako sa paglalakad ng banggitin ni Airi ang pangalan ni Jahann. Lumingon ako sa kanya. "Si Jahann?"
Tumingin siya sa akin at tumango habang nakangiti. "You know him?"
Tila may nagkakarerahan sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya.
So, she's the one?
Marahan akong tumango. Pakiramdam ko ay nanlalambot na naman ang mga tuhod ko.
"Talaga? That's great! Di na tayo mahihirapang hanapin siya." Malaki pa rin ang pagkakangiti sa mukha niya.
Nag-iwas ako ng tingin bago pinuno ng hangin ang dibdib. "Uhm, I'll just make a call..." paalam ko sa kanya bago humakbang papalayo at hindi na hinintay ang sagot niya.
Mabilis kong tinawagan si Kol at di ko mapigilan mapapadyak nang matagal ito sa pagsagot.
"Hel--"
"Kol..."
"What's wrong, Cherinna?" he asked me.
Nilingon ko si Airi na nakatayo habang hinihintay ako.
I let out a deep sigh. "I saw her..."
"Who? What are you talking about?" tanong na muli ni Kol sa akin.
"Kol, we need your attention here," I heard Jahann's voice.
"What's wrong, Cherinna?" sabi ni Kol na tila hindi pinansin ang sinabi ni Jahann.
"He's with you?" I asked the obvious.
"Yes."
"Kol, focus here," muling sabi ni Jahann kay Kol.
"There's someone here looking for him. Her name is Airi. Pakisabi na lang nasa may parking siya. Bye." ibinaba ko na ang tawag pagkatapos. Muli kong sinulyapan si Airi habang may kinakalikot ito sa phone nito.
She's pretty. Hindi siya yung tipo ng maganda na nakakasawa. Siya yung maganda na lalo pang gumaganda kapag tinitignan.
Naglakad ako papalapit sa kanya. "He'll be here any moment now," ani ko sa babae.
Ngumiti naman ito. "Talaga? You know him ba?" tanong niya at tanging tango ang isinagot ko. Inaya ko na lang itong maupo habang naghihintay.
Sigurado naman akong di na makapaghintay si Jahann na makita si Airi.
Wala pang halos limang minuto ang lumilipas nang makita ko na si Jahann at Kol na papalapit sa amin.
As expected.
Hindi ko naman din maintindihan ang sarili ko kung bakit ba sinamahan ko pa si Airi na maghintay. Siya lang naman ang may hinihintay at hindi ako.
"Jahann!" agad na tumayo si Airi at lumapit sa lalaki. Agad itong niyakap ni Airi at gumanti naman si Jahann ng yakap habang nakatingin sa akin.
Si Kol ay dumiretso ng lakad papunta sa akin. Hindi ito agad nagsalita pero alam ko naman na alam niyang di ako okay.
"Don't you have class now?" tanong ni Kol sa halip.
"Mamaya pa," sagot ko sa kanya.
He smiled a little when he looked ay Jahann and Airi.
"Nothing's funny, Kol." I rolled my eyes.
"Cheer up," inakbayan ako ni Kol nang papalapit na sila Jahann at Airi sa amin.
"Cherinna, I didn't know you are his sister! Kaya pala pamilyar ang pangalan mo, eh," nakangiting sabi ni Airi sa akin. Tipid lang akong ngumiti.
"This is Kol, my cousin," pakilala ni Jahann kay Kol na napatingin sa kamay nitong nasa balikat ko.
"Hello, Kol," magiliw na sabi ni Airi sa katabi ko.
"Hi, Airi," sagot naman ni Kol sa babae bago lumingon sa akin. "Hatid na kita sa klase mo," kinuha nito ang gamit kong nasa may kandungan ko at inalalayan akong tumayo.
Kunot-noo akong nakatingin kay Kol pero di naman na ako nagprotesta. Hindi naman din kasi ako kailangan sa eksenang nangyayari.
"Cherinna, are you free later? Let's eat? Treat ko," sabi ni Airi nang nagpaalam na ako.
"She's not. May lakad kami," si Kol ang nagsalita. Napatingin ako sa kanya. Wala naman akong natatandaang lakad dahil uuwi ako agad pagtapos ng klase ko.
"I thought you'll go straight home later?" tanong ni Jahann sa akin.
"Uhh..."
"You have nothing to worry about, she'll be with me," seryosong sabi ni Kol habang hawak ang braso ko.
"Is there a problem?" tanong ni Airi kay Jahann. "Pinsan mo naman siya, diba? So, it's okay, right?"
Jahann looked at me before turning his face to Airi and smiled. "Of course it is. I actually don't care if she'll be with whoever she wants to be with. Let's go, Ai?" aya ni Jahann dito bago hinawakan ang braso ni Airi at nauna pang maglakad kaysa sa amin ni Kol. Lumingon si Airi para kumaway at tumango na lang ako at si Kol sa babae.
"Still the same old Jahann."
"What?" tumingin ako kay Kol pero umiling lang siya. Sa halip ay inaya na niya akong maglakad.
"Don't think about what he said," sabi ni Kol nang maihatid na niya ako sa room ko. Hindi naman ako kumibo.
Marahil ay totoo naman ang sinabi ni Jahann. Wala siyang pakialam kung sinuman ang kasama ko dahil masaya naman na siya. Kinakailangan kong masaktan para lang maging masaya siya.
If she's his happiness, who am I to stand on his way?