Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 6

PAGTAPOS ng klase ko ay dumiretso na ako na umuwi ng bahay. Wala naman kasi kaming usapan talaga ni Kol at alam ko namang pupunta siya ng Summer's pagtapos ng klase niya. Ganoon naman na ang routine ni Kol dahil pinamamahalaan niya rin ang Summer's. Tito Hunter trusted him with that already, at hindi naman naiinggit si Keij sa kakambal. Mas okay nga raw na si Kol ang nandoon dahil ayaw naman ni Keij na nakakulong sa opisina.

Sakto namang tulog si Nikolai nang makauwi ako kaya may oras pa akong magluto na muna ng hapunan. Kung wala naman din kasi akong ginagawa, tumutulong ako sa tagapag-luto namin o di kaya ay ako mismo ang nagluluto. Lalo na nung bakasyon, ako na lagi ang nagluluto at para na rin kasing paraan ko iyon para makabawi kay Mommy.

"Oh, Cherinna, magpahinga ka na muna. May gusto ka bang kainin?" tanong ni Manang sa akin pagpasok ko sa kusina. Ngumiti ako at umiling. "Hindi pa naman po ako gutom," sagot ko matapos baybayin ang daan papunta sa refrigerator. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang loob. Nag-iisip kung ano ba ang pwede kong lutuin ngayon.

"Mag-iihaw kayo, Manang?" tanong ko nang makita na may naka-marinate na karne sa loob.

"Oo, ineng. Paano'y request ni Jahann kaya iyon ang ihahanda ko mamaya," sagot naman nito sa akin hahang sumisimsim sa kapeng nasa harap nito. Tumango-tango naman ako.

Nagrequest siya ng ulam, sa labas naman siya kakain kasama si Airi.

"Ikaw, may gusto ka bang kainin? Idadagdag ko sa lulutuin mamaya," tanong sa akin ni Manang. Umiling naman ako. Hindi naman ako pihikan sa pagkain, maging nung ipinagbubuntis ko si Nikolai, hindi ako mapili sa pagkain. Late na nga nung nagustuhan kong kumakain lagi ng red velvet cupcakes.

"Can I help, Manang?" tanong ko sa halip. Wala naman akong assignments na kailangan asikasuhin at tulog pa si Nikolai.

"Ano ka ba namang bata ka, kaya na namin ito. Magpahinga ka na lang at nangingitim yang paligid ng mga mata mo, oh," sabay turo ng matanda sa mata ko. Napangiti naman ako. "Okay lang naman ako, Manang. Si Mommy po pala, wala pa ba?" tanong ko.

"Wala pa. Alam mo naman ang mommy mo kapag kasama ang lola mo, para pa ring bata. Palibhasa'y nag-iisang prinsesa pa ng mga Dela Cruz noon," nangingiting sagot ni Manang. Tumango naman ako rito.

"Tulungan ko na po kayo sa pagluluto, Manang, ha? Wala naman akong kailangan tapusin sa school, eh," pagpiprisinta ko. Bakas sa mukha ni Manang ang kagustuhang tumutol pero wala naman din siyang nagawa kundi ang tumango sa akin at pumayag.

Inabala ko naman ang sarili sa pagtulong kina Manang. Nagprisinta akong ako na ang mag-iihaw pero hindi naman pumayag ang matanda kaya naisipan ko na lamang gumawa ng salad para sa dessert mamaya.

Hindi ko mapigilang madismaya kay Jahann. For sure mom is looking forward for tonight's dinner. Kagabi kasi'y di naman kami nagkasabay-sabay sa pagkain dahil tulog si Jahann at sinabihan ni Daddy ang kasambahay na wag na itong gisingin para makapagpahinga ito.

Alam ko naman na sobrang saya ni Mommy sa pagdating ni Jahann. Lahat naman yata ay hinihintay na bumalik siya. Nandito na nga siya, iba naman ang kasama.

"Mas mahalaga siya, eh," anas ko habang hinahalo ng maigi ang salad.

"May sinasabi ka, hija?" tanong ni Manang na naghihiwa ng sangkap sa lulutuin nito.

Napatingin naman ako at napayuko. Hindi ko alam na napalakas ang pagsasalita ko. Ang buong akala ko ay sa isip ko lamang iyon. "Wala po," ani ko bago ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa.

Maybe I should text Alyanna to ask her to buy a cake. For sure mom will be disappointed. Simula kasi nang nangyari ang tungkol sa akin, ayoko nang nadidismaya si Mommy, eh.

Sakto naman ding natapos ako sa ginagawa ko nang bumaba si Ate Mildred kasama si Niko. Napangiti ako nang makitang maganda ang gising nito. Sinenyasan ko si Ate Mildred na dalhin si Nikolai sa may sala at ilalagay ko pa sa ref ang ginawa ko.

Siniguro ko naman ding malinis ang mga kamay ko bago nagtungo sa sala para puntahan si Nikolai. Agad namang itinaas ng anak ko ang mga kamay niya na para bang sinasabing kunin ko siya.

"Missed me, baby?" tanong ko habang nakangiti bago tumabi kay Ate Mildred para kunin si Nikolai. Umusal ako ng mahinang pasasalamat sa babae nang maipasa niya sa akin ang anak ko.

"Are you hungry?" tanong ko kay Nikolai habang hinahalik-halikan ang pisngi nito. Wala namang paglagyan ang saya sa puso ko habang naririnig ang cute na cute na paghalakhak nito.

"Timplahan ko siya ng gatas niya," ani Ate Mildred na akmang tatayo. Agad ko naman itong napigilan. "Hindi na po. May gatas pa rin naman ako. Besides, he still need to feed from me," nakangiti kong sabi sa kanya na ikinatango naman ng babae.

Usually ay sa kwarto ako nagbbreastfeed kay Nikolai pero dahil wala namang tao sa bahay ay wala namang kaso kung nasa may sala kami. Isa pa ay hindi naman hantad na hantad ang dibdib ko kaya wala ring problema.

"Kukuha lang ako ng pantakip," ani Ate Mildred sa akin bago tumayo at tinungo ang kwarto ko.

Tahimik ko namang pinagmamasdan si Nikolai habang dumedede. Hindi ko napigilang mapangiti. Mag-iiba ka rin talaga kapag naging isa kang ina. Ngayon, mas uunahin ko na si Nikolai kaysa sa ibang bagay.

Dad told me to enjoy my youth pa rin. Lumabas pa rin daw ako at sumama sa mga pinsan ko at mag-unwind. May mag-aalaga naman kay Nikolai kaya okay lang, pero hindi ko rin tuluyang magawa dahil kung papipiliin ako, mas nanaisin ko namang sa bahay lang kasama ang anak ko kaysa lumabas pa ako.

Ilang saglit pa'y nakita ko na mahimbing nang natutulog si Nikolai. Ngumiti ako habang mabining hinahaplos-haplos ang pisngi nito.

"Oh."

Agad akong napalingon nang may narinig akong pag-anas. Nakita kong nakatayo si Airi sa may pinto at nasa likod nito si Jahann na nakatingin din sa akin.

Agad na nag-iwas ng mukha si Jahann na namumula ang mukha. Marahil ay dahil sa init sa labas.

"May baby ka na pala, Cherinna?" ani Airi na tumuloy na ng lakad papasok ng bahay.

Inayos ko naman ang sarili at marahang ibinaba si Nikolai sa higaan nito. May kung ano sa loob ko na gustong kastiguhin si Jahann kung bakit niya ba kasama ang babaeng ito rito sa bahay pero alam ko na wala akong karapatan na gawin iyon. This is also his house.

Huminga ako ng malalim bago hinarap si Airi at marahang tumango. "Yeah. This is Nikolai, my son..." halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Nikolai? That's cute! Diba, Nikolai ka rin, Jahann?" magiliw na sabi ni Airi bago yumuko at pinagmasdan ang anak ko.

I looked at her and there was that feeling again. Yung pakiramdam na parang kahit na dapat akong mainis sa kanya, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit.

"Yeah," malamig na sabi ni Jahann bago tumingin sa akin. "Why are you breastfeeding here? Paano kung may ibang dumating at nakita ka?" tanong niya habang nakatutok ang mga mata sa akin.

Napalingon naman si Airi sa binata at kumunot ang noo. "Hey, calm down. Kanina ka pa mainit ang ulo," ani Airi bago hinawakan ang braso ni Jahann.

Kumuyom ang kamao ko habang nakatingin kay Jahann. "What's so wrong with breastfeeding Nikolai here? Nagugutom yung anak ko, wala naman ding tao, anong masama sa ginawa ko?" balik na tanong ko sa kanya.

As much as I wanted to understand him, nahihirapan din naman ako. Naghahalo-halo ang emosyon ko. Gusto kong sabihin ang totoo, pero di pwede. Gusto ko siyang hayaan pero masakit. Tapos lahat na lang ng gagawin ko, pupunahin niya.

"What's so wrong? Paano nga kung may ibang makakita sa'yo, don't you get my point?" inis na sabi ni Jahann na di man lang pinansin si Airi na nasa tabi nito.

"Eh, ano ba sa'yo kung makita ng iba?" hindi ko napigilang sabihin. Natigilan si Jahann dahil sa mga salitang namutawi sa akin. Tinignan lang niya ako na para bang ang dami niya pang gustong sabihin pero pinili niya na lang na huwag magsalita.

"Jahann..." aning muli ni Airi. Nahagip pa ng mga mata ko ang marahan nitong pagpisil sa braso ni Jahann na tila sinasabihan nito ang lalaki na kumalma.

Binawi ni Jahann ang tingin mula sa akin at hinarap si Airi. "Let's go," yakag nito sa babae at nauna nang maglakad papunta sa itaas.

Tinignan naman ako ni Airi at hinawakan ang kamay ko. "Kanina pa naman siya mainit ang ulo. Wag mo na lang siyang intindihin. Kahit sa New York, ganyan na siya," sabi niya sa akin.

"Airi." Tawag ni Jahann sa kanya kung kaya naman ay nagpaalam na ang babae sa akin at sumunod sa itaas kay Jahann. Kung sa kwarto man ni Jahann sila nagpunta ay wala na akong balak na isipin pa.

Hindi ko na maintindihan si Jahann. Kahit naman dati pa, hindi ko na siya maintindihan pero para kasing mas lalo ngayon. It was as if okay na okay lang sa kanya na masaktan ako sa lahat ng ginagawa niya.

Alam ko wala akong karapatang magreklamo dahil ko yung di lumaban, ako yung sumuko, pero may dahilan ako. Hindi man maging valid para sa lahat ang dahilan ko, valid yun para sa akin.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago nilingon si Nikolai. "Don't be like him, okay?" mahinang sabi ko sa batang natutulog. Nang bumaba na si Ate Mildred ay nagpatulong naman na ako rito na iakyat sa kwarto si Nikolai para na rin maiwasan ko na muna na makita si Jahann.

Marahil ay dahil sa puyat at pagod, hindi ko namalayang nakaidlip na rin ako hanggang sa gisingin ako ni Ate Mildred dahil ipinapatawag na ako ni Mommy para sa hapunan. Mabilis akong nag-ayos ng damit at naghilamos bago bumaba sa komedor. Si Nikolai naman ay naabutan kong nasa sala at pinapakain ni Ate Mildred.

Nakita kong nakaupo si Airi sa upuan ko kaya naman bahagya akong natigilan.

"Cherinna, take your seat," ani Daddy sa akin kaya naman umupo na lang ako sa kaibayong silya. Hindi ko alam na naroon pa rin si Airi.

"So, Jahann, di mo ba ipapakilala ng maayos si Airi?" may himig pang-aasar na tanong ni Alyanna rito. Hindi naman ako kumikibo. Kung maaari nga lamang ay kakain na ako ng mabilis at aalis na.

Jahann sneered at Alyanna before looking at Airi. "She's Airi Alcantara," pabalewalang sabi ni Jahann.

Napatingin naman si Mommy kay Daddy. "Alcantara?"

Tumuwid ang likod ni Daddy bago tumingin kay Airi. "Are you related to Hugh Alcantara?" tanong nito. Napakunot naman ang noo ko at ni Alyanna habang nakatingin kay Daddy. Who's Hugh Alcantara?

Airi smiled and nodded. "Yes po. He's my father," magalang na sagot ng babae.

Si Mommy naman ay di napigilang matawa. "What a small world, love," sabi nito habang nakatingin kay Daddy.

Inismiran naman ito ni Daddy.

"Uhm, if you don't mind me asking po, paano niyo pong kilala ang Daddy ko?" tanong ni Airi.

Nagsimula naman na akong kumain dahil gusto ko nang umalis sa mesang iyon lalo pa't katapat ko si Jahann.

"She's your mom's--"

"Friend," agad na sabi ni Mommy habang nakangiti. "He was just a friend, love," dagdag pa nito.

"If you say so," Daddy shrugged and continued eating.

"Paano kayo nagkakilala ni Jahann?" tanong ni Mommy habang kumakain. "It's been a long time since I last saw your dad, kamusta na siya?" dagdag nito bago pa man masagot ni Airi ang unang tanong.

"I'm really curious kung sino si Hugh Alcantara," singit naman ni Alyanna.

Kahit ako ay napapaisip kung sino ito. Base sa ikinilos ni Daddy, he must be someone from Mom's past. Pero si Tito Lance lang naman ang kilala namin na naging malapit kay Mommy.

"My mom and I went to New York to look after my auntie po, then, I met Jahann in a coffee shop," she looked at Jahann and smiled.

Para namang biglang nawalan ng lasa ang kinakain ko.

"Then we became friends, that's it," si Jahann na ang tumapos sa kwento nito. Napangiti na lamang si Airi at tumango.

"Now I know why it's so hard to convince Jahann to go home," ani Mommy na halatang giliw na giliw kay Airi.

Pinilit ko namang magfocus sa pagkain habang lahat sila ay abala sa pagkukuwentuhan. Madalas na si Mommy, si Alyanna at Airi ang nagsasalita. Panaka-naka naman ang pagsali ni Daddy at maging ni Jahann pero ako, mas pinili kong tumahimik na lamang.

Laking pasasalamat ko na lamang ng matapos na ang hapunan. Tumutulong ako sa pag-uurong ng pinagkainan nang tawagin ako ng isang kasambahay.

"Ma'am, pinapatawag po kasi kayo ng mommy niyo sa living room," magalang na sabi nito sa akin. Tinanguan ko naman ito at agad na naghugas ng kamay bago lumabas.

"You're looking for me, Mom?" agad kong sabi nang makita kong nasa sala nga silang lahat. Magkatabi si Mommy at Daddy, sa isang mahabang couch naman ay magkatabi si Airi at Jahann. Nasa pang-isahang silya naman si Alyanna.

"You should be here, minsan lang may dalang bisita ang kapatid mo, eh," ani Mommy na minuwestra pa sa akin na maupo na. Agad akong napatingin sa bakanteng espasyo na nasa tabi ni Jahann.

Hindi ko na mawari kung isinumpa na ba ako o ano. Naglakad ako papalapit kay Jahann pero lumagpas ako at naupo sa armrest ng inuupan ni Alyanna. Ipinatong naman nito ang braso sa may hita ko.

Nakita ko naman na nakatingin si Daddy sa akin. Wala naman itong sinabi.

"So, Airi, you're planning to stay here for good?" si Mommy ang nagtanong sa babae. Agad naman itong ngumiti bago sumagot. "I actually don't know po, Tita. That depends on Mom and Dad kasi, eh. My Auntie's still in New York po, Dad hired someone to look after her lang for the mean time."

Tumango-tango si Mommy. "Your dad is actually a great guy," she said while smiling.

"Really?" Dad asked Mom.

Natawa naman si Alyanna na nag-angat ng tingin sa akin. "I think her father is Mom's ex," bulong nito sa akin. Agad ko naman itong sinaway.

"How do you know her father, Mom?" Jahann asked Mommy. Sumandal ito habang nakatingin kay Mommy bago lumipat ang tingin kay Daddy.

"We met in college, we became friends," sagot ni Mommy.

Nakita kong bahagyang napangiti si Daddy na para bang sinasabing kulang ang kwento ni Mommy.

Maya-maya pa ay kung ano-ano na ang pinag-uusapan nila hanggang sa biglang naghanap si Alyanna ng ice cream. Sinabi ko na salad ang meron sa ref at wala akong nakitang ice cream pero pilit pa rin niyang sinasabi na gusto niya ng ice cream.

"Wala na yata. I'll just go buy something, what do you want?" tanong ko sa kakambal ko.

"No, Cherinna, magpabili na lang sa driver," ani Mommy sa akin.

"May bibilhin din kasi ako, Mommy, kaya sasama na lang akong lumabas," tugon ko. Kung pagkakataon ko na 'yun na lumabas ay hindi ko na papakawalan pa lalo't tila parang gusto kong huminga.

"I'll go with you," biglang sabi ni Jahann nang makatayo na ako.

"H-ha?" napatingin ako sa kanya. Tama ba ako ng narinig o ano? "Hindi n--"

"That's much better," putol ni Mommy sa sinasabi ko. Agad akong napalingon sa kanya. Tila gusto kong magprotesta pa nang magsalita si Airi.

"Uuwi na po ako, Tito, Tita. Gabi na rin po kasi, eh," ani Airi na tumayo na rin.

"Jahann, hatid mo na si Airi tapos pagbalik niyo na lang kayo ni Twin bumili ng ice cream," sabi naman ni Alyanna.

Parang mas gusto ko na lang manahimik sa kwarto ko dahil sa nangyari. I wanted to breathe, pero kung sasama lang din naman ako kay Jahann at Airi, para ko naman ding pinatay ang sarili ko sa nangyayari.

"Sure," sagot ni Jahann bago nagpaalam para kunin ang susi ng kotse niya. Para namang gusto kong sabihan si Alyanna na mag-salad na lang at wag nang maghanap ng wala.

Wala rin akong nagawa nang magpaalam na ai Airi sa mga magulang ko. Mom told her she'a welcome to drop by anytime. Halatang nagustuhan ni Mommy si Airi, maging si Daddy ay mukhang at ease rin sa babae.

Agad akong pumasok sa likod ng sasakyan dahil alam ko namang sa harap uupo si Airi.

"Ibaba mo na lang ako sa may convenience store, I'll take the cab para makabili na kayo," sabi ni Airi kay Jahann.

"It's okay, ihahatid kita sa inyo," sagot ni Jahann bago tumingin sa rear view mirror.

Huminga ako ng malalim.

Alam ko naman na wala na akong posisyon sa buhay niya. Alam ko na kung nasasaktan man ako ngayon, wala na lang yon sa kanya. Masakit na parang okay lang sa kanya na nasasaktan ako pero ganon na ang mga bagay ngayon. I am no longer the person he will protect at all cost.

Tahimik lang ako sa biyahe habang nagkukuwentuhan sila. Kahit pa mali, ipinikit ko ang mga mata at nagpanggap na tulog habang bumibiyahe kami. I can't stand seeing them.

I can't stand seeing him happy with someone else, pero alam kong kailangan kong tiisin. Kailangan kong kayanin.

"We're here," sabi ni Airi. Napadilat ako at nakita kong nakahinto kami sa tapat ng malaking gate. "Thank you sa paghatid, Jahann. I really enjoyed this day," nakangiting sabi nito. She looked at me and smiled. "Gising ka na pala. Sorry, ha? Pero nag-enjoy din ako, Cherinna. It's nice meeting you."

Tipid lang akong ngumiti. Lumabas ng sasakyan si Jahann at pinagbuksan si Airi. Nanatili lamang ako sa loob ng sasakyan habang may pinag-uusapan pa silang dalawa.

Is he that numb?

O wala lang talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko?

Nag-iwas ako ng tingin at napabalikwas ako nang buksan ni Jahann ang pinto sa likod. "Lumipat ka sa harap," utas nito habang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako umimik pero lumabas ako ng sasakyan at lumipat sa harap. Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Jahann at nakatingin sa labas.

Ayokong magsalita dahil di ko naman alam kung ano bang pwede kong sabihin sa kanya. Ayokong magsalita dahil natatakot ako na baka kapag nagsimula ako, hindi ko makontrol at lahat ng bagay na di ko dapat sabihin ay masabi ko. Ayokong magsalita dahil wala namang magbabago. Walang magbabago sa aming dalawa.

"Are you okay?" tanong niya sa akin na ikinalingon ko.

Tumango ako bago sumagot. "I am."

Hindi naman na ito nagsalita hanggang sa makarating kami sa convenience store. Ibinukas ko na ang pinto nang makarating kami dahil alam ko na hindi naman niya ako ipagbubukas mg pinto.

Hindi ako si Airi.

Akmang lalakad na ako papasok nang pigilan niya ako at ipalupot ang manggas ng jacket sa bewang ko.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya.

"You are wearing short shorts, what do you think I am doing?" balik na tanong nito sa akin.

"And so?" Kanina pa naman ganito ng suot ko, anong problema niya?

"Just wear it, let's go," hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok sa loob. Habang bumibili ako ay di nawawala sa tabi ko si Jahann.

"Ano bang problema mo?" tanong ko habang nasa cashier na kami at magbabayad. Agad namang naglabas ng cash si Jahann.

"Yung suot mo," nakasimangot na sagot nito.

"Anong mali sa suot ko?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi sumagot si Jahann. Sa halip, matapos maibalot ang pinamili namin ay hinawakan na niya ako at lumabas na sa tindahan.

"What's wrong with you?" tanong ko kay Jahann habang papunta sa sasakyan.

He stopped and looked at me. "Just get inside the car."

"No. Not until you tell me what is wrong," sabi ko sa kanya.

"Get inside the car or I'll leave you here?" pagbabanta niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi ako kumibo habang nakatingin sa kanya.

Kaya ba talaga niya akong iwan?

"Umuwi ka na magtataxi na lang ako pauwi," sabi ko bago naglakad papalayo kay Jahann. He uttered a curse before following me. Hinawakan niya ang braso ko at hinila.

"I'm sorry, okay?" he let out a sigh. "Let's go home. Don't ask me what's wrong, because this world is so fucked up that everything feels wrong," seryosong sabi niya.

Iginiya niya ako papasok sa sasakyan.

Hindi ako kumibo nang muli niyang paandarin ito.

Everything feels so wrong... but why do I feel like everything will be fine whenever you are holding me? I feel like I'll be fine as long as you are with me?

Bakit hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita?

Tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti ng malungkot.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.