Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 7

TAHIMIK lang ako na nakaupo sa labas ng Sweet Desire habang pinagmamasdan ang mga kasama ko na nag-uusap para sa celebration bukas. May mga nag-aayos na ng set-up para sa event at marami rin ang tao sa loob para na rin bumili ng SD products nang sa gayon ay magkaroon sila ng tsansa na manalo sa raffle.

Napangiti ako nang makita ang flyers na nasa lamesa. Nakalagay doon ang mukha nina Kuya Cloud, Kuya Kiro, Theon, Enzo, Keij, Ian, Kevyn, Kol at Jahann. Si Alyanna at Lean ang nagpagawa ng flyers maging ng tarpaulin na nakasabit sa gilid ng SD kung saan naroon ang mga mukha ng mga ito. They already asked them to take it down, pero sadyang wala silang nagawa sa pagtutulungan ni Alyanna at Lean.

Everything's already set. May ininvite na rin para magperform bukas ng gabi para sa celebration galing sa network ni Daddy. Lahat naman din ng kailangan ay nafollow-up ko na kaya siguro naman ay walang magiging problema.

"Airi! Pilitin mo nga si Jahann na kumanta bukas!"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Alyanna. Kasama namin si Airi ngayon at hindi ko maikakailang magaan ang loob ng lahat sa kanya. Lahat ay kasundo niya at wala akong nakikitang problema. Simula naman din kasi ng dumating siya, halos lagi na siyang sumasama sa mga lakad.

"I'm not going to sing. Stop pestering me," masungit na sabi ni Jahann bago umupo sa may silyang kaharap ng kinauupuan ko.

"Ang daya mo naman kasi, napakadamot mo sa talent mo, alam mo 'yun?" irap ni Alyanna bago ikinawit sa braso ni Airi ang sariling braso. "Di ko papalapitin si Airi sa'yo, bahala ka diyan," dagdag pa nito bago hinila si Airi patungo sa kabilang lamesa.

"Where's Ian?" tanong ni Kol nang maupo ito sa tabi ko at iniakbay ang kamay sa kinauupuan ko. Nakita ko naman ang pagtingin ni Jahann sa ginawa ni Kol pero agad dito itong nagbaba ng tingin sa phone nito habang kunot ang noo.

"He's with Kevyn and Ate Caryl. May shoot pa yata ngayon, eh, pinapatapos na ni Kevyn para free siya bukas," sagot ko naman dito. Kung tutuusin ay nakapila ang trabaho ni Kevyn bukas pero lahat iyon ay pinareschedule nito. Tuwang-tuwa naman si Lean dahil pumayag si Kevyn para sa event bukas.

"Are you okay? Have you had your lunch already?" tinignan nito ang pambisig na relo. Lagpas na alas-tres ng hapon. Umiling ako. "Nag-almusal ako, pero hindi na ako nakapaglunch. Pagkatapos kasi ng klase ko, I went straight here to check on things. This is actually my lunch," natatawa kong sabi sa kanya bago itinuro ang caramel cake slice sa may lamesa.

"You should eat more," ani Kol bago sinipat ang mukha ko na tila naghahanap ng mapupuna. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kumakain naman ako, no."

"Kol..." untag ni Enzo na ikinalingon naming dalawa. Hindi ko napansin ang pagtayo ni Jahann mula sa kinauupuan nito. Nakita ko na lamang ito na nakasandal sa hood ng sasakyan ni Enzo at may kinakausap sa phone.

"What?" Kol asked him. Umayos ito ng upo bago kinuha ang cellphone mula sa bulsa.

"You know what," ismid na sagot ni Enzo. Nagkibit-balikat lang si Kol na hindi tumitingin sa pinsan nito bago nagsimulang tumipa sa telepono nito.

Hindi naman ako nagsalita. Hindi ko rin naman naiintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Enzo. Simula pa naman noon, parang nagkakaintindihan sila kahit nagtitinginan sila. It was like, they can send a message to each other by just looking.

"Cherinna, sure daw ba si Kevyn bukas talaga?" tanong ni Lean sa akin na umupo pa sa tabi ki. Dinampot nito ang inumin ni Enzo at sumimsim doon.

"Sa'yo na 'yan," ani Enzo. Nagkibit-balikat naman si Lean bago muling sumimsim at tumingin sa akin.

Tumango ako sa kanya at nakita kong mas namilog ang mga mata nito. Talagang crush na crush niya si Kevyn. Hindi na nga ako magtataka kung member na ito ng fans club ni Kevyn, eh. "Ian confirmed it to me already, besides, Dad made sure of it, too. Kinulit din nang kinulit ni Alyanna, eh," sagot ko sa kanya. Impit naman itong tumili tanda na kinilig ito. Enzo just scoffed and shook his head.

Ilang sandali pa ay muling abala na naman ang lahat para bukas. Kanina ay narinig kong may sinabi si Enzo na pupuntahan nila mamayang gabi. Alyanna joked that they will go to Cyan's to refresh, sinimangutan lamang ito ni Enzo.

"Sinong nagpadeliver, guys?" malakas na tanong ni Lean nang may dumating na delivery. Nagkatinginan naman kaming lahat at walang sumagot.

I saw Kol smiled.

"Ikaw?" tanong ko sa kanya. Umiling ito at sinulyapan si Jahann na nakaupo sa kabilang lamesa at nakayuko lang sa binabasa nito.

"Gago ka rin talaga," ani Enzo kay Kol. "Mas gago siya," sagot ni Kol.

"Pa-dinner na ba 'to? Ang dami, ah?" natatawang sabi ni Alyanna bago namahagi ng pagkain. "Kung sino man nagbigay, thank you!" dagdag pa nito bago kumunot ang noo. "Twin, bakit may special note for you?" itinaas nito ang isang paper bag bago lumapit sa akin at ibinigay iyon. Agad ko namang kinuha at tinignan ang laman.

Kumunot ang noo ko nang makitang ang daming pagkain ng sa akin kumpara sa iba. Parang pangdalawang tao at may chocolate pa.

"Oh my gosh, baka galing kay Ian 'to?" kinikilig na sabi ni Alyanna habang nakangiti. "In fairness sa kanya, ha. Natutuwa na ako ulit," sabi nito bago bumalik sa kabilang lamesa.

Sigurado akong hindi si Ian ang magpapadala ng pagkain dito. Una sa lahat, di ko pa siya nakakausap simula ng lunch kaya di nito alam na di pa ako kumakain.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Jahann.

Siya ba?

Nagbaba na lang ako ng tingin at pinagmasdan ang pagkain sa harap ko.

"Go, eat. Don't waste this asshole's effort," sabi ni Enzo bago nagsimulang kumain.

Kol shrugged before he started eating. Baka nga si Jahann, pero imposibleng ako ang dahilan.

As usual, hanggang sa mag-alas sais ay nasa SD kami. Umuwi na ng bandang alas-singko sila Tita Steph at Tita Cristine. Wala naman na kasing kailangan pang asikasuhin. Kumbaga'y all set na. After lunch naman din ang event kaya may oras pa bukas para muling icheck kung nagkaproblema ba.

"Uuwi na ako," paalam ko sa kanila. Si Alyanna at Lean ay dadaan pa raw sa Cyan's bago umuwi. Ang alam ko ay isasama nila si Airi.

"Hatid na kita," ani Kol bago tumayo.

"May pupuntahan pa tayo, bal," pigil ni Keij sa kakambal nito. "Si Jahann na lang paghatirin mo diyan, kapatid naman niya 'yan. Ako' tong kapatid mo, eh," sabi nito na nagpepeke pa ng pagtatampo.

Wala namang reaksyon si Kol sa sinabi ni Keij, sa halip ay dinampot nito ang susi ng sasakyan nito.

"I'll take her home, may kukunin din ako sa bahay," sagot ni Jahann na tumayo na rin at dumiretso sa sasakyan nito.

Kol cocked his head on the side and looked at me. "Take care," sabi nito bago naupong muli. Si Enzo ay naiiling na lamang.

"I'll see you guys tomorrow, okay?" paalam ko bago nagbeso sa lahat. Nag-alangan man akong gawin iyon kay Airi ay hindi ko na lamang pinahalata.

Matapos kong magpaalam ay naglakad na ako papunta sa sasakyan ni Jahann. It was heavily tinted kaya naman hindi ko mawari kung nakatingin ba siya sa akin o ano. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at isinuot ang seatbelt. Wala pang 10 segundo ay pinaandar na ni Jahann ang sasakyan.

Walang kumikibo sa aming dalawa. Tanging tunog ng makina ng sasakyan at ang mga busina sa labas ang naririnig ko. Marahan kong niyakap ang sarili nang maramdaman ang ginaw mula sa aircon.

"Sorry," ani Jahann bago ini-adjust ang lamig nito.

"Salamat," tipid ko ring sagot.

Kasama ko na naman siya, pero may parte sa akin na nagsasabing ayaw naman talaga niya akong kasama. Malamang ay kung wala siyang kukunin sa bahay, wala itong pakialam kung magtaxi lang ako o kung maglakad ako.

Anuman ang napag-usapan namin noong hinatid namin si Airi pauwi, di na naulit. Iniiwasan niya ako, hindi ako kinakausap o pinapansin man lamang. Hinayaan ko na lang din siya. Iniisip ko na lang na kung tinatrato naman niya akong hangin lang, siguro naman magagawa ko rin... Kahit paunti-unti. Kahit na ang gusto ko ay hawakan siya, siguro naman ay magagawa ko ring gawin ang ginagawa niya.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ay hindi ito kumibo man lang. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto, agad na akong umibis ng sasakyan upang puntahan na rin si Nikolai. I was expecting he will get off, too. Sabi niya ay may kukunin siya sa bahay pero nang pinagbuksan ako ng gate ay agad nitong pinaandar muli ang sasakyan.

Tinignan ko na lamang ang papalayong sasakyan bago huminga ng malalim. Kung ano man ang meron sa amin, hindi na talaga maibabalik pa.

Laglag ang balikat akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ni Nikolai. Gising pa ito kaya naman nagstay na muna ako sa kwarto nito at nakipaglaro rito. Kahit anong pagod pa ang nararamdaman ko, makita ko lamang ang ngiti ng anak ko, para bang napupunan nito ang enerhiyang nawala sa katawan ko. He's really my source of strength. When I feel like giving up, pinagmamasdan ko si Nikolai at naiisip kong mas lumaban pa. Para sa kanya.

Bandang alas-nueve na ng gabi nang pumasok si Mommy sa kwarto ni Nikolai. Tumayo ako at humalik sa pisngi nito, lumapit naman ito kay Nikolai at humalik sa noo.

"Kumain ka na, mommy?" tanong ko rito. Tumango ito. "Yes, I ate dinner with your Tito Thunder and Hunter. Malelate daw ng uwi ang daddy niyo, eh," sagot nito sa akin.

"Mommy, regarding pala sa anniversary bukas, thank you sa pagprovide ng flowers, ha?" ngumiti ako. Sa Blooms namin kukuhanin lahat ng bulaklak na gagamitin maging ang mga ibibigay sa mga babaeng mapipili para makadate sila Theon.

"It's nothing," she smiled. "SD's part of our love story. Halos lahat naman din kami, naging part namin ang SD, so, maliit na bagay lang 'yon," dagdag nito. "Hindi ka pa ba magpapahinga? I heard from Ate Steph that you're also the one organizing things there," may himig pag-aalala at pagkaproud na sabi niya sa akin.

I smiled, "I'm okay, Mom. Hihintayin ko lang makatulog si Nikolai, matutulog na rin po ako," sagot ko sa kanya. Tumango naman ito bago tumayo. "Oh, siya, I'll go ahead and rest," hinalikan ni Mommy ang ulo ko bago hinaplos ang mukha ni Nikolai bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napangiti ako.

Ilang saglit pa lamang ang nakalipas nang makatulog si Nikolai. Isasama namin siya sa SD bukas pero hindi ito pwedeng hanggang gabi. Sila Mommy at Daddy rin ang magsasabay sa kanila ni Ate Mildred dahil maaga akong pupunta roon.

Huminga ako ng malalim at pilit iwinawaksi ang mga bagay na maaaring makasakit sa akin.

KINABUKASAN, maaga akong umalis ng bahay. Tulog pa si Nikolai ay umalis na ako. Kasabay kong umalis si Alyanna. Hindi ko naman alam kung umuwi ba si Jahann o mas maaga siyang umalis dahil wala ang sasakyan niya sa garahe.

"Sa SD na tayo magbreakfast," sabi ko kay Alyanna. Tumango naman ito. May dala kaming mga bag sa likod. Damit niya at damit ko para mamaya. Nasa likod din ng sasakyan ni Alyanna ang make up nito at kung ano-ano pa.

"Do you have any idea saan nagpunta yung mga lalaki kagabi?" tanong ni Alyanna. Umiling naman ako. Wala namang nasabi si Kol sa akin.

"They all left after you and Jahann left," sabi ni Alyanna pagkatapos ay humikab. "I'm still so sleepy," napanguso ito habang nagmamaneho.

"It's a small sacrifice, Alyanna," napangiti ako rito. She rolled her eyes and continued driving.

Pagdating namin sa SD ay nag-almusal na muna kami. Hindi naman namin ineexpect na magpupunta ang mga lalaki roon ng maaga. Habang kumakain si Alyanna ay nagcheck na ako ng mga kailangan. Kung okay na ba ang lahat. Sinisimulan nang lagyan mg dekorasyon na bulaklak ang stage, inaayos na rin maging ang mga lamesa. Maging ang well na nasa gilid ng SD na nagiging attraction sa mga costumers ay may dekorasyon na rin.

"Ma'am, mamaya na po namin idedeliver yung mga bouquets," ani ng isang tauhan sa akin ng Blooms. Tumango naman ako rito at nagpasalamat.

Bandang alas-dies na ng dumating si Ate Caryl, Lean at Airi. Maayos na rin ang lahat kaya naman nagsimula na silang mag-ayos ng sarili. Si Lean ay may kasama pang glam team para tulungan siyang mag-ayos. They ended up helping everyone, though.

"Nasaan na sila Jahann?" tanong ni Alyanna sa akin. It was almost 12 noon already. Ni isa sa mga lalaki ay hindi pa nagpaparamdam, wala ring tumatawag para i-update kami. Medyo marami na rin ang taong dumarating. Mabuti na lang talaga at napalawak na ng husto nila Tita Steph ang SD kaya may puwang para sa event na ito.

"Hindi pa rin nagrereply si Kiro," ani Ate Caryl na ikinukulot ang buhok.

"Hindi naman din nagmemessage si Jahann," kalmadong sabi ni Airi.

"Enzo's not answering his phone either," sagot ni Lean na parang balewala lang na wala pa ang kakambal.

Ngumiti na lang ako kahit pa medyo nag-aalala ako. Alam kong halos karamihan sa mga nagpunta, ang habol talaga ay ang makadate sila. Kapag di sila nagpunta, masisira ang event.

"Darating din sila," pagpapalakas ko ng loob nila.

"They should!" naiinis na sabi ni Lean.

Bandang alas dose y media nang dumating si Theon kasabay ni Keij. Nakarinig kami ng tilian kaya alam namin na may dumating na. Minuto lang ang pagitan nang dumating si Kuya Cloud na kasunod si Kuya Kiro at si Enzo.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Alyanna sa mga ito.

"Do we have to be early?" Kuya Cloud asked her. Naupo ito at inalis ang suot na shades.

"Pero kuya, alam niyo naman na may event, eh," sagot nito rito.

"And we are here already, Aly," he looked at her before looking at Caryl. "Mukha kang tao," kumento nito. Sinimangutan naman ito ni Ate Caryl na tinabihan ni Kuya Kiro. "Don't mind him. You're pretty, Caryl."

Si Theon at Keij ay sinisipat ang mga nasa labas. Nag-uusap kung sino dapat ang mabunot kapag sila na.

Ilang sandali pa ay dumating na si Ian kasama si Kevyn na pinagkatilian din kasunod si Enzo na halatang nairita sa ingay. I just really hope maging maayos ang magiging kadate ni Enzo. May tendency si Enzo na magwalk-out kapag nainis, eh.

"Oh my gosh!" si Lean ay pinamulahan ng mukha nang lumapit sina Kevyn sa pwesto namin.

"Muntanga," ani Theon sa babae na ikinairap lang nito.

Almost everyone is here. Pero wala pa si Jahann at Kol. Nagtext naman si Kol sa akin na papunta na. Si Jahann ang wala akong balita.

Dumating na rin sina Tito Thunder kasama si Tita Einah, Tito Hunter kasama ang asawang si Tita Zyline, Tito Blue with Tita Cyan, Tito Cupid with Tita Cristine, Tito PJ with Tita Steph. Maging sila Mommy at Daddy ay dumating na kasama si Nikolai na pinagkaguluhan din nila. May iilang press na magcocover ng event na pinayagan nila Tita Stephanie.

Maya-maya ay dumating si Kol na may kasamang babae.

Lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa. Nakasunod lamang ito habang naglalakad si Kol.

"Sino 'yan? May girlfriend ba si Kol, Keij?" tanong ni Theon.

"Aba malay ko," tanong ni Keij na pinagmamasdan ang babae.

Hindi dumiretso si Kol sa amin, sa halip ay iginiya nito ang kasamang babae paupo bago nagpunta sa amin.

"Who's that, bal?" salubong ni Keij kay Kol na di naman sumagot. Sa halip ay tumingin sa akin. "Is everything okay?" tanong nito.

"Si Jahann na lang ang wala," si Alyanna ang sumagot. Tumango-tango naman si Kol. "He's on his way," he replied before greeting Kuya Cloud and Kuya Kiro.

Wala pa man si Jahann ay sinimulan na namin ang programa. Huli pa naman ang para sa raffle kaya walang problema. Sana nga lang ay dumating talaga siya.

Everyone was having fun. Bakas sa mga mukha ng bisita ang kasiyahan lalo pa't si Lean at Alyanna ang ginawa naming host. Katabi ni Airi at ni Ate Caryl na nakaupo ang kasama ni Kol na hindi pa rin niya ipinapakilala sa amin. Nasa iisang table naman ang mga lalaki at alam kong karamihan sa mga babaeng nagpunta ay gustong lapitan ang lamesang iyon.

Wala ni isa sa kanila ang nagtuxedo o pangpormal na damit. Lahat sila ay naka-jeans lang at t-shirt. Pero kung tutuusin naman kasi, kahit anong suot ng mga ito ay agaw-pansin talaga.

Samantalang ang mga tatay namin, pormal ang mga suot.

Nasa kalagitnaan na ang program nang dumating si Jahann. Nakaputing longsleeves ito at jeans. May nakasabit na camera sa leeg nito. May suot din itong cap na nakabaliktad. Kasama nito si Dean na dumating.

Bakit naman kailangang napakagwapo niya ngayong araw? Napaka-unfair naman talaga. Nakatitig ako sa kanya habang nakatayo malapit sa stage. He was talking to Kol.

Huminga ako ng malalim bagi pilit na ibinaling na sa iba ang atensyon ko. Nagiging smooth naman ang program. Mga GC's sa Cyan's ang mga naunang maipamigay nila Alyanna at Lean. Of course, they gave credits to Tita Cyan.

Sakto namang pagharap ko nang biglang may pagclick ng camera sa harap ko. I saw Jahann looking at his camera.

"What was that for?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito bago muling nagkuha ng larawan.

"Jahann..."

"It's for the event, don't worry," sagot niya sa akin.

Para namang napahiya ako sa sinabi niya. May kaunting pag-aassume kasi sa akin, eh. Napaka-assuming ko naman din kasi.

"And of course, we've come to the most awaited time of the day! We will pick 9 lucky ladies who will get the chance to date those handsome men over there," biglang natutukan ng liwanag ang lamesa nila Kol na agad ikinasimangot ni Kol, Enzo at Kuya Cloud.

"I feel a bit envious, Aly. Look at those men, ang gugwapo, eh," sabi naman ni Lean.

"Oo naman, they're so gwapo nga, kaya ang swerte ng makakadate nila!" masayang sabi ni Alyanna.

Hindi ko mapigilang matawa. Alam ko na sa loob-loob ng dalawang 'to ay sinusumpa na nila ang mga lalaking pinupuri nila.

"So, let's start?" Nagsigawan naman ang mga naroon na tila excited na rin na mabunot ang mga pangalan nila.

"This was your idea?" tanong ni Jahann sa tabi ko.

"Yes and no," sagot ko.

"Boys, go here so we can start na," ani Alyanna na pinanlakihan pa ng mata ang mga lalaki. Naunang tumayo sina Keij at Theon bago nagsisunuran ang lahat. Inabutan ang mga ito ng tig-iisang bouquet na ibibigay nila sa babaeng mabubunot para sa kanila.

"Jahann, kasama ka," tawag ni Lean sa atensyon ni Jahann. He nodded before walking towards the stage.

Napatingin ako sa lamesa nila Mommy and they were all laughing. Lahat naman sila ay nag-agree sa mangyayari kaya tawang-tawa sila ngayon.

Naglakad ako papunta sa mesang inookupa nila Ate Caryl at nakiupo na rin. Ngumiti sa akin ang babaeng kasama ni Kol na ginantihan ko naman din ng ngiti.

"Okay, we will start!" ani Aly na tinawag si Kuya Cloud na magpunta sa gitna. "You need to introduce yourself, Kuya," ani Alyanna na ipinasa ang mic kay Kuya Cloud. Natawa naman si Tita Steph sa nangyayari.

"Cloud Monteverde."

"Uhm, any additionals, what are you looking for, ganon?" tanong ni Alyanna ulit. Tinignan siya ni Kuya Cloud kaya naman ngumiti na lang si Alyanna. "Siyempre, joke lang. Yung kadate niya ang magtatanong nun!" palusot nito.

Nagsimula na silang pumili ng makakadate ng mga ito. Naging masaya naman ang raffle dahil talagang maingay ang mga babae at walang halong pandaraya ang nangyayari.

Labag na labag man sa kalooban ni Lean nang si Kevyn na ay wala naman din itong nagawa kahit pa tila gusto nitong ipamukha sa babaeng nabunot na De Guzman siya at di hamak na mas maganda siya rito.

"Si Theon at Keij lang yata ang pinaka masaya sa nangyayari," kumento ni Ate Caryl na sinang-ayunan ni Airi. Sila lang dalawa ang ngiting-ngiti sa lahat.

"And we're down to our last two!" ani Alyanna bago tawagin si Kol.

Napalingon naman ako sa babaeng kasama ni Kol na nakasimangot. Napansin ko sa kuyom niyang kamay ang hawak na raffle tickets.

"Hindi mo nilagay sa box yan?" tanong ko rito. She looked at me and shook her head. "Ayaw ni Kol. He told me not to or else... nevermind," nag-iwas ito ng tingin. Muling tumingin kay Kol at sumimangot.

I wonder who is she.

Nang mabunot na ang pangalan ng makakadate si Kol ay awtomatikong napalingon ito sa lamesang kinauupuan namin. I saw the girl rolled her eyes at him.

"Are you dating Kol?" tanong ni Ate Caryl.

The girl shook her head and replied no.

"Si Jahann na," nakangiting sabi ni Airi. Napalingon naman ako sa stage nang tawagin na nga si Jahann. Hindi nito inayos o inalis ang cap na suot. Ipinasa lang nito ang camera kay Dean. Nagtilian naman ang mga babae na naroon nang naglakad papunta sa harap si Jahann.

I looked around, halatang maraming madadagdag sa mga may crush dito.

"Last but definitely not the least, Jahann," pagpapakilala ni Lean dito. He just smiled a little. His eyes were searching something... or maybe someone? Napadako ang tingin niya sa pwesto namin pagtapos ay ngumiti. Katabi ko si Airi kaya naman alam kong para kay Airi ang ngiting iyon. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Okay, we're going to pick na!" ani Alyanna. Jahann's eyes were focused on our table. Maybe he's hoping they will say Airi's name?

"Excuse me," paalam ko sa mga kasama ko sa lamesa bago tumayo para na rin icheck pa kung may kailangan pang gawin. Hindi pa naman ako ganoon katatag para harap-harapan kong saktan ang sarili ko. Kung pwede naman akong umiwas, gagawin ko.

Agad akong pumasok sa loob ng shop. Naririnig ko pa rin sila mula sa speaker pero at least mag-isa lang ako. I can frown.

Hindi ko alam kung nakahinga ba ako ng maluwag nang hindi pangalan ni Airi ang tinawag ni Alyanna. May mumunting saya sa loob ko na agad ko naman ding pinapatay. Hindi ako dapat matuwa. Wala akong dapat na reaksyon. Dapat kahit nasasaktan ako, okay lang sa akin kahit sino pa ang kasama niya. Wala namang kami. Wala ng kami.

"Congratulations to our nine lucky ladies! We hope you will enjoy your dates with them, and of course, thank you everyone for supporting Sweet Desire over the years," ani Alyanna. Napatingin ako sa relo ko. May huli pang bahagi ang programa. Sina Tita Steph at Tita Cristine para sa pasasalamat nila sa mga tao.

Naglakad na ako papunta sa gilid ng stage. Nakatayo roon si Jahann habang nakatingin sa paligid.

Wala naman sina Theon at Keij sa pwesto nila pero malamang naman kasi ay may kausap na babae ang mga yun. Napansin kong wala rin si Kol at Enzo sa kinauupuan nila.

"And for the last part of the program, may we call on to come up to the stage the owners of Sweet Desire, Mrs. Stephanie Monteverde and Mrs. Cristine Gonzales," tawag ni Alyanna sa dalawa.

"And of course, Aly, tatawagin din natin sina Mrs. Einah Dela Cruz, Mrs. Zyline Dela Cruz, Mrs. Cyan De Guzman at Mrs. Mikaela Anderson!"

Nagkatinginan sina Mommy at sina Tita Einah. Maging ako ay napakunot ang noo sa nangyari. Wala naman akong natatandaang may ganitong plano? I checked the flow of the program, wala talaga ito.

Akmang lalapitan ko si Alyanna nang pigilan ako ni Jahann. Tinignan ko naman ito. Wala itong sinabi pero di nito binitiwan ang braso ko.

Napatingin na lang ako kina mommy na nag-aalangan man ay umakyat sa stage. They were all clueless. Actually, we are all clueless. Hindi ko alam kung anong meron.

All eyes were on them. Nilingon ko si Jahann para sana magtanong sa kanya, nakatingin din siya sa akin. "Just stay here," sabi nito habang hawak ako ng mahigpit.

"What's going--"

Biglang nagtilian ang lahat ng mamatay lahat ng ilaw.

What's happening?

Ramdam kong hawak pa rin ni Jahann ng mahigpit ang braso ko. "Anong nangyayari?" lumi-linga ako para may maaninag pero sobrang dilim ng paligid.

"What the hell?" boses ni Tita Cyan ang narinig ko. Maging sila ay malamang na nagulat sa nangyari.

"Sandali lang po, mukhang nagkakaproblema tayo..." boses ni Alyanna ang narinig namin.

Damn! Hindi pwedeng masira ang event! Sinubukan kong bawiin ang braso mula kay Jahann ngunit mahigpit ang hawak nito sa akin. "Stay here," mariing sabi nito.

"Bes, nagbayad naman tayo sa Meralco, diba?" ani Tita Cristine. Hindi ko rin sila maaninag talaga at talagang mahina ang paningin ko sa dilim.

"Ang alam ko nagbayad ako. Nagbayad ako, diba? O hindi?" sagot ni Tita Steph. "Can someone bring out flashlight?"

Ah, yeah! My phone! Pero nasa bag ang phone ko.

Napakunot ang noo ko. Bakit wal ni isa sa mga guests ang naglalabas ng phone?

"Are you serious, Stephanie? I can't believe Blue liked you!" aning muli ni Tita Cyan.

"Mikael! I can't see anything..." narinig kong sabi ni Mommy.

Actually, sila lang ang naririnig ko at nakakapagtaka ang nangyayari.

"Mika, lahat tayo, walang makita," sabi naman ni Tita Zyline. "Hunter, yang kamay mo, ibehave mo!" dagdag pa nito.

"Thunder, you better fix this right now!" maging si Tita Einah ay nagsalita na.

"Ano ba kasing nangyayari?" muling tanong ni Stephanie.

Napatingin kami sa stage nang biglang tumutok ang mga spotlights doon at inilawan ang anim na nakatayong babae roon.

"What the..." mahinang usal ni Tita Cyan bago kami biglang may narinig ng pagtipa ng gitara.

Nakaupo sa may gilid si Theon at Keij habang may hawak na gitara.

Napalingon ako kay Jahann at ngumiti lamang siya sa akin.

"Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago..." biglang lumabas si Tito PJ na may hawak na bulaklak habang kumakanta at papalapit sa stage. "Kailan man, nasaan man, ito ang pangarap ko..." he smiled and gave Tita Steph the flowers.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, mmmmm..." Tito Cupid showed up and smiled widely. "Hanggang sa pagtanda natin... Nagtatanong lang sa'yo, ako pa kaya'y ibigin mo, kung maputi na ang buhok ko..." he kissed Tita Cristine's cheek and gave her the flowers, and an apple.

Hindi ko mapigilang di kiligin sa nangyayari. They are really so sweet. Maging si Theon at Keij ay tila napakagwapo habang nanggigitara.

Maya-maya ay si Tito Blue naman ang lumabas. "Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin..." he smiled sweetly while looking at Tita Cyan. "Sabay tayong mangangarap, sa nakaraan natin..."

"Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmmmm..." si Tito Thunder naman ay nagmula sa likod ng stage at lumapit kay Tita Einah, "Ipapaalala ko sa'yo. Ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo..." hinawi nito ang buhok na tumatakip sa mukha ng asawa. "Kahit maputi na ang buhok ko..."

Tita Zyline smiled when he saw Tito Hunter. He's also holding a boquet of flowers. "Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmmmm..." he walked towards Tita Zyline and gave her a kiss on the temple. "Ipapaalala ko sa 'yo..."

"Ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo..." maging ako ay napangiti nang lumabas din si Daddy na may hawak na bulaklak para kay Mommy. "Kahit maputi na ang buhok ko..." ibinigay ni Daddy kay Mommy ang bulaklak at hinapit ang bewang nito.

"Nagtatanong lang sa'yo, ako pa kaya'y ibigin mo..." sabay-sabay na kumakanta ang anim at sa palagay ko ay iyon na pinakasweet na nasaksihan ko. "Kahit maputi... kahit maputi... kahit maputi na ang buhok ko..."

Lahat ng tao ay nakatayo at pumapalakpak sa kanila. Alam ko na lahat ng naroon ay kinikilig sa nasaksihan nila.

I really hope I could find someone like my dad. Alam kong mahal na mahal niya si Mommy.

I accidentally looked at Jahann and he was staring at me. Binitawan niya na ang kamay ko kanina dahil nagkukuha ito ng pictures kanina.

Hindi na magkanamayaw ang lahat nang matapos ang programa. Maraming nagpapapicture sa mga pinsan namin at maging sa mga Tito namin. Some were interviewing my Dad and Uncles because of their businesses, too.

"It's a successful event!" masayang sabi ni Alyanna na niyakap ako. "Yeah, pero di ko alam yung last part, ha?" sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat ito. "Whose idea was that?" tanong kong muli.

"Jahann," natatawang sabi ni Alyanna. "It's a secret and he asked not to tell you that because you're so busy with the event already," she smiled. "Wait lang, I'll check on them," paalam ni Alyanna bago ako iniwan.

I looked around. Kausap nila Mommy at nila Tita si Keij at Theon na halatang natuwa sila sa ginawang paggitara. Si Ian at Kevyn naman ay nagpaalam na aalis na rin dahil may pupuntahan pa rin. Ian spent time with Nikolai naman na rin kanina kaya wala namang sinabi si Mommy. Magkausap si Kol at Enzo at nasa tabi ng una ang kasama niyang babae.

I smiled. Everything went well. May iilang pagkakataon na parang hindi pero overall, the event was a success.

Nanatili pa muna kami kahit na nakauwi ja ang mga bisita. Maging si Nikolai ay tulog na kaya naman isa-isa na ring nagpaalam ang mga magulang namin na uuwi na at nagseset na lang kung kailan magkakasama-sama ulit.

"Bar tayo? Blue's Haven?" pag-aaya ni Theon. Sumang-ayon naman ang lahat. May mga dala naman din kasi kaming damit kaya walang problema.

"I'll pass," ani Kol. "I want to sleep," kinantiyawan ito ng lahat pero wala naman ding nagawa dahil naglakad na ito papunta sa sasakyan kasunod ang babaeng di pa rin sinabi ni Kol kung sino.

"May nakaalam ba kung sino yung babae?" tanong ni Lean sa amin. Nag-ilingan naman kaming lahat maliban kay Jahann at Enzo.

"Let him be," sabi ni Enzo. "Go change so we can leave already," dagdag pa nito.

Pinayagan naman din ako ni Mommy at Daddy na sumama kaya walang problema na umagahin na kami ng uwi. Besides, magkakasama naman kami.

Nauna na sila Alyanna na nagbihis kasama si Airi, Lean at Ate Caryl. Nagpahuli na lamang ako para makapaglinis pa kahit na papaano.

Nang matapos sila ay nagmadali na akong nagpunta sa banyo para magpalit ng damit. Simpleng blouse at shorts lamang ang suot ko. Makakapasok naman kami ng Blue's Haven kahit na ganoon lamang ang suot namin.

Matapos kong magbihis ay saglit kong inayos ang itsura ko bago ako lumabas.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Jahann na nakasandal sa may labas at may hawak na bulaklak.

"Uh... Airi's not here. Kanina pa siya--" natigilan ako nang iabot niya sa akin ang bulaklak.

Napakunot ang noo ko habang gamit ang nanginginig na kamay ay tinanggap iyon.

"Uhm, thank you..." tinignan ko ang bulaklak at halos katulad iyon ng mga ibinigay nila Daddy kanina pero lahat ng roses ay kulay puti na may lila.

"Sobra lang sa order 'yan," sabi ni Jahann bago tumalikod at lumabas na.

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan na lamang ang pintong dinaanan nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.