Played by Fate 2: Serpentine Fate Chapter 8

HALOS alas-onse na ng gabi nang makarating kaming lahat sa Blue's Haven. Hindi sumama si Kuya Cloud sa amin dahil sabi nito ay may kailangan pa siyang tapusin na report sa opisina. Bago naman siya umalis ay nagbilin ito kina Theon na bantayan kami.

"Diretso na muna ako sa taas," paalam ko sa kanila. As usual, maraming tao sa bar ni Tito Blue. Kahit pa may mga katabi itong mga bar ay hindi maitatangging dinudumog talaga ito. Marahil ay dahil na rin sa mababait na staff at talaga namang magaling ang DJ dito.

"Why, stay here!" ani Alyanna na hinawakan ang braso ko. Agad akong umiling sa kanya. Hindi ko matatagalan ang ingay sa paligid. Alam naman nila na sa tuwing pupunta rito ay pipiliin kong sa VIP room lang.

Inilapit ko ang bibig sa tainga ni Alyanna bago nagsalita. Malakas ang tugtog kaya naman kung hindi ako sisigaw ay kailangan kong magsalita nang malapit sa kanya. "Medyo masakit 'yung ulo ko. I'll just rest," sabi ko. Tinanong ako ni Alyanna kung okay lang ako na agad ko namang tinanguan para di na ito mag-alala.

Okay naman kasi ako kanina nung nasa SD pa kami. I was actually smiling.

Napalingon ako sa kinatatayuan ni Jahann at Airi. Airi was whispering something to Jahann kung kaya naman ay nakayukod ang lalaki upang ilapit ang tainga sa babae.

Huminga ako ng malalim bago naglakad paakyat sa VIP room. Hindi talaga masasabing cheap ang Blue's Haven base sa disenyo at maging sa materyales na ginamit dito.

Tito Blue once said, it's actually a haven for the broken hearted. Kung sa papaanong paraan ay hindi ko alam.

Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Agad akong naupo sa couch na naroon at ipinikit ang mga mata.

I left the flowers in Alyanna's car. Sa sasakyan ako nito sumabay. Lean's with Enzo, Ate Caryl's with Kuya Kiro, Theon's with Keij and Airi's with Jahann.

Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyang meaning ang pagbibigay niya ng bulaklak. Baka nga napasobra lang ang inorder niya tapos sa akin niya binigay.

Pero bakit sa akin? Bakit hindi kay Airi?

"What's bothering you?"

Agad akong napadilat nang may narinig akong nagsalita. Enzo was standing in front of the glass wall. Nakatingin ito sa ibaba kung saan kita ang nangyayari doon. It was as if he was examining those people and why they are behaving like that.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko na di na nag-abalang ayusin ang pagkakaupo. My body's really tired. Gustuhin ko mang sumama sa kanila sa ibaba upang magcelebrate, pagod ang katawan ko at sumasakit din ang ulo ko. Hindi naman ako malaking kabawasan sa kaligayahan nila.

Tumango lang ito sa akin bilang sagot.

I looked at him and smiled. Naalala ko ang nabunot na makakadate nito kanina. Staff ng Sweet Desire ang kumuha ng information ng mga babae kanina. "Maganda 'yung makakadate mo, ha," ani ko na ikinalingon niya ng bahgya sa akin. Alam kong una pa lang ay against na si Enzo sa planong iyon pero wala naman ding nagawa kundi ang pumayag.

"It'll be so much better if she's not just a pretty face," sagot ni Enzo na muling tumingin sa ibaba. Hindi ko naman napigilang matawa.

"The one they picked for Jahann is pretty, too," ani Enzo bago lumingong muli sa akin. Napahinto ako sa pagawa pero pinilit kong ngumiti para itago ang kung ano mang nararamdaman ko. "Talaga? Di ko nakita, eh," sagot ko bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko naman din talaga kasi nakita lahat ng makakadate nila pero habang naghihintay kanina sa SD ay nag-uusap sila Theon ay Keij na pagtapos ng date ay magswap naman daw sila. Wala namang sinabi ang iba o ano pa man tungkol sa kani-kaniyang date. Kahit naman ayaw nila ay wala silang choice kundi ang makipagdate sa mga iyon. Well, that's true. Nag-agree naman kasi lahat ng magulang namin.

"Buti nga okay lang kay Airi, eh," nagkunwari akong natatawa. "Kasi diba, siyempre, boyfriend mo tapos makikipagdate sa iba. She's so nice and understanding and if I were her--"

"You're jealous of her."

Napatingin ako kay Enzo. He was staring right back at me. Wala ni anumang emosyon sa mukha nito. Ni hindi sa paraang pagtatanong ang sinabi nito. It was a confident statement.

Mula pa naman noon ay alam kong may alam si Enzo pero hindi naman kami nakakapag-usap tulad nito. Palaging si Kol ang kausap ko. Kaya rin siguro mas naging close kami nito.

"Don't worry, I have no plans to meddle in," sabi nito ng di ako magsalita at naupo sa silyang nasa harap ko. Inilapag ang basong may laman na alak sa lamesang nasa pagitan namin. Hindi naman ako kumibo. I don't know what to say to him. I just looked down and let out a weary sigh.

Sabay kaming napalingon ni Enzo nang bumukas ang pinto at nagsipasukan ang mga kasama namin.

"There you are!" ani Lean na tumabi kay Enzo at inihilig ang ulo sa balikat nito. Si Alyanna naman ay naupo sa tabi ko. Magkatabi rin si Kuya Kiro at Ate Caryl. Si Airi ay naupo sa kabilang gilid ko habang si Jahann ay naupo sa tabi ni Enzo, sa tapat ko.

"Nasaan 'yung dalawa?" tanong ko kay Alyanna. Kasunod nila ay may pumasok na tatlong staff ng Blue Haven na may dalang alak at pagkain.

"As usual, naghahanap ng malalandi," Lean rolled her eyes. Kanina pa ito nagmamaktol dahil hindi nakasama si Kevyn sa amin dito.

"Ano bang bago?" natatawang sabi ni Alyanna bago pinaabot sa akin ang baso. They asked for something hard to drink. Wala namang magiging problema kung malalasing sila dahil kung di kami ipapasundo ay malamang dito na lang kami matutulog.

"Hayaan niyo na lang sila, 'yun gusto nila, eh," ani Ate Caryl na busy sa pagtipa sa cellphone nito.

"Airi," ani Kuya Kiro na inaabot ang baso sa dalaga.

"She's not going to drink," ani Jahann. Napalingon ako sa kanya. Maging si Kuya Kiro ay tumingin sa kanya.

"Hindi ako umiinom, eh, sorry," nakangiting sabi ni Airi. Napatango naman si Kuya Kiro bago inabot sa akin ang baso. "Oh, Cherinna, sa'yo na lang," sabi nito sa halip.

I looked at Jahann. Hindi ito kumibo sa halip ay nilagyan nito ng alak ang baso nito.

I smiled at Kuya Kiro before accepting the glass. Tinignan ako ni Enzo pero di ito nagkomento. Kinuha lang nitong muli ang baso at sumimsim sa alak na naroon.

"Hey guys, regarding sa date, make sure di niyo ipapahiya sila Tita Stephanie, ha," ani Alyanna na naglalagay sa alak sa baso nito.

"You should tell that to Keij and Theon," sagot naman ni Kuya Kiro rito.

Tito Thunder will shoulder the expenses for their dates. Kahit saan ay pwedeng pumunta ang mga ito kasama ang mga babaeng napili. Pinag-usapan naman ang rules, date lang. Walang kahit na ano pa man.

"Dapat sa anniversary ng Blue's Haven may ganoon din. Lalaki naman 'yung bubunutin tapos kami ang mga makakadate!" ani Lean na ikinalingon ni Enzo rito.

"That won't happen," he told her.

"That's actually a good plan! Ate Cary, Lean, Me, Airi and Twin will have the chance to date rin and--"

"That's a stupid plan. Don't push it, Alyanna," mariing sabi ni Jahann bago tumingin sa akin.

Sinasabi niya bang stupid 'yung plano na nangyari sa Sweet Desire? Wala naman akong kinalaman sa pagpapadate sa kanila. Ang suggestion ko, tungkol sa raffle tickets lang.

Bakit parang kasalanan ko?

"Why not? Kayo lang ba pwede makipagdate?" hindi ko napigilang sabihin habang nakatingin kay Jahann.

"That's not the point. They said the plan, I said it's stupid because it is. I won't let just anyone to date--" he stopped on his track.

"Who?" Enzo looked at Jahann.

"That's a stupid plan," he said instead before drinking the brandy on his glass.

"Oo na. Hindi na, napakapossessive mo naman kay Airi," Lean rolled her eyes.

Natawa lang si Airi habang si Jahann naman ay nag-iwas ng tingin.

Hindi naman na muling pinag-usapan ang plano na iyon habang naroon kami. May mga oras din na bumababa sila para makisali sa ingay sa baba pero nanatili akong nakaupo sa pwesto ko.

I was just looking at the ice that is slowly melting. How I wished my feelings were just like this ice. Matutunaw. Mawawala.

I sighed heavily.

"Are you okay?" tanong ni Airi sa akin. Kaming dalawa lang ang naiwan doon dahil may inayos si Enzo nang may nagkagulo ng bahagya sa ibaba. Si Jahann naman ay nasa banyo.

I looked at her and smiled a little. "Yes," I replied.

"Pasensya ka na kay Jahann. We had a little fight kanina, baka nakaapekto kaya mainit 'yung ulo," natatawang sabi nito.

Pilit akong tumango bago muling nag-iwas ng tingin.

I clenched my fist when I felt my heart beating so fast.

I want to tell her to stop saying things about Jahann to me, but how can I do that? Bakit ko rin gagawin, wala namang alam si Airi sa kung anuman ang meron sa amin ni Jahann?

I have to accept all the things that she will say, and I have to act like it doesn't kill me.

Dinampot ko na lamang ang baso at sumimsim ng kaunti. Wala naman na akong magagawa. Hindi ko mababago ang mga bagay-bagay ngayon dahil sa oras na gawin ko iyon, magkakagulo na naman. Magkakagulo lang ulit.

"Saglit lang, Che, ha? Bababa lang ako," paalam ni Airi bago lumabas ng kwarto. Ilang segundo naman ang lumipas nang lumabas si Jahann mula sa banyo.

"Bumaba si Airi," sabi ko sa kanya kahit na di naman siya nagtatanong.

"Okay," tipid na sagot ni Jahann bago uminom muli. Hindi ko alam kung nakakailang baso na siya pero namumula na ang pisngi at ang tainga nito.

"You should stop drinking, ihahatid mo pa si Airi mamaya," hindi ko mapigilang sabihin. Of course, concerned ako sa kanya dahil hindi naman talaga safe magdrive ng nakainom.

"I'm fine," sagot niya sa akin ng hindi lumilingon. Tumango na lamang ako kahit na hindi niya nakikita.

Iniisip ko kung dapat bang bumaba na lang din ako o sabihin ko sa kanya na bumaba na lang siya para mapag-isa ako.

Ilang na ilang ako sa ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ni Jahann. I was looking at the glass wall just to avoid looking at his direction.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon ay rumehistro ang mukha ni Ian sa screen. It was his picture with Nikolai. Nag-angat ako ng tingin kay Jahann pero nakatingin ito sa screen ng telepono ko.

Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello, Ian?" nag-iwas ako ng tingin kay Jahann at umupo ng patagilid.

"Are you still in Blue's Haven?" tanong ni Ian sa akin mula sa kabilang linya.

"Yes, kayo? Nakauwi na kayo?" since nauna sila ni Kevyn na umalis, malamang naman ay nakauwi na silang dalawa ngayon.

"Not yet, but on our way. Kevyn is driving," he replied.

Hindi ko sinasadyang mapalingon kay Jahann na nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

"Cherinna, are you still there?"

"Ha? Ah, yeah, ano 'yon?" tanong ko habang kinakamot ang batok ko.

"Baka di ako makapunta kay Niko bukas, I have to some things to attend to, pero babawi na lang ako sa inyo," sabi nito sa akin. Narinig ko ang pagkantyaw ni Kevyn sa binata.

I smiled a little. Maaaring hindi nga si Ian ang tatay ni Nikolai pero alam kong tinuturing niya talagang kanya ang bata and that's one thing I like about Ian. He loves Nikolai.

"It's fine. You can visit us naman anytime. Anyway, mag-iingat kayong dalawa ni Kevyn, good night, Ian," ani ko bago ibinaba ang tawag.

"Tss," iiling-iling na anas ni Jahann bago inisang lagok ang kakasalin lamang na alak sa baso nito.

Hinayaan ko na lamang siya at hindi pinakialaman. Ganoon din naman, kung may sasabihin ako, para namang ayaw niyang magsalita ako kaya nanahimik na lamang ako.

Halos alas-tres na nang maisipan nilang umuwi. Hindi naman ganoon kalasing sila Theon at Keij. Maging si Kuya Kiro at Enzo ay kaya pang magmaneho.

"Kaya mo bang magdrive?" tanong ko kay Alyanna na halatang lasing na. Agad akong tumingin kay Enzo. "We'll take a cab na lang, patawag na lang, Enzo. Lasing na si Alyanna, eh."

"Jahann can drive you home," sagot nito sa akin.

Lumingon ako kay Jahann na nakatingin lang sa akin. "Hindi na. Ihahatid niya pa si Airi and--"

"Wag ka na nga makipagtalo," inis na sabi ni Jahann.

Hindi naman na ako nagsalita. Gusto ko lang naman umiwas para walang maging problema pero bakit parang kasalanan ko na naman?

Isinabay na lang nila Ate Caryl at Kuya Kiro si Airi dahil madadaanan ng mga ito ang subdivision kung saan nakatira si Airi. Si Theon at Keij naman ay sabay na ring umuwi dahil makikitulog daw si Theon kina Keij.

Matapos maihiga si Alyanna sa backseat ay sumakay na ako sa harap. Tahimik lang din si Jahann nang sumakay at paandarin ang sasakyan.

Hindi ko napigilan ang paghikab. Halos alas-tres y media na rin naman kasi ng umaga.

Hanggang sa makauwi kami ay hindi man lang ako kinibo ni Jahann. Nagtulong sila ng kasambahay na maiakyat si Alyanna sa kwarto at ako naman ang nagpalit ng damit nito.

Matapos kong masigurado na okay na si Alyanna ay lumabas na ako ng kwarto ngunit laking gulat ko naman na nakaabang si Jahann sa akin sa labas.

"Are you sick?" tanong niya sa akin.

"Ha?" kunot noo kong tugon. Anong sinasabi nito?

"You're not sick so don't tell people to visit you anytime."

Bago pa ako nakasagot ay tinalikuran na ako ni Jahann at pumasok sa sariling kwarto.

Ano na namang kasalanan ko?

Napailing na lang ako bago pumasok sa kwarto ko para magpahinga.

~~

It has been three days since the SD anniversary. Ngayong araw ang scheduled date ni Jahann at ng babaeng napili sa kanya.

Maaga pa lang ay naririnig ko na si Alyanna na kinanakusap si Jahann tungkol doon habang nag-aalmusal.

"What's your plan ba? Oorder na ako ng bulaklak sa Bloom's," ani Alyanna habang naglalagay ng strawberry jam sa toast nito.

"Nothing," kibit-balikat na sagot ni Jahann.

Naupo ako sa tabi ni Alyanna at naglagay ng pagkain sa plato.

"Anong nothing? Date kaya 'yun, Jahann! Di pwedeng wala ka man lang paandar, no!" pinanlakihan pa ng mata ni Alyanna si Jahann.

"That's just a date, I don't have to exert so much effort on that. Kumain ka na nga, ang ingay mo," ani Jahann na di man lang ako tinapunan mg tingin.

"I just want things to be okay. Alam mo 'yun, yung walang masasabi yung nabunot," Alyanna rolled her eyes.

"I'll put duct tape on her lips," biglang sagot ni Jahann.

Sabay kami ni Alyanna na napatingin sa kanya.

"Jahann!" Alyanna shrieked. Jahann looked at her direction and gave her a bored look. "Umayos ka nga!" dagdag pa ni Alyanna bago nagpatuloy na lang sa pagkain. "I have to make sure na magiging okay 'yung date mo mamaya, eh. Tapos ayaw mong sumagot ng maayos diyan."

Hindi na kumibo si Jahann at tahimik na lang na kumain.

Ang alam ko ay si Jahann ang mauunang makipagdate sa mga ito. We asked for their availability at si Jahann lang ang pwede agad.

"Twin, magbebake ka mamaya?" baling ni Alyanna sa akin nang di na siya kausapin ni Jahann. Tumango naman ako. I've decided to bake cupcakes later since wala akong klase ngayon. May seminar ang professors ko ngayong araw kaya naman bakante ako ngayon at piniling sa bahay na lang.

"Miss ko na mga binebake mo, eh. Ikaw, Jahann, namiss mo cupcakes ni Cherinna?" tanong ni Alyanna kay Jahann.

Nagkatinginan naman kaming dalawa. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"I'm sure walang kasing-sarap ang cupcakes ni Cherinna sa New York," dagdag pa ni Alyanna.

Muli akong napalingon kay Jahann na hindi sumasagot at napansin ko ang pamumula ng tainga nito.

"Shit, anong oras na pala?" biglang sabi ni Alyanna. Hinila nito ang braso ni Jahann na may suot na relo para tignan at muling napamura. "I have class at 8 am! I have to go. Jahann, ha!" dali-dali itong tumayo at kumuha ng isa pang toast bago lumabas ng komedor.

Dalawa na naman kaming naiwan ni Jahann. Pinili kong yumuko na lang at wag magsalita.

"I'm done, aakyat na ako," paalam niya bago tumayo at iwan akong mag-isa.

Napabuga na lamang ako ng hangin at pinilit na kumain na mag-isa. Pagkatapos kong mag-almusal at tumulong iligpit ang pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto ni Nikolai para paliguan muna ang anak ko bago magsimulang magbake.

Wala naman akong problema sa pagpapaligo kay Nikolai dahil natutuwa ito sa tubig at hindi nag-iiiyak gaya ng ibang bata.

Hindi ko rin malaman kung magpapasalamat ba ako na hindi lumalabas ng kwarto si Jahann at hindi kami nagkakasalubong o hindi.

He must be preparing for his date later.

Inabala ko na lamang ang sarili nang magsimula akong magbake nang magawa ko na ang mga bagay na dapat kong tapusin.

Nang bumaba si Jahann para kumain ay nasa kusina pa rin ako at abala sa paggawa ng cupcakes.

Hindi ko mapigilang maisip ang sinabi ni Alyanna. Namiss niya nga kaya ang cupcakes ko? Maybe I should give him some? Ipapabigay ko na lang siguro kina Manang.

Hapon nang matapos akong magbake. Nakalagay na rin iyon sa mga maliit na. Boxes para mas maganda ang presentation. Sa kakatambay namin sa SD, natuto na rin akong magdesign ng cakes at cupcakes.

Ang alam ko ay umalis na rin si Jahann para sa date nito ngayon.

Hustong tapos na akong maglinis ng katawan nang tumawag sa akin si Alyanna. Umupo ako sa kama habang nakabathrobe lang.

"Hello?" tanong ko matapos ipitin sa pagitan ng ulo ko at balikat ang cellphone habang naglalagay ng lotion sa binti.

"Twin, nakaalis na ba si Jahann?" agad na tanong nito.

"Oo. Kanina," sagot ko naman sa kanya.

"May problema raw kasi yung sa napiling kadate niya, they just called me. Eh, may shoot pa ako ngayon," dire-diretsong sabi nito sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano raw ba ang problema?"

"Ayaw raw payagan umalis ng bahay 'yung babae. Nakakainis. Di naman pala pinapayagan sa ganoon, sumali-sali!" bakas ang iritasyon sa tinig ni Alyanna.

"Alright, what do you want me to do, sunduin ko?" tumayo na ako at kumuha na lang ng simpleng shorts at blouse.

"Is it okay? Si Jahann na lang sana pero bilin nung babae, babae raw sana sumundo sa kanya para payagan siya ng Daddy niya, eh," sagot niya sa akin.

"Alright. Text mo na lang sa akin kung saan, puntahan ko siya," huminga ako ng malalim. Alam kong di mauutusan ni Alyanna si Lean at Ate Caryl kaya parang wala naman akong choice.

Bakit pa kahit ano naman yatang iwas ko, di ko maiwasan ang bagay na 'to?

Mabilis akong nagbihis at nagbilin kay Ate Mildred. It's almost 6 pm. 7 pm ang scheduled date nila Jahann kaya kailangan kong magmadali.

Habang lulan ng taxi ay di ko mapigilang kastiguhin ang sarili.

How ironic it is. Susunduin ko at ihahatid ko ang babaeng idedate ni Jahann.

Para na naman akong nagbigay ng patalim sa isang tao at tinuro kung saan ba ako dapat saksakin.

Napapailing na lang ako habang nasa biyahe.

Nakarating ako sa tapat ng isang bahay sa loob ng isang kilalang subdivision. Iyon ang address na ibinigay ni Alyanna. I'm just wearing a plain black shirt, white shorts and white sneakers. Hindi ko alam kung magtitiwala ba sa akin ang mga magulang ng babaeng 'yon.

Nasa tapat na ako ng gate at nakapagdorbell na rin ako nang maalala na hindi ko pala alam ang pangalan ng babae. Nakaligtaan na rin yata ni Alyanna'ng sabihin sa akin.

Agad kong tinawagan si Alyanna para magtanong pero di ito sumasagot.

Huminga ako ng malalim bago tinawagan si Jahann. Siguro naman ay alam nito kung ano ang pangalan ng kadate niya.

Nakakailang ring na at di pa sumasagot si Jahann.

"Damn it, answer the phone! Para sa'yo naman 'tong ginagawa ko. Akala mo ba gusto kong gawin 'to?" anas ko habang naghihintay.

Napalingon naman ako sa gate nang bigla iyomh bumukas kasabay ng pagsagot ni Jahann sa tawag ko.

My eyes widened when I saw Jahann opened the gate.

"W-what are you doing here?" tanong ko sa kanya.

I don't understand what's happening.

"I'm supposed to get your date, but why are you..." I stopped and sighed. "Okay na pala, akala ko hindi pa," I tried to smile in front of him. "I'll message Alyanna na lang para malaman niya na sinundo mo na 'yung kadate mo. Sige, uuwi na ako, enjoy your date," mabilis kong sabi bago tumalikod sa kanya.

"Cherinna."

Huminto ako sa paglalakad pero di ako lumingon. May kung anong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko mabigyan ng pangalan.

"Sige na, uuwi na ako," sagot ko sa kanya.

"Don't."

I slowly faced him. I saw him stepped outside and showed the flowers he was hiding behind him.

Kunot ang noo kong nakatingin pa rin sa kanya. What's going on?

He walked towards me and gave me the flowers.

He smiled at me.

"You're my date tonight, Creep."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.