“HINDI ko magets si Jahann, twin…” nakahiga si Aly sa may hita ko habang nasa loob kami ng kwarto ko at nanunuod. May dalawang box ng pizza na nasa may kama ko din at nagpahatid pa si Aly ng juice. I’m not into soda so si Aly ang nag-adjust sa akin. Sinabihan niya na din daw si Jahann na samahan kami pero susunod na lang daw ito dahil may pinapagawa pa si Daddy dito.
Suspended ang klase namin dahil na rin sa malakas na ulan. Si Aly pa ang gumising sa akin kanina para lang sabihin na walang klase. Kapag ganoon talaga ang announcement, isa si Aly sa mga unang nakakaalam. Mas maaga pa siyang nagigising kapag walang klase. Hindi ko din alam kung bakit. Napagdesisyunan na lang namin na magkaroon ng cheat day at magbonding na dalawa na muna habang wala pa si Jahann. Basta din naman kasing pumasok sa kwarto ko si Aly at nahiga at nagrequest ng kung ano-ano.
“Why?” tanong ko sa kanya bago kumuha ng isang slice ng pizza. Tinignan niya ako at sumimangot siya. Hindi ko rin naman magets si Aly.
She let out a deep sigh. “I can feel it. He likes Iris. Hindi naman niya kakausapin si Iris kung hindi niya gusto, diba?” tanong ni Aly sa akin. Hindi ako sumagot. “Knowing Jahann? Tayo lang naman ang madalas na kausapin ‘nun, eh…” Bumangon ito at naupo sa tabi ko. “Tanong mo kaya sa kanya kung anong status nila ni Iris?” sabi nito. Inilapag nito ang hawak na pizza at hinawakan ang braso ko.
“Aly…” hinila ko ang braso ko sa kanya. “Bakit ba atat na atat kang magkagirlfriend si Jahann?” tanong ko dito. Bakit parang hindi man lang siya affected na may ibang babae na, na pumupukaw sa atensyon ni Jahann? Okay lang ba talaga? I mean… yeah, okay lang naman pero hindi ko alam. Ayoko, eh.
Huminga ng malalim si Aly bago sumandal at tumingin sa akin. “Hindi naman sa hindi affected, kambal. It’s just, sooner or later, magkakagirlfriend naman talaga si Jahann. I’m just trying to live with it…” ngumiti siya sa akin. “Alam ko, sa ating dalawa, mas mahihirapan ka. Mas mukha kayong kambal ni Jahann kesa sa atin, eh… pero twin, you have your own life na din. May Ian ka na…”
“Hindi ko siya, Ian,” maagap kong sabi sa sinabi nito.
“Not now, yes. Pero wala ka bang nararamdaman kahit kaunti doon sa tao?” kumunot ang noo ni Aly bago kinuha ang slice ng pizza na inilapag nito at kinagatan iyon.
“He’s really nice,” sagot ko naman dito. Mabait naman talaga si Ian. Lagi ding kapakanan ko ang inuuna ‘nun. Minsan nangungulit siya sa mga simpleng banat niya pero…
“You didn’t answer my question,” natatawang sabi ni Aly sa akin. “You like him?” tanong ulit niya sa akin.
Sumandal ako. Anong klaseng gusto ba?
“Twin, it’s okay. Walang masama kung magkakagusto ka sa isang tao…” inihilig nito ang ulo sa may balikat ko. “As long as that person will make you happy, boto ako sa kanya…” ngumiti si Aly sa akin bago inalok ang pizza niya na siya namang kinagatan ko.
Ngumiti na lang ako at tumango.
Maybe I like Ian. I like him as a person.
Nakasandal lang ako habang muling humiga sa may hita ko si Aly at pinagpatuloy ang panunuod. Kinuha ko naman ang phone ko at nagtingin na lang kung may announcement para bukas.
Napatingin ako kay Aly.
“Bukas na ‘yung birthday ni Kevyn, diba?” tanong ko dito. Tumango naman ito. Tila nakafocus ito sa pinanunuod. “Do we have to buy him a gift?” tanong kong muli dito.
“Kahit hindi na daw, eh…” sagot nito na nasa screen pa din ang paningin.
“Okay,” sagot ko na lang at ipinagpatuloy ang pagsscroll sa phone ko. Puro pagpapagwapong status lang ni Theon at Keij ang nakikita ko. Ang dami pang comments ng mga babae. Iba talaga kapag Dela Cruz.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsscroll ko hanggang sa makita ko ang tagged post ni Iris kay Jahann.
Thank you again, Jahann. Nag-enjoy ako. Sa uulitin. =)
Maybe she was talking about the SD incident. Si Jahann ang naghatid kay Iris pauwi sa bahay nito. Kay Aly naman na ako sumabay noon. Hindi naman namilit si Ian na ihatid ako dito sa bahay.
Tinignan ko kung sino-sino ang naglike.
Hindi ni-like ni Jahann.
Napangiti ako ng tipid.
“Wait!”
Halos mabitawan ko ang phone ko nang biglang bumangon si Aly at tinignan ako. “What?” tanong ko naman sa kanya.
“Let’s invite Ian!” ngumisi si Aly sa akin bago inagaw ang phone ko.
“Aly!” tumayo siya at agad na lumayo sa akin.
“Give me my phone!” sabi ko naman dito.
“Calm down, Twin!” natatawang sabi nito bago tinawagan si Ian. Hindi ko mapigilang mapaismid na lang.
In-on niya ang speaker kaya naman dinig na dinig ko ang pagriring ng phone ni Ian sa kabilang linya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na ni Ian ang tawag.
“Yes, Sunshine?” ani Ian sa kabilang linya.
“Sunshine?” kumunot ang noo ni Aly habang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat naman ako. Lagi naman na akong tinatawag ni Ian ng Sunshine. Di ko nga alam kung bakit, eh. Tinanong ko naman siya, pinisil niya lang ang ilong ko.
“Aly? Si Cherinna? May nangyari ba?” naramdaman ko ang biglang pagkataranta sa boses ni Ian. Halatang nag-alala ito na tumawag ako at si Al yang sumagot. Hindi ko din naman kasi siya tinatawagan.
“She’s perfectly fine, Ian. Kalma…” ngumiti si Aly sa akin. “I really like him for you,” she mouthed. I rolled my eyes. Sumandal na lang ako at kumain ng pizza.
“I thought something bad happened…” sagot naman ni Ian sa kakambal ko.
“You really like my sister?” tanong ni Aly. Agad akong lumingon sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. Ano ba namang klaseng tanong ‘yun?
“Huh? Uh… yeah, I like her. I already told her I like her a lot,” sabi naman ni Ian dito. Mas lumawak ang pagkakangiti ni Aly. Kulang na lang, ibenta na niya ako kay Ian.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko kaya tumayo na lang ako at pinagbuksan iyon.
“Jahann…”
Napalingon ako kay Aly na kausap si Ian sa phone ko.
“She’s fine. Namimiss ka lang daw ni Cherinna…” sabi ni Aly kay Ian na natatawa. Hindi ko naman narinig ang sagot ni Ian dahil bumaling na akong muli kay Jahann.
“She’s inviting Ian for Kevyn’s birthday celebration…” paliwanag ko kay Jahann. Tumango naman siya sa akin. “Pasok ka na,” binuksan ko na lang ang pinto at naglakad papalapit kay Aly. Kinuha ko ang phone ko at in-off ang speaker.
“Ian, it’s me…” sabi ko dito. Umupo ako sa gilid ng kama ko habang nakatalikod sa dalawang kasama ko. “Yeah, tomorrow. I’ll just give you the address. See you,” iyon lamang at ibinaba ko na ang tawag. Tinitigan ko ng masama si Aly. “You don’t have to say I miss him,” nakasimangot na sabi ko dito.
Ngumiti naman si Aly bago tumabi sa akin. “Sorry na. Ang cute kasi ni Ian mag-alala para sa’yo kaya sinabi ko na lang,” dagdag pa nito. Napailing na lang ako.
“Anyway, Jahann… anong binili mo?” tanong ni Aly dito bago lumapit sa bitbit ni Jahann. “Just check it. Balik lang ako sa library—“
“No, you’ll stay here…” hinawakan ni Aly ang braso ni Jahann at hinila papaupo sa kama ko. “Minsan na lang kaya tayo magkakasamang tatlo. Lagi kang busy…”
“Siyempre, kasama niya si Iris…” bulong ko bago kumuha sa pizza na naroon.
“What was that, Creep?” tanong ni Jahann sa akin. Lumingon din si Aly sa akin na nakakunot ang noo.
“Ha? S-sabi ko, lagi kasi siyang nasa Ai’s. Busy siya kaya hindi natin nakakasama ng madalas, Aly…” palusot ko bago nag-iwas ng tingin at pilit na hindi na lumingon pa sakanila.
“Akala ko sabi mo lagi akong busy kay Iris. Nakakahiya naman kay Ian…” sabi naman ni Jahann. Napayuko na lang ako at natawa si Aly. “Maghahanap na din ba ako ng lovelife ko?” tanong nito sa amin.
“Hindi nga kami ni Ian, twin,” sabi ko dito.
“Pero sasagutin mo na, diba?” patuloy ang pang-aasar niya sa akin.
“Ewan ko sa’yo,” inirapan ko na lang ito at hindi na nagsalita pa. Silang dalawa ni Jahann ang panaka-nakang nag-uusap tungkol sa Ai’s, sa projects doon, at kung minsan isinisingit ni Aly ang tungkol kay Iris na hindi sinasagot ni Jahann.
Nakatulog si Aly sa kwarto ko kaya naman nagsimula na akong ligpitin ang kalat namin doon. Tinulungan naman ako ni Jahann.
“Is that true?” tanong ni Jahann sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. “Ang alin?” nagtatakang tanong ko. Ano namang sinasabi nito?
“You’ll say yes to him?” sinalubong niya ang tingin ko kaya naman ako na ang naunang nagbawi.
“Aly’s just kidding. Wala akong sinabing ganoon. Isa pa, hindi pa nga siya nakikilala ni Mommy at Daddy, eh…” sagot ko dito. Hindi ko naman na narinig pang sumagot si Jahann. Tinignan ko siya. Nakatalikod siya sa akin.
I sighed. I really missed him. Namimiss ko ng makasama ng madalas si Jahann pero lagi naman siyang may ginagawa. Dati, kahit may ginagawa siyang iba, gumagawa siya ng paraan para makasama namin siya. Ngayon, imposible na iyon, may Iris na siya, eh… “Namimiss na kita,” wala sa loob na sabi ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize kong nasabi ko iyon. Natigilan si Jahann sa ginagawa nito.
“Uhm… gigisingin ko na lang mamaya si Aly. Ako na bahala sa kanya. Iwan mo na lang din ‘yan diyan…” sabi ko bago ko inayos ang box ng pizza na naroon at inilagay sa may gilid ng lamesa ko. Tumalikod ako kay Jahann.
Damn, Cherinna. Don’t be so dramatic! Para kang tanga. Be like Aly, okay? Just accept it. Jahann deserves to be happy and sooner or later, magkakagirlfriend naman talaga siya. Kahit pa ayaw mo…
“I miss you, too, Creep…”
Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Narinig ko na lang ang paghakbang niya at pagbukas ng pinto ng kwarto ko at ang pagsara nito. Ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim.
Tumabi na lang ako kay Aly at natulog na lang din.
Dinner na din nang gisingin kami ni Aly. Si Daddy ang nagluto since hindi din naman siya umalis ng bahay ngayon araw.
“Dad, malapit na ‘yung birthday namin ni Cherinna…” nakangiting sabi ni Aly kay Daddy habang kumakain kami.
“Yeah, napag-usapan na namin kanina ng mommy niyo ang tungkol diyan. What’s your plan?” tanong ni Daddy sa amin. Last year, nang mag-debut kaming dalawa ni Aly, si Keij ang escort niya habang si Jahann ang sa akin. Hindi naman ako nahirapang iconvince si Jahann noon dahil na rin wala naman talagang mag-eescort sa akin. Pero pagkatapos ng 18 roses, hindi na kami sumayaw ulit. Halos iisa lang naman ang nasa list namin ni Aly noon. Iba-iba lang sila ng number.
“Parang mas okay na wag na magparty ng malaki, Aly,” sabi ko dito nang lingunin ko siya. “Naisip ko din ‘yan, actually. Just a small one…” ngumiti si Aly. Ngumiti na lang din ako.
Tumango si Daddy. “Okay, just plan everything. Talk to me when you’re done,” ngumiti siya sa amin. Tumango na lamang kami dito. Si Jahann ay tahimik lang na kumakain.
“And in any case you want anything, sabihin niyo lang sa akin,” sabi naman ni Mommy sa amin ni Aly.
“You’re really the best, mom!’ malawak ang ngiting sabi ni Aly kay Mommy.
Naisip ko ang sinabi ni Mommy. What I want? I’m not even sure what I want. What I really want.
Kinabukasan ay wala pa ring klase kaya naman inabala na lang namin ni Al yang mga sarili namin sa paghahanap ng maisusuot sa party ni Kevyn.
“Mag-mini skirt kaya tayo?” tanong ni Aly sa akin.
“Aly, birthday ‘yon!” sabi ko dito. At kailan naman ako nagsuot ng mini-skirt?
“Pero bar ‘yon,” pagdadahilan nito.
“Sige, tignan natin kung makakalabas ka ng bahay ng naka-mini skirt,” nakasimangot na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. “Pwede namang doon magpalit, eh…”
“Isusumbong kita kay Daddy,” sabi ko sa kanya. Agad naman niya akong sinimangutan. “Look for more decent clothes, okay?” sabi ko bago lumabas ng kwarto niya at nagpunta sa kwarto ko. Nagsabi na ako kanina kung pwedeng simpleng blouse ang isuot ko at pinagbantaan naman ako kaagad ni Aly na itatakwil niya ako. Naghanap na lang ako ng pwede kong isuot sa may mga damit ko.
“Wala naman akong maisip isuot!” nalaman ko nan aka-crop top si Lean mamaya, pinagbigyan ito ni Tita Cyan dahil na rin Blue’s Haven naman daw ang lugar. Isa pa, magkakasama kaming lahat mamaya.
Bumangon na lang ako at kinuha ang damit na nakita ko at naligo para na rin maghanda.
Makalipas ang isang oras ay kinatok na ako ni Aly. Nakabihis na ito at gaya ng inaasahan ko, nakaskirt nga ito at naka-crop top din. Mabuti na lang at kaya namang dalhin ni Al yang kahit na anong ipausot dito.
“Ready ka na?” tanong niya sa akin. I rolled my eyes and sigh. “Yeah,” tumayo na ako at kinuha ang purse ko na pinaglagyan ko ng phone, wallet, lipstick at foundation.
I opted to wear a black halter dress. Hanggang kalahati lamang ng hita ko ang natatakpan niyon. Tinernuhan ko na lang din iyon ng itim na sandals na nasa 3 inches ang takong.
Sabay na kaming bumaba ni Aly dahil hinihintay na rin kami ni Jahann. Hindi magdadala ng sasakyan si Aly since sinabihan ni Dad si Jahann na siya na ang bahala sa amin.
“Let’s go?” aya sa amin ni Aly.
“Kulang na kulang ka ba sa tela?” tanong ni Jahann dito. Ngumiti naman si Aly dito. “Nagpakita ako kay Mom, pinayagan niya ako…” proud na sabi nito.
“Tss…” ismid ni Jahann bago napatingin sa akin. Hindi naman ito nagsalita. “Let’s go,” sabi na lang nito maya-maya.
“Mauna ka na…” sabi ko naman sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya sa akin. “Why?”
Umiling ako. “Basta mauna ka na maglakad,” sabi kong muli.
Ipinilig lang ni Jahann ang ulo habang nakatingin sa akin. I mentally rolled my eyes. Bahala ka nga!
Naglakad na lang ako at nilagpasan siya.
Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng hawakan niya ang braso ko. “Backless, really?” tanong niya sa akin.
“Kaya nga sabi ko, mauna ka na, eh…” sabi ko naman bago binawi ang braso ko sa kanya at sinundan si Aly.
“Ayaw niyo rin akong pahirapan, no?” narinig kong sabi niya bago sumunod na at sumakay sa sasakyan niya. Sa harap na ako ulit umupo at si Aly ang nasa likod.
Doon na kami magdidinner since excited si Lean tungkol sa birthday celebration ni Kevyn. Malamang naman ay doon lang din ako sa may private room sa Blue’s Haven mananatili. Sponsored pa ng company ni Daddy ang birthday celebration ni Kevyn kaya hindi na rin kami bumili ni Aly ng regalo para dito.
“Jahann, ininvite mo ba si Iris?” tanong ni Aly dito maya-maya. Nilingon ko naman si Jahann. “No,” sagot nito na hindi nilingon si Aly.
“Buti na lang ininvite ko siya,” sabi nito habang nakangiti.
“What?” sandaling nilingon ni Jahann si Aly bago muling ibinalik ang atensyon sa daan.
Aly smiled again. “I invited her. Wala namang masama, diba?” sabi pa nito. “Para makaclose din namin siya,” she added.
Hinid naman na nagsalita si Jahann. Naramdaman kong nainis siya sa ginawa ni Aly.
Pagdating namin sa Blue’s Haven ay marami na ring tao ang naroon. May mga cameras pa na hindi matigil ang pagclick. Napailing na lang ako. Pumasok na lang kami sa loob at dumiretso sa private room na inookupa namin kapag naroon kami. Naabutan namin na naroon na sila Theon, Keij, Kol, Enzo, Kuya Kiro at Lean.
“Si Ate Caryl?” tanong ko kay Lean nang maupo ako sa tabi niya. “Papunta na ‘yun,” sagot naman niya sa akin. Napangiti ako. “Relax, Lean. Wag ka naman magfangirl ng husto,” natatawang sabi ko dito.
“Ang gwapo kasi talaga niya, eh…” sabi naman ni Lean na halatang excited para dito. Daig pa niya ang manager ni Kevyn. Natawa na lang din ako.
Nag-uusap naman si Keij at Theon tungkol sa mga babaeng naroon sa may ibaba. Malamang ay pinagpupustahan na naman nito kung ano ang sukat ng dibdib ng mga iyon. Si Enzo naman ay tila bagot na bagot na. Ang alam ko ay nandito siya para na rin bantayan si Lean.
“You’re hungry?” tanong ni Kol sa akin. Umiling naman ako dito. Wala pang alak na naroon sa lamesa dahil binilin ni Tito Blue na magsikain daw muna ang lahat. Hindi naman nakapalag doon si Theon at Keij.
Mag-aalas otso na din nang dumating si Kevyn. Gaya ng inaasahan ko, bumaba sila Aly at Lean. Ang sabi kasi ni Aly ay ipapakilala nito si Lean kay Kevyn.
“Baba tayo,” aya ni Theon kay Keij. Sumama naman kaagad ito at naiwan kaming apat nila Enzo, Kol at Jahann doon.
“I’ll just check my sister. Baka iuwi na ‘nun si Kevyn,” paalam ni Enzo sa amin. Tumango na lang ako sa kanya.
Hindi din naman ako umiinom kaya pinaglalaruan ko na lang ang straw na nasa iced tea na naroon. Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Aly sa akin. Sinagot ko naman agad iyon.
“Hello, Aly?”
“Twin, Ian’s here! Baba ka na!” malakas na sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga naman ako.
“Alright,” sabi ko na lang.
“Nandito na din si Iris, pakisabi kay Jahann!” malakas pa rin ang boses na sabi ni Aly. Napatingin naman ako kay Jahann na nakapikit lang habang nakasandal. “Okay,” iyon lamang at ibinaba ko na ang tawag nito.
“Jahann, nasa baba na raw si Iris,” sabi ko sa kapatid ko. Nagmulat siya ng mga mata at tinignan ako. “Bababa na din ako. Nandoon na daw si Ian,” paalam ko sakanila. Nilingon ko si Kol na naroon din. “Ikaw, Kol?” aya ko dito. Malamang kasi ay maiiwan itong mag-isa dito sa loob kapag bumaba rin si Jahann.
Tumango ito bago tumayo at nauna pang lumabas kaysa sa akin. Nilingon ko si Jahann na tumayo na rin at lumapit sa akin.
“I’ll watch you, behave, Creep,” sabi ni Jahann bago naunang maglakad. Huminto ito at nilingon ako. “Let’s go? Hinihintay ako ni Iris…” ngumiti siya sa akin na tila nang-aasar.
Napaismid naman ako.
“Yeah, let’s go. I can’t wait to see Ian either,” sabi ko bago naunang maglakad sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya.
Bumaba na lang ako at hinanap ang kakambal ko.
Parang gusto ko na lang umuwi.