NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana ng bus habang nasa biyahe kami. Ang sabi ng Professor na kasama namin ay may apat na oras ang biyahe kaya naman maaari pa kaming matulog. Doon na lang din mag-aalmusal sa Camp para hindi na hihinto pa sa daan at mas mabilis kaming makarating doon.
Kanina pa rin maingay sa loob ng bus dahil na rin sa mga kasama naming nag-uusap. Karamihan sa sakay ng bus ay mga babae na lantaran naman ang pagsasabi na ang gwapo ng mga pinsan ko, ni Enzo at ni Jahann. May mga nakita pa nga ako na kumukuha ng pictures at ginagawang background sila Theon at Keij. Wala namang pakialam sina Keij sa mga iyon. Ayaw nila Keij sa babaeng nagpapakita ng motibo sa kanila. Ang sabi nila noon, mas maganda pa rin na sila ang nagpapakita ng motibo kaysa ang babae.
Nilingon ko si Jahann na nakapikit sa tabi ko habang nakikinig ng kung ano mula sa phone nito. Nakipagpalit ng upuan si Iris kay Ian kaya naman mas malapit na rin si Iris kay Jahann. Napailing na lang ako nang makita kong nakatingin si Iris sa kapatid ko. Napatingin siya sa akin at hindi tulad noon, hindi na siya ngumiti sa akin.
Umayos nalanag ako ng upo pero ‘di ko sinasadyang magalaw si Jahann kaya agad itong lumingon sa akin. “Are you okay?” tanong niya at inalis nito ang suot na earphone habang nakatingin sa akin. Tumango naman ako. “Sorry. Nagising kita,” hinging paumanhin ko rito. Umiling naman siya sa akin. “It’s fine. Why, do you need something?” mahinang tanong niya sa akin.
Umiling akong muli at saka ngumiti. “I’m fine. Go to sleep again, I’ll just wake you up later kapag nandoon na tayo,” sabi ko sa kanya. “Are you sure you’re okay?” tanong niyang muli sa akin. Tumango ako ng isa pang beses sa kanya. “Sige na, matulog ka na…” muling ani ko rito.
“Okay,” tumango-tango ito sa akin.
“Jahann, do you want to exchange seat?” napalingon ako kay Kol nang tanungin nito si Jahann.
“Fuck off, Kol,” nakakunot naman ang noo na sabi ni Jahann rito.
“I’m just asking,” may himig pang-aasar na sabi ni Kol sa katabi ko.
“Just shut the hell up,” sagot ni Jahann dito bago sumandal at yumuko.
“Jahann, nagbake pala ako kagabi ng brownies…” biglang sabi ni Iris. “I’ll just get it,” kinuha nito ang isang bag nito at may kinuhang food container doon.
Nag-angat naman ng tingin si Jahann dito. “Iris, you don’t have to—“
“Here!” kulang na lang ay idikit na ni Iris ang food container sa mukha ni Jahann. “Pinaghirapan ko ‘yan kagabi. I hope you will like it,” nakangiting sabi nito.
Nakatingin lang ako sa mga ito. Nilingon naman ako ni Jahann, nag-iwas na lang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa labas.
“Thank you,” narinig kong sabi ni Jahann kay Iris. “You’re welcome. Actually, nagpapractice pa ako na magbake at magluto para naman maipagluto pa kita ng mga gusto mong pagkain…” ani Iris. She’s obviously trying to make a conversation.
“You don’t have to,” sagot naman ni Jahann dito.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon.
Gagawin niya ang lahat para maagaw sa babaeng nagugustuhan ni Jahann ang atensyon nito.
So, she’s doing her best to make him notice her.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. I want Jahann to be happy, pero hangga’t maaari, ayoko si Iris para sa kanya.
Idinikit ko na lang ang ulo ko sa may bintana ng bus habang nakatingin sa labas. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko iyong kinuha.
Ian:
Sana ako na lang yung bintana para sa akin ka nakasandal.
Napakunot ang nook o at tumingin sa gawi ni Ian. Nakatingin siya sa akin at nakasimangot. Napangiti naman ako.
Well, you have a beautiful girl beside you. Be happy.
Isinend ko sa kanya iyon at di ko maiwasang mapangiti nang kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.
“What the fuck?” he mouthed.
Nagkibit-balikat naman ako sa kanya. Muli akong nagtext kay Ian at nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko si Jahann na nakatingin sa akin. Hindi naman ito nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Hindi naman ito kumibo at muling isinuot ang earphone nito. Kinakausap pa ito ni Iris pero hindi na ito pinansin pa ni Jahann. Napatingin ako kay Ian na nakatulog na rin habang nakasandal sa may upuan nito. Well, I know he’s tired. After all, I asked him to do something for me. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nalate siya kanina.
Habang nasa biyahe ay hindi ko narin napigilang antukin kaya naman sumandal na lang din ako at pumikit. Halos tahimik na rin naman sa bus na sinasakyan namin noon. May mga mangilan-ngilang nag-uusap pa rin pero mas mahina na iyon kumpara kanina. Maging si Aly at Lean ay natutulog na.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Paggising ko ay nakaakbay na sa akin si Jahann at nakasandal ako sa may balikat niya.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napaaayos ng upo. Nilingon naman ako kaagad ni Jahann.
“How’s your head?” tanong niya kaagad sa akin. Pinunasan ko naman ang gilid ng mga mata ko bago nagsalita. “Huh?” nilingon ko siya. Maging ang mga kasama namin. Tulog pa rin ang karamihan sa mga ito. Maging si Iris ay natutulog pero sa side ni Jahann nakaharap ito.
“Nauntog ka kanina nung nagstop ‘yung bus kaya hinila na kita…” sagot niya sa akin. Hinawakan niya ang noo ko. “Medyo namula kanina, pero ayos naman na. Matigas nga pala ang ulo mo,” dagdag pa niya.
I rolled my eyes and sofly punched his arm. Nginitian lang niya ako kaya naman lumingon na lang ako ulit sa labas. Huminga ako ng malalim.
Heart, why are you doing this to me?
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
“Creep,” untag niya sa akin. Inabot niya sa akin ang isang muffin. Kunot-noo ko namang kinuha iyon. Napatingin ako sa hawak niyang food container.
“No—“
“I made that, don’t worry…” putol niya sa sasabihin ko ng akma kong ibabalik sa kanya ang ibinigay niya. “I know you’re not going to eat those brownies,” sabi pa nito. “Isa pa, kanina pa naubos nila Theon ‘yon.”
Pinagbuksan din ako ni Jahann ng mineral water bago inabot sa akin ang bote.
“Kailan mo ginawa ‘to?” tanong ko sa kanya habang kumakain. Nasabi niya sa akin na may isang oras na lang daw ang biyahe namin at naroon na kami. Mamaya na lang din daw naming gisingin ang iba para tahimik.
“Last night,” tipid niyang sagot sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Last night? Magkasama naman kami kagabi. Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit ay natulog na kami.
“You’re bluffing,” natatawang sabi ko. Umiling si Jahann. “Hindi ako natulog. You were looking for muffins last night. Wala namang mabibilhan, gumawa na lang ako…”
Kumunot ang noo ko. Naalala ko nga na naghahanap ako ng muffins kagabi. I asked our cousins, actually. Pero sa group chat lang namin iyon. Hindi ko naman nakita na nagseen si Jahann doon.
“Baliw ka talaga. Sana natulog ka na lang,” sabi ko rito.
“Mauubos mo na, magrereklamo ka pa…” tipid naman siyang ngumiti sa akin.
Ngumiti na lang din ako at tahimik na kumain.
Maya-maya lang ay ginising na rin ang mga kasama namin.
“Pre, post tayo. Woke up like this…” narinig kong sabi ni Keij kay Theon. “Gago, bukas na lang. Tapos maghanap ka ng makakatabing babae…” sagot naman ni Theon dito. I mentally rolled my eyes. Bakit ba nasa harap lang namin nakaupo ang dalawang ito? Dinig na dinig ko tuloy ang kalokohan nila.
“Guys, picture tayo…” ani Keij sa amin. Tumayo ito at pumuwesto sa may gitna ng bus.
“Sama kayo, Iris, Ian…” aya ni Aly sa mga ito. Kinailangan naming umusog para magkasya kami sa picture kaya naman umusog ako papalapit. Napalingon ako at halos magkadikit na ang mukha ni Iris at ni Jahann.
“Cherinna, you’re not looking at camera,” narinig kong sabi ni Keij. Nilingon naman ako ni Jahann kaya agad akong tumingin kay Keij. “Sorry. Game na,” sabi ko na lamang.
Ilang pictures din ang ginawa ni Keij. Hindi ko na nga mawari kung maayos ba ang itsura naming doon dahil may isang biglang nagpreno ang driver habang nagpipicture kami. Iyon ang picture na nagdikit na ng tuluyan ang mukha ni Jahann at Iris.
“Keij, pa-tag sa facebook, ha?” ani Iris kay Keij.
“Sige ba, tapos block kita…” kinindatan nito si Iris. Hanggang sa makarating kami sa may Camp ay wala ng ibang ginawa ang mga kasama ko kundi magpicture. Nauna ring ibinaba ng mga kasama naming ang gamit nila Lean, Aly at Iris. Pinauna ko na rin sila sa pagbaba para hindi ako makikisabay sa iba.
“Jahann, help!” ani Aly.
“I’ll be back. Ako na magbubuhat ng gamit mo,” ani Jahann bago tumayo at nilapitan ang kakambal ko. May sinabi ito kay Jahann at umiling naman ang huli. Pero hinila na ito ni Aly pababa ng bus.
Tumayo na lang din ako at inayos ang mga gamit ko para makababa na. Naramdaman ko na may umakyat na muli sa bus kaya naman nilingon ko ito. “Anong sabi ni Aly… Ian? May naiwan ka?” tanong ko rito. May mga gamit pa kasing nasa loob ng bus.
“Meron. Ikaw,” ani Ian bago ngumiti sa akin.
“Baliw,” natatawang sabi ko.
“Come on. Ako na magdadala ng gamit mo,” lumapit ito sa akin at kinuha ang bag ko.
“Wag na. Kaya ko naman ‘yan at isa pa—“ napatingin ako sa labas. Nakita ko si Jahann na dala ang gamit ni Iris at nakasunod si Iris dito.
“Let’s go?” hinawakan ni Ian ang siko ko at inaya na ako pababa. Tumango naman ako rito at sumama na. Naabutan ko si Kol na may kausap na member din ng SSG.
“Thank God, hindi katulad ng camp na iniisip ko ang camp na ito. May cottages. We’re not going to sleep on tents!” tila nabunutan ng tinik na sabi ni Aly sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Hey, I got our room number na!” lumapit sa amin si Lean. Kasunod nito si Enzo na dala ang gamit ng kakambal nito.
“Magkakasama tayo nila Iris sa iisang room,” ani Lean na nakangiti.
“Let’s just go to your room, please,” ani Enzo sa may likod ni Lean.
Sinimangutan naman ito ni Lean at saka kami sabay-sabay na nagpunta na sa cottage na naka-assign sa amin. Ako na ang nagbukas ng pinto pero saktong pagbukas ko ay papalabas si Jahann.
Natigilan ako.
“Excuse me,” ani Aly sa amin. “Thanks, Jahann. Ang bait mo talaga,” sabi ni Aly dito bago pumasok sa loob. Kasunod naman nito si Lean at Enzo at huli, si Ian na dala ang gamit ko.
“Sunshine,” untag ni Ian sa akin. Nilingon ko naman ito at saka inaya papasok sa loob pero hinawakan ni Jahann ang braso ko. Tinignan naman ito ni Ian.
“Sige, Ian. Pakipasok na lang sa loob yung gamit ko…” sabi ko rito. Nakatingin pa rin ito kay Jahann. Si Jahann naman ay nakatingin sa akin.
“Alright,” sabi ni Ian bago pumasok sa loob.
“I told you to wait for me,” mahina ngunit mariin ang pagkakasabi ni Jahann sa akin.
“I waited for you. Pero kasama mo si Iris, diba? Alangan namang sa loob lang ako ng bus,” sagot ko naman sa kanya.
“Kahit na,” mas humigpit ang hawak niya sa akin.
“Jahann…” hinila ko ang braso ko mula rito.
“Tss…” iiling-iling na naglakad na lang papalayo si Jahann mula sa akin. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa papalayong imahe nito.
Ano bang nangyayari sa ating dalawa? It’s like, one minute we’re okay, then the next… I don’t know. Sana alam ko ‘yung sagot sa mga tanong sa isip ko. That way, it’ll be easier for both of us.
“Hey,” hinawakan ni Ian ang braso ko. Nilingon ko naman ito. “Come with me…” aya nito sa akin. Tumango naman ako at sumama sa kanya. Naglalakad-lakad kaming dalawa sa may buhanginan.
Alam ko na marami ang nagtataka kung bakit sa ganitong lugar kami napadpad at hindi sa normal na camping sites. Hindi rin sa tent kami magsisipagtulog.
“Everything’s settled,” ani Ian sa may likuran ko. Tumigil naman ako sa paglalakad at nilingon ito. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you. Kahit na medyo rushed na…” sagot ko.
“It’s fine with me…” naglakad ito papalapit sa akin. “It’s your birthday, too. Pero si Aly lang ang mas gusto mong magcelebrate,” inalalayan niya akopara makaupo sa bato na naroon. Ngumiti ako. Ilang beses na rin akong tinanong ni Ian ng tungkol doon. Kaya rin siya wala kahapon ay dahil sa pag-aasikaso ng pakiusap ko dito.
“Mukha ba akong mahilig sa party?” tanong ko rito. Umiling naman si Ian. “Mahilig lang akong kumain pero si Aly kasi, ayaw niya talaga na hindi naicecelebrate ang birthday namin, eh…”
I asked for Ian’s help. Siya rin ang may kagagawan kung bakit kami nandito.
We’re planning to throw a party tomorrow. Surprise for Aly, actually. Para na rin hindi siya magmukmok na hindi naicelebrate ang birthday naming dalawa.
“Gusto talaga ni Iris si Jahann, no?” biglang sabi ni Ian sa akin. Nilingon ko naman ito. “Hmm? Paano mo nasabi?” tanong ko naman dito. May naikwento marahil si Iris dito dahil magkatabi sila kanina.
Nagkibit-balikat si Ian. “She’s doing what she can to get his attention,” sagot naman nito. “Pero halata namang hindi interesado si Jahann kay Iris.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi gusto ni Jahann si Iris?” tanong ko ulit kay Ian. Tumango ito sa akin. “It’s pretty obvious, Sunshine. He doesn’t like her…”
Napadako ang tingin ko sa may dagat.
Hindi ko alam kung bakit tila may kung anong mabigat sa dibdib ko ang nawala dahil sa sinabi ni Ian.
“Pero problema naman nila ‘yun,” sinundan iyon ni Ian ng mahinang pagtawa. “Akala ko pa man din makakatabi kita kanina para sasandal ka sa akin kapag inantok ka. Aakbayan kita…”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Pag-uwi na lang siguro,” ngumiti siya sa akin at saka tumayo na. Pinagpagan nito ang suot na pantalon at inilahad ang kamay sa harap ko para alalayan ako. Kinuha ko naman iyon at pinagpagan ko rin ang suot ko.
“I’m hungry, kain na tayo…” aya niya sa akin. Tumango naman ako. Hindi naman ako ganoon kagutom dahil na rin sa muffins ni Jahann kanina pero sumama na lang din ako. Mamaya ay titignan pa naming ni Ian ang mga gagamitin ko para bukas.
Habang naglalakad kami ay hawak ni Ian ang siko ko. Nasa may open-space roon ang mahahabang lamesa kung saan marami ng estudyante ang nakaupo at nagsisimula ng mag-almusal.
Agad naman kaming lumapit kina Aly. Umupo ako sa tabi ng kakambal ko at naupo naman sa tabi ko si Ian. Nilingon ko ang paligid naming pero wala si Jahann.
“Where’s Jahann?” tanong ko kay Aly. Nagkibit-balikat naman ito sa akin. “I’ll get us food,” sabi ni Ian bago tumayo at kumuha ng pagkain.
“Che, he’s so sweet, ha?” ani Lean sa akin. “You’re so lucky to have Ian!” ani pa nito na kinikilig.
“Kaya nga, eh. Sabi ko kay Twin, sagutin na niya,” natatawang dagdag naman ni Aly.
“Yeah, you really should say yes to him, Cherinna,” sabi din ni Iris. Nilingon ko ito. Ngumiti siya sa akin. “Kung liligawan ako ni Jahann, I swear, di ko siya papahirapan,” dagdag pa nito.
Natawa naman si Aly. “Pahirapan mo naman ng konti ‘yung kapatid ko,” sabi nito kay Iris.
“Hindi na, Aly. I swear, kapag niligawan talaga ako ni Jahann, sasagutin ko siya agad at—“
“Wait for him to court you first, Iris,” putol ni Kol sa sinasabi ni Iris. Tinignan naman ng babae ang pinsan ko. Hindi ito nagsalita. “I’ll just go check some things,” paalam ni Kol bago tumayo. Tumayo na lang din si Enzo. “I’ll just go to our room,” paalam nito sa amin. Naiwan naman kaming apat na babae sa may lamesa dahil si Theon at Keij ay hindi raw nila mahagilap kanina.
Maya-maya lang ay bumalik na si Ian na may dalang pagkain. Tahimik lang akong kumakain habang pinaplano ni Al yang party naming sa susunod na linggo.
“Aly, I’m invited, right?” tanong ni Iris dito na nakangiti.
“Of course. Next week na namin ibibigay ang invitations…” bumaling ito kay Ian. “And you’re invited, too…” sabi nito. “I’ll be there,” nakangiting sabi ni Ian tinignan niya ako at saka kinindatan. Natatawang napailing na lang ako.
Matapos kaming mag-almusal na tila naging brunch na rin, ibinigay na sa amin ang schedule ng activities na kailangan naming gawin. Wala namang mahirap sa mga iyon. Isa pa, plano ko na rin naman na hindi ako sisipot sa ilang activities para bukas.
Matapos kumain ay niyaya ko na si Ian para icheck kung ready na ang lahat ng kailangan namin. Isa pang dahilan sa pagpilit ko kay Ian na tulungan ako ay dahil alam kong hindi maghihinala sa amin si Aly. Iisipin lang niya na magkasama kami, sa ganoon, hindi naman niya malalaman ang birthday party na pinlano namin ni Ian.
“Are you always like that, Sunshine?” tanong sa akin ni Ian habang naglalakad. Kumunot ang noo ko. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit at kahit papaano ay presko ang hangin dito. Bago pa naman kami umalis ay napag-usapan na namin na pwede kaming magshorts nila Aly para hindi hassle.
“Always like what?” tanong ko naman sa kanya.
“Selfless…” sagot niya sa akin.
Selfless?
“I’m not selfless…” mahinang sabi ko sa kanya.
“It’s always Aly’s welfare before yours. Ilang beses ko ng nasaksihan ‘yon,” mahinang tumawa si Ian. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa dagat. “She’s my twin sister. Whatever I am doing, it comes out naturally…” ngumiti ako. “Isa pa, nakita mo naman kung gaano kalungkot si Aly na hindi tuloy ‘yung party naming bukas, diba? Maliit na bagay lang ‘yung pinlano natin para mapasaya siya…”
“How about you?” lumapit si Ian sa akin at tumabi. “Anong pwedeng magpasaya sa’yo?”
Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa mukha ko na tila ba gusto niyang alamin ang iniisip ko.
“Ice cream,” ngumiti ako sa kanya. Natawa naman si Ian sa akin. “Ang cute mo talaga,” pinisil nito ang ilong ko at inakbayan ako.
“Nagiging clingy ka na, ha?” natatawang sabi ko bago inalis ang kamay niya sa balikat ko.
“Ang damot mo, no?” nakasimangot namang sabi niya. Hindi ko mapigilang matawa.
“You’re cute when you’re being childish,” pang-aasar ko sa kanya. “Childish? So, baby mo ako?” tanong niya sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. “Halika na nga…” hinawakan niya ang kamay ko at bumalik na kami sa mga kasama namin. We already planned the tomorrow’s activity. Hindi ako sasama kina Aly para na rin magkaroon ako ng time to bake the cake.
Naglalakad ako pabalik sa cottage namin nang makasalubong ko si Kol.
“Si Jahann?” tanong niya sa akin. “Hindi mo ba kasama?” nilingon niya ang likod ko.
“Hindi kami magkasama,” sagot ko rito. Huling nakita ko si Jahann ay kanina pang pagdating namin. Noong dinala niya ang gamit ni Iris sa cottage namin.
“He was looking for you earlier,” muling sabi ni Kol. Umiling ako. “Hindi ko siya nakita, eh. May kailangan ka ba sa kanya? I’ll help you look for him,” sabi ko naman dito.
“I guess there’s no need for that,” sabi naman nito at may itinuro sa akin. Nakita ko si Jahann at katabi nito si Iris na naglalakad.
Iris was smiling from ear to ear. Sumasagot naman si Jahann sa mga sinasabi nito.
“Yeah, andyan na siya. At mukhang masayang-masaya siya…” hindi ko mapigilang maging sarkastiko.
Damn, here we go again.
Huminga ako ng malalim bago lumingon kay Kol. “I’ll go ahead, sige…”
Hinawakan ni Kol ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at inilapit ang mukha sa akin. “I’ll help you,” mahinang bulong niya sa akin.
“What?” tanong ko sa kanya. Mas lumapit pa siya sa akin. “Just stay still…” bulong niya ulit. Tinignan ko si Kol at nakatingin lang din siya sa akin. Napatingin ako kina Jahann at Iris na malapit lang sa amin. Nakatingin si Jahann sa akin.
“Jahann, punta tayo mamaya sa tabing-dagat. May bonfire daw na gagawin at—“
“Wala akong gana,” iyon lang ang sinabi nito at naglakad na papalayo sa amin.
“Jahann!” tinatawag ito ni Iris pero hindi na ito lumingon man lang.
“Problem solved…” ani Kol sa akin.
“What?” tinignan ko siyang muli.
Nagkibit-balikat siya bago naglakad palayo sa akin. Nakita ko naman si Iris na nakatingin sa akin.
Bakit ba ayoko sa’yo para kay Jahann?
Natatakot ako sa sagot…
Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa kwarto namin. Marami pa pala akong gagawin.