Played By Fate (Book 1) Chapter 21

HANGGANG sa magdilim na ay hindi ko pa rin nakikita si Jahann. Lahat kami ay pinatawag para na rin sa mga announcements para bukas at dahil na rin sa ginaganap na bonfire sa may tabing dagat. Sinabi ko na kay Aly na wala akong ganang magpunta sa labas at makihalubilo sa mga naroon pero wala naman akong nagawa ng hilahin na niya ako. Ginamit niya pang panakot na bawal daw inisin ang may birthday bukas.

Birthday ko rin naman bukas. Minabuti ko na lang na huwag ng makipagtalo pa rito at sumama na lang. Pare-pareho kaming naka-shorts lamang. Aly insisted we should wear sleeveless, too. Pareho sila ni Lean na naka-tank top, si Iris ay crop top naman ang suot. Inasar pa ito ni Aly na may balak daw akitin si Jahann, tumawa lang si Iris doon.

Hindi naman maaakit ng pusod lang si Jahann. He’s better than that. Baka si Theon at Keij pa, pwede. Pero si Jahann? I highly doubt that. At dahil sa pamimilit ni Aly, isang loose na tank top na gray na lang ang isinuot ko.

Habang naglalakad kami ay nag-uusap pa rin si Aly at Lean tungkol sa party sa susunod na Linggo. She’s really into it. Kahit pa may nag-oorganize naman ng party na iyon, gusto pa rin talagang makialam ng husto ni Aly.

“I’ll invite Kevyn, Lean…” sabi ni Aly dito.

“Hindi nga? Oh my gosh, Aly!” halatang kinikilig na sabi ni Lean. “Ikaw ba mismo ang mag-iinvite sa kanya? Goodness! Alam mo ba nung nagtext siya sa akin, dinig na dinig sa buong bahay naming ‘yung tili ko!” sinundan iyon ni Lean ng pagtawa. “Napagalitan ako ni Dad pero okay lang. That’s Kevyn Ajesta!” dagdag pa nito.

“Uhm, hindi ako ang mag-iinvite. That’s Cherinna’s assignment…” ani Aly. Napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon ang dalawang babae. “What? Anong ako? Hindi ko nga kilala ‘yon,” sabi ko rito Kailan ko lang naman nakilala si Kevyn. Hindi naman kasi ako madalas manuod ng TV.

“Twin, of course you’ll use your connection!” inakbayan ako ni Aly. “Ipa-invite m okay Ian,” ngumiti siya sa akin at nauna na maglakad. Napasimangot ako. “I don’t want to ask him to do that,” sabi ko rito habang naglalakad.

“Eh di ako ang magsasabi. Sasabihin ko sabi mo,” ani Aly na tila nang-aasar pa. “Alyanna!” singhal ko naman dito. Natatawa lang ito na nagpatuloy sa paglalakad. Si Lean naman ay tumingin sa akin. “Che, please? That’d mean a lot, I swear!” sabi naman nito na hinawakan pa ang magkabilang kamay ko.

“I’m not promising anything, okay?” sabi ko na lang dito. Tumango naman siya sa akin na bakas ang kaligayahan sa mga mata bago naglakad at sinabayan si Aly. Napailing na lang ako.

“I’m sure Ian will help you.”

Napalingon ako nang magsalita si Iris na nasa gilid ko. “I’m sure he will, Iris…” sagot ko rito. Huminga ako ng malalim bago nagsimula na ulit na maglakad. “Why don’t you answer him now. I am sure Ian will be happy,” narinig kong sabi ulit ni Iris na nakasunod sa akin.

“I’m not in a rush, Iris. I’m fine,” sagot ko na hindi lumilingon dito.

“Well, maybe it’s the best time for you to say yes. Nasa ibang lugar tayo, memorable at—“

“What is it to you, really? Why are you pushing me to Ian?” hindi ko na napigilang tanungin siya, Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

“Sinasabi ko lang naman na bagay kayong dalawa. At lahat ng tao, nakikita iyon, Cherinna…” ngumiti siya sa akin.

“Iris, I don’t want to sound rude or what, but it’s really none of your business. It’ll be my decision if I’ll say yes to him now. Not yours. After all, ako naman ang nililigawan, hindi ikaw…” pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakakuyom ang mga palad ko habang nakatingin sa babaeng kaharap ko.

Ngumiti siyang muli sa akin. “Remember what I told you before?” ipinilig nito ang ulo habang nakatingin siya sa akin. “I’ll do everything I can to get Jahann’s attention.”

Hindi ako nagsalita.

“I really like your brother, Cherinna. I hope you can help me with him. After all, we’re friends, right?” nakangiti pa rin niyang sabi sa akin. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa iba pa naming mga kasama.

Sino namang nagsabing kaibigan ko siya?

“Help you with Jahann?” nakasimangot kong sabi habang nakatingin kay Iris. “Asa ka naman. I’ll help Jahann to make you go away, instead. Mas okay pa ‘yon,” marahas akong nagpakawala ng hangin mula sa dibdib ko.

“Alam ba ng kaaway mo na sinusumpa mo siya?”

Napalingon ako nang magsalita si Kol. Hindi naman mahirap malaman kung sino si Kol at sino si Keij. Well, seryoso si Kol, si Keij naman ay mas pala-ngiti. Kabisado na namin silang dalawa kaya kahit pa nagpapanggap si Keij minsan na si Kol, hindi siya nakakalusot sa amin.

“May palaka lang akong nakita kanina,” sagot ko naman dito. “Anyway, Kol. Can I ditch all the activities tomorrow?” tanong ko sa pinsan ko. Kumunot naman ang noo niya sa akin. “Where are you going?” lumapit siya sa akin.

“Uhm, tinatamad kasi ako, eh…” tumawa ako ng pagak. Tumaas lang ang isang kilay ni Kol sa akin. “You’re really not a good liar, Cherinna…”

I frowned. “I’m actually planning a surprise for Aly tomorrow. Kaya baka hindi ako makasali sa mga activities,” sagot ko dito.

“What was that?” muling lumapit si Kol sa akin at inilapit ang mukha sa akin.

“Ang bingi mo ba?” tanong ko dito. Tinignan lang ako ni Kol kaya napasimangot ako. Umirap muna ako bago nagsalita. “Ang sabi ko, I’m planning a surprise for Aly and—“

“Creep…”

Napalingon naman ako ng tawagin ako ni Jahann.

“Jahann…”

Umayos naman ng tayo si Kol sa tabi ko at tumikhim. Bumaling naman ako rito. “I’ll go ahead,” paalam sa akin ni Kol. Tinapik pa nito ang balikat ni Jahann bago tuluyang naglakad papalayo.

Hindi ako makatingin kay Jahann. Naalala ko, he’s with Iris earlier. Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin. “Punta na rin ako sakanila…” sabi ko rito. Naglakad na ako pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako.

Tinignan ko siya pero nakaiwas ang tingin niya sa akin.

“Sabay na tayo,” mahinang sabi ni Jahann habang hawak ang braso ko at sabay kaming naglalakad papunta sa mga kasama namin. Nakita naman kaagad namin sila Aly kaya lumapit kami sa kanila. Naupo ako sa tabi nito habang nakatayo naman sa may likuran ko si Jahann.

“Jahann, juice,” inabutan ni Iris si Jahann ng isang baso.

“Thanks,” tipid na sabi ni Jahann at inabot iyon. Tumayo sa tabi ni Jahann si Iris. Napabuga naman ako ng hangin. “Tomorrow they will teach us how to give CPR daw,” ani Aly sa akin. Tumango naman ako dito. Magpapaturo na lang siguro ako since hindi naman ako pupunta sa mga gagawin bukas.

“Sila Theon pala?” tanong ko kay Aly. Nagkibit-balikat ito. “Malamang naghahanap ng mga babae. Alam mo naman ‘yung mga ‘yon,” sagot naman nito sa akin.

“You know what’s funny?” tanong ni Lean sa amin ni Aly. Kumunot ang noo ko rito. “What?” si Aly ang nagtanong kay Lean. Itinuro nito ang mga babae na kinakausap si Enzo at Kol.

Hindi namin napigilan ni Aly matawa. It’s really obvious that Enzo’s starting to get annoyed. Si Kol naman ay kung hindi tango, iling ang sinasagot sa mga ito.

“Jahann, why don’t you join—“ natigilan ako nang nilingon ko si Jahann. Kausap nito si Iris. Si Iris naman ay titig na titig kay Jahann.

He’s busy.

“Uh-oh. Twin, you should see this…”

Nilingon ko si Aly nang kalabitin ako nito. “Huh? What?” takang-tanong ko rito. May itinuro ito sa akin kaya inilipat ko roon ang tingin ko. Nakita ko si Ian. May tatlong babae rin na nakapaligid dito at kinakausap ito. Hindi sila pamilyar sa akin. Marahil ay ibang course ang mga ito.

“Bakit ang daming flirt sa paligid?” tanong ni Lean.

“Natural, ang dami ring flirt na lalaki, eh. Look at Keij and Theon!” sagot naman ni Aly dito. Bumaling namang muli sa akin si Aly. “Hindi mo ba pupuntahan si Ian, twin?” tanong niya sa akin. Nilingon kong muli si Ian. Halatang hinaharangan ito ng tatlong babae sa paglalakad.

Napangiti ako. “I’m sure he can handle those girls,” sagot ko naman kay Aly.

“Cherinna!” asik niya sa akin. “Go, get your man, okay? Wag mong hayaang may umagaw na iba!” sabi niya sa akin bago ako tinulak para tumayo.

“Hindi ko naman boyfriend si Ian, eh…” sabi ko rito. Nagtangka akong umupo ulit pero hinarangan ako ni Aly. “Dali na, twin. Go!” pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. I just rolled my eyes and sighed. Napalingon ako kay Jahann. Kausap niya pa rin si Iris. Nakangiti naman si Iris at tila napaka-interesanteng bagay ang pinag-uusapan nilang dalawa.

I just rolled my eyes again.

“Fine,” nakasimangot kong sabi kay Aly bago naglakad papunta kay Ian. He’s obviously asking those girls to let him go. Pero nakahawak sa isang braso niya ang babae.

Malamang ay kung ano-anong endearment na ang tinatawag ni Iris kay Jahann kapag sila lang. What it could be? Hon? Sweetheart? Love?

“Babe…”

“Babe?” malakas na tanong ng isang babae sa akin. Pakiramdam ko ay naglingunan sa amin ang mga malalapit lang sa amin.

What the fuck?

“Babe?” kunot-noong tanong ni Ian sa akin.

Ugh. Why do you have to be that stupid, Cherinna? Nasabi ko ba talaga ng malakas ‘yung babe?

“Uhm…” kinagat ko ang labi ko. “Uh…”

“Yeah, babe…” agad na umalis si Ian sa pagkakahawak sa kanya ng tatlong babae at lumapit sa akin. “I was actually looking for you. Saan ka galing, babe?” inakbayan ako ni Ian at nagbaba ng tingin sa akin.

“Uhm… m-may ginawa pa kasi ako, eh,” sabi ko na lang.

“Girlfriend mo siya?” tanong ng isang babae kay Ian. Tinignan naman ako ni Ian bago tumingin dito. “Yeah, girlfriend ko siya…”

I’m dead.

“Well, she’s flat,” sabi nito. Napamulagat ako sa sinabi nito at nagyuko sa may dibdib ko. Pinagkrus ko na lamang ang mga braso ko sa may dibdib ko.

“I’m glad you noticed that. I don’t prefer girls with bigger tits…” napalingon ako kay Ian. He was so blunt! Siniko ko siya sa may tagiliran. “Cherinna’s more than enough,” sabi ni Ian bago nagbaba ulit ng tingin sa akin at kinindatan ako. “Excuse us,” inakay na ako nito papunta sa mga kasama ko.

“Babe, huh?” malawak ang ngiti na sabi sa akin ni Aly. “Oh, shut up,” agad akong naupo sa tabi ni Lean. “What was that, Che? Kayo na ba ni Ian?” tanong niya naman sa akin.

“No,” maagap na sagot ko. “May iniisip kasi ako. Hindi ko alam na nabanggit ko ‘yung babe nang malapit na ako sa kanila…” pagpapaliwanag ko.

“Twin, it’s okay. Willing naman si Ian maging babe mo…” tinapik ni Aly ang balikat ni Ian. I just rolled my eyes. Kung hindi ba naman kasi ako nainis kay Iris at Jahann, hindi ko sana mababanggit ang babe. Nagmukha pa tuloy na tinawag ko si Ian na babe. Nilingon ko ang pwesto kanina ni Iris at Jahann pero wala na ang dalawa roon.

Laglag ang balikat na umayos na lang ako ng upo. Nakatingin lang ako sa apoy habang abala ang karamihan sa pagkain, pagkukuwentuhan at pagpipicture.

“Are you hungry?” tanong ni Ian sa akin.

“Lagi ba akong gutom at iyan ang lagi mong tanong sa akin?” tanong ko sa kanya pabalik. Nagkamot siya ng batok at tipid na ngumiti. “Medyo?” alanganing tugon niya.

Tinitigan ko siya ng masama.

“Joke lang, babe…” natatawang sabi nito sa akin.

“Stop with that babe thing, please,” napasimangot ako.

Ngumiti si Ian bago pinisil ang ilong ko. “Oo na po. Titigil na…” ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Can I hold your hand?” tanong niya.

“Talagang kinuha mo muna ang kamay ko bago ka nagtanong, Ian, ha?” tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti naman siya sa akin. “Para at least, nahawakan ko na kung tatanggi ka man…”

“Baliw ka talaga, no?” napailing na lang ako sa kanya. Hindi naman niya hinawakan lang ang kamay ko. He was actually massaging my hand. Nakikinig kami sa kwento ni Aly tungkol sa kung ano-ano at si Ian ay abala sa pagmamasahe sa kamay ko.

Halos alas-dies na ng gabi nang magpaalam akong matutulog na. Bukod sa inaantok na ako, gusto ko lang mapag-isa.

“Ihahatid na kita…” pagpiprisinta ni Ian.

“Oo nga, Twin. Magpahatid ka na kay babe mo,” natatawang sabi ni Aly. “Ewan ko sa’yo,” ismid ko rito at saka tumayo na. Hindi ko naman na kinontra pa si Ian at sinamahan na niya akong maglakad pabalik sa cottage na inookupa namin.

“Sunshine,” untag ni Ian habang naglalakad kami. Nilingon ko naman ito. “Hmm?”

Nakangiti siya sa akin. “It feels good to tell someone that you’re my girlfriend…”

Hindi naman ako nakakibo sa sinabi nito.

“Sorry,” he said contritely. “I mean, I was surprised when you called me babe, earlier. Natuwa lang ako…” huminga ito ng malalim. “That gave me hope, Sunshine. That in the end, you’ll say yes to me…”

“Ian…”

“I’m not rushing you…” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Take all the time you need. I’ll wait, Cherinna. You’re worth the wait, and I am very much willing to wait for you…”

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa pisngi ko. “Goodnight, Ian. You should rest, too…” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin pero hindi niya inalis ang kamay niya. Sa halip ay lumapit pa siya sa akin at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

“Sleep well, Sunshine…” mahinang bulong niya sa akin bago ako binitiwan at nagpaalam na. Nakatingin ako kay Ian habang papalayo ito nang may narinig naman akong tila mga yabag.

“May tao ba diyan?” tanong ko sa kawalan.

Wala namang sumagot sa akin.

Napailing na lang ako at dumiretso sa loob ng cottage at nahiga sa kama ko. Habang tumatagal, mas nagugulo ang isipan ko. Nagpasya ako na matulog na lang at ipagpabukas na lang ang pag-iisip.

Marahil sa pagod ay nakatulog naman ako kaagad at maagang nagising kinabukasan. Nakita ko ang notes ni Aly at Lean sa gilid ng kama ko. Binati nila ako ng Happy Birthday.

Mabilis akong kumilos at nagbihis para makaalis na kaagad. Wala namang nagising sa tatlong kasama ko hanggang sa makalabas ako. Nakaabang na si Ian sa akin sa may labas ng cottage namin.

“Ang aga mo naman,” puna ko rito.

“Happy birthday,” bati niya sa akin. “And good morning,” pahabol nito.

“Thank you…” ngumiti ako sa kanya. “Let’s go?” aya ko rito. Tumango naman si Ian sa akin at nagsimula na naming asikasuhin ang para sa celebration mamaya. Surprised was an understatement. Pagpunta namin sa ookupahin naming kusina para sa pagluluto, nakita ko na maraming naroon at nagluluto.

Nilingon ko si Ian.

“Don’t worry, the cake is yours, as promised…” natatawang sabi ni Ian sa akin.

“Ang dami ko ng utang sa’yo…” napanguso ako. “Kulang ata ang isang sem na allowance ko para bayaran ka…” sabi ko sa kanya.

“Hindi naman kita sinisingil…” pinisil niyang muli ang ilong ko. “Come on, magbreakfast muna tayo…” hinawakan niya ang kamay ko at inakay na ako para mag-almusal. Maya-maya lang ay mag-aalmusal na rin ang iba pa.

Malamang ay hahanapin ako ni Aly mamaya. Pero kung mapapansin naman nila na wala rin si Ian, maiisip nilang magkasama kami. It’s better that way, kaysa naman malaman nito ang pinaplano namin.

Pero paano si Jahann…

Umiling na lang ako para mawala ang iniisip ko. I am sure, Iris will stay by his side. Hindi na ako maiisip ‘non.

Matapos lang kami ni Ian na mag-almusal ay tumulong na kaming dalawa sa pagluluto. Noon ko lang din nalaman na marunong si Ian sa kusina.

“You never mentioned your family before… where are your parents?” tanong ko kay Ian habang inihahanda ang mga kailangan ko para sa mga cake na gagawin ko.

“There’s nothing much to say about them. Pareho silang nasa States…” sagot naman nito sa akin.

“Wala kang kapatid?” tanong kong muli sa kanya. I’m trying to make a conversation and I’m just trying to know Ian more.

Umiling ito. “Busy masyado ang parents ko para gumawa ng isa pa…” ngumisi siya sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. Natawa ito sa akin. “Wala akong kapatid…” sabi nito.

“So you’re living alone? Ang lungkot naman ‘non…” komento ko. Kahit naman kasi maingay si Aly at kung minsan ay nakakainis na, ayokong mawala ito. I can’t imagine living in a world without her and Jahann.

He smiled at me. “Hindi naman ako nag-iisa. Kevyn’s like a brother to me,” sabi niya sa akin. “He’s the closest to me before… now, I have you, too…”

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.

Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Sinadya ko ring iwan ang phone ko sa kwarto para kung sa halip na tatawagan ako ninuman sa kanila ay hindi ako macocontact.

Halos igugol namin ni Ian ang buong maghapon namin sa pagluluto. Hindi din naman biro ang dami ng kasama namin na estudyante.

“I have another surprise for your sister…” ani Ian sa akin matapos makipag-usap sa phone nito. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. “What surprise?” tanong ko rito.

“Come with me…” hinawakan niya ang kamay ko at inakay papalabas. Sa likod kami dumaan na dalawa.

“Ano bang gagawin natin dito?” tanong ko kay Ian.

“Just wait…” ngumiti siya sa akin. Napailing naman ako at pinagkrus na lamang ang mga braso. Wala pang isang minuto ang lumilipas ay may nakita na akong sasakyan na papalapit sa amin.

“Sino ‘yan?” tanong ko kay Ian.

Nagkibit-balikat ito at nilapitan ang sasakyan. Bumukas naman ang pinto niyon at lumabas si Kevyn.

“Kevyn?” Nandito si Kevyn?

Naglakad ako papalapit sa kanila pero nakita kong bumukas ang isa pang pinto ng sasakyan nito at lumabas si Ate Caryl.

“Ate Caryl?” kumunot ang noo ko.

“Hi, Cherinna. Happy birthday,” lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Uh, thanks. But why are you here? Si Kuya Kiro?”

“Not with us…” si Kevyn ang sumagot sa akin. Tinignan ko naman si Ate Caryl. Ang alam ko ay sa MDCA siya nag-o-OJT. Pero bakit sila magkasama ni Kevyn?

“It’s a long story…” sabi nito sa akin bago ngumiti. “Anyway, where’s Aly?” tanong niya.

“Actually, we’re planning a surprise for Aly. So, if possible, just stay with Kevyn for the meantime…” ani Ian dito.

Nilingon naman ni Ate Caryl si Kevyn. Napasimangot na lang ito. Inalis naman ni Kevyn ang suot nitong shades at ngumiti kay Caryl. “I told you, I won’t make it easy for you…”

Mas nangunot naman ang noo ko dahil doon.

“Sunshine, let’s go inside…” hinawakan ni Ian ang braso ko. Inakay niya na ako pabalik sa loob.

“I’m pretty sure Aly wants Caryl to be here. Hindi lang naisama si Kiro dahil si Kevyn ang tinawagan ko kagabi,” paliwanag ni Ian sa tanong na hindi ko naman naisatinig.

“What’s going on between them?” tanong ko sa binata. Ngumiti lang si Ian sa akin at pinisil ang ilong ko. “I don’t know either…”

Napalabi na lang ako. Nang masiguro naman namin na ayos na ang lahat ay lumabas na kami para makihalubilo sa iba pero dumiretso na lang ako sa kwarto namin at naligo. Malamang ay pabalik na rin ang mga ito. Sakto lamang iyon para sa surprise para kay Aly.

Hustong nakapagbihis na ako nang may kumatok sa pinto. Nilapitan ko naman iyon at binuksan.

“Jahann?”

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.

“Where are they? Nandyan na ba sila?” tanong ko rito. Hindi pa rin siya kumikibo.

“Uhm, sorry. May ginawa kasi ako kaya hindi ako nakasama sa mga activities at—“

“Come with me,” hinawakan niya ang braso ako at hinila ako.

“Wait, where are we going?” tanong ko sa kanya ngunit tila bingi ito dahil patuloy lang ito sa paglalakad.

“Jahann!” pilit kong binabawi ang braso ko mula rito. Madilim na ang paligid dahil gabi na rin. May mga sulo lamang sa paligid naming na nagsisilbing liwanag. Maging ang buwan ay tumatanglaw sa amin.

Medyo malayo na ang nilakad naming dalawa nang tumigil si Jahann. Hindi pa rin ito nagsasalita. Naupo ito sa may mga batuhan na naroon.

“What’s your problem?” tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. “Are you okay?” tanong ko ulit.

Tumingala lang ito at huminga ng malalim.

“Do you need anything?” tanong ko ulit sa kanya.

“I don’t. Just stay, Creep…” mahinang sabi niya.

Hindi na lang din ako kumibo. Tumingin ako sa may dagat.

“I planned a surprise for Aly. Kaya wala ako maghapon…”

“Yeah Kol told me about that…” sagot naman niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay ayaw rin naman malaman ni Jahann ang ginawa ko.

“I saw you and Iris last night. You’re getting closer na?” tanong ko. Pilit kong pinasigla ang boses ko. I tried to divert my attention today from that thought. Hindi nagsalita si Jahann.

“You know what, I think kapag niligawan mo si Iris, hindi ka talaga mahihirapan sa kanya. She likes you very much and—“

“Why can’t you admit that you’re jealous, Cherinna?”

Natigilan ako sa sinabi niya sa akin.

Nilingon niya ako. “You’re jealous, right?” sabing muli ni Jahann.

“What are you saying, Jahann? I’m not,” umiling ako sa kanya at tumawa ng pagak. And that’s the right thing to say. Tumayo si Jahann at naglakad papalayo ng kaunti sa akin.

Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko dahil sa tension.

“You’re being unfair, Cherinna…” narinig kong sabi ni Jahann.

“Jahann…”

Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya.

“It’s frustrating to see you with him…”

Don’t do this, Jahann.

“You don’t want me to be with Iris, yet you’re with Ian. Don’t you think that’s unfair?” humarap siya sa akin. “Ako lang ‘yung nagseselos, Cherinna…”

Napayuko ako. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa kamay ko. “I can’t be jealous, Jahann…”

“Yeah, bakit nga ba magseselos?” I heard him sniffed.

Hindi ko magawang mag-angat ng tingin. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko. Narinig ko na lang ang mga yapak niya papalayo sa akin.

Doon ko lamang pinakawalan ng tuluyan ang mga hibik na kanina ko pa kinikimkim.

Nagseselos ako, Jahann. Pero mali. Mali ‘to. Hindi pwede…

I’m sorry…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.