“TWIN, sobrang thank you kagabi, ha? I had so much fun! Imagine nakapagparty pa din tayo kahit papaano tapos nandoon pa si Ate Caryl at si Kevyn! Kaya tuwang-tuwa si Lean, eh…” malawak ang pagkakangiti ni Aly habang nagkukwento sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid dito.
“True! Imagine, si Kevyn! I was really surprised! Pakiramdam ko tuloy, birthday ko din dahil dumating siya. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan!” kinikilig na sabi naman ni Lean.
“It was Ian’s idea, actually. Na papuntahin si Kevyn at Ate Caryl…” sabi ko naman sa kanila habang nag-aayos ng gamit. Mamayang hapon ay magsisipag-uwian na kami. May mga isinasagawa pang activities ngayong umaga pero sinabi ko na rin na hindi ako sasali dahil masama ang pakiramdam ko.
“But where were you last night? Ikaw ang nagplano ‘non pero hindi ka sumipot!” sabi ulit ni Aly. Inilapag nito ang damit at umupo sa may kama ko. “Saan ka nagpunta kagabi? Hinahanap ka ni Ian…” kunot-noong tanong sa akin ni Aly. Tinulungan niya rin ako na mag-ayos ng gamit ko.
“Sumakit kasi ‘yung ulo ko…” pagsisinungaling ko. “Maghapon kasi kaming nagluto kaya napagod siguro ako. Hinintay ko lang na nandoon na kayong lahat tapos natulog na ako dito…” dagdag ko pa sa kasinungalingan ko.
“Sayang. Mas masaya sana kagabi kung nandoon ka rin since birthday natin ‘yon,” huminga ito ng malalim. “Anyway, have you talked to Jahann?” tanong niya sa akin. Natigilan naman ang kamay ko na may hawak na damit sa ere.
I cleared my throat. “Hindi. Bakit?” tanong ko rito. Iniiwas ko ang tingin sa kakambal ko at itinuon ang paningin sa mga gamit ko. Wala si Iris sa loob ng kwarto dahil ang sabi nito ay pupuntahan nito si Jahann.
“Wala rin kasi siya kagabi. Akala ko nga magkasama kayo, pero sabi ni Kol nagsabi si Jahann sa kanya na matutulog ng maaga…” sabi ni Aly bago tumayo at bumalik sa kama nito.
“Baka napagod lang din si Jahann…” sabi ko na lamang. Tumalikod ako para kunin ang iba ko pang gamit.
Kinagat ko ang labi ko.
I know he’s hurting. Nasaktan ko siya…
But that’s the right thing to do.
Huminga ako ng malalim bago muling inasikaso ang mga gamit ko.
Patuloy naman ang pagkukwentuhan nila Aly at Lean tungkol sa nangyari kagabi. Nasabi na rin ni Aly sa akin kanina na naimbitahan na raw si Kevyn para sa party namin sa susunod na Linggo. Pero hindi na nagpalipas ng gabi doon sila Kevyn at Ate Caryl dahil may maagang call-time si Kevyn para sa show nito.
Nang matapos sa pag-aayos ng gamit ay nag-aya si Alyn a lumabas pero pinili ko na magpaiwan na lang. Hindi naman ito namilit pa dahil sinabi ko na masama talaga ang pakiramdam ko. Sinabihan na lang ako nito na dadalhan ako ng pagkain at gamot.
“Why can’t you admit that you’re jealous, Cherinna?”
Paulit-ulit kong naririnig ang tanong ni Jahann sa akin.
I really can’t, Jahann. Kasi kapag ginawa ko, mas maraming problema ang darating. Mas maraming iisiping bagay. It’s better this way. We’re better this way.
Pero bakit masakit?
He was frustrated last night. It was as if he’s really hurting and I know he’s really hurt.
“You did the right thing, Cherinna…” mahinang sabi ko sa sarili ko. “You did what’s right…” pilit kong nilalabanan ang mapahikbi pero hindi ko rin nagawa. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa nangyayari. Niyakap ko ang mga tuhod ko at patuloy na umiyak.
Gusto kong magsorry sa kanya hanggang sa mawala ‘yung sakit na nararamdaman niya pero hindi ko alam kung gusto akong makita ni Jahann ngayon.
Gusto kong maging okay kami ulit. ‘Yung katulad dati. ‘Yung close lang kami. ‘Yung walang selosan… walang ganito.
Napatakip ako ng kumot nang may biglang kumatok sa pinto.
“Pasok…” sabi ko. Alam ko na halata sa boses ko na umiiyak ako pero idadahilan ko na lang siguro na sinisipon ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara niyon. Maging ang mga yabag na papalapit sa akin ay narinig ko rin.
A small part of me’s hoping that it’s Jahann.
Pero alam kong imposible.
“Are you okay?”
It was Kol’s voice.
Tumango ako. “Masama lang pakiramdam ko…” sagot ko naman. Sa kabilang side ako ng kama nakaharap kaya naman alam kong hindi niya nakikita ang mukha ko.
“It’s hard, right?” tanong ni Kol sa akin.
“What?” tanong ko naman sa kanya pabalik. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya ng tipid sa akin. “Everything will be fine, Cherinna…” pinunasan niya ang luha na nasa pisngi ko. “Stop crying. It’ll just hurt him more,” sabi pa nito.
“Kol…” niyakap ko ito at patuloy na umiyak. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kahit hindi ako magsalita ay naiintindihan ako ni Kol. Kahit hindi ko sabihin ang problema, naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
Nang humupa na ang pag-iyak ko ay nagpaalam si Kol sa akin na ikukuha ako ng pagkain. Tumango naman ako sa kanya kaya muli, naiwan ako sa loob ng cottage.
“Cherinna?”
I heard Ian’s voice. Kumatok din ito sa pinto.
“Yes? Sige, pasok ka…” sabi ko rito. Binuksan naman nito ang pinto at pumasok itong may dala-dalang pagkain.
“Aly told me you’re sick,” ani Ian nang makita ako. Nakaupo ako sa may kama at nakasandal sa ulunan niyon.
“Medyo masama lang ‘yung pakiramdam ko…” tugon ko rito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. “Your temperature’s normal…” kumunot ang noo niya. “Baka napagod ka ng husto kahapon. Okay ka lang ba?” umupo siya sa may kama ko at tinignan ako.
Tumango ako. “I’m fine. Baka napagod nga lang ako…” sagot ko rito.
“I brought you these…” ibinigay niya sa akin ang dalang pagkain. May kasama rin iyong gamot at tubig. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you, Ian…”
“Anytime…” ngumiti rin siya sa akin at hinayaan na akong kumain.
“Where were you last night, Sunshine?” tanong ni Ian sa akin na bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto. Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. “Sumakit ‘yung ulo ko kaya natulog na lang ako…” sagot ko sa kanya bago muling itinuon ang pansin sa pagkain.
“I was looking for you, hindi kasi kita makita. And you’re not here, either…”
Natigilan ako.
“May nangyari ba kagabi?” tanong niyang muli sa akin.
Paulit-ulit na namang naglaro sa isip ko ang nangyari kagabi.
Umiling ako at saka nag-angat ng tingin. “Hinintay ko lang talaga na makaalis silang lahat bago ako nagpunta rito kagabi…” ngumiti ako sa kanya. “I’m fine, don’t worry…”
Ngumiti din si Ian sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
“I’m just here, Sunshine. Always remember that, okay?” pinaglandas niya ang palad sa pisngi ko. Tumango naman ako rito.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Iris.
“Oh, I’m sorry…” hinging paumanhin niya sa amin. “Hindi ko alam na nandito ka, Ian…” dagdag pa nito.
Umayos naman ng upo si Ian at tumingin kay Iris. “Just checking on Cherinna…” sagot nito.
“Ang sweet mo talaga…” ngumiti si Iris dito. “Ang swerte mo, Cherinna,” inilipat nito ang tingin sa akin.
Hindi naman ako nagsalita pa.
“Jahann, why don’t you come in?” tanong ni Iris. Lumabas itong muli at pagpasok nito ay hawak na nito ang braso ni Jahann.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Jahann.
Hindi man lang niya ako tinignan kahit na sandali.
Kinuha ni Iris ang mga gamit nito at ibinigay kay Jahann. “Ako na lang magbubuhat ng isang bag. Magaan lang naman iyon,” matamis itong nakangiti kay Jahann. Tumango naman si Jahann dito at lumabas na ng kwarto.
“Pumayag na siyang magkatabi kami mamaya sa bus,” nakangiting sabi ni Iris sa amin ni Ian. Natawa naman si Ian. “Talagang hindi mo titigilan si Jahann, no?” sabi nito kay Iris.
Umiling si Iris. “No. Because I know he’ll be mine soon,” nakangiting saad nito.
Hindi naman ako kumibo pa.
“See you later!” naglakad na ito papunta sa pinto pero huminto ito at tumingin sa akin. “Get well soon, Cherinna…” she smiled at me. I nod a little.
Nilingon ako ni Ian. “Boto ka ba ‘dun para kay Jahann?” natatawang tanong nito sa akin.
Huminga ako ng malalim. “Para mo na rin akong tinanong kung boto ba si Jahann sa’yo niyan, eh…” sabi ko sa kanya.
Sinimangutan naman ako ni Ian.
“Halikan kita diyan, eh…” paismid na sabi nito sa akin. Natawa naman ako dito. “Siraulo ka talaga,” hinila ko ang buhok nito kaya mas sinimangutan niya ako.
Matapos magtanghalian ay tinulungan na kami ng mga pinsan namin sa gamit namin. Si Kol ang nagbuhat ng gamit ko dahil na rin nagpatulong ang ilang professors kay Ian. Pagpasok namin sa bus ay nakita ko na nakaupo na si Jahann sa tabi ng bintana at katabi nito si Iris na nakangiti sa amin.
“Hi!” kumaway pa siya sa amin.
Kasama ka lang naman namin kanina, kung maka-kaway ka naman… hindi na lang ako kumibo.
“Here, Cherinna…” inalalayan ako ni Kol na makaupo. Nasa may likod nila Iris at Jahann si Aly at Lean at sa likod naman kami nila Aly at Lean nakapwesto. Nasa may tabi ako ng bintana at si Kol ay naupo sa tabi ko. Si Enzo ang katabi ni Ian, iyon ang sinabi niya sa akin kanina. At gaya ng pagpunta namin, si Keij at Theon pa rin ang magkatabi.
Nakatingin lang ako sa labas. Hindi pa umaandar ang bus dahil na rin may mga hinihintay pa. Tumayo ako para kumuha ng jacket sa bag ko.
“Where are you going, Cherinna?” tanong ni Kol sa akin.
“Kukuha lang ng jacket,” sabi ko rito.
“Ako na. Just sit there,” sabi nito at saka tumayo at kinuha ang bag ko.
May kinuha ito sa loob ng bag ko at inabot sa akin.
“Kol, may iba pang jacket diyan,” sabi ko rito. Kumunot naman ang noo ni Kol. “What’s wrong with that one?” tanong niya sa akin.
“May iba pa kasi diyan,” muling sabi ko rito.
Jacket ni Jahann ang nakuha ni Kol. Hindi ko pa rin naibabalik sa kanya iyon.
“Akin na kasi ‘yung bag ko. Ako na lang ‘yung kukuha at—“
“Isuot mo na lang ‘yung jacket ni Jahann, Cherinna…” sabi naman ni Enzo sa kabilang side ng bus. Nakita ko ang bahagyang paglingon ni Jahann sa amin.
Hindi na lang ako kumibo at isinuot iyon at naupo. Tumingin na lang ako ulit sa labas ng bintana.
Hanggang sa umandar na ang bus papaalis ay wala na masyadong maingay sa loob ng bus. Karamihan sa mga kasama ko ay tulog na. Maging si Kol ay natutulog na sa tabi ko. Nagtuwid ako ng likod upang silipin si Jahann pero nakita ko si Iris na tila nakasandal ang ulo sa balikat ni Jahann.
Napabuga na lang ako ng hangin at sumandal na lang din. Hanggang sa makabalik kami sa school ay halos walang kumikibo. Wala naman kaming pasok bukas para makapagpahinga raw. Hindi naman din kami naghintay ng sundo dahil bago pa man kami nakaalis ay natawagan na raw ni Jahann si Mommy, iyon ang sabi sa akin ni Aly.
“I’ll see you on Tuesday?” tanong ni Ian sa akin nang ihatid niya ako sa may sasakyan namin. Tumango na lang ako rito. “See you,” sabi ko ng nakangiti. Nakita ko naman si Jahann na matapos ilagay ang gamit sa compartment ng sasakyan ay pumasok na sa loob. Sa harap ito umupo.
Matapos magpaalam ay sumakay na lang din ako sa sasakyan. Hinintay na lang namin si Aly na kausap pa si Lean. Nasa labas ‘yung driver para ilagay ang gamit ni Aly sa likod ng sasakyan kaya kaming dalawa lang ni Jahann ang nasa may loob ng sasakyan.
Nakatingin lang ako sa may likod niya. Suot nito ang earphone nito at nakasandal sa may upuan.
Sumandal na lang din ako at tumingin sa labas. Maging hanggang sa pag-uwi namin ay hindi ako kinikibo ni Jahann. Hindi man lang din niya ako sinusulyapan.
Agad kaming sinalubong ni Mommy nang makauwi kami. Masigla itong nagtatanong ng nagyari sa amin sa camp at si Aly naman ang nagkuwento rito. Nanatili lamang ako ng sandali kasama sila at nagpaalam na rin akong aakyat dahil masama ang pakiramdam ko.
Nadaanan ko ang kwarto ni Jahann. Suot ko pa rin ang jacket niya.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng kwarto nito. Walang sumagot sa akin kaya naman binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Nakita ko si Jahann na nakahiga sa kama at nakatakip ang braso sa may mata nito.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto nito. Hinubad ko ang jacket na suot ko at inilagay iyon sa gilid ng kama ni Jahann.
“I’m sorry, Jahann…” mahinang sabi ko bago tumalikod at naglakad papalabas ng kwarto nito. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa nangyari. I can laugh with other people’s jokes, but after that, maiisip ko lang ulit ‘yung nangyari.s
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad din akong nahiga sa kama ko.
Nilingon ko ang frames na nasa gilid ng kama ko. Apat na pictures ang naroon. Isang family picture namin, isang tatlo kaming magkakapatid, isang picture namin ni Aly at isang picture namin ni Jahann.
I looked at Jahann’s face.
Niyakap ko na lamang ang stuffed toy na nasa may kama ko at ipinikit ang mata. I also made sure my door’s locked. Ayoko lang makipag-usap sa kahit na kanino kaya sana ay hindi ako pasukin ni Aly sa loob ng kwarto ko.
Kinabukasan ay wala na si Jahann nang magising ako. Ang sabi sa akin ni Aly ay maaga itong nagpunta sa Ai’s. Hindi naman na ako nagtanong pa. Alam ko na iniiwasan ako ni Jahann. Nanatili na lang ako sa bahay at nanuod ng kung anu-ano.
Si Aly ay abala naman sa pagpaplano ng party naming dalawa. Hindi na ako nakisali dahil mas alam naman ni Aly ang gagawin doon.
Kinabukasan ay wala na rin si Jahann nang dumulog ako sa hapag para mag-almusal. Ang sabi ni Daddy ay may dadaanan pa raw kasi si Jahann kaya maagang nagpaalam. Si Aly ang nakasabay kong pumasok sa school noon.
“Okay ka lang?” tanong ni Kol sa akin nang makita niya akong nakaupo sa may bench sa may parking. Tumango naman ako sa kanya. Ipinilig ni Kol ang ulo at saka inilapit ang mukha sa mukha ko. Napakunot naman ang noo ko.
“Anong problema mo?” tanong ko rito.
“Wala naman…” sagot niya pero hindi pa rin inilalayo ang mukha sa akin.
Napatingin ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang sasakyan. Nakita ko si Jahann.
“Jahann, hatid mo ako sa SD,” sabi ni Kol kay Jahann. Tumingin naman si Jahann dito. “May sasakyan ka. Magdrive ka mag-isa mo,” masungit na sabi nito bago sumakay sa sasakyan nito at umalis.
It’s actually the third day… tatlong araw na akong hindi pinapansin o tinitignan ni Jahann. It was as if I don’t exist.
“Based on that, maaayos pa ‘yan…” sabi ni Kol bago ginulo ang buhok ko at naglakad papunta sa sasakyan nito. “Hatid na kita sa inyo?” alok niya. Tumango naman ako rito. Magtetext na lang ako kay Aly na kasabay ko si Kol dahil alam kong may mga dadaanan pa si Aly.
Hanggang sa dumating ang Biyernes ay hindi pa rin ako kinikibo ni Jahann. Damang-dama ko ang pag-iwas niya sa akin. Kapag nakakasalubong ko siya sa school ay tila hindi niya ako nakikita.
“Everything’s ready!” masayang sabi ni Aly habang nakahiga sa may kama ko. “Kahit na late na, okay lang. Ang mahalaga, okay na ang lahat!” sabi niya sa akin.
Tipid akong ngumiti.
“Yeah, everything’s fine…” wala sa loob na sabi ko.
Nilingon ako ni Aly. “Hey, don’t be nervous. Party natin ‘yun,” natatawang sabi ni Aly sa akin. Ngumiti na lang akong muli. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Mas nalulungkot ako dahil sa nangyayari sa amin ni Jahann. Pero hindi ko naman magawang isatinig iyon.
Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe para magpunta sa bahay ni Lola kung saan gaganapin ang party namin. Nakaayos na ang lahat at marami rin namang naroon para mag-ayos.
Bakit ba pakiramdam ko ay parang debut ulit namin ni Aly ang nangyayari?
Dumiretso na kami sa kwarto kung saan kami aayusan ni Aly. Red ang napiling kulay ng damit ni Aly habang purple naman ang sa akin.
“Twin, pupunta si Ian?” tanong ni Aly sa akin habang inaayusan kami.
“Yeah, sinabihan ko siya…” sagot ko naman.
“Ipapakilala mo na siya kina Dad?” pag-uusisa ulit ni Aly. Tumango naman ako. Natural lang naman na ipakilala ko si Ian.
Hanggang sa matapos kaming ayusan, hindi ko nakita ang anino man lang ni Jahann. It’s been a week now.
Namimiss ko na siya.
Nang mag-gabi na ay unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Karamihan sa mga ito ay hindi ko kilala, ang iba naman ay pamilyar ang mga mukha sa akin.
Magkakasabay na dumating si Keij, Theon at Kol na dumiretso naman sa amin kaagad ni Aly.
“Belated happy birthday,” bati ni Keij sa amin ni Aly.
“Regalo ko?” tanong ni Aly dito. Nawala naman ang ngiti sa labi nito. “Wala ka bang pera, kailangan ka pa regaluhan?” tanong ni Keij. Si Aly naman ang napasimangot.
“Next week na. Hindi pa ako nakabili, eh…” sabi ni Keij.
“Yan din sinabi mo last year,” sabi ko naman dito.
Tinignan ako ni Keij.
“Hahanapin ko pala si Jahann…” sabi nito bago naglakad palabas. “Balik ako mamaya…” pahabol nito bago tuluyang umalis na. Napailing na lang kami.
Nakatingin sa akin si Kol habang si Theon ay kausap naman ni Aly. Ngumiti lang ako sa kanya. “You’re really pretty, Cherinna…” mahinang sabi ni Kol.
“Thank you,” sagot ko rito. Naupo si Kol sa may tabi ko.
“He’s not going to show up, is he?” tanong ko kay Kol. He’s going to ditch the party just to avoid me.
“I don’t know,” sagot ni Kol sa akin.
Napayuko ako. “Naiintindihan ko naman siya…”
“Cherinna…” hinawakan ni Kol ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya.
Maya-maya ay may pumasok na isang kasambahay sa loob ng kwarto. “Ma’am Cherinna, Ma’am Alyanna pinapatawag na po kayo ng Lola niyo,” sabi nito. Napatingin naman ako kay Kol.
Tumayo ito at inilahad ang kamay sa akin. “Let’s go?” aya niya sa akin. Si Jahann ang dapat na kasama ko at si Theon ang kay Aly. Ang sabi nga ni Mommy, dapat si Kol at si Keij pero sabi ni Keij, maiba naman daw, si Theon naman. Hindi naman nakapalag si Theon nang sumang-ayon si Lola.
Naunang lumabas si Theon at Aly kaysa sa amin ni Kol.
“Hey, cheer up,” sabi ni Kol sa akin. Pinisil niya ang kamay ko na tila pinalalakas ang loob ko.
I filled my lungs with air.
“Let’s go…” sabi ko sa kanya pero bago pa man kami makalabas sa kwarto ay pumasok naman si Jahann. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya.
“You’re no longer funny, Kol,” seryosong sabi nito kay Kolb ago lumapit sa amin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako kay Jahann.
“Coming from you?” tanong ni Kol dito.
“Hands off,” ani Jahann dito. Binitawan naman ni Kol ang kamay ko. “Bababa na ako,” paalam ni Kol sa amin.
Nilingon ako ni Jahann kaya bigla akong napaiwas ng tingin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
“Creep…”
I looked at him.
“Don’t let go…” hinawakan niya ang kamay ko.
“Don’t let me go…” ulit niya at saka ngumiti sa akin.
This is not good.
But damn, it feels good.